XIII
Chapter 13
Nanlalamig at walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang tumatakbo papasok ng hospital. Hindi ko pa alam ang nangyari dahil hindi ko na magawang tumawag pa at maghintay ng balita sa kanila.
Mabuti na lang din at kasama ko si Elissha, wala na rin kasi ako sa tamang pag-iisip para makapagmaneho. Gusto ko na lang makita si Mommy at mag-sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan.
I can do everything just to save Mommy. Maging okay lang siya gagawin ko talaga lahat para sa kan'ya.
“Tria, calm down. Malakas ang Mommy mo, at alam mo 'yon. Kaya please lang... magdahan-dahan ka baka madulas ka.”
Hindi ko pinansin si Elissha. Nakatuon lang ang atensyon ko patungo sa kung nasaan si Mommy. Lalo na at sabi ng nurse nasa OR daw si Mommy, na hindi ko na rin tinanong kung bakit.
Labis akong kinakabahan sa bawat oras na lumilipas, mas lalo na ngayong nakikita ko na sina Ate Cynth at Ate Aelin na umiiyak hindi kalayuan sa akin.
Nanginginig ang mga tuhod kong huminto at tiningnan ang pinto ng operating room. Kasalukuyan silang nag-a-undergo ng operation na mas lalong nakapagpakaba sa akin.
Napaupo ako sa kinatatayuan ko at mas humagulgol ng iyak. “M-mommy...” I sobbed.
Hindi ko kaya... h-hindi ko kakayanin na mawala si Mommy. I can't live without her. She's been my support and motivation ever since. Handa akong mawala lahat, huwag lang siya.
“Nica... tumayo ka d'yan.” It's Kuya Dione, siya lang kasi ang tumatawag sa akin nang ganoon.
Nag-angat ako nang tingin nang naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. Mas naiiyak ko siyang tiningnan. “K-kuya... kasalanan ko...” I sobbed.
Umiling si Kuya at umupo rin sa harap ko. “No. It's not your fault. Magiging okay din si Mommy, huwag mong sisihin ang sarili mo.” Hinawakan ako ni Kuya Dione sa magkabilang pisngi bago pinahid ang mga luhang tumulo doon. “Tahan na, hindi ka pinalaki ni Mommy na iyakin, remember?”
Napahikbi ako at parang bata na tumango. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong sisihin sa mga nangyari. Alam kong may galit sa akin si Mommy, at baka dahilan iyon ng galit niya kaya siya naaksidente.
Ayokong isipin, pero malaki ang posilidad na iyon nga ang nangyari.
Inalalayan ako ni Kuya Dione at Elissha sa pagtayo. Sabay-sabay kaming lumapit kay na Ate Cynth at Ate Aelin na parehong umiiyak pa rin. Niyakap ko silang dalawa at hindi mapigilang umiyak ulit.
“Mommy's gonna be okay. We know she's strong. Hindi niya tayo iiwan...” rinig kong sabi ni Ate Aelin habang hinahaplos ang likod ko.
Tumango lang ako at hindi magawang makapagsalita. Wala nang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko dahil sa bigat ng mga pangyayari. Akala ko ay magiging maayos din ang lahat, pero hindi pala ganoon kadali.
Bumitaw ako kay na Ate nang naramdaman kong bumukas ang pinto ng operating room. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang Doctor na nanggaling sa loob.
Kaagad na lumapit sina Ate at Kuya kay Doc., habang ako ay nanatiling nakatayo na tila naduduwag sa kung anong maaaring sabihin ng Doctor.
“How's our Mom, Doc.? Is she okay?” sunod-sunod na tanong ni Ate Aelin.
“Successful ang operation, pero hindi pa nagigising ang Mommy niyo.”
Doon pa lang sa sinabi ng Doctor para na naman akong nanghihina. Maagap akong humawak kay Elissha sa tabi ko para suportahan ang sarili ko.
“Oh, ayos ka lang?” si Elissha.
Tumango lang ako at umayos nang tindig. Kailangan kong maging malakas, para kay Mommy. Gaya nang sabi ni Kuya Dione, pinalaki kami ni Mommy na malakas, at hindi agad-agad na sumusuko.
Huminga ako nang malalim bago naglakad loob na magtanong. Mommy's gonna be alright, she need to. Babawi pa ako sa lahat ng pagkukulang ko, at sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan.
“M-magigising naman po si Mommy 'di ba, Doc.?” halos nauutal pero pilit kong nilalakasan ang loob ko. Kahit anong mangyari kailangan kong maging malakas para sa kan'ya. Para kapag nagising siya alam kong magiging proud pa rin siya sa akin sa kabila ng mga nangyari.
Nilingon ako nila Ate at Kuya, maging si Doc. ay tumingin din sa akin. Tiningnan ko siya at pilit na binasa ang nasa isip niya, ngunit nabigo ako. Wala siyang emosyon na pilit tinatago ang katotohanan.
“Hindi ko pa iyan masasagot. We still need to undergo some tests. Maghintay na lang muna tayo ng ilan pang oras at ililipat na rin namin ang Mommy niyo sa recovery room after a couple of minutes. Excuse me.” Tumango ang Doctor at nagpaalam nang umalis.
Nagkatinginan kaming magkakapatid at pilit na ngumiti sa isa't isa. Magiging maaayos din si Mommy, she will be.
Inalalayan ulit ako ni Elissha na makaupo sa upuan malapit sa pinto ng operating room. Parang nanghihina pa rin kasi ako para makapaglakad nang maayos.
“Tatawag muna ako kay Briston, Tria. Diyan ka muna, ha, pahinga ka.”
Nag-angat ako nang tingin at nag-aalalang tiningnan si Elissha. “Uwi ka na muna kaya? Baka gising na si Baby Felix,” ani ko.
Umiling si Elissha. “Hindi na muna. Kaya na ni Briston 'yon. Mag-aanak siya tapos hindi niya magawang alagaan ang anak niya. Hayaan mo siya do'n.”
Bahagya akong napangiti. Kahit pa-paano talaga nagpapasalamat ako at may kaibigan akong tulad ni Elissha. Isa rin talaga siya sa hindi ko kayang iwan at ipagpalit.
“Sige na, tawagan mo na.” Tumango ako at tinaboy siyang gawin na ang gusto niya.
Ngumiti si Elissha bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo. I'm still grateful for having my bestfriend by my side. She's worth the keep.
“Tria, doon muna kami ni Cynth sa cashier para sa room ni Mommy.”
Nilingon ko si Ate Aelin. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. I'm tired, hindi ko na kayang magsalita nang magsalita.
Naramdaman kong umupo naman si Kuya Dione sa tabi ko kaya agad ko siyang nilingon. “Salamat, Kuya.”
Kuya Dione looked at me, confused. “For what?”
“Earlier, I badly need those words.”
Kuya Dione smiled. “No problem.” Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong lang sa hita ko. Bumaba ang tingin ko doon at napangiti na rin. “Kahit palagi akong wala, tatandaan mo na andito lang si Kuya, ha?”
I just nodded and didn't looked back. Wala pala akong dapat na ipag-alala, kung lahat ng taong nasa paligid ko alam kong hindi ako iiwan at pababayaan.
I opened my eyes and leaned on Kuya Dione's shoulder. “I love you, Kuya Dione.”
“I love you too, Nica.”
I slowly closed my eyes and took a deep breathe. Kailangan ko nang maraming lakas kapag nagising na si Mommy, para masabi ko na pakakasalan ko na si Alexander.
I don't want to marry Alexander, but I need to. Dahil iyon lang ang makakapagpasaya kay Mommy. Sana mapatawad niya ako na kailangan pang umabot sa ganito bago ako pumayag.
Naiiyak kong tinitigan si Mommy na nakahiga pa rin sa hospital bed. Five weeks had passed and she's still sleeping.
Sabi ng Doctor, may posibilidad raw na hindi na magising si Mommy dahil sa brain damage na natamo niya sa aksidente. She's in comatose kaya hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon.
Sa limang linggo na hindi paggising ni Mommy, ganoon din katagal ang hindi ko pagtulog nang maayos. Pakiramdam ko'y hihimatayin na lang ako anumang oras sa pagod, pero pilit ko pa rin na nilalakasan ang sarili ko.
Nilingon ko ang pinto nang bigla itong bumukas. Niluwa noon si Elissha kasama ang asawa niya at si... Keeon na nasa likod lang nilang dalawa.
Tumayo ako nilapitan si Elissha para yakapin. “Kumusta ka na? Kumakain ka ba nang maayos?” bungad na tanong sa akin ni Elissha.
I just hummed and hugged Briston after. “How are you?” tanong naman ni Briston.
Tipid lang akong ngumiti bago sila tinalikuran at nagtungo palapit kay Mommy. Hindi ko pinansin si Keeon. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko, dahil paggising ni Mommy totoong matutuloy na talaga ang kasal.
“May progress na ba kay Tita?” Naramdaman ko ang paglapit ni Elissha sa akin at paghawak sa bewang ko. Sinabayan niya ako sa pagtitig kay Mommy.
I shook my head. “Gano'n pa rin, walang exact time o oras ang paggising niya kaya kailangan ko siyang bantayan maigi.”
“Eh, ikaw?” tanong niya na halos pabulong na. “Kumusta ka na?” dagdag niya.
Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. “Okay naman ako, wala lang masyadong tulog.”
“So, bakit may pa-ignore? Hindi pa ba kayo nag-uusap ulit?” usisa pa niya sa pinakamahina niyang boses.
Umiwas ako nang tingin at kumuha ng bimpo para punasan si Mommy. “Wala naman kaming dapat pag-usapan. Gumugulo rin lang ang sitwasyon sa tuwing nag-uusap kami, kaya huwag na lang.”
“Still, you need to talk to him.” Lumapit ulit siya sa akin at mas dumikit. “Nasabi mo na bang magpapakasal ka na kay Alexander?”
Umiling lang ulit ako. “He doesn't need to know.”
“Ano ka ba naman, Tria. Hindi mo 'man lang bigyan kahit konting awa 'yong tao. Umiral na naman 'yang pagiging maldita mo.” Elissha gritted her teeth out of frustration.
“It's not me being maldita, I'm just protecting him.” Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas kay Mommy habang tahimik na nakikipag-usap kay Elissha.
“Ayan ka na naman sa mga dahilan mo, Dimittria. Hindi niya kailangan 'yan, ang kailangan niya katotohanan. Kung hindi mo kayang panindigan 'yang pinasok mo, huwag mo na lang ituloy bago pa mas may masaktan. Ewan ko na lang kung hindi mo 'yan pagsisihan habang buhay. Hmp.” Inirapan niya ako bago nagtungo sa dalawang tahimik nang nakaupo sa likod namin.
Saglit akong napaisip sa mga sinabi niya, pero hindi ito ang tamang oras para doon. Kailangan kong mag-focus muna sa isang bagay, at iyon ang pag-aalaga kay Mommy.
Alam kong pagiging selfish ang ginagawa ko, pero wala na akong choice kun'di gawin na lang ang mas makakabuti. Hindi 'man ito ang tamang gawin, ito naman ang makakapagpasaya kay Mommy. And that's more important right now for me.
“Tria...”
My whole body froze and too fragile to speak and looked back at him. I know it's Keeon, who's now standing right beside me.
I'm shaking. Akala ko kaya ko nang limutin na lang siya ng tuluyan.
“You need help?” he asked.
Lumingon ako sa kabilang side kung saan wala siya at bahagyang tumingala, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala.
Why am I crying? Bakit ba sobrang apektado ako kahit wala pa naman kaming nasisimulan na dalawa? Kung sa stage, parang nasa catch up pa lang kami at getting to know each other after ten years.
Pero ang sakit na... nasasaktan na ako ng sobra.
Siguro dahil umasa ako na may chance kaming dalawa after ten years na hinayaan ko siyang mawala noon. Or siguro dahil tanggap ko na wala na talaga kaming pag-asa na dalawa...
“Tria?”
I cleared my throat and just hummed. “Hmmm?” Binalik ko ang atensyon kay Mommy kahit nanginginig na ako sa kabang nararamdaman dahil sa presensya niya.
“Can we talk?”
Muli na naman akong natigilan, pero sa pagkakataong 'to ay nilingon ko na siya sa hindi ko mawaring dahilan. I was about to speak when I noticed something on his eyes. It's sad and worried.
“W-what do you want? Sabihin mo na.” Umiwas na agad ako nang tingin bago pa niya ako mahalatang nawawala sa sarili dahil sa kan'ya.
Hindi ko talaga siya kayang harapin, nawawala ang lakas ng loob ko at pagiging matapang kong tao.
“Somewhere private sana...”
Kahit nangangatog ang tuhod, patuloy pa rin ako sa pagpunas kay Mommy huwag lang pansinin ang magpaapekto sa presensya ni Keeon.
Wala lang 'yon, hindi 'yon importante.
Paulit-ulit kong paalala sa isip ko.
“I can't, kita mo namang---” agad kong sabi, ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay lumapit na sa amin si Elissha.
“Gora na, Tria! Ako nang bahala kay Tita.” Pinagtulukan niya ako at kinuha ang hawak kong bimpo.
Tumama naman ang mukha ko sa dibdib ni Keeon dahilan para magkatitigan kami. Ilang segundo ang lumipas bago ako lumayo at naunang lumabas ng kwarto. Pinagpapawisan ako kahit malamig naman sa loob.
Humanda ka sa akin mamaya, Elissha. You planned all this.
Tumayo ako sa tabi ng pinto at pinag-crossed ang mga braso ko. Kailangan ko lang naman makinig, wala akong dapat na sabihin. He still doesn't need to know.
“Tria...” muli na naman niyang tawag sa pangalan ko na sobrang sarap sa pakiramdam. Para siyang kanta na gusto ko na lang ulit-ulitin.
Pumikit pa ako para sana pagaanin ang pakiramdam ko gamit ang boses niyang paulit-ulit na nagp-play sa isip ko. Pero ilang saglit lang ay muli na namang akong nagmulat ng mga mata dahil sa sunod niyang mga sinabi.
“I heard you've decided to marry that Alexander? Is it because... I'm still not enough?”
Marahan kong nilingon si Keeon. He already know.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro