Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

X


Chapter 10


Napakurap ako bago natatarantang umupo nang maayos. I may look stupid, but it's already too late to impress him.

“Y-you may take your seat, Mr. Jimenez,” I said formally and pointed out the chair in front of my table.

As long as I'm aware, I need to be professional. He's an investor for now here inside my office, and not that annoying idiot guy outside this building.

Pinatong ko ang hawak kong cellphone sa mesa ko habang pinapanood siyang umupo. Bakit ko nga ba ito hawak?

“I prefer the first name basis you called me the other day.” He smiled then sat down in front of me.

“W-what?” naguguluhang tanong ko.

Anong pinagsasabi niya? Tuwing may sasabihin talaga siya may mga bagay akong hindi naiintindihan. Para siyang alien na may sariling mundo.

“Nevermind.” Napawi ang ngiti niya at umiwas nang tingin na parang nadismaya sa ginawa ko.

Ayan na naman po siya. Konting kibot ko parang palagi na lang mali para sa kan'ya. I just asked him.

“Okay,” I said, and ignored what he's saying. Hinanda ko na rin agad ang sarili ko para sa konting introduction katulad ng ginagawa ko sa mga bago naming investor. “So, in behalf of our growing company. I would like to express my gratitude for choosing our company and...” Natigilan ako nang biglang magtama ang mga mata namin.

Ito na nga ba ang kitatakutan ko sa lahat nang posibleng mangyari... ang masilayan muli ang lalaking nakita ko ten years ago. He looks so innocent that I didn't recognize him at all.

This freaking heart is running out of control...

“And?”

Napakurap ako at bahagyang umawang ang labi. “Oh... that...“ I mouthed na parang nawawala sa sarili. Ano nga ulit 'yon?

Tria, umayos ka! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo. Hindi 'yan santo para lumipad ang isip mo.

“Tria, are you okay?”

Mas lalo pa akong naguluhan dahil sa tanong na 'yon. Of course, I'm always fine... before, noong wala ka pa.

Napalunok ako bago nagsalita. “I am.” Umiwas ako nang tingin at naghanap ng p'wedeng palusot para matapos na itong usapan namin.

Hindi ko na talaga kakayanin na manatili dito kasama siya kahit na ilang segundo pa. Bawat oras kasi na lumilipas, parang mas lalo akong tinatraydor ng puso ko.

Bumaba ang tingin ko sa mesa at nakita doon ang cellphone ko. “Sh*t.” Dinampot ko ito agad at tiningnan ang screen nito. She didn't hung up the phone...

Nang dahil sa takot at pagkataranta, pinindot ko ang end call at saka ito muling ibinalik sa mesa. She heard everything... and I'm sure of that.

“Tria? Bakit?”

Napaangat ako nang tingin nang hindi pa rin nakaka-move on sa nangyayari. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko, at hindi ko p'wede itago na talagang kinahabahan ako at natatakot sa mga posibleng mangyari.

Hindi ako dapat makampante, dahil kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, hindi pa rin mawawala sa sarili ko na siya pa rin si Dimittri Tianzon - Solidad, the most powerful woman I know.

She's my mother, but it doesn't mean she'll forget and ignored everything.

“Ahm...” Paghahanap ko nang tamang sasabihin. “You want coffee?” natatarantang tanong ko at saka tumayo. Baka sakaling maabawasan kahit konti ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko. Wala na akong ibang maisip... wala na talaga.

“N-no. Wait. Where are you going?” rinig kong sabi niya. Hindi ko siya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa pinto nang bigla niya naman akong harangin. Huminto ako at tiningnan lang siya. Tiningnan niya lang din ako mula sa mga mata na parang may gustong sabihin.

Kung hindi lang siguro ako problemado kay Mommy, baka kung ano na naman ang mga nasabi ko sa kan'ya. Ayokong sayangin ang lahat ng lakas ko para lang awayin siya dahil may mas importante akong pinaglalaanan no'n.

Ilang segundo pa ang lumipas na nanatili kaming ganoon hanggang sa ako na mismo ang pumutol ng pagtititigan namin.

“Kukuha muna ako ng kape,” pagdadahilan ko para makatakas. Nilagpasan ko siya at iniwasan nang tingin.

Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng opisina, naramdaman ko na agad ang paghawak niya sa kamay ko. Hinila niya ako dahilan para muli kaming magkaharap.

Hindi ako makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. Nakatingin lang ako kay Keeon nang muli naman niya akong hilahin palapit sa kan'ya.

H-he hugged me... tightly.

Hindi ako makagalaw, hindi dahil sa higpit nang pagkakayakap niya, kun'di dahil sa gumagaang pakiramdam na dulot nito sa akin.

Am I flying? 'Cause it feels like I'm flying.

Parang ayoko na lang bumitaw. Bakit gano'n... malayong-malayo ito sa yakap na natatanggap ko mula sa pamilya ko. Hugging him makes me feel more like home.

“Just hug me, Tria. Hug me when you're sad and lonely. Hug me when you're feeling down, and when the world didn't recognize your sacrifices. Just hug me whenever you need a warmth hug, Tria. Hug me...”

Hindi ko alam pero nang dahil sa mga sinabi niya kusang gumalaw ang mga kamay ko at ipinulupot ito sa katawan niya. I hugged him back. I haven't recognized this feeling ever since. It feels like new and surreal.

I stayed in my position and feel his heartbeat secretly. Ayokong maging assuming, pero pakiramdam ko mabilis ang bawat pagtibok ng puso niya. Tao rin naman ako, at alam kong hindi ito ang normal rate ng heartbeat niya.

Ito na ba ang oras para bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kan'ya?

Marahan kong inangat ang mga kamay ko sa likod niya. Ngunit imbis na mapalayo mas hinapit niya pa ako palapit sa kan'ya dahilan para bumalik ang mga kamay ko sa kaninang pwesto at mas magkadikit kaming dalawa.

“Konting minuto pa... matagal ko ring hinintay ang pagkakataong 'to.”

What?

I want to ask him again, but I can't utter any word. I didn't heard him. Para na talaga akong nabibingi at napipipi sa mga nangyayari.

Napatanong na lang ako sa isip ko kung ano iyong mga sinabi niya. Hindi ko kasi siya marinig dahil halos tibok na lamang ng puso niya ang naririnig ko. Aware naman akong may sinabi siya, hindi ko lang maintindihan dahil halos pabulong na rin iyon.

“And that's what you're doing, Tria, ha?!”

I immediately let go of Keeon’s hug because of the familiar voice that I heard.

“M-mommy...”

Ito na... ito na ang pinakatatakutan kong araw. Mula sa mga ngiti na gusto kong palaging nakikita sa mga labi niya, unti-unti na itong naglalaho.

She looked disappointed looking at me. “Kaya ba ayaw mo kay Alexander dahil sa lalaking 'yan?” Nilingon niya si Keeon at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. “What's his name again?” muli niyang tanong bago ibinalik ang tingin sa akin.

“Mommy,” mahinang boses na sabi ko. “We're not---”

She cut me off. “Just answer my question, Tria. Sino ang lalaking 'yan?” kalmado ngunit bakas ang pagkairita sa boses niya.

“Keeon Jimenez po.”

Sabay kaming napalingon ni Mommy kay Keeon nang siya na ang nagpakilala sa sarili niya. He's offering for a shake hands na tiningnan lang ni Mommy.

“I'm not asking you.” Mom blurted then looked back at me.

“Tria, baka gusto mong magpaliwanag? Akala ko ba ay matalino ka?”

My knees are shaking. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuguho ang mundo ko sa mga naririnig at nakikita ko. Ngayon ko lang nakita si Mommy na ganito --- malungkot at dismayado.

Mahigpit akong napahawak sa suot kong dress habang naghahanap ng tamang sasabihin. Napatitig pa ako sa sarili ko nang nakita ko ang aking sarili sa reflection na galing sa portrait na nasa likod ni Mommy. I look pale and distress.

“Ma'am, I don't want to be rude po sana, but... I think you're not in a position to say those words. She's your daughter, where you should be the first person to understand her.”

Napalingon ako bigla kay Keeon nang muli na naman siyang magsalita. Ayokong magpasalamat sa mga sinabi niya dahil sigurado akong mas lalo lamang gugulo ang sitwasyon.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong nilingon at kininditan, tila walang takot na nararamdaman. Nilingon niya ulit si Mommy na sinundan ko rin nang tingin.

Kung kanina ay kalmado at nagtitimpi pa siya, ngayon ay kitang-kita ko na ang inis sa pinta ng mukha ni Mommy. He probably pulled the trigger now.

“Did someone asking for you opinion?” Her eyebrow arched as she crossed her arms. “May I know your name again?” she added.

“Keeon Jimenez po, Ma'am.”

“Jimenez?” pag-uulit niya. “Sinong mga magulang mo?”

Nilingon ko si Keeon. Katulad ni Mommy --- naabutan ko na lang ang sarili kong naghihintay nang sagot niya.

“Anak po ako sa labas, if that's what you want to hear.”

“Tria!”

Maagap akong napalingon kay Mommy sa sigaw niya. Nakatingin na siya sa akin, galit na galit.

“Iyan ba ang pinagmamalaki mo?! Anak pa talaga sa labas?! Hindi kita pinalaking tanga, Tria. Nakakahiya ka.” Umiwas siya nang tingin at saka hinilot ang sariling sintido.

Mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko'y konting masasakit na salita na lamang ay guguho nang tuluyan ang mundo ko.

“That's actually offensive, Ma'am. Naturingan pa naman po kayong edukadang tao pero kahit konting respeto wala kayo.”

Bumalik ang tingin ko kay Keeon. Seryoso lang siyang nakatingin kay Mommy na parang kahit konting takot ay hindi siya dinadapuan. At ang mga mata niyang kahit hindi nagsasalita --- sumisigaw naman ito nang respeto sa nanay ko.

Mas lalo akong humanga sa lalaking nasa harapan ko ngayon. But... at this point, I realized that... he deserve someone better --- na kaya siyang ipaglaban.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro