VIII
Chapter 8
Umuwi na si Elissha at naiwan ako kasama ang tambak na mga papel na pipirmahan ko. Maling desisyon talaga na tawagin ang babaeng 'yon, hindi rin naman niya ako natulungan. Well, in fact, mas lalo lang nadagdagan ang mga iniisip ko.
Pabagsak kong itinabi ang papel na katatapos ko lang pirmahan, separate sa kalahating dangkal na mga papel na pipirmahan ko pa. Pabagsak akong sumandan sa swivel chair ko. Mukhang hindi ko na ito matatapos.
Iniangat ko ang aking tingin sa wall clock sa harap ko. I think Iʼll leave at exactly five oʼclock, at may bente minutos pa ako para manatili, or should I say mag-isip.
Muli kong inalala ang mga nangyari sa elevator. I suddenly looked down at my hand. Tiningnan niya ito bago ako pinagsalitaan nang masama. What did I do to off ---
“No! Nakita niya ako kanina?!” Itinaas ko ang kamay kong may wrist watch at tinitigan ito sa ere.
Don't tell me, heʼs staring at me without my knowledge? Eʼdi siya naman pala itong may kasalanan. Masyado siyang assuming para maging lalaki.
Nakakainis. Ako pa ang nagmukhang masama, wala naman akong ginagawa. Pasalamat talaga siya timing ang elevator. Bwisit!
“Miss?”
Agad kong ibinaba ang kamay ko at natatarantang tiningnan si Lira. Mukha tuloy akong tanga.
“Yes?” I asked, umayos nang upo.
“Tumawag po kasi si Madame,” aniya at tuluyang pumasok ng office ko. “May dinner daw po kayo mamayang six. Magbihis daw po kayo ng pinakamahal na dress,” dagdag pa niya.
Nangunot ang noo ko sa huli niyang mga sinabi. “Bakit daw? May okasyon ba?”
Lira shrugged. “Wala pong sinabi. Magkita na lang daw po kayo sa Amare il cibo. Naka-reserve na raw po ang table niyo by her name,” she explained airily.
Tumango na lang ako at sinenyasan siyang lumabas na muna. May hindi kasi ako nagugustuhan sa nangyayari. Pakiramdam koʼy may ibang pinaplano si Mommy kaya niya ako pinagbibihis ng gano'n.
All of my dress and things are branded and expensive, thatʼs why she doesn't need to remaind me 'cause I know exactly what to do. Sheʼs too suspicious.
Habang nagmamaneho pauwi, hindi pa rin nawawala ang pagdadalawang isip ko sa dinner. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba ako o hindi.
Ayoko namang paasahin si Mommy kung sakali, natatakot rin namam akong tawagan siya at kumpirmahin kung totoo ba ang dinner. Magmumukha pang sinungaling si Lira dahil sa kabaliwan ko.
Tinigil ko ang pagmamaneho nang nasa kanto na ako paliko sa subdivision.
“Nasa condo ang dress ko...” bulong ko, naalala ang dress na balak kong suotin sa dinner.
Para akong nanlumo sa sitwasyong tinatayuan ko ngayon. Hindi dahil kailangan kong bumalik ulit, kun'di ang ideyang baka magkita ulit kami ni Keeon doon.
Lahat ng dress ko nasa condo, dahil 'yon ang pinakamalapit kumpara sa bahay ko. Hindi kasi maiiwasan na may mga important occasion na kailangan kong puntahan, and in my case na busy sa trabaho kailangan ko nang convenient way, na mukhang dapat ko nang baguhin. Or should I sell my condo instead?
Napabuntong hininga na lang ako at niliko ang kotse. Wala na akong choice. Ilang minuto na lang kailangan ko nang pumunta ng resto, ayaw na ayaw pa naman ni Mommy nang pinaghihintay.
Para akong lumulutang sa kaba nang iginarahe ko ang kotse sa parking lot. I wasnʼt so sure about my feelings. Pakiramdam ko'y anumang oras lalamunin na ako ng lupa.
Huminga ako nang malalim. “Tria, chill. Inhale. Exhale.” Pagpapakalma ko sa sarili. “He's not worth it, okay? Isa lang siyang malaking sagabal sa binubuo mong mga plano.” Tumango-tango ako, sinasang-ayunan ang mga sinabi.
I donʼt care if I look crazy, kaysa naman magmukha akong tanga sa harap niya. Never again.
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng kotse. I looked around to see if he's --- nevermind. Bakit ko ba siya hahanapin? Tsk.
Dumiretso na lang ako sa elevator at hinayaang mangayari ang dapat na mangyari. Wala na rin naman akong magagawa doon. Iʼm not God, but Iʼm the Goddess of beauty.
Napairap na lang ako sa ere at confident na naghintay sa pagbubukas ng elevator. I'm born to be ready. Always.
Ngumiti ako at hinanda ang sarili ko nang nakitang malapit na itong bumukas. Wala kahit sinong kinakatakutan ang isang Tria Solidad. Sila ang dapat matakot sa'kin, 'cause Iʼm a ---
“Sh*t.” Napaurong ako at saglit na napakurap nang bumukas ang pinto ng elevator. Halos tumalon din ang puso ko sa gulat.
Bakit sa lahat nang oras ngayon pa? Malapit na akong maghinala, ah. Bakit sa tuwing nandito ako sa labas nagkakataon palagi na nasa labas din siya? Hmm...
I cleared my throat first bago ako umayos nang tindig. Hindi ko dapat ipahalatang apektado ako sa presensya niya. Hindi na.
I averted my eyes and went inside at the back. I didn't bother to start a conversation, I just waited him to step outside.
Tagal...
Napagpasyahan kong tingnan siya nang ilang minuto pa ang lumipas na nanatili siyang nakatayo sa puwesto niya. Nasa may bandang unahan siya malapit sa pinto kaya hindi na niya ako makikita. Bumaba naman ang tingin ko nang nagtataka kung bakit hindi pa rin sumasarado ang pinto ng elevator. Ilang minuto na rin kasi ang lumipas.
My eyebrow arched as I saw what heʼs doing. His foot prevents the door from closing. Ano naman kaya ang pakana niya ngayon?
“If you stay that way the door wonʼt close,” I stated, looking at his foot.
“Exactly what I wanted.”
Umangat ako tingin ko sa naging sagot niya. Talaga bang sinisira niya ang araw ko? Kung ayaw niya sa akin, sana ay umiwas na lang siya, hindi iyong kung anu-anong ginagawa niya para inisin ako.
“Hindi ako nakikipagbiruan, Keeon. Lumabas ka na kung wala ka namang magandang gagawin,” I said in disgust before I looked away.
I sigh. Heʼs really something.
“That's the first time...” I heard him whispered.
Bumalik ang tingin ko kay Keeon, ngunit bago 'yon ay dinapuan agad ako nang mabilis na pagpintig ng puso ko. Nakaharap na rin siya sa akin habang tuluyan nang sumasarado ang pinto sa likod niya.
All I can see now is him, standing in front of me, alluring.
He just stared at me straight in the eyes. I canʼt utter any word because of what heʼs trying to prove.
Akala ko ba ay hindi ka magpapaapekto, Tria? Tinitigan ka lang nanlalambot ka na naman.
Kaya bago pa ako maging isang kahihiyan, umurong na agad ako at humakbang patalikod. “Too close...” bulong ko habang umiiwas nang tingin.
Until now, hindi ko pa rin siya kayang tingnan sa mga mata. Makasama pa nga lang siya sa isang kwarto hindi na ako mapakali, lalo na siguro kung makikipagtitigan pa ako sa kanʼya.
“Not yet, Tria. Not yet...” he said, calmly.
Hindi ko siya naintindihan. Anong not yet?
Bumalik ang tingin ko sa kanʼya at naabutang hindi na siya nakatingin sa akin. Heʼs now busy pressing the elevator panel buttons. Bababa na ba siya? Wala pa naman kami sa floor namin.
Nanatili ang mga mata ko sa kanʼya at pinanood siyang mabuti. Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa not yet na 'yon at kailangan pa akong pag-isipan?
Sana ay hindi na lang siya nagsasalita kung wala namang sense ang lahat ng mga sasabihin niya. Nakakainis lang, alam niya ba 'yon?
Umangat ang tingin ko sa led screen sa itaas nang bigla kaming huminto at bumukas ang pinto ng elevator. Nasa 39th floor pa lang kami.
Lumipat na ba siya ng condo unit?
Bumaba ang tingin ko na naging dahilan para maabutan kong nakatingin na pala siya sa akin. Nasa labas na siya ng elevator, ngunit ang buong atensyon niya ay naiwan sa akin.
“Iʼm glad... I made the right choice...” Ngumiti siya hanggang sa tuluyan nang nagsarado ang pinto.
Natulala na lang ako at naiwang mag-isa sa loob ng elevator. He smiled... he smiled at me like I did something great.
Heʼs too unpredictable, and that is why I think my feelings are valid. Kanina ay galit na galit siya sa akin, tapos ngayon ngingitian niya na lang ako na parang walang nangyari?
Naikuyom ko ang mga palad ko sa inis. Hindi ko naman hinihiling na kausapin niya ako or what. Ang sa akin lang sana, kung ayaw niya sa presensya ko 'wag niya na lang ako pansinin at kausapin.
“And please, sana 'wag niya na lang akong ngitian.” Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari kanina. That smile... heʼs too ---
Maagap akong nagbukas ng mga mata nang narealize ko ang ginagawa kong katangahan. Hindi ako 'yon, dahil Hindi mo gawaing magpantasya, Tria, okay? Stop acting like an aggressive woman. Nakakadiri.
Tinapon ko ang dala kong bag sa sofa bago humilata doon. Tinatamad na ako lumabas ulit at baka may makasalubong na naman akong masamang elemento.
Tatawagan ko na lang siguro si Mommy na baka hindi na ako makapunta sa dinner. Idadahilan ko na lang na may emergency o hindi kaya ay sasabihin kong pagod ako. Pwede naman sigurong ipagpabukas na lang namin 'yon.
I closed my eyes for the mean time. Honestly, I'm tired. I didn't do much today, but my mind screamed for some rest.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro