Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IX


Chapter 9


“Nakakahiya kay Alexander, Tria. Bakit hindi ka sumipot? Hindi ka 'man lang nagtext o tumawag.”

Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang sermon ni Mommy. Sa halip na matakot, tahimik pa akong nagpapasalamat na hindi ako pumunta kagabi sa dinner. Kaya pala pakiramdam ko may ibang mangyayari, 'yon pala may iba siyang pinaplano.

Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano siya patatahimikin at pakakalmahin. Sigurado kasi akong magtatagal ang galit niya sa akin.

Tuluyan na kasi akong nakatulog kagabi sa sofa matapos kong pumikit. Hindi na rin nga ako nakapag-shower o magpalit 'man lang ng pangtulog.

“Tria, nakikinig ka ba?” Naramdaman ko ang pag-upo ni Mommy sa tabi ko na kanina pa nakatayo habang nagsesermon.

Napaangat ako nang tingin, pero hindi ako tumingin sa kan'ya nang diretso.“I forgot to call you dahil po sa pagod. I actually didn't realize po that I had fallen asleep when laid on the sofa.”

“Nakakahiya kay Alexander...” Nakita ko ang paghilot niya sa kan'yang sintido bago sumandal sa sofa. “He's a good guy pa naman,” dismayadong dagdag niya.

Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kan'ya sa pagsandal. “It's alright, Mommy. Hindi lang naman po siya ang lalaki sa mundo.” Nilingon ko si Mommy at tipid na ngumiti. “There's someone out there who's way more better and worth it,” pagpapagaan ko nang loob niya. Kailangan ko ito bago pa siya masiraan ng ulo sa kakaisip.

Ibinaba ni Mommy ang kamay niya na nanggaling sa sintido bago tumingin sa akin, nag-aalala. Bumaba naman ang tingin ko nang patungo pala ang kamay ni Mommy sa kamay kong nakapatong lang sa hita ko. Mahigpit niya itong hinawakan, tila ayaw nang bitawan.

“I know... I know...” malumanay na sabi ni Mommy. “Natatakot lang ako na baka matulad ka sa Ate Cynthia mo. Ayokong pagdaanan mo ang mga naranasan niya dahil lang sa maling lalaki. Kaya hangga't maaari sana, gusto kitang tulungan habang nandito pa ako sa tabi mo. You're not any younger, Tria... we're getting older.”

Nanatili ang mga mata ko sa kamay namin ni Mommy. Doon pa lang sa paghawak niya sa akin, ramdam na ramdam ko na kung gaano siya nag-aalala. I may not be the best version of myself, at least I have the best mother in the world.

“As long as you're here...” Tinaas ko ang libreng kamay ko sa may bandang dibdib bago nag-angat nang tingin kay Mommy. “Hindi mo kailangang mag-alala sa'kin, Mommy. I have the best teacher... I have the best mother.” Ngumiti ako, pinipigalan ang pag-iyak.

She smiled back, where in fact, she's holding her tears too. “I'm really grateful for having you and your siblings. I have the best children too.” Hinila ako ni Mommy para yakapin.

Napayakap na lang din ako kahit sobrang pigil na pigil na ang mga luha ko. Pakiramdam ko tuloy, anumang oras babagsak na lang ito nang walang pahintulot.

“So... you're giving him now a chance?”

Napabitaw ako sa pagkakayakap. Naguguluhan kong tiningnan si Mommy. “Mommy...” I utter, disappointed.

“Please? Kahit ngayon lang... pagbigyan mo muna ako na kilalanin mo si Alexander. He's a great guy, I promise.” She smiled brightly. Muli rin niya akong hinawakan sa kamay, pero sa pagkakataong ito, dalawang kamay ko na ang hawak niya.

Saglit akong napaisip sa mga sinabi niya. She's begging for that guy... and there's nothing I can do to stop her. After all, it's her happiness that I wanted.

“Sige, Mommy.” I fake a smile. Susubukan ko lang naman, no feelings attached.

Nakita ko ang pagbabago sa mga ngiti niya, kung paano ito kumurba ng mas malaki. “Salamat, Tria. Hindi lang ako ang napasaya mo, sigurado akong pati si Alexander magiging masaya sa ibabalita ko.”

Parang kinurot ang puso ko sa ideyang mas importante para sa kan'ya ang kasiyahan ng ibang tao. Gusto ko lang naman pasayahin siya, pero bakit hindi na ganoon ang nangyayari?

Pilit na lang ako ngumiti at tumango. Ngayon lang 'to, Tria. Isang beses lang kayong magkikita.

Bumalik ako sa office na hindi maipinta ang aking nararamdaman. Gusto kong mainis at magalit, pero wala naman akong magagawa dahil sa simula pa lang, ito na ang gusto ko mangyari.

Itinuon ko na lamang ang oras ko sa mga kailangan kong gawin kaysa isipin ang patong-patong kong mga problema. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano lulusutan ang mga iyon. Mas mabuti na 'yong may nagagawa ako kaysa mag-isip na naman maghapon.

I ordered coffee to boost some of my energy. Nowadays, kape na lang talaga ang nakakapitan ko para magkaroon nang lakas araw-araw. Pakiramdam ko kasi, ngayon ako binabawian nang kung anu-anong problema, o baka karma ko na ito sa lahat ng lalaking pinahiya at pinahirapan ko noon.

Omayghad! 'Wag naman sana.

“Miss Solidad...”

Napaangat ako nang tingin sa mahinang tawag sa akin ni Lira. Diretso ang tingin niya sa akin na parang may importanteng sasabihin.

“Yes?” I asked.

“Nasa labas na po 'yong investor from Jimenez Trading and Construction Company. And he wanted to speak with you raw po.”

Para akong napalunok nang holen sa mga narinig ko. Hindi naman ako bingi pero gusto kong marinig ulit ang mga sinabi niya at baka nagkakamali lamang ako.

“Sino nga ulit 'yon?” Tumaas pang bahagya ang isang kilay ko na kunwaring nag-iisip kung sino nga ba iyong tinutukoy niya. Hindi naman masamang manigurado.

She slightly opened her lips. “Keeon Yvan Jimenez po?” she said with her confused expression.

Mas lalo akong pinutakte ng kaba sa pagkumpirmang siya nga iyong naiisip ko. Hindi naman ako dapat maging ganito dahil noon pa lang alam ko na kung paano ilugar ang personal na issue sa trabaho.

Pero bakit hindi ko mapigilang tumakbo na lang kaysa harapin si Keeon? I'm a professional business woman, but why am I acting like a coward because of that idiot guy?

“Papapasukin ko po ba dito, Miss Solidad? O, sa conference room na lang po?”

Napabalik ako sa realidad nang muling magsalita si Lira. Naabutan ko siyang nag-aabang sa magiging sagot ko kaya mas lalo akong kinabahan sa mga posibleng lalabasa sa bibig ko.

Minsan kasi hindi ko namamalayang iba na pala ang tumatakbo sa isip ko sa mga sinasabi ko. Traydor din kasi itong bibig ko, madalas.

I took a deep breathe and pursed my lips.

What should I do?

Sa lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, hindi ko na alam kung paano siya haharapin. Lalo na ngayong pakiramdam ko bumabalik ang pagkagusto ko sa kan'ya.

“Let him in---” Napatikom agad ako nang bibig nang narinig ko ang mga sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba.

Maagap namang ngumiti si Lira sabay tango. Tinalikuran din niya ako dahilan para maalerto ako. Hindi pa ako handa!

Tatawagin ko na sana si Lira nang bigla namang tumunog ang cellphone ko sa mesa. Napatingin ako doon at nakitang si Mommy ang tumatawag.

Mariin akong napapikit at pabagsak na sumandal sa swivel chair ko. Wrong timing. Ayaw pa naman noon na hindi sinasagot ang kan'yang tawag.

Huminga muna ulit ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag.

“Hello, Mommy?” I answered.

Naririnig ko ang bawat paghinga ni Mommy mula sa kabilang linya. And that made me more nervous.

“I already set you a dinner with Alexander, Tria.” She answered back without saying hi o hello 'man lang.

I knew it. Kaya gano'n na lamang ako kutuban sa bawat paghinga niya.

I faked a smile even though she doesn't see me. “When is it, Mommy?” tanong ko na kunwaring interado sa mga sinabi niya.

“Tonight. Same place.”

What?!

Agad akong naghagilap ng sasabihin nang hindi ko inaaasahang sagot ang nakuha ko. I saw Keeon standing right in front of me, staring.

Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at nakipagsukatan nang tingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung magugulat ba ako na makita siya, o magagalit dahil bigla na lamang siyang pumapasok sa opisina ko. Maybe he doesn't know the word privacy.

Ten years ago... I tried to stop myself from liking him. I tried to stop myself from liking the first person I care about. He's not smart like the others, but he's different among them.

Mahirap makipagsipalaran dahil araw-araw kong pinapaalala na hindi p'wede. Pero kailangan kong maka-graduate with flying colors noong mga panahong 'yon, kaya pilit kong iniiwasan na magkaroon ng kahit anong distraction sa pag-aaral... lalo na sa mga lalaki.

And this time, I'm still trying... 'cause I know liking him won't make her smile.

Liking him is too risky.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro