IV
Chapter 4
"Mommy..." mahinang tawag ko.
Hindi niya ako nilingon, pero alam kong nakikinig siya sa akin. Naisipan ko kasing bisitahin si Mommy dito sa bahay.
Pagkatapos ng mga pangyayari doon sa conference room noong nakaraang araw, ngayon lang ako naglakas loob na kausapin siya. Wrong timing nga lang ako dahil busy siya sa pag-be-bake kasama si Lucia and Lily, Kuya Dione's daughters.
Hinintay ko rin muna na umalis ang dalawa bago ko kausapin si Mama.
I took a deep breathe before having the courage to speak again. "M-mommy, p'wede po ba kitang makausap?" I asked, stuttering obviously.
"Hm, yes. What is it, honey?" She glimpsed at me for a second and genuinely smiled.
Mas lalo akong kinabahan sa naging sagot ni Mommy at ang pagngiti niya sa akin. Ibis sabihin lang kasi no'n, masaya siya, at ayokong masira 'yon dahil lang sa gagawin ko.
"Can you hand me the wipes, Tria." Ibinaba ko ang tingin ko nang makitang inilahad ni Mommy ang kan'yang palad sa harap ko. Nagmadali ko namang kinuha ang wipes bago ito binigay kay Mommy na busy pa rin sa pag-aayos ng niluluto nila.
Pinanood ko lang siyang mabuti hanggang sa naalala ko iyong mga pangako ko noon --- na pananatilihin ko siyang masaya kahit kapalit 'man noon ang sarili kong kasiyahan. 'Cause her smile has been my strength ever since.
"Ano nga ulit 'yon, Tria?" ani Mommy at tumingin sa akin.
Pilit akong ngumiti at umiling. "Ah, wala po. May hindi lang po ako naintindihan doon sa ano---" Tumingin ako saglit sa cupcakes sa harap bago muling ibinalik ang tingin kay Mommy. "Doon po sa niluluto niyo. Hindi ko po kasi nasundan 'yong procedure," pagdadahilan ko sabay ngisi.
I can’t afford to destroy her smile.
Ngumiti si Mommy at napatingin sa ginagawa niya. "Ano ka ba, p'wede ko namang ibigay sa'yo ang recipe. I'll message you later," aniya at inabot sa akin ang isang cupcake.
Napangiti na lang din ako. "Thank you, Mommy."
Sa ganitong sitwasyon at pagkakataon na alam kong masaya si Mommy, mas lalo akong pinanghihinaan nang loob na kausapin siya tungkol sa mga bagay-bagay na iniisip ko. Lalo na't patungkol sa alam kong magiging dahilan nang pagkasira ng mga ngiti niya. I can wait, but my Mother's happiness can't.
Pinanood ko lang si Mommy at ang mga pamangkin ko na masayang tinitikman ang kanilang mga niluto. Totoong masarap ang mga cupcakes at cookies. P'wede na nga silang magtayo ng pastry shop sa sarap.
I am glad that Mommy find her way to spend her time, after she decided to quit and handed us the responsibility in the company. She just spends her time cooking and taking care of her grandchildren. And that's her happiness for not a long time.
Napagpasyahan kong magpaalam na rin matapos kong maalala na bibisitahin ko pa pala si Elissha sa bahay nila. It's Saturday, and I have a long day to be annoyed with her. Kung hindi lang talaga ako nangako na pupunta mas gugustuhin kong manatili dito sa bahay. Mayamaya kasi ay babalik na rin si Kuya Dione kasama si Ate Kali, asawa niya, galing sa Doctor.
Nagpa-test kasi sila dahil feeling nila ay buntis si Ate Kali, at kaya rin naiwan ang dalawang batang makulit dito sa Lola nila.
When I was about to tell Mommy that I needed to leave, she suddenly grabbed my arm so I stopped. I waited her to talk, 'cause her eyes were telling something important that excites her.
"Nag-usap ba ulit kayo ni Alexander after?" nasasabik niyang tanong sa akin na ikinagulat ko.
And that's what excites her? Unbelievable.
Akala ko naman ay kung ano ang sasabihin niya. Pero sa laki ng ngiti ni Mommy, expected na rin na gano'n ang mangyayari. Hindi kasi nagkakalayo noong kausap niya si Alexander.
Umiling ako. "Wala naman po kaming dapat na pag-usapan," sagot ko.
Mabuti na rin pala at inopen niya ang topic, dahil hindi ko na po-problemahin si Alexander. Hindi niya deserve ang oras ko.
"Yes, you have." Ngumiti si Mommy at halatang excited na humarap sa akin. Hinawakan niya rin ang parehong kamay ko na nakapatong sa magkadikit kong tuhod bago ito itinaas at masayang ipinagpatuloy ang sasabihin. "I think he's the one we're looking for," she added.
"Looking for? What do you mean, Mommy?" naguguluhang tanong ko.
Hindi nawala ang ngiti ni Mommy, pero ibinaba na niya ulit ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng tuhod ko. Her energy didn't change, but her excitement even go higher.
"Your husband, Tria. I think he's the one you're waiting for..."
Tila nag-echo sa buong bahay ang mga sinabi ni Mommy. He's the one --- what?!
I didn't expect this will happen. Kaya pala gano'n na lamang niya intindihin si Alexander noong nakaraang araw --- may binabalak na pala siyang ipakasal ako sa lalaking 'yon.
No way!
Ayoko sa lalaking 'yon. He looks perfect, but his attitude won't match. Okay naman siya noong nakausap ko, hindi ko lang talaga gusto na bukang-bibig niya palagi ay pera.
Mayaman din ako at successful, pero hindi ko isisingit sa usapan na bumili ako ng 5.5 million sports car dahil lang gusto ko at nasa uso. Like, duh! I can also buy that, 100x, but I will never brag about that.
"Ano nga ulit ang sabi ni Tita?" natatawang pag-uulit ni Elissha.
"Kapag hindi ka tumigil d'yan itatapon ko sa'yo 'tong tubig!" iritableng sabi ko habang hawak-hawak ang baso na may tubig.
Tumawa lang siya nang nang-aasar. Matapos ko kasing ikwento sa kan'ya ten minutes ago ang mga nangyari kanina sa bahay, gusto pa ulit niyang pag-usapan para lang asarin ako. Kaya isang malaking pagkakamali talaga na nagkwento ako.
"Ano ba kasing sinagot mo? Did you agree?" Katulad ni Mommy, mukha rin siyang excited sa mga nangyayari. Bwisit!
"Of course---" I paused. Iyon na nga ang problema, I can't ruin her happiness. I pursed my lips slightly. "Hindi nga ako nakasagot," I continued, disappointed.
Muli siyang tumawa. "Pumayag ka na lang kasi. Ayaw mo no'n, si Tita na ang gumagalaw ng baso para sa'yo."
Marahas akong tumayo at masamang-masama ang loob na tiningnan siya. "Manahimik ka na nga! Ayokong magpakasal sa lalaking mukhang jejemon!" sigaw ko at padabog na tumalikod para sana magtungo sa kusina at mag-refill ng tubig nang nahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Keeon kasama si Briston.
Omg!
Mabilis akong tumalikod at hinarap muli si Elissha. I gulped as I sat back again.
"Oh, bakit ka buma --- Owww... look who's here." Her annoying smile flashed again.
Tumayo si Elissha para salubungin ang asawa niya, ngunit ang mga mata niya ay nanatili sa akin para mang-asar. Sarap tusukin!
"Babe, ang aga niyo yata?" rinig kong sabi ni Elissha.
Hindi ko sila nilingon. Ayokong ipagkanulo ang sarili ko sa kaibigan kong sugo ng kalokohan.
Napainom na lang ako sa natitirang tubig ng basong hawak ko. I need to calm down. Ayokong mapansin pa ako ni Elissha at muling asarin. Kota na ako sa buong maghapon na sakit ng ulo.
I behaved myself and stayed silent. Unti I realize something... why do I look tense? Well in fact, I don't give a damn if he's here. We're strangers, right?
I heave a sigh. Stay normal, Tria. You're an expensive woman.
"Keeon," rinig kong sabi ni Elissha. "Remember my friend? Tria," dagdag pa niya kaya napalingon ako.
I cursed to myself multiple times to my sudden action. Mukhang hindi kasi magandang idea ang paglingon ko. Naabutan ko lang naman na nakatingin sa akin si Keeon.
Bwisit ka talaga, Elissha! Sinasabi ko sa'yo, babalik talaga lahat ng pagpapahirap mo sa akin. Shuta ka!
I smiled awkwardly. "No pressure..." bulong ko sa sarili na hindi ginagalaw ang mga labi.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Keeon. Muli ko na lang ibinalik ang atensyon ko sa pagmumuni-muni. Mas mabuti na itong ganito, kaysa harapin ang maagang kamatayan ko.
"Yes, of course. I remember her." I heard Keeon said. "She's the most beautiful girl that day, and I won't let myself forget her."
Tumahip sa kaba ang puso ko. Mahigpit akong napahawak sa dress ko bago aligagang kinuha ang baso sa center table. Tatayo na sana ako nang biglang naman itong dumulas sa kamay ko dahilan para mas abutin ako nang kaba.
"Teka lang, hindi ako kinakabahan!"
Natigilan ako at natutop ang sariling bibig ko nang narealize kong sigaw iyon at hindi bulong. Pakiramdam ko'y namumula na ako sa kaba nang lingunin ko silang tatlo. But in my surprise, wala na doon si Keeon, kun'di nasa tabi ko na at kinukuha ang pira-piraso ng baso.
I slowly glanced at him. He's still the gentleman Keeon ten years ago.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro