Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II


Chapter 2


Maaga akong nagising dahil sa binyag na paulit-ulit pinapaalala ni Elissha. Ngayong araw kasi 'yon, na sinabayan naman ng ilang emergency meeting ko.

I checked my wrist watch. Mariin akong napapikit habang inaalala kung ano ang maaaring gawin sa'kin ni Elissha mamaya. Ayaw na ayaw pa naman no'n ang late.

It's already ten in the morning, pero ang usapan sa simabahan ay alas siete. Mukhang mamalasin na ako buong buhay ko pagkatapos nang araw na ito. Sigurado kasi akong sari-saring sumpa na naman ang sasabihin no'n mamaya.

Nagmadali akong nagtungo sa kotse. Natapos na rin ang meeting, pero alas dose na nang tanghali. I'm dead.

I grab my phone at my bag and checked to see how many cursed I've got.

I bit my lower lip in frustration. Hindi nga ako nagkamali, kulang na lang ay itakwil niya ako bilang kaibigan sa dami ng masasakit na salitang sinabi niya. Keri.

I put my phone back before I rushly started the car. I need to be there as soon as possible. Late na ako, pero may kasabihan nga sila 'it's better late than never'. I just need to prepare my explanation.

Sa reception na lang siguro ako di-diretso, wala na rin naman akong maaabutan sa simbahan. Magmu-mukha lang akong tanga.

I run fast when I reached the reception's hallway. Ngunit saglit akong natigilan at marahang ibinaba ang tingin sa suot kong sapatos. Omg. I almost forgot, five inch high block heel nga pala ang suot ko.

Mariin ako napapikit at mapait na ngumiti. Nakarating nga ako sa reception, bali-bali naman ang buto ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad na lang ng medyo may kabilisan. Wala pang ilang minuto nang muli na naman akong natigilan, may sumagi lang naman sa akin na kung sino.

Kusang kumunot ang noo ko at nilingon iyon. Ang laki-laki naman kasi ng daan, at talagang sinagi pa ako.

"Hey!" sigaw ko nang hindi 'man lang siya nagmalasakit na mag-sorry. "Walang modo," I hissed, murmuring.

Magsasalita pa sana ako sa sobrang inis nang bigla naman siyang lumingon sa akin. And I got shocked to see who it was.

No way.

Saglit ko siyang tinitigan bago napagtanto na siya nga iyon. The idiot guy.

Umiwas ako nang tingin at natatawang inaalala ang mga nangyari noon sa isip ko. Mukhang hindi ko na 'yon malilimutan. Sino ba ang makakalimot sa gano'ng katangahan? Uto-uto. Tsk.

Napailing na lang ako habang nagpipigil nang tawa bago ko ibinalik ang tingin sa kan'ya. Magsasalita na rin sana ako nang naunahan niya 'ko.

"Sorry, Miss," tanging sabi niya bago ako muling tinalikuran at nagsimulang maglakad paalis.

My jaw just dropped in surprise. Did he just ignored my presence? I can't believe this. Matapos ko siyang alalahanin, magso-sorry lang siya na parang walang nangyari? Ano siya gold?! Tsk.

I annoyously looked up and took a deep breathe.

"He's still an idiot," I tsked.

Saglit ko munang pinakalma ang sarili. Ayoko namang magmukhang basang sisiw na pupunta sa reception. I'm pretty sure, maraming batch mate namin ang imbitado sa binyag ni Baby Felix, including that annoying guy.

As a Class and Club President, who graduated Summa Cum Laude, their first impression after 8 years is my only goal for today. So, minding that guy is not a big help.

I stood up straight as I walked confidently. I'm feeling sexy and free.

"Tria!"

Napalinga-linga ako sa sigaw na iyon. Hindi na ako nagkamali nang makitang si Elissha, kausap ang ilan sa mga bisita niya. At talagang nakita pa ako ng bruhang 'yon.

Nginitian ko lang siya kahit kinakabahan na talaga ako sa sermon niya. Sumenyas rin ako na pupunta muna akong powder room para mag-retouch. Pakiramdam ko kasi ay mukha na akong stress. Kalahating araw pa lang, pero ang pagod ko pangmaghapon na.

At my age, living in this kind of society, I've learned that when you're single you need to be more presentable. 'Cause no one will degrade you.

Why would they bother, though? I'm single, and I'm successful.

Sila pa ang mahihiya sa'kin.

I stayed for ten minutes inside the powder room before I more confidently face them. I'm born to be ready.

"You're late, Veronica Dimittria Solidad!" Salubong sa akin ni Elissha.

"Alam ko, 'wag mo na lang ipagsigawan."

Umupo ako sa binigay na puwesto sa akin ni Elissha, nasa may medyo unahan malapit sa stage.

"Kahit hindi ko naman ipagsigawan, alam nilang late ka. Ikaw lang kaya ang wala sa simbahan," she argued, sitting right next to me.

"Okay, fine," pagsuko ko na lang at saka sumimsim ng tubig na nilagy ng waiter sa harap ko. Nilibot ko rin ang mga mata ko sa buong lugar. Malaki itong hotel na napili ng mag-asawa. Not bad.

"When will the program start?" tanong ko pa pagkababa ko ng baso.

"Sa susunod ulit na binyagan," pilosopong sagot niya dahilan para lingunin ko siya. "You're five hours late, so don't expect na hihintayin ka pa namin. Nanay ka ba?"

I sighed. "Bakit ba high blood ka masyado? Hindi nga ako nanay, kaya 'wag ka mag-drama," I calmly said.

Inirapan niya lang ako at saka umayos ng upo. Iba siguro talaga ang epekto sa kan'ya ng panganganak, mas lalo kasing naging mainitin ang ulo niya.

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan siya. Kawawang Mother Elissha. Tsk.

I pat her shoulder. "Sorry na, may emergency meeting kasi kanina," paghingi ko na lang ng tawad nang hindi na niya ako kinikibo.

Nilingon niya ako. "Hmp," aniya lang at saka ako muling inirapan.

"Arte netong kumare ko, oh!" pagbibiro ko. "Sige ka, hindi ako magbibigay ng malaki kay Baby Felix," I added.

Muli niya akong nilingon na halatang nagpipigil ng tawa. "Subukan mo, isusumpa ko talaga na tumanda kang dalaga."

I chuckled. "I don't care, ang sarap kaya maging single."

Umayos na rin ako nang upo katulad niya. Sa dami ng tao ngayon dito, iilan na lang siguro ang katulad kong single ngayon. Kung hindi naman single, siguro ay separated na o biyudo.

"Gusto mo bang ireto na lang kita?" aniya na tila may naisip na magandang ideya.

Kumunot ang noo kong nilingon si Elissha. Tingnan mo 'to, kanina nagi-inarte, tapos ngayong tungkol sa lovelife ko ang usapan enjoy na enjoy.

"May mga kaibigan si Briston na single pa," may malaking ngiti niya pang sabi.

"Diyan ka magaling, ano? Kunwari nagtatampo, tapos 'yon pala may masamang plano," mapaklang sabi ko.

Ngumisi siya. "Nagmamagandang loob lang ako. You know, Felix need a bestfriend too. Ayaw mo ba no'n, mag-bff din mga anak natin."

"At ginawa mo pa talagang front ang anak mo," I blurted. Umiling-iling siya bago inilibot ang tingin sa paligid. "Wala ka bang ibang gagawin? Asikasuhin mo muna mga bisita mo, baka may naghahanap na sa'yo," pagtataboy ko sa kan'ya.

Baka kasi mas ma-stress lang ako sa kan'ya kung mananatili lang siya dito. Hindi kasi imposibleng pag-initan niya hanggang mamaya ang pagiging single ko.

Hindi niya ako pinansin. Inililibot pa rin kasi niya ang kan'yang paningin, tila may hinahanap sa mga bisita niya. Hindi rin siguro 'to nakikinig sa sinabi ko. Tsk.

"Hoy, ano na?" ani ko at saka siya hinawakan sa braso para kunin ang atensyon niya.

"Teka," aniya at hinawi ang kamay ko.

Napa-'ow' ako habang naiwan ang kamay ko sa ere. Aba, teka rin! Snob 'yan?! Okay, fine. Tsk.

"Bahala---"

"Oh, ito!" biglang sabi niya at saka kinuha ang kamay kong babawiin ko na sana. "Kita mo 'yon?" Turo niya na sinundan ko rin naman ng tingin.

I saw a guy standing right next to the hall's main door. He was busy talking to someone on his phone. Sabi ko na nga ba, e.

Binawi ko ang kamay ko. "And so?" I stated. May gagawin talagang hindi maganda ang babaeng 'to, at mukhang ibubugaw pa ako kung kanino. Tsk.

"That's Liam, 'yong naglalagay sa table mo ng mga chocolates at flowers, remember?" she smiled, reminiscing the past.

Umiling ako. "No," I lied.

Ayoko na kasing pag-usapan. Past is past. Ipagpipilitan din kasi niya kung sakaling mag-oo ako.

"I know you remember him. Gusto ko lang naman sabihin na he's a successful businessman na rin," pagmamayabang niya."Sa Japan nga lang siya naka-base," tila nabigong dagdag niya.

I sighed. "Tumigil ka na nga, Eli. Kahit worldwide pa ang business niya, hindi pa rin kami p'wede." Kinuha ko ang baso sa mesa at saka muling uminom. Nakakatuyo ng lalamunan ang babaeng 'to.

"At bakit naman hindi kayo p'wede? Single rin naman siya kagaya mo," pagpupumilit pa niya.

Ibinaba ko ang baso sa mesa bago hinawan sa magkabilang braso si Elissha. Pilit ko siyang hinarap kung saan naroon ang ipinagyayabang niyang si Liam.

"Did you see that?" ani ko, tukoy kay Liam na parang laser ang mga mata. "Nakita mo ba kung gaano ka-manyak 'yang lalaking 'yan? Kulang na lang sumuot siya sa ilalim ng dress ng mga babaeng dumadaan. Yuck!" Umakto akong nandidiri bago binitawan si Elissha.

Kahit siguro bayaran niya ako ng ilang milyon, never in my whole life na papatol ako sa kan'ya. Kaya rin hindi ko tinatanggap ang mga binibigay niya sa akin noong college dahil noon ko pa rin alam na manyak siya. Baka umasa lang din siya na patulan ko siya kung sakaling tanggapin ko ang mga binibigay niya, pero totoo rin naman ang mga rason ko noon. Yuck lang!

"Okay, doon tayo sa next target!" ani pa ni Elissha na parang walang nangyari.

Napailing na lang ako. Mas mukha pa talaga siyang desperada kaysa sa akin. Mawawala lang din ang class ko sa babaeng 'to, kaya hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin.

Napasandal ako sa aking upuan at pinag-cross ang aking mga braso. Napatitig na lang din ako sa kung saan dahil sa stress ko kay Elissha.

Mukhang hindi naman binyagan ang napuntahan ko, bar na may bugaw pala. Tsk.

"How about Hanz?" Turo niya kung saan.

"Bulol 'yan," tipid kong sagot nang hindi siya nililingon.

Sasagutin ko na lang ang lahat ng tanong niya para wala nang gulo. Nakakapagod na rin kasi ang araw na 'to. Gusto ko na lang umuwi at matulog.

"Elijah?" tanong niyang muli.

"Mabaho ang paa niyan." Kumuha ako ng tissue at saka ito pinagpuputol.

"Peter?" tanong pa niya.

"Magnanakaw 'yan," tinatamad kong sagot habang busy pa rin sa ginagawa.

"Warren?" she asked again.

"Bad breath," sagot ko at muling kumuha ng tissue sa table.

"Kiko?" she asked for the nth time.

"Maliit ang kamay," ani ko habang pinagmamasdan ang kamay kong kulay porselana.

"Isaac?" she asked again and again.

"Juts," I answered, sinasawsaw ang tissue sa basong may tubig.

"Tria!" biglang sigaw niya dahilan para mapatingin ako. Maging ang ibang bisita ay napatingin din sa kan'ya.

"Ano?!" pigil sigaw kong sabi. Nakakahiya na kasi sa mga tao. Kahit siguro siya ang may pa-party, nakakahiya pa rin sa mga taong nakakarinig sa pinaggagawa niya.

Nagulat ako nang ilang segundo ang lumipas ay natatawa na siya sa hindi ko malaman na dahilan. Magtatanong pa sana ako kung anong nangyayari nang bigla siyang nagsalita.

"How did you know?" she grinned.

Naningkit ang mga mata ko. "What?" I asked, confused.

"How did you know na maliit? Nakita mo na ba?" natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso. "Siraulo," I hissed. "Narinig ko lang nung college, and why would I need to see that creepy thing. Nakakadiri."

"Nakakadiri ka d'yan. Ang sarap---"

Bago pa siya matapos ay agad ko nang tinakpan ang bibig niya. Eskandalosa talaga ang babaeng 'to. Bwisit!

Natatawa niyang tinanggal ang kamay ko at saka tumayo. "Sige na nga, maiwan na muna kita. Pupuntahan ko lang ang mag-ama ko. Wait ka lang diyan, babalikan kita," paalam niya na hindi pa rin nawawala ang pang-iinis sa mukha niya.

Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. "Sige na. Alis na. 'Wag ka nang babalik," I joked.

Tinawanan niya lang ako bago tuluyang umalis. Aynako, Elissha. Kung hindi lang talaga kita kaibigan, baka kanina pa kita sinupalpal sa taglay mong kadaldalan. Tsk.

Pinanood ko lang ang bawat galaw ng mga bisita ni Elissha. Ang iba ay binabati ako na binabati ko lang din pabalik. Wala na kasi ako sa mood para makipagkwentuhan. Naubos ang lahat ng energy ko nang dahil kay Elissha, kaya mamayamaya siguro ay magpapalaam na rin ako.

"Oh, Ninang," ani Elissha at saka inabot sa akin si Baby Felix.

Gaya nang sabi niya, binalikan nga niya ako kasama si Baby Felix. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil alam niyang madali akong mainip.

Maingat kong kinalong si Baby Felix. Marunong naman akong mag-alaga ng bata. Ilang pamangkin na rin ang nakalong at naalagaan ko. Perks of being a Tita. Tsk.

"Sinasabi ko na nga ba, jowa na lang ang kulang p'wede ka nang mag-asawa," ani Elissha habang pinapanood kami ni Baby Felix.

"Ah, talaga ba?" sarkastikong sagot ko. "So, mangbubugaw ka ulit kaya mo ako binalikan?"

Tumawa siya. "Oo," lakas loob niyang sabi.

I rolled my eyes. Bugaw talaga.

Nilaro ko na lang si Baby Felix bago pa ako mainis sa ina niyang pinaglihi yata sa adik. Mabait naman si Elissha at mapagmahal na kaibigan, baliw nga lang minsan.

Ilang minuto ang nakalipas at napagpasyahan ko nang magpaalam. Ita-tranfer ko na lang din sa bank account ni Baby Felix ang regalo ko mamaya, o bukas.

Mabuti nga at naisipan agad ni Elissha na pagawan ng bank account si Baby Felix. Ani Elissha, maganda iyong handa at secured na ang future ng anak niya. Kahit baliw siya minsan, may mga magaganda rin talaga siyang nagagawa.

I'mma proud bestfriend!

"Eli---"

"Babe."

Kusa akong natigilan nang biglang dumating si Briston. Tinikom ko ang bibig ko at pinanood kung paano halikan ni Briston si Elissha sa labi. Para namang ngayon lang nagkita. Tsk.

Napairap na lang ako at balak sanang laruin ulit si Baby Felix nang naligaw ang mga mata ko sa lalaking nasa tabi ni Briston. He's staring at me.

Napalunok ako. Ano namang tinitingin niya?

After a few seconds, my eyebrow arced, and asked him with a 'what are you staring at' look.

He just cleared his throat and looked away. Wala pa rin pa lang laban. Mahinang nilalang. Tsk.

Napangiti na lang ako at tiningnan si Baby Felix nang muling nagsalita si Briston.

"Siya nga pala, Babe. Keeon's here," ani Briston.

Napatingin ako sa kanila at kay Elissha na may napakalaking ngiti. If I'm not mistaken, I think I knew where it was going.

Kumaway lang na may nakakalokong ngiti si Elissha bago muling tumingin sa akin. Nagtago siya sa gilid ni Briston at sumenyas na parang may masamang balak.

Pa-simple ko siyang pinanlakihan ng mga mata bago pa siya may masabing kahiya-hiya. Gusto ko na rin siyang kurutin sa singit sa sobrang kulit.

"Keeon, pre, you still remember her?" narinig kong sabi ni Briston.

Napatingin ako kay Briston. Nagulat ako nang nakitang nakaturo siya sa akin habang nakatingin at may nang-aasar na ngiti kay Keeon.

Nilingon ko naman ang katabi ni Briston nang narinig ko siyang mag-hem. He even tilted his head, as if he's trying to recognize me.

"I don't think so..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro