Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I


Chapter 1


Marahan akong sumimsim ng kape sa tasang hawak ko habang pinapanood ang kaibigan kong si Elissha na nagpapadede ng anak niya. She's a bit upset dahil kahit anong paghe-hele ang gawin niya'y hindi pa rin ito natutulog.

Napangiwi na lang akong ibinababa ang tasang hawak ko sa mesang nasa harapan namin.

"Kung pagod ka na, bakit hindi pa kumuha ng yaya?" suhestiyon ko sa kaibigan kong matigas ang ulo.

Magta-tatlong buwan na rin kasi si Baby Felix, pero hanggang ngayon siya pa rin itong naghihirap na alagaan ang anak niya. Hindi ba niya nare-realize na siyam na buwan na niyang bitbit ang anak niya, tapos siya pa itong mag-a-alaga? Tsk.

Nag-angat siya ng tingin at saglit akong matalim na tinignan bago muling ibinalik ang atensyon niya sa anak at muli itong pinaghele.

"Kung pagod ka na rin, mag-asawa ka na. Hindi 'yong paladesisyon ka," bulong niya.

Umawang ang labi ko sa narinig. Meganon? Gan'yan ba ang epekto ng pag-a-asawa at panganganak? Heavy, ah!

"Inis 'yan?" pang-i-insulto ko pa, para mas lalong mainis.

Hindi niya ako pinansin at mas lalo lang itinuon ang atensyon kay Baby Felix. Napabuntong hininga na lang ako bago pinag-krus ang aking mga braso at saka sumandal.

Bakit ko pa kasi niyaya ang babaeng 'to, alam ko namang mangyayari ang ganitong senaryo. Tsk.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop. First time ko lang dito kaya hindi ako pamilyar sa buong lugar. Ito kasing si Elissha malapit lang ang bahay dito, kaya siya na rin ang pinapili ko ng matatambayan namin.

"Siya nga pala, Tria."

Maagap akong napatingin kay Elissha sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin, na hindi ko na rin na ikinagulat.

Napailing na lang ako. Hihintayin talaga kitang lumaki Baby Felix, para sermunan sa pagpapahirap sa Mommy mo.

Naghintay lang ako sa kung anong sasabihin niya. Baka kasi masermunan na naman ako kung kukulitin ko pa siya.

Bahagyang nag-angat ng tingin si Elissha. "You remember, Keeon?" aniya bago muling ibinalik ang tingin kay Baby Felix.

Saglit akong napaisip sa sinabi niya, hanggang sa naalala ko iyong transferee na mahangin.

Napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan, pero agad ko rin iyong inalis bago pa ako makita nitong bruha.

"Yup, why?" I asked with bitterness.

"Kinuha siyang ninong ni Briston," sagot ni Elissha bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "Alam ko ba na anak pala siya ni Mayor?" dagdag pa niya na parang isang malaking impormasyon ang pagiging anak ni Mayor.

Marahan akong napailing. "Why would I know that? Close ba kami?" medyo sarkastikong sagot ko.

"Sabi ko nga," mapaklang sagot niya. "Pero kasi, 'di ba, para lang siyang hinugot kung saan ni Dean noong college?" usisa pa niya.

Ayan na nga, lumabas na ang pagiging Marites ng kaibigan ko. Madadamay na naman ako. Tsk.

"Alam mo rin ba, sampung taon na ang nakakalipas? Kaya walang magbabago kung mukhang kriminal pa rin siya," I hissed.

Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang ayaw sumang-ayon sa sinabi ko. Okay, fine. Who cares!

"Hindi ko alam kung anong meron sa pagkain niyo at gan'yan ka pa rin sa mga lalaki," bulong na naman niya at saka inalis ang tingin sa akin. "Bente otso ka na pero hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend. Ano bang gusto mo sa buhay? Tumanda na walang experience?" sermon pa niya sa akin.

"Para saan ba ang experience na 'yan? Requirements sa trabaho? O, eligibility? As if naman bubuhayin ako ng experience na sinasabi mo," I bluntly said. "At saka, kung experience lang din pala ang usapan, hindi pa ba sapat kung anong mayroon ako ngayon?"

Pilit na ngiti akong tinignan ni Elissha. "Hindi," maagap niyang sagot. "Kasi hindi mo 'yan madadala sa langit," dagdag pa niya, unti-unting naglalaho ang ngiti.

"At sino namang may sabi na sa langit ako mapupunta?" pigil ngiti kong sabi.

Mariin siyang napapikit na mas lalo kong ikinatuwa. Teasing her is one my greatest specialty.

"Sige na, oo na. Tama ka na!" pagsuko niya bago ako mapait na nginitian. "Just don't be late next week, okay?" taas kilay niyang tanong.

Tumango ako at saka ngumiti. "Yes, Mother Elissha."

Napailing na lang siya bago muling ibinalik ang tingin kay Baby Felix, na hanggang ngayon mulat pa rin ang mga mata. Ano bang klaseng bata 'yan at hindi marunong makisama? Tsk.

Lumipas ang ilang minuto nang hindi ko namamalayan na tahimik ko na pa lang pinapanood ang mag-ina. Elissha was baby talking to his son.

Napapangiti ako habang pinapanood ang paglalaro ng dalawa. Sa bawat pagsasalita kasi ni Elissha ay humagikgik naman si Baby Felix. Magkamukha rin ang dalawa kaya i-isa ang hulma ng kanilang pagtawa. Cute.

Elissha and Briston are happily married for five years. They're a couple since after our graduation. Hinintay kasi muna ni Elissha na makapagtapos silang dalawa bago niya sinagot si Briston.

Marunong din naman sa buhay si Elissha, kaya after how many year of being a couple, ngayon lang sila nagkaroon ng anak.

I'm a proud bestfriend, kasi napalaki ko ng maayos ang bruhang ito.

Pagkatapos naming maging marites for a day, hinatid ko na rin sa kanilang bahay ang mag-ina bago pa ako maubusan ng dugo sa stress. Hindi pa rin kasi natutulog si Baby Felix, kaya mas mabuti i-uwi ko na lang silang mag-ina at doon sila sa bahay nila manggulo.

Pagkatapos ko silang ihatid, agad akong nagcheck ng mga text messages and calls sa phone ko. Hindi kasi ako nagbubukas ng cellphone kapag kasama ko ang pamilya ko at si Elissha. Elissha is a family.

Seryoso kong tinignan isa-isa ang lahat ng texts at missed calls. Halos lahat naman ay galing sa office, at ang iba ay galing kay Ate Cynth.

My eyes widened. That girl lang naman keeps on messaging and calling me multiple times. Napabuntong hininga lang ako bago binuksan ang mga text niya. May sunog ba?

From: Ate Cynth
Sis, busy ka? May favor sana ako. Pasundo naman si Paolo. May important meeting lang ako kay Mr. Chua. Salamat. Labyu :*

Shocks! Akala ko naman kung ano nang nangyari. Kung makatawag parang manganganak. Tsk.

I rolled my eyes. Ano pa nga bang magagawa ko, Tita's of Manila na talaga ako. Kawawa naman ang pamangkin ko kung ihahabilin ko pa 'yon sa mga driver sa bahay.

Tinago ko na lang ang cellphone ko at saka pinaharurot ang kotse. Susunduin ko muna si Paolo bago ako dadaan sa office.

Paolo is Ate Cynth's only son. She's a single mom, like Mommy, but not in the same case. Paolo's dad is a cheater, and we don't tolerate that kind of behavior in our family.

Ilang ulit din na humingi ng chance ang lalaking 'yon kay Ate at sa pamilya namin, pero never na kami makikinig at maniniwala sa taong once na sumira ng trust namin.

Hindi rin naman namin masisisi si Ate Cynth kung bakit siya napunta sa lalaking 'yon. Totoong napaniwala niya kaming lahat na he's capable to overtake the set standard. Nakaligtaan lang namin na ang tao nga pala kapag hindi marunong makuntento, naghahanap ng iba. And that kumag is an animal na pagkatapos buntisin si Ate naghanap pa rin ng ibang bubuntisin.

"Paolo!" Sinalubong ko ang pamangkin ko nang makita ko siya sa hallway.

Tumakbo naman agad siya papalapit sa akin. "Tita, where's Mommy?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

"May meeting pa, e. But she asked me to drive you home."

Ginulo ko ang buhok niya nang nangsimula na kaming maglakad patungo sa parking lot. Paolo is already eight years old, but his height didn't say it. I'm 5'4 tall, but this boy beside me is almost on my chest. Siguro dahil matangkad at basketball player ang ama niyang kumag.

Nilingon ako ni Paolo na agad ko namang nginitian. "Can I go to Mommyla first? Or should I stay with her for awhile?" His eyes were sparkling.

Napatango na lang ako. Sino ba naman ang makakatanggi sa batang 'to? Parang nanghihigop ng kaluluwa ang mga mata.

Dumiretso kami sa bahay gaya ng gusto ni Paolo. Kawawa rin naman ang batang 'to kung iiwan ko lang siya sa bahay nila na puro katulong ang kasama. Ipapaalam ko na lang kay Ate Cynth mamaya na andito sa bahay si Paolo.

"Mommy, Paolo's here!" anunsyo ko pagkapasok namin sa loob.

Tumakbo naman si Paolo patungo sa kusina. Alam kasi niyang doon makikita ang Mommyla niya.

Sumunod lang ako kay Paolo para ipaalam kay Mommy na dito muna ang apo niya. Saglit lang din naman ako dito sa bahay dahil babalik pa ako sa office.

"Mommyla!"

Agad na sinalubong ng yakap ni Paolo si Mommy nang makita niya itong nagluluto. Pansin ko rin ang saya sa mga mata ni Mommy nang medyo nakalapit na ako.

Ilang araw na rin kasing hindi pumupunta dito sina Ate Cynth, kaya gano'n na lamang katuwa ang maglola. Busy kasi masyado si Ate sa kumpanya, at sa pagpapalaki ng mag-isa kay Paolo. At isa sa pagbisita sa dito sa bahay ang naisasantabi niya.

May sariling pamilya na rin sina Ate Aelin at Kuya Dione kaya mag-isa na lang din si Mommy dito sa bahay, kasama ng mga katulong.

Ako? Syempre, may sariling bahay at condo, walang pamilya. I'm a rich Tita to all of my pamangkins and inaanak.

"Nasaan si Cynthia? Bakit ikaw ang kasama ni Paolo?" nagtatakang tanong ni Mommy.

"May importanteng meeting daw po," sagot ko bago umupo sa may bar counter. "Gusto sayong pumunta niyan kaya dinala ko na," I added, referring to Paolo.

Napangiti naman si Mommy sa impormasyong sinabi ko. Magandang idea rin talaga ang pagpunta ni Paolo dito. Last year lang ako umalis dito sa bahay, pero ramdam ko na agad ang lungkot sa bahay na ito.

Araw-araw naman akong bumibisita kay Mommy, sadyang iba lang talaga ang saya kung magkakasama kaming lahat dito sa bahay. Alam ko rin na nalungkot si Mommy simula nang bumukod kami. It's just that, someone like her will never show how lonely or sad they are.

Ilang minuto muna akong nanatili at pinanood ang maglola bago ako nagpaalam. Isang oras na lang din kasi mag-u-uwian na, nakakahiya naman sa secretary ko na kanina pa naghihintay.

I drove fast back to the company. Food manufacturing ang kumpanyang hinahawakan ko, galing sa pamilya ni Mommy.

Mommy was an only child, kaya lahat ng negosyo ng kanilang pamilya ay siya ang tagapagmana. And now, The Tianzon's Group of Company was equally distributed to her children. In short, sa aming apat na magkakapatid.

"Miss Solidad, someone's waiting for you at the conference room." Sinalubong ako ni Lira, secretary ko.

"Sino raw?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Investor daw po from Jimenez Trading and Construction Company."

Tumango na lang ako bago taas noong naglakad patungo sa conference room. Huminto ako nang ipagbubukas na ako ng pinto ni Lira nang biglang may lumabas na lalaki mula sa loob.

"Sir---" hindi na natapos ni Lira ang sasabihin dahil mukhang may kausap ito sa cellphone.

Nagmamadali siyang umalis at nilagpasan lang ako na parang hangin na mas lalong ikinagulat ko. Sumunod naman ang tingin ko sa kan'ya habang sinisipat siyang mabuti.

I think, I met him somewhere. Pamilyar kasi ang mukha niya, at kung hindi rin ako nagkakamali tinignan niya ako kanina. So... our eyes met, and thoses eyes seems familiar.

"I think... I know him," bulong ko.

"Yes, Miss? May sinasabi po kayo?"

Agad akong natauhan sa sinabi ni Lira. Nilingon ko siya at saka tinuro iyong lalaki.

"What's his name again?" kuryosong tanong ko.

"Ah, si Sir po?" Napatingin siya sa direksyon kung saan nagtungo iyong lalaki. "Siya po 'yong investor na sinasabi ko," dagdag pa niya bago tumingin sa akin. "Si Mr. Keeon Yvan Jimenez po."

Agad na nagbago ang timpla ng mukha ko.

"Keeon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro