Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

Pagpunta namin sa parking lot, nauuna pa rin ako.

"Alam mo ba kung saan nakaparada ang kotse ko?"

"Hindi!"

"Eh bakit nauuna ka?"

"Mr. Faulkerson alam mo, ayaw ko ng sumama sayo! Ang yabang mo, sobra!"

"Sorry. Truce?"

"Ayokong maniwala sayo! Manloloko ka!" Bigla kong naibulalas kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ooops, teka lang! Anong manloloko? Wala akong niloloko. Kaya nga ako nandito diba?"

"Talaga? Mukha kase!"

"Grabe ka naman. Di naman ako ganun!"

"Pwes bakit mo ako niyaya? May plano ka ano?"

"Wala. Gusto lang kitang maging kaibigan. Yun lang."

"At ano naman ang mahihita mo sa pakikipagkaibigan sa akin, ha?"

"Siyempre, it's good for the business. Magkaibigan tayo kase partners tayo."

"Ganun? Well hindi na naman kailangan. Okay na yung hindi tayo close at friends!"

"Sobra ka naman! Bakit ayaw mo ba akong kaibiganin?"

"Why should I? Hindi naman ako mamamatay kung di tayo close."

"Okay. Pero ikaw gusto kitang kaibiganin. May naaalala kase ako sayo."

"Sino naman? At diba may fianceè ka na? Sino pa naiisip mo?"

"Wala. Akin na lang yun. So shall we?"

He led me to where his car is. Sumunod na rin ako. Gusto kong malaman kung sino yun sinasabi niyang naaalala niya. Kaya backtrack muna. Magbabait-baitan ako para malaman ko.

☆☆☆

Habang nasa biyahe, tahimik lang ako. Baka kase lumabas na naman ang galit ko, kung ano pa masabi ko.

"Okay ka lang?" Basag niya sa katahimikan ko.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala lang. Tahimik ka e. Wala ka ba sa mood makipag-away muna sa akin?"

"Hindi ako nakikipag-away sayo."

"E ano lang? Iniinis mo ako? Bakit?"

"Dami mong tanong! Di naman tayo close kaya walang dahilan para inisin kita."

"Alam ko. Ang ganda mo lalo kapag galit ka."

"Di ako galit. Hindi lang ako komportable na may kasamang lalaki."

"Bakit? Wala ka pa bang naging boyfriend?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Tinatanong lang kita, grabe naman ang reaksiyon mo. Siguro iniwan ka dati ng boyfriend mo at niloko ka?"

"Haaaay! Nakakainis. Ang daming alam!"

"So ano nga? Iniwan ka ba o sadyang NBSB ka?"

"E ano sayo?"

"Wala lang. Kung NBSB ka kase, di ako maniniwala. Sa ganda mong iyan, imposible!"

"Walang imposible!"

"Wala man lang nanliligaw sayo?"

"Teka ha! Akala ko ba Business Meeting ito? Bakit may Q and A tungkol sa personal life?"

"Wala nga lang. Sige kung ayaw mong magtanong, ako na lang magkwento."

"Bahala ka! Sige mabuti pa nga! Para hindi na ako kulitin mo."

"Okay. So si Trish,diba?"

"O ano naman pakialam ko sa fianceè mo?"

"Ayun, nakipaghiwalay na ako sa kanya, bago ako nawala two years ago."

"Talaga lang ha? E bakit kung makalingkis ka, parang hindi naman."

"So tinitignan mo pala kami?"

"Ay hindi! Nakita ko lang!"

"Wala na siya sa akin. Siya na lang ang naghahabol?"

"Ang yabang mong talaga!"

"Ayoko na e. Wala na. Di ko gusto ugali niya."

"Talaga lang? Pero kung makapaglandian kayo parang di naman totoo sinasabi mo."

"Bahala ka. Basta nagsasabi ako ng totoo."

"Bahala ka rin. Wala naman akong pakialam kung kayo pa!"

"So ituloy ko na. Ayun nawala ako dati, 2 years ago."

"Nawala ka dati?"  Kunwari nashock ako. Eto magchika na ata kase. Baka may malaman ako.

"Oo. Lumubog kase yun barkong sinasakyan ko. Buti na lang I know how to swim at nakakuha ako ng lifevest kaya nakaligtas ako. Napadpad ako sa isang isla  sa Pangasinan. Tapos ayun, may tumulong sa akin para gumaling ako sa mga sugat na natamo ko."

"Ang bait pala ng tumulong sayo no? Akalain mong tulungan ka pa. Kung ako iyon, naku hahayaan kita."

"Sobra ka naman. Mabait yun tumulong sa akin."

"O tapos. Dami mo pang pasakalye."

"So ayun, tinulungan niya ako. Mabait siya. Masipag. Naaalala ko siya sayo."

"Hoy, salbahe ako. Kaya huwag mong masabi-sabi na nakikita mo siya sa akin."

"I don't think so. Sa tingin ko, sa akin ka lang ganyan. Bakit may galit ka sa akin?"

"Wala akong galit sayo. Ano ka? Napaka-assumero mo hoy!"

"Alam mo, kamukha mo siya. Kaya lang, siya simple lang. Soft spoken at mapagmahal. Pero ikaw, sopistikada, matalino at matapang."

"So di ako maganda? Kamukha ko kamo yun babaeng yun e."

"Maganda siya. Tulad mo. Pero magkaiba kayo ng ugali. Alam mo, kung pagtatabihin ko kayo, sasabihin kong kambal kayo."

"Mr. Faulkerson, only child lang ako. Wala akong kakambal." Straight face pa rin ako. Pero kinabahan ako kase baka nakikilala na niya ako.

"Alam ko. Kaya lang di ko maalis sa isip ko si Dei. And kapag tinitignan kita, siya ang naiisip ko."

"O bakit di mo puntahan?"

"Natatakot ako e. Baka kase galit na galit siya sa akin matapos kong iwan siya ng matagal. Isa pa di ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin."

"Salbahe ka pala! So tama ako, manloloko ka nga!"

"Di ko naman balak lokohin siya. Napilitan lang ako."

"Meron bang ganun? Napaka-lame ng excuse."

"Oo. Mababaw, pero may reason ako. And yun reason ko, it's not I want to fool her intentionally."

"O e ano nga yun dahilan? Tell me. Baka maintindihan ko. Baka mabigyan kita ng insight."

"I left her sa Pangasinan kase..."

"Kase ano?"

"Kase.."

"Ano nga kase?"

"Kase.. mahal ko na siya!"

"Bullshit ang dahilan, tsong! Bakit mo iiwan kung mahal mo?"

"Natakot ako. Takot kase ako sa responsibilidad. Naramdaman ko kase na parang dependent na siya sa akin lalo na at mag-isa na siya sa buhay. Natakot na akong lalo. Kaya nga nakipaghiwalay ako kay Trish dati, kase pinipilit na niya akong pakasalan siya kahit ayoko pa. Isa pa di ko naman siya mahal."

"Ang sama mo! Mahal mo pero iniwan mo. Duwag ka!"

"Alam ko. Mali ako. Kaya nga binalikan ko siya. Narealize ko na di ko siya kayang iwan. Pero matagal bago ko narealize yun na balikan siya.  Kaya nawala na siya sa Pangasinan nung bumalik ako. Wala ng makapagsabi kung nasaan siya. Kahit yun mga nakakakilala sa kanya. Hindi ko alam kung saan lupalop ng Pilipinas ko pa siya hahanapin."

"Hinanap mo pa sa lagay na yan ha?"

"Oo naman. Bumabalik ako sa Pangasinan, para ipagtanung-tanong siya. Pero wala na. Di na daw siya nakita doon. May nagsabi, baka namatay na pero ayokong isipin. At may nagsabi,baka naman nag-asawa na at sumama sa lalaki. Hindi ganun si Dei. Kilala ko siya. Kahit dalawang buwan pa lang kaming nagkakasama."

"So ngayun, yun Trish? Ano na kayo ngayon?"

"Wala. Di niya matanggap na ayoko na sa kanya."

"Pero sweet kayo. Ano yun? Niloloko mo rin?"

"Wala akong ipinangako sa kanya. Siya lang ang umaasa."

"E bakit di mo layuan?"

"Lumalayo nga ako. Pero sunod ng sunod."

"Baka gusto mo rin?"

"Hindi na. Teka, nagseselos ka ba?"

"At bakit ako magselos? Ikaw kaya ang nagkwekwento."

"Akala ko lang. Sorry. Stop nga yun. Baka magalit ka pa."

"Mabuti alam mo! Malayo pa ba tayo?"

"Mapalit na. Gutom ka na ba?"

"Di pa naman."

"E ano gusto mo?"

"Matulog! Huwag ka ng maingay!"

Napailing na lang ang loko.

Teka, totoo kaya ang mga sinabi niya? Hinanap kaya niya ako? O baka naman pinagloloko na naman ako ng lalaking ito kase alam na niya kung sino ako?

Kailangan mag-ingat ako. Baka mabuking na ako si Dei.

A/N Will try to Update pa pero I'm not promising ha!

Lakas ng ulan. Sarap matulog. Ingat po tayo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro