Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

I headed back to where Dad was.

"How are you doing, baby? Nag-eenjoy ka ba?" Bungad ni Daddy pag-upong pag-upo ko.

"Ayos lang. I guess I'm not used to this kind of attention Dad. Mas gusto ko sa opisina o kaya sa bahay kasama si Sophie."

"I know pero kailangang masanay ka na."

"Anong oras tayo uuwi, Dad? Di ka pa ba inaantok?"

"Nope. Minsan lang ito. Isa pa, I want you to make friends sa mga anak ng mga amigo ko."

"Dad, no need. Okay lang akong mag-isa. Mas gusto ko na ito."

"Don't you want to have someone to take care of you? I mean to be Daddy to Sophie?"

"No Dad! Sakit lang yan sa ulo. Nakita mo naman yun pinagdaanan ko. Pero salamat na rin at iniwan niya ako, e di sana di tayo nagkita."

"Oo nga. So I should thank that guy kahit sinaktan ka niya?"

"Huwag na Daddy. He's nothing but a jerk, stupid and the most irresponsible person on earth. Walang kwenta. I want to forget my past na."

"Sorry anak. Anyway, I will support you pa rin and siyempre, tutulungan kitang palakihin si Sophie."

"I know Dad. Salamat kase nandiyan ka."

"You know I'll do everything for the two of you? Mahal ko kaya kayo."

"We know Dad. Kaya thank you."

All the while na nag-uusap kami ng Daddy ko, nakikita ko ang hayup na lalaking yon na pasulyap-sulyap kahit naman nakahalipod ang babae niya sa kanya. Talagang malandi at babaero.

I stayed rooted in my seat. Ayaw kong tumayo kahit may ilang kalalakihan ang lumalapit para makipagkilala. I politely declined all invitations to dance. I  really hate the attention. Kahit pa naka-maskara ako ng panibago kong pagkatao, nananatili pa rin si Dei sa katauhan ko. I may be confident ouside, pero my roots are firm. Hindi ako ang tipo ng babae na makikipagflirt sa kung sinong lalaking lumapit lalo na ng iwan ako ni Daddy na mag-isa sa mesa.

When we were about to leave the Gala Night, naglakas ng loob lumapit ang Hudas. Di talaga papayag na walang pasabog.

"Good evening, Sir Teddy." Bati niya sa Daddy ko na nakipagkamay pa.

"Good evening Richard. I want you to meet my daughter here, Nikki. Nikki, si Richard. He is the CEO of RFJ Corporation. Sila yun big shipping company na nagtratransport ng mga products natin abroad." So Richard nga ang pangalan niya. Why Ricardo Reyes? Bakit niya ako niloko? Shipping? Isa ba iyon sa mga barko nila na lumubog kasama siya kaya napadpad siya sa Pangasinan?

"Richard Faulkerson Jr. at your service Miss Nikki."

Ngumiti lang ako ng pilit. Naiinis ako sa panloloko ng lalaking ito. Makapal ang mukha niya.

"Dad, let's go. Medyo napagod na ata ako." Yaya ko sa Daddy ko para makaalis na kami sa lugar na yun.

"Richard, I'm sorry ha. Pagod na daw ang prinsesa. But don't worry, siya ang in-charge sa mga exporting ng goods."

"No problem Sir. Miss Nikki, it was nice meeting you."

Sasagot na sana ako ng lumapit ang babae niya.

"Rich, there you are. I've been looking for you. Oh, hi! Mr. Mendoza and wife?"

"Shhhh.Trish she's not Mr. Mendoza's wife."

"Excuse me? Let me correct you, Miss. I'm Nikki Mendoza, daughter of Teddy. I hope you know now."

"I'm sorry, my bad. Miss Nikki, of course. Tatandaan ko yan." Sagot ng malanding babae. Ngayon ko lang napagtanto, mukha palang bakla ang babaeng ito sa kapal ng kulerete sa mukha.

Napangisi ako ng di sinasadya ng maisip ko yun bakla.

"What's so funny?" Tanong niya.

"I'm sorry? Hindi ikaw ang tinatawanan ko. May naisip lang ako. Tara na Dad, inaantok na ako sa lugar na ito. It seems, boring ang mga tao dito." Hinila ko na ang daddy ko palabas ng venue. Hindi ko na tinignan kung ano pa ang reaksiyon nilang dalawa. One thing I know, nakapuntos ako ngayon. Sa susunod na pagkikita na lang ulit.

What a sudden turn of events! Ngayon malapit na akong makaganti. Hindi ko na ito papalagpasin.

A/N Will try another UD later.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro