41
I did not resist anymore. Inilagay ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko. A sign na I concede. I'm drained.
Hinayaan lang niya akong umiyak. He was driving his car to I don't know where.
When all the tears dried down, I broke the silence.
"Please bring me home sa condo ko."
"I will. Pero promise me, mag-uusap tayong mag-asawa. It's about time na pakinggan mo naman ako. Matagal ko ng tiniis ang pagtikis mo sa akin dahil alam kong may mali sa ginawa ko pero hindi ibig sabihin nun, pumapayag na akong maghiwalay tayo ng tuluyan. I want you back. Kayo ni Sophie. Please hear me out naman, nakikiusap ako sayo, Nikki."
Tahimik lang ako. Nakita ko kung paanong hinampas niya ng manibela ng kotse niya dahil sa sobrang tindi ng emosyon niya.
Hindi ko siya sinagot. Ayoko ng makipag-usap. Ayoko na ring pahabain pa ang tungkol sa aming dalawa. Gusto ko ng magkaroon ng peace of mind. Kahit masakit, tanggap ko na naman.
Nakarating kami sa condo ko. Nagpark siya sa guest parking. Diretso ako sa pagbaba at tumungo sa elevator. Nagmadali siyang ilock ang pintuan niya para habulin ako.
Tahimik na tumabi sa akin. I got my phone while waiting for the elevator. Tinawagan ko si Manong Rod na pwede na siyang umuwi muna kase isinabay ako ni Richard pag-uwi.
Nang nakasakay kami sa elevator, katahimikan at walang usapan ang naganap sa amin. Iniiwasan ko talaga na tignan siya dahil hanggang ngayon, di ko pa rin mapaniwalaan ang mga sinasabi niya sa akin. Galit pa rin ako.
Pagpasok sa unit ko, dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi naman siya sumunod. Naghubad ako at pumasok sa bathroom para magshower. Pakiramdam ko, ang dumi ko. Literal na marumi kahit hindi naman. Gusto kong tanggalin ang lahat ng bakas ng make up kahit naman sakit ang nais kong maalis. Yun sakit na kahit tinatakasan ko, hindi pa rin nagsasawang sundan ako.
Matapos akong makapaligo, nagbihis lang ako ng sando at pajama. Sinuklay ang buhok ko para madaling matuyo. Naramdaman ko na lang na pumasok siya sa bedroom ko at umupo sa kama.
Nakita kong hinubad na niya ang coat niya at naka-untack na ang kanyang white button downs. Tuloy pa rin ako sa pagsusuklay ng buhok ko. Pero nakikita ko siya mula sa reflection ng salamin. Nakayuko siya.
"Hindi ko kabit si Candy. She was just a friend. Kahit alam kong she was expecting me to fall for her, too."
Tahimik pa rin ako. Parang tanga lang na nakatingin sa mukha ko sa salamin. Iba na kase ang babaeng nakikita ko. Babaeng puro galit at hinanakit ang mukhang nakikita ko sa sarili ko.
"I met her through Sam. Girlfriend siya dati ng kaibigan ni Sam at Jerald. We became friends when she offered to invest sa Shipping Lines. Hindi mo alam iyon kase that time, busy ka sa trabaho at pag-aaral mo. Minsan we meet sa bahay ni Sam because we have common friends. Isang araw na naroon kami, iyon yun araw na niyaya kita na mag-out of town tayo pero dahil sa sobrang busy mo, hindi ka pumayag. Nagdamdam ako kase pakiramdam ko, hindi mo na ako pinapansin at mas mahalaga na sayo ang trabaho mo. Napabayaan mo na ako."
"Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko Richard. Kaya huwag mong isisi sa akin yan kahinaan mo."
"Oo kasalanan ko pero di kita niloko. Let me finish muna, mahal. Please."
Tumahimik ako para ipagpatuloy niya.
"We became close pero bilang magkaibigan lang. Minsan lumalabas kami pero not as a date but as friends. Nag-eenjoy ako sa company niya kase mabait si Candy and she is a good listener. Pinapakinggan niya ang mga problema ko sa trabaho, sa buhay at sa atin. She was my shoulder to cry on that time na dapat ikaw iyon. At dahil we frequently meet, kahit wala si Sam, minsan we have coffee lang, maglalakad-lakad sa park kapag napapagod ako sa trabaho, alam kong she fell for me. At that time, I think I am also falling for her. Pero wala pang nagaganap kahit kiss. Isang beses lang na nagholding hands kami pero wala ng iba bukod doon. Isang beses lang iyon. Sam learned about it kaya kinausap nila ako ni Jerald. Pinayuhan nila ako na mali na paasahin ko si Candy well in fact mag-asawa pa rin tayo. Inamin ko na rin kase sa kanila na nahuhulog na ako kay Candy and is thinking na to leave you. Sinabihan nila akong nalulungkot lang ako kaya akala ko ay nafa-fall na ako kay Candy. Nag-isip akong mabuti. Nakita ko na maliang ginagawa ko kase nung isang beses na inaalagaan ko si Sophie, I realized na mahal ko kayo ng anak ko. I want us to be back to where we were before. The night that you saw us sa Sofitel, actually it was the day na sasabihin ko na sa kanya na tigilan na namin yun kalokohan namin bago pa may masaktan. Huwag ng ituloy ang namumuong relasyon. Patayin na agad ang apoy bago pa masira ang pagsasama natin. Nagulat siya kase masaya pa ang kwentuhan namin sa coffee shop ng hotel noon. Pero nung inihatid ko siya sa bahay niya sa Alabang, doon ko na sinabing hindi na ako lalapit sa kanya para maiayos ang buhay natin bilang mag-asawa at mabigyan siya ng pagkakataon na tumanggap ng tamang lalaki para sa kanya. Dahil ako ay may asawa na. Mali na makipagmabutihan pa siya sa akin. Kaya iyon ang huling araw na makikipaglapit ako sa kanya."
"Naisip mong lokohin ako? Hindi ko man lang naisip yan kahit ngayon na hiwalay tayo. I was faithful to you kahit alam kong you're drifting away. I still am faithful to you kahit sinaktan mo ako. Ang hina naman pagmamahal mo sa akin. Sa dami ng sakripisyo ko sayo, sa pagmamahal na ibinigay ko para sayo, hindi mo man lang naisip iyon? Ngayon naniniwala na ako na kaya mo lang ako pinakasalan ay dahil naawa ka sa akin. Na dahil nakonsensiya ka lang kase may anak na tayo. Na dahil nakokonsensiya ka rin sa mga naranasan kong hirap na mamuhay sa kalsada mahanap lang kita. Hindi mo ako minahal, bilang ako, nagawa mo lang akong pakasalan para masabing natupad mo yun pangako mo sa akin sa isla."
"Hindi totoo yan. Mahal kita."
"Kung mahal mo ako, hindi kailanman magdududa ang puso mo. Hindi kailanman mahuhulog sa iba. Hindi mo kailanman nanaising lokohin ako kase mahal mo ako. At kahit di tayo magkasama, at kahit pa magkalayo tayo, at lalong kahit pa magkaproblema tayo, mananatili kang tapat sa akin. Pero ano sinasabi mo sa akin? Na kaya ka natutong mahulog sa iba ay dahil pinabayaan kita. Kahit nasaan ako Richard, kahit anong ginagawa ko, napabayaan ko man ikaw dahil sa dami ng ginagawa ko bunga ng kadamihan ng umaasa sa akin, di ko nalimutan na mahal kita. Hindi ko kailanman maaatim na lokohin ka. At kahit galit na galit ako sayo ngayon, hindi ko pa rin magawang maghanap ng iba, kase tapat ako sayo, tapat ako sa isinumpa ko sa harap ng simbahan noong ikinasal tayo, sa hirap at sa ginhawa, ikaw lang ang mamahalin ko. Pero ikaw? Ipinagmamalaki mo pa na nahulog ka sa iba. Hindi tunay ang pagmamahal mo sa akin. Ang babaw ng pagmamahal mo sa akin."
Iyon lang at tumulong muli ang luha ko. Luhang nagmumula sa balon ng pighati at pagdurusa. Sa kabila kase ng lahat ng sakit at pagbabalewala niya sa akin, nangingibabaw pa rin yun pagmamahal ko sa kanya. Isang mahalagang bagay na hindi pala niya kayang ibalik sa akin.
"Mahal, Nikki, patawarin mo na ako. Pangako ko, hindi na ako maghahanap ng iba para masaktan ka. Hindi ko na rin nanaisin na lumapit pa sa kahit na sinong babae, mapatawad mo lang ako."
"Richard, huwag ka sa aking humingi ng tawad. Sa sarili mo. Kase ikaw din ang nagdala niyan sa sarili mo. Sa ngayon, hayaan mo na muna na ganito tayo. Hanapin mo ang sarili mo. Isipin mong mabuti kung tunay mo nga akong mahal. Kase sa nakikita ko, hanggang ngayon, hindi ka pa rin sigurado sa nararamdaman mo. Let us heal. Sariwa pa ang sugat. Hindi magiging maganda kung ipipilit natin ito. Masakit pa sa akin na malaman na nahulog ka sa iba. Let me process muna iyon. Baka kase kapag sumama akong muli sayo, makita ko pa rin na tinangka mo akong lokohin. Baka lalo lang tayong maghiwalay. Let's give ourselves some space. Kapag ready na tayo, saka na natin pag-usapan kung anong mangyayari sa relasyon natin bilang mag-asawa."
"I'm sorry mahal for putting this burden to you. Pero tandaan mo, mahal na mahal kita and aayusin ko lang lahat ng gusot sa buhay ko. Pero huwag mong iisipin na bibitaw na ako sa relasyon natin, itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko, para pagbalik ko sayo, wala ng bakas ng galit at pagsisisi. Mahal, hintayin mo pa rin ako ha."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Sana maayos din tayo, mahal. Sana mapatawad mo na rin ako." Iyon lang at tumayo na siya para umalis.
Gusto ko man siyang habulin at sabihing nagbago na isip ko, pero kailangan niyang pagdusahan ang mga ginawa niya. Kailangang may matutuhan siya sa nangyari. Kase kung tatanggapin ko na lang agad siya, hindi niya makikita ang halaga ko, namin ni Sophie sa kanya. Let him learn his lessons. Besides, experience is the best teacher.
A/N Goodnight..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro