39
Maglilipat na kami ng anak ko sa bago naming tirahan. Hindi ako pumasok ng Lunes sa office dahil gahol na ako sa oras. Kahapon kase ay namili na ako ng ilang furnitures at necessities para sa condo na ideliver ng Monday morning. Naiwan muna sila ni Yaya sa hotel. Ayoko kaseng mabuwisit ang bata habang nag-aayos ako ng bahay. May exam pa naman ako ng hapon sa kolehiyo kaya kailangan kong madaliin ang pag-aayos.
Pagkatapos kong mag-exam, bumalik ako sa bagong condo para ituloy ang pagliligpit. Tinulungan na lang ako ni Manong Rod.
Ang Condo unit ko ay 3 bedroom suite na nasa 25th floor ng isang high rise condominium sa BGC. Malapit lang sa trabaho ko para mas madali sa akin na masilip ang anak ko.
Nung Biyernes ng gabi na naabutan ko si Richard sa hotel, nauwi iyon sa pagsasalita ko sa kanya ng mga ibang nais kong sabihin. Hindi na rin siya nangulit dahil batid niyang galit na galit ako. So nung pumasok ako sa bathroom ng mapagod na ako sa pakikipag-away sa kanya, paglabas ko ay wala na rin siya. Siguro naisip niya na wala naman ng mangyayari at maaayos kahit mag-usap pa kami. Ayoko na muna kaseng pakinggan ang mga sasabihin niya.
Sa ngayon, busy ako sa pag-aayos ng buhay ko kaya wala akong panahon mag-isip at masaktan. Ang mahalaga sa ngayon ay maiayos ko ang titirhan namin.
Isang linggo ko kaseng kailangan tapusin ang exam ko at nag-temporary leave of absence ako. But then I had instructions with Sarrie na kung may kailangan ng immediate attention ko, tawagan lang ako at pupuntahan ko sila agad. So far, wala pa naman.
☆☆☆
The rest of the week was a busy one. I finished every deadline, every exam and ang pag-aayos sa bahay ko. Nagpainstall ako ng mga safety features sa bahay kase may kasama akong bata sa bahay. Masasabi kong liveable ang condo ko. Gusto ko kase na magkaroon ng positive ambiance ang bahay kaya madaming ilaw sa buong condo unit.
Nalaman ni Daddy na wala na ako sa bahay namin sa Makati dahil dumalaw daw ito doon isang araw ngayong linggo. Hindi na daw muna niya kami papakialaman kase sinabi ko na dumadaan kami sa isang mahirap na sitwasyon bilang mag-asawa at aayusin din kapag medyo nakapagpalamig na kami pareho ng ulo. Although alam ko na matalino si Daddy at nasense niya na malaki problema namin dahil bumili pa ako ng condo para lang sa away na ito. Sinabi ko na lang na investment ko rin iyon dahil sa tagal na pagtratrabaho ko, ngayon lang ako bibili ng ganito. I joked pa na there's always a first time sa mga bagay. Kaya tumango na lang si Daddy. Sabi niya if may kailangan ako at minsan kailangan kong umalis, pwede naman daw iwan sa kanila si Sophie. Hindi pa ngayon. Mas kailangan ng anak ko na magkasama kami kase wala na ang ama niya sa tabi namin.
Wala rin akong balita kay Richard kase isinarado ko muna ang sarili ko sa mga usaping tungkol sa kanya. Kung asan man siya at kung sino man ang kasama niya, hindi ko alam. Wala na rin akong pakialam.
Sumasagi na rin sa isip ko ang legal separation para naman makakilos kami ng maayos. Iyon lang muna. Annulment would be my last resort. Let his woman remain as a mistress. Kung gusto nila labanan nila ako sa husgado for that. Pero I guess I won't initiate Annulment para sila ang mahirapan. Para na rin sa anak ko.
I can say na pinatibay talaga ako ng mga karanasan ko kaya kahit nasasaktan, bakas ang tapang sa pagharap sa problema sa aking mukha. Hindi ako natitinag kahit pa alam kong deep inside, sobrang sakit ng ginawa niya.
Ayoko pa rin na kausapin siya at hingin ang paliwanag na gusto niyang ibigay. Alam ko kase na masasaktan ako lalo. At alam ko sa sarili ko na isisisi niya sa akin ang mga nangyari sa amin. Hindi ko matatanggap iyon. Dahil sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko, nanatili akong tapat at nagmamahal sa kanya. Siya ang mahina. Siya ang hindi kayang tuparin ang pangako namin. Kaya kung may dapat mahirapan sa sitwasyong ito, siya yun. Hindi ako.
I learned to love myself. Nagkaroon ako ng time para sa sarili ko, sa anak ko. Wala na kase akong katuwang. And isa pa, si Daddy at si Mamita ay nariyan lang para gabayan ako. Kaya alam ko sa sarili ko na may dahilan pa ako para maging masaya. Iyon ang naging lakas ko.
A/N Kapit pa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro