33
We had a wonderful dinner date tonight. Pag-uwi, alam na ninyo ang mga nangyari. It was as if we were newly weds. We did it till before sunrise.
Kakapagod pero it's worth it. We made up for the days na hindi kami okay.
"Mahal, let's not go to work today." Sabi niya bago kami tuluyang makatulog.
"I guess di na nga ako makakapasok. Pinagod mo ko."
"I deliberately did it! Ayaw kita talaga papasukin. Sosolohin ka muna namin ng anak natin."
"Well... let's sleep na mahal. Mag-umaga na."
"Okay." Iyon lang ang sagot niya.
Nauna akong makatulog sa mahal ko kase pagod na pagod ako. It was a relaxing and peaceful slumber. Walang hang ups, walang worries and wala ng away. It was the best sleep I ever had after our misunderstanding.
☆☆☆
The following day, I went to work again.
As usual ang bumungad sa akin ay panunukso ni Sarrie.
"Madame, bakit absent ka kahapon? May bisita ka pa man din."
"Sino naman bibisita sa akin? Kasama ko ang asawa ko maghapon."
"Ayie! Kaya pala absent. Si Sir Pogi, dumating. Maghihintay sana kaya lang sinabi ko na hindi ka papasok."
"Sinong Sir Pogi?"
"Si Mr. Cruz. Grabe appeal niya Madame. Hindi maialis ng mga hitad ang mata nila. Ang gwapo, Papa P talaga."
"Kayo talaga. Baka matakot yun tao."
"Di ako ha! Yun sila Luisa. Nalalandi. Padaan-daan. Nagpapapansin. Pero di naman umubra. Mukhang seryoso at di mahilig sa chicks."
"Ganun ba?"
"Oo Madame. Sayang taken ka na, kundi, mukhang type ka."
"Shhhh... Hindi pwede! May asawa na ako at mas gwapo ang asawa ko siyempre!"
"Oo nga. Pero gwapo rin yun si Sir, aminin mo!"
"Pwede. Pero mas gwapo ang asawa ko."
"Hay, iba na inlove na inlove."
"Ikaw din dapat! May jowa ka na rin kaya. O sige na, send mo sa akin yun mga pipirmahan ko. Alam ko dami kong trabaho ngayon."
"Okay. Later na muna. Ayusin ko sa folder oara di mahirap ma-itemize."
"Sige."
I went inside. Napagtanto ko, totoo naman ang sinabi ni Sarrie, kaya lang mas gwapo talaga asawa ko. Siyempre, love your own diba. Isa pa, wala naman akong pakialam. May asawa na ako at mali ang lumandi sa iba.
The rest of the day, ay natapos sa pagtratrabaho. Dami ko talagang ginawa. Buti na lang walang umistorbo sa akin.
Nakauwi ako ng bandang alas sais ng gabi. Wala pa ang asawa ko. Tumawag itong mag-overtime dahil 2 days na siyang absent.
Sinabi ko na lang na hintayin ko siya. At magluluto ako ng masarap na dinner.
Alam ko excited na siyang umuwi kaya lang tambak ang trabaho niya. Malaki na tiwala ko kay Richard kaya di ako nagdududa sa kanya. Pinatunayan naman niya yun sa akin nung tinawagan ko si Sam at Jerald kung sa kanila nga nagstay ang asawa ko ng two days. Di alam ni Ricardo iyon dahil ayokong isipin niya na nagdududa ako sa sinabi niya.
Wala na nga atang problema sa amin. Kung di naman hahayaan ang mga hadlang sa relasyon namin na umeksena, wala ng magiging problema. Sana nga di na sila bumalik. Kahit kailan.
A/N I will finish this... "my mantra"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro