Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32


Miguel fetch me as what he had promised. He seems so kind.

We went to San Pedro Laguna for the site inspection.

Malaki ang factory niya. They are manufacturing shoes, bags and other novelty items. Masasabi kong magaganda ang quality ng products nila kaya I was sure I made the right decision.

During lunch, sa may Alabang na kami kumain. Sa isang mall doon.

Wala naman akong nakitang masamang intensiyon si Miguel. He was just a gentleman.

By three in the afternoon, nakabalik na kami sa office. Thankful ako na naging maganda ang inspection. Hindi na siya umakyat at sinabing may 4 pm meeting siya. Okay naman yun dahil hindi na talaga kailangan pang umakyat siya. Buong maghapon na namin napag-usapan ang partnership.

Richard was calling and texting mula pa kaninang umaga. Napapailing na lang ako. Miguel was also aware kaya natatawa siya. He even asked me if nagseselos si Richard but I said ganun lang talaga ang asawa ko. Masyadong clingy. Miguel said napakaswerte ko daw sa asawa ko. I guess so. Yun nga lang kapag nagagalit, nalilimutan atang mahal ako kase lumalayo at naglalasing.

I think I found a new friend in Miguel.

As soon as I came back from Laguna, pagpasok ko pa lang sa office, nandoon na ang asawa ko at naghihintay. He was holding a dozen red roses.

"Hi, mahal." Bati niya sa akin. Humalik sa pisngi niya.

"Kanina ka pa? Tapos na work?" Tanong ko naman.

"Yep! Tinapos ko na agad kase gusto kong sunduin ang asawa ko. Idedate ko siya." May ngiti sa labing sabi niya.

"Okay. Ayusin ko lang sandali yun paperworks na naiwan ko kanina tapos,we can go na."

"Sige, mahal. Take your time."

Mabilis kong tinapos ang trabaho ko. And around four, paalis na kami.

"Saan tayo pupunta?"

"Siguro punta tayo sa Antipolo. Gusto kong ipasyal ka. Puro na lang tayo trabaho."

"Wow! Gusto ko yan."

Sumakay na kami sa kotse niya. Pinauwi ang driver ko at sabay na kaming mag-asawa.

We went to Antipolo, sa dating pinuntahan naming place, yun Cloud Nine. Maganda kase doon dahil overlooking ang place. Malamig pa dahil nga nasa taas ng bundok.

"Mahal, ang ganda talaga dito. Kita mo yung ilaw ng Maynila. Lalo na ngayong gabi."

"Kaya nga dito kita ulit dinala. Alam ko kaseng gusto mo dito."

"Thank you, mahal."

"Mahal, I'm sorry ha. Alam kong nasaktan kita these past few days. Dahil sa unreasonable thinking ko, muntik ka na naman mawala."

"Mahal, di ako aalis. I want us to work this out. Hindi tama na iwan kita kahit galit ka sa akin. Alam ko naman na ako ang may kasalanan."

"But I was so stubborn. Nagsorry ka na pero nagmatigas pa ako. Kaya sorry na mahal, di ko na yun uulitin. Kahapon, na-threatened ako sa Miguel Cruz na yun. Narealize ko na hindi ko kakayanin na ipagpalit mo sa iba kapag nanawa ka na sa katigasan ng ulo ko at pagbabalewala ko sayo."

"Shhh.. hindi mangyari iyon. Promise ko sayo yan. Asawa mo na ako kaya di ko na kailangang humanap pa ng iba. Ikaw na lang."

"Mahal, alam ko. Pero natakot ako."

"Pwes, huwag kang matakot. Ako nga dapat magduda sayo, saan ka nagsusuot nung nawala ka ng dalawang araw. Madaling araw ka ng umuuwi."

"Na kanila Sam lang ako Mahal. Hindi kami lumabas. Ayoko. Gusto ko lang mag-inom. Pero promise, wala akong ginawang kalokohan."

"Dalawang araw?"

"Yun pangalawa, kala Jerald naman. Pinapauwi na nga nila ako kaya lang kase bukod sa naiinis ako sayo, naiinis din ako sa sarili ko. Nahihiya na ako sa mga ginagawa ko. Samantalang alam ko naman na ayaw mo at di mo sinasadyang mawala si Sophie. Kaya sorry mahal. Di ko na ulitin."

"Tama na nga yan. Okay na tayo. Magenjoy na lang tayo tonight. Okay ba yun?"

"Basta, sorry. Tandaan mo, mahal na mahal kita. I will regulate yun init ng ulo ko."

"Okay na mahal. Don't rub it na! Tapos na iyon. Order na tayo. Kanina pa naghihintay yun waiter o."

"I'm sorry." Nagkatawanan na lang kami.

Happy kase napag-usapan namin yun problema. Nalaman ko pati kung saan siya nagpunta nung galit siya. Kala ko kase babalik siya doon sa Trish. Buti na lang hindi.

A/N Early update.. NCAE today kaya walang classes.

Nga po pala, paalala, ang stories ko ay fiction, huwag masyadong magalit o magpakadala. Simple lang ang mga istorya, and sometimes kakaiba ang plot pero ang mga usapan at tauhan, kahit pare-pareho ay hindi direktang naglalarawan sa tunay na buhay nila Alden at Maine. Meron po kaseng hindi nakakaunawa at nakakainis na pati propesyon ko e tinitira. Matapang po ako sa tunay na buhay pero hindi ako masamang tao. Sasabihin ko po talaga ang gusto ko afterall, ang stories ko kahit nakapublish, it's for my own satisfaction and to ease my boredom. Hindi po importante na wala siyang readers dahil itinatago ko nga itong ginagawa ko sa mga students ko. Not because nahihiya ako pero ayokong tumawag ng pansin. Pasensiya na po if may sinagot ako sa isa sa stories ko, nakakapikon kase at wala sa hulog ang mga sinasabi. Tao lang. Nagagalit din. Gusto ko ngang iseminar at kaawa na dahil wala sa katwiran ang mga sinasabi. Pasensiya na po ulit sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro