3
I was fidgeting the whole time papasok sa venue kung saan ako ipapakilala ni Daddy sa mga Manila Business Club. Hindi ko alam kung anong ineexpect ko. This will be televised kaya I am expecting he would see me sa news. That thought made me confident. I had to held my head high. Ipakita sa kanya na iba na ako. Sounds revengeful diba? Yun lang makita niyang buhay ako at nakaahon sa putikang pinag-iwanan niya sa akin, nakaganti na ako. Pero siyempre, kulang pa. May plano pa akong iba. But not as Dei Capili, but as Nikki Mendoza.
When we entered the venue, people who saw us, me and Dad made different perceptions of who I am. I don't care. Later naman they will know who I really am.
"Such a lovely wife you have, Mr. Mendoza" bati ng isa sa mga kaibigang businessman ni Dad.
"Oh! You're mistaken. She's not my wife." My dad says.
"Then, we guess, she's your girlfriend, Teddy!" Sabi pa ng isa. Nakaangkla kase ako sa Daddy ko and looking elegant in my navy blue body-hugging lace dress.
"Hahaha!" Yun lang ang isinagot ni Daddy. Ako naman ay nangingiti lang. Sinasabi ko na nga ba e, iba ang impression nila sa akin kapag nakita nila ako. Pero syempre, that will be corrected later upon the start of the program.
Nilinga-linga ko ang paligid. Looking for people whom I know. Of course, may makikilala ba ako sa lugar na ito samantalang ngayon lang nila ako makikita. Kakatapos ko lang kase sa nga crash courses ko sa management, fashion, and etiquette. Kailangan kong matutunang maging sosyal dahil yun ang mundong ginagalawan ng tatay ko. And as of now, I'm also enrolled in a Prestigious University. Actually online siya para di makuha ang oras ko sa trabaho at sa pag-aalaga kay Sophie. Once a week lang akong pumapasok sa school para sa mga kailangan kong isubmit and sa personal learning with my professors. I'm in 2nd year college na.
I was seating alone sa table because Dad was called by his Amigos for a little chat and kamustahan.
Looking around, I saw someone familiar. Pero imposible kase hindi ko inaasahang dito pa kami muling magkikita. Si Ricardo Reyes, ang ama ng anak ko, ang siyang umiwan sa akin. What a coincidence diba? Hindi pa niya ako nakikita or maybe, hindi niya ako nakikilala. Malayung-malayo na ako kay Dei Capili, ang probinsiyanang utu-uto at tangang nahulog sa matatamis niyang salita.
Nagngingitngit ang kalooban ko ng makita kong may kasama siyang babae na nakaangkla sa kanya at siya naman ay nakahawak sa beywang nito. Mukhang magkatipan sila base sa kilos at galaw nila. Lalo akong naiinis. Lalong nagagalit dahil hindi man lang niya batid na may anak siya. Ni hindi niya inalam kung kamusta na ako sa isla kung sakaling wala ako dito ngayon. Sa nakikita ko, wala na siyang pakialam at lalong wala na siyang balak balikan ang kawawang si Dei Capili sa Pangasinan. Kawawa naman pala ako kung nanatili akong si Dei na taga-probinsiya. Malamang, mag-isa kong binubuhay ang anak kong si Sophie dahil katulad din ng Nanay ko, walang ama akong nakagisnan. Pero siyempre, iba ang kay Daddy. Sinabi ni Lola na nagmamahalan si Nanay at Daddy, yun nga lang hadlang ang magulang ng ama ko sa nanay ko dahil mahirap lamang ito. Pero ang Tatay ko ay tanggap ako at alam kong mahal pa rin ako kahit na hindi niya ako nakilala dati. Ngayon naman ay bumabawi siya sa akin.
Matalim kong tinititigan ang walanghiyang Ricardo Reyes na yun ng bigla kong narinig na nasa taas na ng entablado si Daddy.
"Ladies and Gentlemen, welcome to the Annual Gala night of the Manila Business Club here at Sofitel, Manila.
I hope all of you are having a good time! Just enjoy the party.
But before I finish my simple Welcome address to you, please lend me your ears as I introduce to you the most important woman in my life today and the rest of my life, the heir to all my businesses and investments, properties and assets, my one and only daughter, Nikki Mendoza. Palakpakan ang mga tao. Ako naman ay nanatiling nakaupo. Ang ilang nakakita na sa akin kanina ay napatingin muli sa lugar ko. Pero ang ilan, including si Ricardo Reyes ay unaware pa. Let us see his reaction when I show myself na.
Alam kong nagulat kayo because, finally she is here. She's a very shy person that's why she opted to stay on the sidelines. But I insist that she has to be introduced to my co-businessmen because in two years time, I will retire and soon, the one person who will take over my empire is none other than my baby, Nikki! Come baby, show yourself.
Tumayo ako. Inalalayan ako ng isa sa mga naka-Barong Tagalog na bodyguards ni Dad.
This is it! It's show time!
Taas noong umakyat ako sa stage kung saan sinalubong ako ni Daddy. I stood straight. Nagpalakpakan ang mga tao.
Hinanap ko kaagad si Ricardo Reyes para malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya. What I see is no reaction. Di niya ako nakilala. Good. Maitutuloy ko ang plano ko without him knowing I am Dei Capili in actual life.
A/N I'll try to update later po. The next days would be a busy week for me kase gawaan na ng cards ng bata and I have 75 students para igawa. Wish me strength na lang po. Thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro