Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

We went into this restaurant just near my office. Gutom na din kase ako and ayoko ng lumayo. As soon as we settled down, nag-order na kami ng food.

We were waiting for the food when Richard spoke.

"Mahal, natatawa ako sayo."

"Bakit naman?"

"Ang tapang mo. Akalain mong sabihin mo iyon sa harap ng mga empleyado ninyo."

"O bakit? Ayaw mo ba? Bawiin ko kaya."

"Hindi no! Gusto ko nga. Nakita mo ba yun mukha ni Luisa nung sinabi mo yun?"

"Oo. Disappointed. Hopia!"

"Hahaha! Bakit hopia?"

"Hopia! As in wala ng pag-asa. Pero baka naman meron pa?"

"Hindi ah! Ikaw lang."

"Ows? Talaga?"

"Bakit ba ikaw napakababa ng tingin mo sa sarili mo? Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko."

"E di wow!"

"Hanep sa sagot!"

"Okay. Okay.. thank you! Ayos na ba yun?"

"Hindi pa. Mamaya pag-uwi alam mo na ang gagawin natin."

"Mahal, di pa ko nakakabawi ng lakas, eto ka na naman."

"Mahal, 3 buwan kase na araw-araw. Magdalawang linggo pa lang tayo, pagod ka na?"

"Nakakainis ka!"

"Basta."

"O di sige! Basta isa-isa lang sa isang araw."

"Grabe naman yun mahal. Hindi lang ganun kapasidad ko."

"Ilan ba?"

"Apat?"

"Ang manyak mo talaga!"

"Hindi ah! Sayo lang kaya."

"Hay, bahala ka! Kapag ako di na nakabangon, bahala ka kay Daddy!"

"Okay."

"Okay ka diyan. O ayan na pala yun food. Mamaya na natin pag-usapan yan."

Kumain kami at paminsan, nagkwekwentuhan. Tungkol lang sa mga nangyari sa araw, minsan napag-uusapan namin si Sophie and ang balak naming huwag munang sundan ang anak namin. Gusto ko kase munang makatapos ng pag-aaral. Tatlong sem na lang naman. And kahit ba online lang ang pag-aaral ko, ayoko munang maramdaman ulit yun hirap ng pagbubuntis. Siguro, i-enjoy muna namin ang pagiging maliit ng aming pamilya.

☆☆☆

Since the day na inannounce ko ang kasal ko kay Richard, typical na sa kanila na makitang sinusundo ako ng asawa ko. Si Luisa naman ay naglielow na. I mean, hindi na siya umaasa na mapapansin pa ng asawa ko. Ang kwento ni Sarrie, may bago na naman siyang prospect, yun aking isang Project Manager na si Rafa Sevilla. Nalaman kase niyang nagmula sa mayamang angkan ang lalaki at may mga ilang ari-ariang hasyenda sa Cebu. Kaya doon na nakafocus ang atensiyon niya. Yun nga lang, di siya napapansin dahil feeling ko, nabuking na ang estratehiya niyang paglalandi. Sadya palang may mga ganung klase ng babae. Yun ipinipilit ang sarili sa mga lalaki kahit halata namang ayaw ng lalaki sa kanila. Pero di ko na yun inintindi, wala naman akong pakialam kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Bahala siya sa diskarte niya. As long as hindi siya hadlang sa aming mag-asawa ay okay lang.

Isa na lang ang matiyaga na maghabol sa asawa ko. Si Trish. Hindi pa rin talaga tumitigil sa kahahabol sa asawa ko. Nakakainis na siya. Daig pa niya ang langaw sa kasusunod sa asawa ko. Para siyang asungot na sumusulpot kahit nasaan ang asawa ko. Okay lang naman sana sa akin kaya lang sumosobra na siya.

Minsan isang araw, lasing na lasing na dumating sa opisina ni Richard. Nagkataon na naroon ako kaya wala siyang nagawa kundi umalis ng luhaan.

Nakaupo kase ako sa couch kaya di niya napansin na naroon ako habang may ginagawang trabaho ang asawa ko sa lamesa niya. Bigla siyang pumasok at dire-diretsong lumapit sa asawa ko at pinaghahalikan ito. Itinulak siya ni Richard pero di pa rin  natauhan, lumapit pa rin. Ako na di nakapagpigil kaya hinila ko sa kuwelyo at sinampal. Doon lang siya natauhan pero hindi pa rin nagpapigil. Bago kase umalis ay nagbanta pa.  Gaganti daw siya sa ginawa ko at hindi ko daw magugustuhan ang gagawin niya. Makikita ko raw na siya pa rin ang pipiliin ni Richard. Naloloka na talaga siya. Wala na siya sa katinuan dahil sa sobrang patay na patay sa asawa ko.

Hindi naman ako natatakot sa kanya. Kung sa kanya rin lang, di ako apektado. Kaya lang huwag lang niyang idadamay ang mga mahal ko sa buhay.

Richard and Daddy had to hire me a bodyguard. Baka daw kase kung anong plinaplano ni Trish. Ayaw ko man pero wala akong magawa. Pumayag na ako. Kung ito lang ang makakapagpa-panatag ng kalooban nila, ay tatanggapin ko. Ayoko rin naman kase silang mag-alala sa akin.

A/N Sorry sa matagal bago masundang update. Pero I'll try to finish this within this week. May mga bago kase akong idea na gusto kong itry isulat. I hope you'll wait for it. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro