Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

Naka-news blackout ang wedding namin. Nobody knows na ikakasal kami. Mabuti na yun, ayoko naman na maraming nakakaalam.

The wedding was a romantic and intimate affair.

Kumpleto ang pamilya ko at pamilya ni Richard. Pati na rin ang ilang malapit na kamag-anak namin nila Daddy na lumipad pa mula sa Amerika at Europe ang mga ito. Di na nag-imbita ang ama ni Richard kase ayaw nitong may sumira pa sa masayang estado ni Richard.

Naikasal kami ng walang problema, pati sa reception ay masayang naganap. Natapos ang reception makalipas ang tatlong oras. Ang lahat ay masaya para sa amin.

Doon na muna kami didiretso sa hotel sa Pasay pagkatapos ng kasal. Si Sophie ay isasama muna nila Daddy at sinabi kong  susunduin na lang namin kinabukasan. Sinabi ko kaseng ayokong malayo dito.

Sa susunod na linggo pa kase namin balak mag-honeymoon sa Palawan at gusto kong isama si Sophie kaya isasama rin namin si Mamita at ang Yaya ng anak ko para may mag-alaga sa baby ko. Kakatawa diba pero ganun talaga, dahil may anak na kami. Pero si Daddy ang nagsabi na hayaan na muna namin na makapag-enjoy kami bilang mag-asawa. Ayos lang naman daw na sila ang mag-alaga sa anak namin.

"Anak, pwede naman namin alagaan si Sophie. Mag-enjoy kayong mag-asawa. Sandali lang naman. Kahit three days."

"Nakokonsensiya ako Dad. Nagsasaya kami ni Richard habang ang baby ko malungkot."

"Of course not! Di pa naiintindihan ni Sophie yun. Samantalahin na ninyo para naman makapag-usap kayong mabuti ng asawa mo."

"Sigurado ka Dad?"

"Oo naman. Humayo kayo at magpakarami!"

"Dad ano ka ba! Hindi muna masusundan si Sophie at nag-aaral pa ako. Saka na."

"Okay. Basta sa amin muna ang apo ko. Hinihiram nga rin ni kumpadre. Tuwang-tuwa sa baby natin."

"Sige Dad, pahiram ninyo, okay lang naman. Para makilala din ni Sophie ang pamilya ni Richard."

"O sya, sya! Umalis na kayo. Nakaayos na yun maleta mo, nasa bridal car na. Pinaayos ko sa maid."

"Sige Dad." Humalik na ako kay Daddy pati na rin sa baby ko na  busy sa paglalaro. Di alintana na aalis na kami ng Daddy niya.

☆☆☆

Dumiretso kami sa Sofitel sa Pasay para doon na maghoneymoon muna.

"Mahal, finally mag-asawa na tayo. Kailan natin sasabihin na kasal na tayo?" Tanong niya habang inaayos ko ang mga gamit namin sa cabinet. Ayoko kaseng maghahalungkat pa sa maleta kapag maliligo at magbibihis.

Tumingin ako sa kanya.

"I don't know?"

"Paano yun surname mo? Magpapalit ka na. Di na pwede na Miss Mendoza ka pa rin. Di ako papayag."

"So what should we do? Sabihin na ba natin?"

"Oo naman. Wala na naman silang magagawa. Tapos na ang kasal. Of ever ako magsalita. Para naman maproteksiyunan ko ang anak at asawa ko."

"Okay. Para na rin tumigil yang mga ilusyunada mong fans!"

"Hala! Di naman ako artista pero may fans talaga?"

"Oo! Yun mga tawag ng tawag sayo at sunud ng sunod. Hindi mga nadadala! Mga talandi!"

"Hahaha! Mahal tatandaan mo ito ha, iyo lang ako. Wala ng makakaagaw sa akin. Kahit sino pa yan!"

"Good. Sige, maligo ka na. Kanina ka pa nakapahinga. Para makapagpalit ka na ng damit."

"Sabay na tayo."

"Hindi na. Ikaw na muna. At saka madami akong seremonyas."

"O di makikiseremonyas din ako."

"Hindi! Hala! Bilis, ligo na! Kung ayaw mo, uuna na akong maligo! Tapos tutulugan na kita."

"Oo na po!sige na nga. Saka na lang tayo sabay. Alam ko naman na nahihiya ka pa sa akin."

"Alam mo naman pala. Sige na, ligo na. Masaya mamaya." Sabay kindat ko sa kanya. Akalain mong nagmadali sa pagpaligo. Wala pang sampung minuto tapos na. Di pa nga ako natatapos ayusin ang gamit namin, tapos na.

"Anong ligo ginawa mo? Nagbasa ka ba?"

"Oo naman! Excited na kase ako. Ligo ka na bilis, ako na mag-ayos niyan. Hintayin na lang kita sa kama pagnakatapos akong magtiklop."

"Okay. Ayusin mo ha. Rirebisahin ko yan!"

"Opo."

Naligo na ako. Sadya kong binagalan at natatakot ako. Alam na ninyo, matagal na akong walang praktis.

A/N Hala eto na naman! Hahaha! Ako kinakabahan, hindi yun karakter ni Dei!








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro