Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

After dinner, nagyaya na akong umuwi. Napagod din naman talaga ako sa exam ko kanina.

Inihatid niya akong muli sa bahay.

"Are you alright?"

"Oo naman. Napagod lang."

"Pahinga ka na."

"Ikaw din. Salamat sa dinner."

"I'll see you tomorrow."

"Bahala ka."

I bid him goodbye. Medyo nakaluwag din sa akin na sabihin sa kanya ang tungkol kay Sophie minus yun katotohanang siya ang ama nito.

☆☆☆

I can't sleep. Naiisip ko yun pinag-usapan namin. Alam kong kailangan ko rin sabihin sa kanya yun isa ko lang sikreto pero hahanap pa ako ng tiyempo. Siguro kapag handa na ako. Kapag kaya ko na siyang harapin tungkol sa nangyari sa amin dati nung ako pa si Dei. Sa ngayon kase, parang hindi pa. Hindi ko pa ata kayang sagutin yun mga tanong at di ko pa rin kayang marinig yun ibang kasagutan sa tanong ko.

Kahit pagod, di ako matulog. Binalikan ko ang mga naganap sa akin. Mula ng mawala si Lola Charing, hanggang dumating si Ricardo sa buhay ko, at ng iwan niya ako pati na ng malaman kong buntis ako at ang paghahanap ko sa kanya. Masakit lahat ang mga naganap sa akin. Masama bang asamin na maging masaya? Ang alam ko lang ay si Ricardo o si Richard lang makakapuno nung kulang sa buhay namin ni Sophie. Nag-isip akong mabuti, siguro nga panahon na para malaman niya ang totoo.   Kapag nasabi ko na sa kanya ang katotohanan, mapapalaya ko na ang sarili ko sa mga sakit na naranasan ko.  Oo siguro nga tama na sasabihin ko na  sa kanya ang totoo. Para matapos na ang sakit na nararamdaman ko.

☆☆☆

Maaga akong pumasok kahit naman puyat ako. Alam kong dadating si Richard para sunduin ako.

Sinimulan ko ang trabaho ko ng maaga. Gusto ko kaagad matapos para naman hindi ko na iintindihin mamaya.

During lunch, niyaya ako ni Sarrie na kumain pero wala talaga ako sa mood kumain. Kinakabahan ako. Naka-ilang kape na ako. Pero ipinaggawa pa rin ako ni Sarrie ng sandwich para daw malamanan ang tiyan ko.

Kinahapunan, natapos ko lahat ng trabaho ko, pati ang mga meetings ko. Hinihintay ko na lang na dumating si Richard kase tumawag na siyang susunduin ako.

I was reading my book, If Tomorrow Comes ni Sydney Sheldon ng pumasok si Sarrie para sabihing nasa labas na si Richard. Kinakausap ito ni Luisa at galit na galit daw dahil iniwan siya kahapon. Natatawa ako kase detalyado talaga ang chika ng secretary ko.

"Mam, mukhang tanga si Miss Luisa, di iniintindi ni Sir Richard pero salita ng salita."

"Ikaw talaga, salatera ka. E bakit daw nandito yun si Faulkerson?" Patay malisya na naman ako.

"Hinahanap ka. Wala naman meeting siya sayo kase alam ko schedule mo."

"Ako? Talaga lang. Baka magselos yun syota!"

"Narinig ko sabi ni Sir Richard, tigilan na daw siya kase hindi naman niya gusto si Luisa. Isa pa huwag na daw mag-assume kase kaibigan lang ang tingin dito."

"Sinabi iyon?"

"Oo Mam. Teka papasukin ko na. Pinagtatawanan na si Luisa sa labas. Ahahaha!"

"Naku ikaw talaga!" Natatawa ako. Makulit din ang secretary ko kaya naman kahit nakakapagod ang trabaho, may isang tao na nagpapasaya sa akin dito sa opisina.

Maya-maya lang ay pumasok na si Richard.

"Anong ginawa mo doon? Kausap mo daw si Luisa?"

"Oo. Sinabihan kong tigilan na niya pag-iilusyon na nililigawan ko siya kase ayoko naman sa kanya."

"Ang sama mo talaga!"

"Di naman. Kaysa masaktan lang siya, mabuti pa tigilan na niya yun."

"Kunsabagay."

"Tara na?"

"Umuna ka na. Baka sabihin ni Luisa, ako ang ipinalit mo sa kanya."

"Eh ano! Di ko naman siya niligawan. Ikaw naman talaga ang gusto ko."

"Eh yun Trish? Asan na?"

"Hindi ko na rin pinapansin. Ayoko ng lumapit sa kanila."

"Ganun?"

"Siyempre! Kung gusto mong paniwalaan ako, dapat layuan ko yun nga babaeng may HD sa akin."

"Yabang naman talaga."

"Tara na."

"Okay. Kunin ko lang yun bag ko at laptop ko."

"Good."

Paglabas namin, akalain mong kunin ng mokong ang bag ko at laptop ko.

"Huy Ricardo! Ako na bahala sa gamit ko!"

"Hindi. Mabigat. Ako na. Diba aalagaan kita? Eto na yun."

"Baka akala nila boyfriend kita."

"Eh ano! Gusto ko naman yun!"

"Ewan sayo. Tara na. Ang sama ng tingin ni Luisa sa akin o!"

"Hayaan mo siya, wala naman siyang karapatan, sayo lang ako."

Hinampas ko siya sa braso.

"Loko ka!"

Naglakad na kami. Di pa nakuntento, kinuha pa ang kamay ko na pilit kong binabawi pero hinigpitan ang hawak.

Narinig ko pa usapan sa umpukan nila Luisa.

"Girl di pala ikaw ang target! ahahaha! Si Madame pala talaga! Taas kase ng pangarap mo day!"

"Hala! Ipinagpalit ka kay Madame! Kunsabagay, kahit ako si Sir Richard, mas gugustuhin ko pa rin si Madame. Sino ka naman?"

Walanghiya ang mga tauhan ko. Napaka-harsh nila kay Luisa. Alam kong galit na galit sa akin ang babae.

"Alam mo gago ka!"

"Bakit?"

"E kung patayin ako nung si Alvarez? Mapag-gawa ka kase ng eksena."

"E ano! Araw-araw na kitang susunduin. Tignan ko lang kung magawan ka niya ng masama."

"Loko ka!"

"Saan tayo?"

"Sa tahimik ulit?"

"Okay." Hindi pa rin binitawan ang kamay ko kahit malayo na kami sa office ko. Parang nasasanay na ang lokong ito. Pero sa totoo lang, di ko rin mapigil ang kilig. Hala! Nalimutan ko ng gumawa pala ito ng kalokohan dati sa akin. Pero siguro panahon na para magkaalaman na kami. At ngayon na yun. Isa pa, gusto ko ng buksan yun pinto ko para sa sayang matagal ng ipinagkait sa akin.

A/N Last update later...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro