15
We went to this resto just outside the Metro. Mahilig itong si Richard sa Antipolo. Iba naman lugar. Sa isang overlooking place din.
"Anong gagawin natin dito?"
"Kakain. Mag-uusap."
"Okay."
Tunog ng tunog ang cellphone niya kanina pa mula ng umalis kami sa BGC. Must be Luisa, looking for Richard.
"Sagutin mo kaya. Baka mamuti na mata nun sa kahahanap sayo."
"Hayaan mo siya. Tutal naman ayoko siyang kasama. Napipilitan lang ako kase nga gusto kong sumilay sayo."
"Sinadya ninyo bang sundan ako sa BGC?"
"Hindi. Nagkataon lang."
"Kunsabagay. Hindi naman ako dumaan sa office kanina. Pero sinundo mo pala si Luisa? So ibig sabihin, type mo din siya?"
"Hindi."
"So paano mo ipaliliwanag kung bakit kayo magkasama ngayon?"
"Well, I'm sorry naco-confuse ka sa actions ko. I'm just a gentleman that's all. Pumunta ako sa office mo at nalaman kong di ka pumasok. Uuwi na sana ako pero makulit yan si Luisa na samahan ko sa mall. Tutal naiinip ako, sumama na ako. Ayun nakita ka namin."
"Ah ganun ba? Type mo nga!"
"Hindi nga sabi!"
"So nagpanggap na damsel in distress ba si Luisa and you're her knight in shining armor kaya ready to rescue ka? Ganun?"
"Hindi ako ang knight in shining armor niya. Tinutulungan ko lang siya. Pero wala akong intensiyong igirlfriend siya."
"Weh? Totoo?"
"Oo nga. Ayoko sa kanya. Given her reputation, ayoko. Hindi pa ako hibang!"
"Kung ganun, bakit sama ka ng sama sa kanya? Di mo ba naisip na baka nagbibigay ka ng mixed signals sa kanya? Baka akala niya kaya ka laging nandiyan e dahil gusto mo rin siya?"
"May point ka. Hindi na nga ako makikipag-usap sa kanya. I will ignore her na. Alam ko pating ayaw mo!"
"Paano mong nalaman?"
"Nagseselos ka kase."
"Grabe, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo! Di ko mareach!"
"Di nga ba?"
"Why would I?"
"Kaya pala kanina nung nakita mo kami sa shop, napasimangot ka at iniwasan mo kaming tingnan kahit palapit na kami sayo!"
"Ikaw! Nakakainis ka! Hindi ko kayo nakita!"
"Mamatay?"
"Bakit ba ipinipilit mong nagseselos ako? Hindi nga sabi!"
"Okay. Sinabi mo e. So, what do you like to eat?"
"Sisig? Sizzling ha! And then Gambas."
"Pulutan iyon."
"E gusto ko. Bakit ba?"
"Sige. Masarap yun dito. Order na rin kaya tayo ng beer?"
"Di ako umiinom."
"Mamulutan tayo tapos di tayo iinom?"
"Ganun na nga!"
Umorder na siya. Wala ring nagawa. Sinabihan kong huwag mag-inom kase uuwi pa kami.
"Ang sarap ng may nagbabawal. Di na ako mag-iinom pag-ayaw mo."
"Ewan ko sayo! Assumero!"
"Hayaan mo na. Nag-eenjoy kaya ako."
"So anyway, sinabi mo yun Dei, iniwan mo sa Pangasinan?"
"Oo. And nagsisi ako noon. Kaya lang wala na siya nung bumalik ako."
"Kawawa naman. Sana kung nasaan siya, sana okay siya. I pity her. Ganun din kase ako."
"Nung iniwan ka niya, anong ginawa mo?"
"Hinanap ko siya. Kaya lang nawalang parang bula. Siguro nga di niya ako mahal. After kong ibigay ang lahat sa kanya."
"You mean to say.."
"Yes. And I don't feel sorry. Mahal ko e."
"So what happened?"
"Ayun. Parang tanga, hinanap ko nung iniwan ako. Kailangan e."
"Bakit?"
"Dapat ko bang ikwento sayo? Pareho lang kayo ng lalaking yun!"
"Ibahin mo ko. Hinanap ko si Dei kahit ako nang-iwan sa kanya. Ikaw, ikaw ang naghanap kahit iniwan ka."
"Ang sama diba? Ganun ata kapag mahal mo. Lalo pa kung unang lalaking minahal mo."
"Mahal mo pa ba?"
"Siguro. Ewan ko."
"E paano kung makakilala ka ng iba? Tulad ko. May chance ba ako? Kase parang inlove ka pa rin dun sa lalaking yun."
"Hindi ko alam. Maybe."
"Tell me, anong pangalan? Hanapin natin."
"Ayoko na."
"Bakit naman? Ayaw mo ba nun? Malalaman mo kung mahal mo pa rin."
"Hindi na kailangan."
"Bakit nga?"
"Nakita ko na siya ulit!"
A/N I'm torn between Nikki telling the truth to Richard and prolong the surprise of knowing the truth. Basta. Malaman mamaya. Still undecided.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro