Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9


     2 YEARS LATER

 SHAN

Dalawang taon na ang nakalipas mula ng may makilala akong lalaking nagngangalang seth . Minahal ko siya agad sa loob lang ng maiksing panahon na nagkasama kami , at ganun din naman siya sa akin . Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang pag-ibig ko sa kanya samantalang saglit palang kami nagkakilala , iyon ay dahil , aalis siya ..Pero kagaya nga sinabi niya saakin noon , hindi siya mawawala ng tuluyan , dahil mananatili siyang buhay , sa aking puso at isipan , Dahil sa kanya , natuto akong tumanggap at magparaya , pero ang karanasang iniwan niya sa akin , kailan ma'y hindi mawawala ..

" Bhe , nabalitaan mo na ba ? "

tanong sakin ni jae habang papunta kami sa embarkation area .. , oo , tama kayo , naging successful flight steward nga kami , at fortunately magkakasama kami sa iisang airlines , yung dalawa naman ay sa ibang plane na assigned  , may 2 years na rin kaming nagtatrabaho dito ..

" ang alin ?"

" may bago daw tayong president , may bagong nakabili daw ng airlines na ito  "

" oh ? hindi ko alam yan ah "

ito talaga si jae, laging updated 

" Nakita na daw siya ng ibang steward at alam mo ang sabi nila ? "

" ano ? "

" he's so damn hot "

" haha , loka "

natawa naman ako kasi parang nagning-ning ung mga mata niya .

" and drop-dead gorgeous !"

" hayy naku jae tumigil ka na nga , may boyfie ka na eh "

sabi ko dito ng natatawa , 

" well , hindi naman masama magka-crush ah "

sabi niya habang kinikilig-kilig pa , loka talaga crush agad di pa nga nakikita ., Nagsimula ng lumipad ang eroplano kaya nakaupo na kami ni jae ngayon  , maya maya pa ay inalok na namin ang mga passengers ng food and drinks  .Masaya ako sa trabaho ko , medyo mahirap , pero sabi nga diba , kapag mahal mo ang isang bagay , madali lang sa iyo ang lahat .. 

Mabilis na natapos ang flight , kasalukuyan kaming naglalakad ni jae ngayon papuntang debarkation area dala dala ang ibang maleta ng passengers nang ..

" ouch ! are you blind or what ?! "

sigaw sakin nung nakabangga kong babae , pagliko kasi namin bigla nalang namin siyang nasa harapan , kaya hindi sinasadyang nabangga ko siya ..

" i'm so sorry ma'am , i'ts my fault "

pagpapakumbaba ko 

" yeah right , we all knew that ! but look ! you dirted my dress ! how am i supposed to travel now if my dress is full of dirt !? "

sigaw niya sakin ,natapon kasi ung iniinom nia ,aray ah , hindi po ako bingi , 

" hoy ma'am ! sorry na nga diba ? bakit ang ingay mo pa ? oh eto 50 pesos! bili ka ng dress mo , halata namang ukay lang yan noh ! "

nagulat ako sa nagsalita ,napatingin ako kay jae , mukhang mangangain ng tao , wow , that's my girl ;)

" aba ! i'll report you to the head ! you'll see "

at dinuro-duro niya ako .. 

" hey , bakit ikaw ang dinuro nun , ? diba ako naman ung nanigaw sa kanya ? "

" i don't know "

lagot ako nito , kabago-bago ng president namin , may kalokohan agad ako , tsk ..

Andito na kami sa quarters namin ngayon , nagpapahinga lang saglit para maya-maya makauwi na ..tumingin ako sa wrist watch ko .11:30 ? malapit na pala maglunch ..

" excuse me ? i am the secretary of the new president , and he's demanding Shan Aquiel to come over with me "

Biglang na lang may pumasok na babae sa Quarter namin . nagkatinginan kami ni jae, pati ung iba naming katrabaho nakatingin sakin , 

" bhe , samahan na kita "

sabi sakin ni jae 

" i'm sorry lady but , you can't come over without the president consent "

" jae ok lang , kaya ko na to "

bulong ko dito at sumama na sa babae ., 

Dinala niya ako sa office ng bagong president ..hinatid niya lang ako sa tapat ng pinto at umalis din agad .,Pagpasok ko nakita ko itong nakatilikod habang nakaupo sa kanyang office chair ,  

" have a seat "

sabi niya habang nakatalikod pa rin , nakaupo ako malapit sa kanya , lamesa lang ang pagitan ..

" So ? I heard about what you did to our passenger "

parang galit na sabi niya , natatakot ako , kasi baka isisantena nalang niya ako bigla , napayuko ako .. nakita ko sa gilid ng aking mata na humarap na siya . tumayo siya at saka naglakad papalapit sa akin , nakatayo na siya ngayon sa harapan ko ,  ..

" Dear shan , "

O_O  nagulat ako sa sinabi niya , kaya napaangat ako ng tingin , nakita kong nakalahad ang kanan niyang kamay , at doon , nakita ko ang kapares ng aking singsing . nanginginig kong inabot ang kamay ko sa kanya habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko mula sa aking mga mata , itinayo niya ako mula sa pagkakaupo , ang init ng kanyang palad , tamang tama para sa nanlalamig kong kamay .. dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanyang mukha , at hindi ako makapaniwala , siya nga ! tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko , habang hinahawakan ko ang mukha niya , mula sa noo , pababa sa dalawa niyang mata , sa mga pisngi niya ,matangos niyang ilong , hanggang sa malalambot niyang mga labi , ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya . Panaginip ba to ? hindi pa rin ako makapaniwala, 

" LOve , me "

sabi niya saka ako nginitian ., ang mga ngiting yon , mga ngiting hindi nabura sa aking ala-ala sa loob ng mahabang panahon , 

" S-seth "

i managed to say his name kahit nahihirapan akong magsalita dahil parang nabara ang aking lalamunan .. niyakap niya ako bigla . ramdam na ramdam ko ang bawat pagtibok ng kanyang puso ..rinig na rinig ko ang bawat pintig nito .. iyak lang ako ng iyak habang mahigpit ko siyang yakap .. maya maya pa , humiwalay na siya .. tiningnan niya muna ako saglit saka ako hinalikan , mga halik na kailanman ay hindi ko nalimutan , at kahit kailan hinding hindi ko malilimutan ..

" sorry kung pinaghintay kita ah "

sabi niya sa akin , tumango lang ako .. habang umiiyak pa rin , muli ,ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig at alam kong sa pagkakataong ito , hinding-hindi niya na ako bibitiwan ulit ..

Kung paano nangyari  ? hindi ko rin alam , dahil sa mga oras na ito ,isa lang ang nasa isip ko,  magkakasama na kami ng lalaking mahal ko  mula  ngayon , bukas , at magpasawalang-hanggan ...

" If there was an ending , there will always be a new beggining , 

 And as that chance given , i'll love you more than i can , 

 So take my hand , as i start to live again ,  

 And as you wish , i'll be your man and stay with you ,

 Until the days end ..  "

-SETH

" I believe , your words are true , 

 the Sun may Set, but 

 it will rise through , 

 we both parted , but see

 Now we're together Two , 

 forever ,  I will  Love you 

 As you always love me too .. "

-SHAN

" May mga bagay na mahirap paniwalaan , may mga salitang , mahirap pakinggan ,  mga katotohanang , ayaw nating malaman , dahil alam nating  tayo rin ang masasaktan .

Pero hindi mo masasabing talunan ka , dahil lang sa napuno ng luha ang iyong mga mata , may mga bagay lang talagang para sa kanya at para sa iyo , at may mga bagay na Diyos mismo ang nagplano .. Kung gayon nga'y wag kang matatakot magmahal , parte ng buhay natin iyan , mapafantacy , o realidad man. Kung nasawi ka naman , wag kang matakot tumanggap , wag kang matakot iwanan , at wag kang matakot umiyak . Dahil sa bawat luhang pumapatak  mula iyo , marami pa riyan ang kagaya mo, 

marami pa riyan ang nagdudusang katulad mo at marami pa diyan ang mas sawi sayo , pero marami pa rin diyan ang mas pinipiling mabuhay , at magmahal parin ng totoo.

Dapat lang natin tanggapin na ang pagluha ay isa sa mahalagang aspeto ng buhay nating mga tao, Dahil walang nagturo satin gawin ito , sanggol palang tayong isinilang sa mundo ,umiiyak na tayo . At sa pagdating ng panahon , maiintindihan nyo ako , dahil lahat  bago pumanaw , nagiiwan ng butil ng luha dito sa mundong ibabaw . Na magsisilbing palatandaan , na kahit naranasan mo ang mabigo ,naging masaya ka pa rin sa  buhay mo . Kaya naiiyak ka ,sa huling minuto ng  pananatili mo, Dito sa  Mundo..  "

-OTOR 

  ' THANK'S FOR READING '

If you like the story .. Pls VOTE . COMMENT . And Be a FAN ^_____^V

READ  FLAW:TABOO ON MY PROFILE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro