Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

RED ROSE (#VNVM)

"Sige mauna na ako umuwi," paalam ko kay Zet.

"Bye."

5:00pm kaya uwian na. Bahala sila kung gusto nila mag-over time sa work. Basta ako uuwi na ako.

Naglalakad ako pauwi. Tulad ng sabi ko hindi kami mayaman. Nag-iipon din ako kaya kailangan magtipid. Year of the Pig kaya naman nahiligan kong lagyan ng laman ang alkansya kong baboy.

Natigil ako sa paglalakad ng mapatapat ako sa isang cafe at napangiti na lamang. Dito kami unang kumain nung first time niya dito sa Laguna. Nakakamiss siya. Last February 2017 nung pinakilala ko siya sa magulang ko at tanggap naman siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Hindi din nagtagal ay sinagot naman niya agad.

"Hello yam!" sabi ko.

"Yam napatawag ka?" tanong niya sakin.

"Wala namimiss lang kita. Bakit hindi mo ako miss?"

"Syempre sobrang miss na miss kona ang babaeng nagpatibok ng puso ko."

"Talaga lang ha?"

"Ou naman. Kamusta work?"

"Okay lang maraming ginawa. Ounga pala kamusta na yung sa school mo? Nag-enroll kanaba?" Tanong ko sa kanya. Until now, wala pa akong balita. Graduating pa naman siya ng HRS.

"Wag na nating pag-usapan yun."

"Palagi ka na lang umiiwas ng usapan. Nakakainis kana."

"Sorry yam," malungkot yung boses niya pagkasabi nun. Ibinaba ko na ang tawag at naglakad na ulit.

***

"I'm here!" sabi ko pagdating ko ng bahay.

"Kumain kana?" Tanong sa akin ni Daddy.

"Opo busog pa ako."

Dumeretso na ako sa kwarto ko at tinawagan ko ulit siya.

"Ang bilis sumagot ng boyfriend ko a."

"Walang pasahero yam e."

Ah? Okay. Now i know kung anong ginagawa niya. Nagpepedicab nanaman siya. Hindi masamang trabaho pero mas magandang pakinggan kung sasabihin niya na may klase siya or breaktime nila sa school.

"Yam yung totoo ano ng balita sa school mo?"

Hindi siya sumagot at pinatay ko na ang tawag ko. Nakakainis ka Jake.

***

10:00pm - Routine na namin na mag-usap tuwing gabi. Naka-plan ako sa Globe at unli call naman kaya ako na ang natawag sa kanya.

Nakalimang call na ako saka lang niya nasagot.

"Sorry yam. Nakicharge lang ako sa tropa ko. Alam mo naman wala kaming kuryente sa bahay."

Yes! Walang kuryente. Walang CR. Walang tubig. Tinanggap ko siya bilang siya at hindi sa estado ng buhay nila. Masipag siya kaya naman napasagot niya ako.

"Okay i understand. Anong ginagawa mo?"

"Ito katatapos ko lang maglatag. Ikaw ba?"

"Katatapos ko lang tapusin lahat." Automatic kasama na doon yung kain, toothbrush, hugas ng mga plato, hugas ng sarili, latag... etc.

"Good. Pakiss nga. Mmuuaawh!"

"Sweet a. May kasalanan kapa sakin."

"Ano naman yun yam?"

"Kamusta ang school? Magsabi ka nga ng totoo. LDR na nga tayo. Tapos hindi kapa nagkwekwento."

"Sige sasabihin ko sayo pero wag ka magagalit."

"Okay" tipid kong sagot.

"Hindi na ako nakapag-enroll."

"What? Yam, graduating ka na. Bakit? Hindi naman ako nagkulang ng paalala sayo na mag-enroll ka."

"Yam wala kasing padala si Ate Dory. Financial madami pating problema dito sa bahay." Paaral kasi siya ng ate niya na asawa ng pinsan niya.

"Nangako kapa sa akin na gagraduate ka tapos ngayon hindi pala. Mag BREAK na tayo!" Galit kong sabi.

"Yam, Four Years na tayo sa Anniversary natin. Ngayon kapa ba bibitaw? May reason naman ako. Magtatapos ako, hindi nga lang ngayong March."

"Bahala ka sa buhay mo!" Pinagpatayan ko siya ng tawag.

Nakakainis. Sana hindi na siya nangako. Paano na ang Anniversary namin? First week na ng February, malapit na ang Valentines Day at Anniversary namin tapos ngayun pa nagkaganito. Nakakainis!

Valentines Day - February 14
4th Anniversary - February 15

Mahal ko naman siya. Pero nakakainis. Paano na ang pangarap ko sa kanya? Paano na ang future niya? Hindi ako nagparamdam sa kanya. Usapan pa naman namin ay magde-date kami. Halos wala na ngang oras para sa aming dalawa tapos may problema pa.

***

Kinabukasan...

Nakatambay kami ng dalawa kong kaibigan. Si Charm na bestfriend ko at ang isa naman ay si Tom na may pagkabakla na kaibigan namin.

"Friend, mukang malungkot a," sabi ni Tom.

"Best may problema ba?" tanong sa akin ni Charm.

"Best. Friend. Nakakainis kasi si Jake. Tumigil sa pag-aaral. Hirap na nga kami magmanage ng oras sa isa't isa. Laging conflict ang schedule namin tapos dinagdagan pa niya ng problema."

"Bakit siya tumigil?" Tanong ni Charm.

"Financial," sagot ko.

"Yun naman pala may rason friend", singit ni Tom.

"E kasi usapan na talaga namin na magtatapos siya ngayung taon. Okay lang mawalan ng oras sa akin basta para sa ojt niya," paliwanag ko sa kanila.

"Wala na tayong magagawa. February na. Hindi na talaga siya aabot." sabi ni Charm.

"Friend, ganito na lang bakit hindi mo siya bigyan ng 2nd chance." Sabi ni tom.

"Ounga Best. Kawawa naman si Jake mahal na mahal kapa naman nun."

"Wala ngang oras sa akin. Bwiset siya."

"Best bigyan mo kasi ng chance. Ganito, HRS siya edi pag-applyin mo sa mga restaurant tulad ng Jollibee o Mcdo. Natanggap sila ng mga Undergrad para naman macredit niya yung experience at para hindi na siya sa pedicab nakuha ng pera. Working Student." Paliwanag ni Charm sa akin.

"May point kayo kaso..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Tom.

"Ay naku friend. Maging positive ka. Ano bang plano niyo ni Jake sa Valentines?" Tanong ni Tom pero hindi ako nakapagsalita alam na niya ang ibig kong sabihin sa pananahimik ko.

"Hays. Ang hirap talaga kapag LDR. Kayo ba Charm saan kayo ng boyfriend mo?"

"Baka sa tabi tabi lang," sagot ni Charm.

"Loko ka!" Nagtawanan naman kami.

Sila talaga ang mga tunay kong kaibigan na dadamayan ako sa lahat.

***

Ilang araw na akong walang paramdam sa boyfriend ko para sa akin tototohanin ko ang sinabi ko na BREAK na kami. Ayaw ko na sa sitwasyon namin. Nanghihinayang ako sa four years relationship namin kaso ang hirap. Walang Oras kaya panindigan.

Samantalang siya nagregister pa siya ng unli para tadtarin naman ako ng text na nakalagay ay "Sorry." Nakakasawa!

***

Today is Thursday! Valentines Day! Puso puso ang paligid. Napakadami kong nakikitang magjowa. Kiss, Smile, Rose. Nakakaumay! Magbe-break din kayo! Bitter ba? Dun ako masaya kung pwede lang magpasabog ng bomba sa plaza nagawa ko na ang dami kasing couple. Nakakainis. Sakit sa mata nung mga nakikita ko.

Pauwi na rin ako ng bahay. Tulad ng nakasanayan ko ay naglalakad ako ng mag-isa.

Papalapit pa lang ako sa aming bahay ay may humarang sa akin na bata at binigay niya sa akin ang isang red rose. Napangiti ako. "Thank you!" sabi ko sa bata.

Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay may lumapit ulit na bata tulad kanina ay binigyan ulit ako ng red rose at sunod-sunod na ang mga batang lumalapit sa akin at binibigyan ako ng red roses sa bawat hakbang ko.

Nagtataka na ako. Ano bang meron at feeling ko napaka special ko? Mahilig ako sa bata kaya tinatanggap ko ang mga binibigay nila.

Nakarating ang mga paa ko sa court at hawak ko naman ang 14 Red Roses na bigay sa akin ng mga bata. May isang lamesa na may kandila sa gitna at dalawang upuan, may petals na nakakalat at may romantic sounds pa. Nilibot ko ang paligid may nakasabit namang letters na pagbabasahin ay SORRY.

Isang lalaking nakatalikod sa akin ang naabutan ko sa court. Sino siya?

Pagharap niya sa akin. Shet! Natulala ako. Hindi ba ito panaginip? Yung boyfriend ko na nakaformal na suot. Six months kaming hindi nagkita. Sobrang miss ko na siya. Ang gwapo niya ngayon. Yung mga ngiti niya, matangos na ilong, singkit na mata. OMG! Unexpected! Sa mga oras na ito ay kakainin ko ang sinabi ko. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Lumapit siya sa akin at binigay ang isang bouquet na roses at malaking Panda. Speechless!

"I'm SORRY yam. Alam kong marami akong kasalanan sayo. Sana mapatawad mo ako at sana nagustuhan mo ang surpresa ko sayo. I Love You," nakangiti niyang sabi at yumakap siya sa akin.

Napangiti ako at sinagot siya "I Love You Too. I'm Sorry din."

Tears of Joy. Naluluha na ako. Napakaromantic niya.

Okay na kami. Kumain na kami doon ng Dinner. Inamin niya rin sa akin na kasabwat niya ang magulang ko, kapatid ko, mga bata kanina at pati ang kapitan para magawa ang surpresa. Akala ko simpleng araw lang. Thank you God. Nagkasundo na rin kami. Napag-usapan din namin ang pag-aaral niya. Okay na.


"Yam, Prinsesa ng buhay ko. Happy Valentines Day and Happy 4th Anniversary sa atin," bati niya sa akin.

"Jake, Yam, Sweetheart, Boyfriend ko, Honey ko, Baby ko... Happy 4th Anniversary! Iloveyousomuch!" sabi ko sabay kiss! Torid. Minsan lang magmukhang Prinsipe boyfriend ko ang bango pati niya kaya susulitin kona.

Minsan talaga sa buhay kapag gusto mong tumagal ang relasyon niyo ay dapat may LOVE, TRUST, PATIENCE kayo sa isa't isa. Happy Valentines!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro