
CHAPTER 007 - Sanctuary
"Ano'ng nangyari r'yan sa sportswear at running shoes mo, Kelly?" gulat na tanong ni Moira nang abutan siya nitong maluha-luhang nililinis ang mga gamit na nadumihan ng putik.
Iyon ang araw na pinaka-hihintay niya; ang sports festival at excited siyang maglaro sa pinaka-unang volleyball game niya. She had dedicated a considerable amount of time and effort to get ready for this, and her skills in playing had notably advanced over the course of her preparation. Pero nang pumasok siya sa locker room upang sana'y magbihis ng uniporme nila ay nagulantang siya nang makitang naka-bukas ang locker niya at ang mga gamit sa loob ay napuno ng putik.
"Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito, pero hindi ko na ito maisu-suot para sa practice, Moira..." aniya, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.
Inis na nagpakawala ng malalim na paghinga si Moira. "Alam kong alam mo kung sino ang maaaring gumawa nito sa mga gamit mo, Kelly. Hali ka, isumbong natin siya kay Coach—"
Umiling siya habang patuloy na ikinu-kuskos ang basahan sa nadumihan niyang puting running shoes. "H'wag na, Moi. Abala ang team sa first game."
"Pero Kelly, nang dahil d'yan sa ginawa nila Elda sa mga gamit mo ay baka hindi ka makapag-laro ngayon—"
"It's okay." Tumingala siya rito at pilit na nagpakawala ng ngiti kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang humagulgol. "Marami pa namang pagkakataon."
Akmang sasagot si Moira nang marinig nila sa speaker ang announcement na mag-uumpisa na ang game. Nanlulumo itong lumuhod sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Pwede nating itanong kay Coach kung may extra shirt and shoes siya para—"
"No, okay lang talaga. Pumunta ka na roon at sabihin mo na lang kay Coach na biglang sumama ang pakiramdam ko."
Moira teared up. "Kelly..."
Hinawakan niya ito sa pisngi at bahagyang tinapik-tapik. "It's alright. Hindi pa rin naman ako ganoon ka-galing at baka hindi rin ako gaanong makatulong sa team. Isa pa, baka nga nasa bangko lang ako buong araw." Muli siyang nagpakawala ng pilit na ngiti. "Sige na, pumunta ka na roon. Isama mo ako sa bawat spike at serve mo."
Mahabang diskusyon pa muna ang dumaan bago niya napilit si Moira na umalis na. Nagsabi itong ire-report sa coach nila ang ginawa ni Elda, at hindi na siya nakipagtalo pa para umalis na ito at bumalik sa field.
Nang maiwan siyang mag-isa sa locker room ay saka niya pinakawalan ang mga luha. Nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng mga kasamahan, lalo na si Elda, pero hindi niya magawang magalit sa mga ito. Hindi siya ang tipo ng taong nagtatanim ng galit sa dibdib. Kaya naman minabuti na lamang niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob sa pag-iyak.
She would surely speak to Elda after the sports festival. Kailangan niyang malaman kung ano ang ikinagagalit nito sa kaniya at kung bakit siya ang laging pinupuntirya. Kung gusto niyang manatili sa team ay kailangan niyang plantsahin ang kung ano man ang gusot mayroon sila ng team captain nila.
Makalipas ang mahabang sandali ay bahagya nang huminahon ang pakiramdam niya. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit saka lumabas ng locker room. Pero nang nasa labas na siya'y malinaw niyang narinig ang masayang sigawan sa field, dahilan upang muling bumalik ang sama ng loob niya.
Halos takbuhin niya ang daan patungo sa gate ng school— gusto niyang umuwi at magkulong sa kaniyang silid. Hindi niya kayang manatili roon nang matagal.
Tuluy-tuloy lang siyang payukong naglakad at hindi pinansin ang mga nakasalubong na mga estudyanteng nagtataka sa pagluha niya. Hanggang sa nahinto siya nang may makasalubong siyang pumigil sa magkabilang mga braso niya.
Nag-angat siya ng tingin, at nang makitang si Brad ang nasa harapan ay hindi na niya napigilan ang pag-hagulgol. She cried her heart out— parang talunan na nagsusumbong sa kakampi.
"Hindi ako makapaglaro," umiiyak na sumbong niya rito. "I can't without my uniform..."
"I know." Brad's tone was gentle. "Hindi kita nakita kanina sa field kaya nilapitan ko ang kaibigan mong si Moira at tinanong. Sinabi niya sa akin ang nangyari."
"Matagal kong hinintay ang araw na ito," aniya, patuloy sa pag-iyak na parang bata. "Ang tagal kong pinaghandaan. Nasayang lang ang—"
"Walang nasayang. You gained a friend in me."
Nahinto siya sa pag-iyak sa sinabi nito.
Si Brad ay nagpakawala ng malalim na paghinga bago masuyong pinahiran ang kaniyang mga luha gamit ang hinlalaki nito. Lalo siyang natigilan sa ginawa nito.
"Crying doesn't even make you look ugly. Kaya ang init ng ulo ng team captain ninyo sa 'yo, eh." Napailing ito saka siya banayad na hinaplos sa ibabaw ng kaniyang ulo. "You'll be okay. I promise you that when you return to school on Monday, things will be different for you"
She furrowed her brow. "What do you mean?"
Brad smiled and, instead of addressing her question, he asked, "Are you ready to come home?"
Wala sa loob na tumango siya.
Sa pagkamangha niya ay bumaba ang kamay nito at hinawakan siya sa kamay. "Let's go. I have an idea."
Lalo siyang walang nasabi nang banayad siya nitong hilahin. At habang naglalakad sila patungo sa kung saan ay nakayuko lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya. Nang muli siyang nag-angat ng tingin ay nasa parking space na sila ng unibersidad. At nasa kanilang harapan ang nakaparada nitong motorsiklo. Doon ito bumitiw sa kaniya upang abutin ang helmet na nakasabit sa handle rod ng motorsiklo nito.
"Here. Let's put this on."
Tulala siya habang isinusuot nito ang helmet sa ulo niya. Yumuko pa ito upang silipin kung maayos na nakakabit ang helmet dahilan kaya pumantay ang mukha nito sa mukha niya. At habang abala ito sa pagkakakabit niyon sa ulo niya ay nakatitig lang siya sa abuhin nitong mga mata.
Hanggang sa sulyapan din siya nito— and their eyes locked for an instant. And she couldn't quite figure out why, but suddenly, a wave of unease washed over her—no, actually... it wasn't just unease. Her chest started pounding so intensely that she found herself almost gasping for air.
Si Brad ang unang nakabawi. Ngumiti ito at itinuwid ang sarili. Ngayon, ang kaniyang tinin ay dumapo sa malapad nitong dibdib. Hindi na siya naglakas-loob pang i-angat ang tingin.
"There you go. You're ready."
"R-Ready?"
"Yep. We're going for a ride."
"S-Saan tayo pupunta?"
"You'll see." Tumalikod ito at sumampa sa motorsiklo. He kicked off the stand and revved up the bike. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito. "Hop in, princess."
Binawi niya ang tingin mula rito saka sinulyapan ang motorsiklo. Sandaling nawala sa isip niya ang naramdaman kanina dahil nilamon siya ng pagtataka. At nagdadalawang-isip rin siyang sumampa sa motor. Kailanman ay hindi pa siya naka-sa-sakay sa ganoon ka-taas na motorbike— hindi niya alam kung papaanong umakyat doon nang hindi siya magmumukhang unggoy na hindi alam kung papaanong umakyat sa puno...
"What's wrong?"
Napakagat-labi siya.
Brad, realizing her hesitation, smiled again and took her hand. Ipinatong nito iyon sa balikat nito. "There. Just put your hands on my shoulder and then pull yourself up."
She followed his instruction. And it was easier than she ever imagined.
Nang makaupo na siya sa likuran nito'y muli siyang napasinghap nang kunin nito ang dalawang kamay niya at ipinulupot ang mga iyon sa bewang nito. At nang dumikit ang katawan niya sa likod nito'y kamuntikan na niyang ipikit ang mga mata.
"Hold on tight, it's gonna be a rough ride," babala nito bago pinaharurot nang mabilis ang motorsiklo na ikina-tili niya.
Mahigpit siyang yumakap dito at mariing ipinikit ang mga mata.
Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, dahil sa tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata ay napapansin niyang wala sila sa tamang daan patungo sa village na kinaroroonan ng bahay nila.
The speed of the motorcycle increased rapidly, and she held onto Brad tightly, shutting her eyes in anxious anticipation. Her nerves were so intense that she couldn't bring herself to make a single movement or say a word. As she sensed the motorcycle gradually decelerating, she finally opened her eyes. Huminto iyon sa harap ng isang mini-mart na nasa gilid ng highway.
"Wait here," ani Brad bago bumaba at pumasok sa loob.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas din ito na may bitbit na isang paper bag. Inabot nito iyon sa kaniya saka muling sumampa sa motor. Pero bago nito iyon muling paandarin ay muli siyang nagwari,
"Pwede ba'ng bagalan mo nang kaunti ang pagpapatakbo?"
He turned his head to look back at her, a mischievous grin playing on his lips. "Where's the fun if I went ahead and did that?"
Pinanlakihan siya ng mga mata; sandaling nainis. "Fun ba sa 'yo kung mamaya'y himatayin na lang ako sa nerbyos? We could die, you know?"
"Calm down, I know what I'm doing. Been driving big bikes since I was twelve. At walang ibang sasakyan sa daanan. At kung sakali mang may mangyari, I'll make sure you don't get hurt."
"You never know."
"Come on. Just close your eyes and hold on tight. I promise, you'll be fine."
"Puro ka promise..." Hindi niya napigilang sabihin iyon dahil sa inis.
Pero sinagot lang iyon ni Brad ng ngisi. Nang muli na naman nitong patakbuhin ang motorsiklo ay muli na naman siyang napakapit nang mahigpit sa bewang nito at ipinikit ang mga mata.
Mabilis nitong pinatakbo ang motor hanggang sa muli niyang naramdaman ang pagbagal niyon at ang tuluyang paghinto. Doon niya muling iminulat ang mga mata at inikot ang tingin sa paligid.
Maraming puno ang naroon at walang kabahayan, maliban sa tatlong palapag na gusali na nabalot ng halamang baging ang mga pader. It told a tale of deterioration and neglect, creating a sad image of abandonment in the middle of nowhere...
Sa loob ng labimpitong taong paninirahan niya sa Santa Martha ay noon lang niya narating ang lugar na iyon. She had no idea where it was located– lalo at nakapikit ang mga mata niya sa durasyon ng biyahe nila patungo roon. Hindi niya alam kung parte pa ang lugar na iyon ng Santa Martha.
"Still alive?" ani Brad na gumising sa diwa niya.
At nang matauhan ay binalingan niya ito saka hinampas nang malakas sa likod. "You dumbass, papatayin mo ba talaga ako sa nerbyos? Ito ang unang beses na umangkas ako sa motor, gusto mo ba akong ma-trauma?"
Ramdam niya ang init sa magkabilang mga pisngi sa sobrang inis. Mabilis siyang bumaba at inis na hinubad ang helmet. Nararamdaman niya ang panginginig ng mga binti sa sobrang nerbyos.
Si Brad ay natatawang bumaba saka kinuha sa kaniya ang hawak niyang paper bag at ang helmet na hinubad niya saka iyon ipinatong sa ibabaw ng motor.
"Come, I'll show you my sanctuary." Bago pa man siya may masabi ay hinila na siya nito papasok sa lumang gusali.
Kahit inis pa rin sa paraan ng pagmamaneho nito kanina ay nagpaakay siya. At habang naglalakad sila papasok ay nakapako lang ang mga tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Kung bakit nag-uumalpas ang puso niya sa pagkakadkit ng mga balat nila'y hindi niya alam. Hindi niya maipaliwanag. Nang tuluyan na silang makapasok sa gusali ay saka lang niya inalis ang mga mata mula sa kamay nito saka inikot ang tingin sa loob.
Ang gusaling iyon mula sa labas ay mukhang nakakatakot subalit sa loob ay kakaiba ang nararamdaman niya. It was like a hidden paradise because the walls were covered with vines, wild plants, and flowers. She guessed the construction of the building was incomplete, evidenced by the exposed steel on the unfinished large windows and the side of the staircase. The concrete floor was cracked, and there were patches of grass growing there.
Umakyat sila sa hagdan at sa pangalawang palapag ay napansin niyang di hamak na mas malinis iyon kumpara sa ibaba. Sa pader ay gumapang na rin ang mga halamang baging at may mga lumot. Sa pangatlong palapag ay ganoon rin ang kondisyon, pero doon ay may ilang mga silid na hindi rin natapos gawin.
Isa pang sampung baitang na hagdan ang inakyat nila bago nila narating ang rooftop. Pagkarating doon ay inikot niya ang tingin. Malinis iyon at walang kahit na anong halaman kompara sa naunang mga palapag. Sa gitna niyon ay mayroong malaking tent at sa loob ay may makapal na comforter at mga unan. At mula sa kinatatayuan nila at nakikita niya ang buong paligid. Doon niya napagtantong ang lugar na iyon ay hindi kalayuan sa main road dahil natatanaw niya mula roon ang convenient store na dinaanan nila kanina. Sa dako pa roon ay nakikita niya ang malawak na flower field.
Ang gusaling iyon ay pinalilibutan ng mga malalaking puno ng mangga, niyog, at kung anu-ano pang mga puno na hindi niya alam kung ano ang tawag. She had never realized there was an abandoned place like this in their town.
"Ano ang lugar na ito?" she asked as she continued to survey the area.
"My sanctuary," sagot ni Brad bago bumitiw sa kaniya at ibinagsak ang sarili sa comforter na nasa loob ng tent. "This property is privately owned, belonging to my maternal grandparents. They built this to serve as the family's ancestral home about... thirty years ago. Unfortunately, they passed away, and my mom, after marrying my dad, moved to the States. So, the house has been left behind since then."
"I see." Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
Itinukod ni Brad ang mga kamay sa likuran saka itinutok ang tingin sa langit na sa mga oras na iyon ay nag-uumpisa nang maging kulay-kahel sanhi ng papalubog na araw. Ang mga panghapong ibon ay nasa langit rin at ang mga kuliglig sa mga puno ay nagsisimula na ring mag-ingay.
"Simula nang dumating kami rito ay madalas akong bumibisita sa lugar na ito," Brad started while staring at the sky. "Mom used to share stories about this house. She said that before they built this structure, there was a small bamboo house standing here. Mom grew up in that bamboo house, at nalulungkot siya sa tuwing naaalala niya iyon. Probably reminds her of her parents. She told me I have the freedom to decide what to do with this place, but until now, I haven't figured out what direction to take."
"Ano ang ibig niyang sabihin na pwede mong gawin ang gusto mong gawin sa abandonadong gusali na ito?"
"I don't know. She might have considered getting rid of this place, but in the end, she chose to give it to me. She said I could continue the construction, change it, or sell it." Brad paused for a while, then continued, "I'm thinking of transforming this into a small bed and breakfast (BNB) in the future, open for tourists. Or perhaps a house for my own family someday? I'm still not sure."
Hindi na siya sumagot pa at niyakap na lang ang mga tuhod saka itinutok rin ang tingin sa kalangitan. Sabay nilang pinanood ang mga panghapong ibon na umiikot sa kalangitan.
Makaraan ang ilang sandali ay,
"Oh, I almost forgot." Inabot ni Brad dalang paper bag saka ibinigay sa kaniya. "That's for you."
Kunot-noo niya iyong tinanggap. "Ano ito?"
"Well, it's for you to find out."
Salubong pa rin ang mga kilay na binuksan niya iyon at inilabas ang laman. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang nakabalot iyon sa makapal na newspaper.
"That's the reason why I hit the maximum speed. I didn't want it to melt."
"Melt?" she repeated, seemingly puzzled, before removing the wrapped newspaper. At nang bumungad sa kaniya ang laman niyon ay marahan siyang napasinghap. It was a half gallon of vanilla ice cream.
"Bakit... mo ako ibinili nito?"
"Ayaw mo ba?"
"W-Well, I do like ice cream because it's my comfort food. Pero... bakit?"
"To help you feel better."
Doon niya ito binalingan. May kung anong humaplos sa puso niya nang marinig ang sinabi nito.
"So... Are you feeling better now? Do you still feel like crying?"
Umiling siya— at kung anoman ang inis na naramdaman niya kanina para rito at tuluyan nang nalusaw.
"Thank you for... your kindness, Brad. I appreciate it."
"It's nothing." He smiled again. "Go on. Kainin mo na bago pa maging sabaw 'yan."
Tipid siyang ngumiti saka muling niyuko ang ice cream. Sa ibabaw ng takip ay may nakadikit nang plastic spoon. Walang salitang binuksan niya ang takip at inumpisahang kainin ang bahagya nang natunaw na ice cream. Naka-ilang scoop na siya nang may biglang maalala.
She turned to Brad— only to find him watching her intently. Flustered, she swallowed the ice cream in her mouth and asked, "D-Do you want some?"
Brad shook his head and said, "Not a fan of vanilla."
"Kung ganoon... bakit hindi ka bumili ng flavor na pwede nating makain pareho?"
"Don't worry about me; I don't plan on eating. I bought that specifically for you. They say women stop crying when they eat sweets. I couldn't find chocolates, so I settled for ice cream, and that's the only available flavor."
She was deeply moved. She never expected that someone would treat her like this, aside from her parents. Not even her younger sister treated her this way.
Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lang na itinuloy ang pagkain. Bahagya na iyong natunaw subalit wala siyang pakialam. Masaya siyang may isang taong nagbibigay halaga sa kaniya at sa nararamdaman niya.
Wait..
Nagbibigay halaga sa kaniya?
Napalingon siyang muli kay Brad na patuloy pa rin sa tahimik na pagmamasid sa kaniya. She frowned at him. Sandali niyang tigilan ang pagkain at dahan-dahang ibinaba ang container sa tabi kasama ang kutsara.
Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Why are you... doing this, Brad?"
"Because we're friends."
"We are?" Noong nakaraan ay sinabi na rin ito ni Brad sa kaniya, pero hindi niya alam kung sinsero ito sa sinabi kaya hindi niya gaanong binigyang-halaga. Pero ngayon na inulit nito ang tungkol doon ay nagtataka siya.
Hindi niya akalaing totoong kinonsidera na siya nito bilang isang kaibigan. Malibang nagkikita sila nito sa harap ng bahay nila tuwing madaling araw para mag-training, at tuwing hapon para pag-usapan ang tungkol sa thesis nito, ay wala naman silang naging malalim na samahan. Their relationship was professional— he was her trainer, and she was his thesis assistant.
O baka siya lang ang nag-iisip ng ganoon? Dahil ano ba ang alam niya sa pakikipagkaibigan?
Simula elementarya hanggang highschool ay wala siyang naging matalik na kaibigan. May mga classmates siyang mababait sa kaniya, but they never really became her close friends. At noong nakaraan lang niya nakilala si Moira— na hindi niya alam kung pwede niyang ikonsiderang kaibigan dahil malibang tuwing practice game ay hindi naman sila nagkakasama o nagkakausap. Moira belonged to a different class and had her own circle of friends. She was only friendly to her— perhaps out of pity for how Elda and her group treated her.
At kung iisiping mabuti, hindi pa talaga niya alam kung papaanong nag-uumpisa ang pagkakaibigan.
"Yes, we are," pukaw ni Brad sa kaniya. "Ever since we made that deal, I've already thought of you as one. Are you telling me I'm the only one who sees it that way?"
Umiwas siya ng tingin. "I... just didn't know how friendship starts."
"Well, it begins with mutual care and support. Then, it progresses to making each other feel loved. And then—" Bigla itong natigilan, at doon ay muli niya itong nilingon.
"What's wrong?" tanong niya rito nang mapansin ang pagkagulat sa anyo nito.
Brad cleared his throat and looked away. "It's nothing."
Hindi niya naiwasang ngumiti nang makita ang pamumula ng pisngi nito. Brad was half American, purong Amerikano ang ama nito, subalit ang balat nito'y nakuha sa ina. Mapusyaw na kayumanggi. Pero sa kabila no'n ay malinaw niyang nakikita ang pamumula ng magkabilang mga pisngi nito.
A hunk who blush, that's a first.
"Thank you for taking care of me," aniya rito makaraan ang ilang sandali. "I realized I don't need to force myself to be part of the volleyball team just to find or gain friends. Having you as a friend is more than enough."
Sandali itong natigilan sa sinabi niya, hanggang sa lingunin siya nito. "Does that mean you're quitting the team?"
Tumango siya.
"Bummer. Plano ko pa naman sanang kausapin ang team captain ninyo para tigilan ka na niya. If you couldn't confront her, I was ready to step in, and I had plans to make it unforgettable for her."
Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. "Is that why you hinted earlier that everything would be fine on Monday? Plano mong takutin siya--"
"Hindi ko siya tatakutin. I just wanted to show my disapproval for her making you suffer. But since you're leaving the team, I won't have to do that anymore." Doon ito ngumisi saka siya kinindatan na halos ika-pugto ng paghinga niya.
Itinaas ni Brad ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at akma sanang guguluhin ang kaniyang buhok nang maagap siyang umiwas.
"Why do you keep playing and touching my hair? Stop it," reklamo niya na ikinatawa nito.
"Your hair feels so smooth in my hands it makes me happy every time I touch it, so let me be." Muli nitong hinawakan ang ulo niya, at sa pagkakataong iyon ay hindi nito ginulo ang buhok niya, sa halip ay pinaglandas nito ang mga daliri sa mahaba niyang buhok.
Pinigilan niya ang sariling pumikit at damhin ang masarap na pakiramdam sa ginawa nito. Nagkunwari siyang nairita at umusog ng upo palayo rito.
Natawa itong muli sa kaniya saka ibinalik ang pansin sa langit na unti-unti nang dumidilim.
Naalala niya ang itinabing ice cream, kinuha niya iyon at inumpisahan muling kainin.
"What's your favorite ice cream flavor?" pag-iiba niya sa usapan.
"I don't really like ice cream," sagot nito habang nasa langit pa rin ang pansin.
"What's your favorite dessert then?"
"Strawberry shortcake."
Tumango siya. "When is your birthday?"
Nakangiti siya nitong nilingon. "What, igagawa mo ako ng strawberry shortcake sa kaarawan ko?"
"If you want?"
Tumango ito at tila batang ngumisi.
She smiled back. "That's a promise then. A strawberry shortcake on your birthday."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro