Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 006 - A Secret Code


Katulad ng napag-usapan, si Bernard Craig ay tumayong personal trainer niya araw-araw. Their goal was to strengthen her body, nang sagayon ay hindi na siya lalampa-lampa sa tuwing nasa field kung nasaan man siya. Kailangan daw munang masanay ang katawan niya sa mga physical activities bago siya bumalik sa mga practice games ng team. At kapalit niyon, tulad ng napag-usapan, ay siya ang gagawa ng thesis nito.

Madaling araw pa lang ay lumalabas sila na sila para mag-jogging. He would make her run around the neighborhood for hours— until she dropped on the ground and gasped for air. Kapag bumagal lang siya ng takbo ay sisitahin siya nito. Kapag humingi naman siya ng break ay hindi pumapayag— ang sabi'y kailan niyang labanan ang sariling katamaran.

Like hell? She was just asking for a break because she could feel her bones breaking apart! Hindi dahil tamad na siyang magpatuloy!

Pero hindi siya nagreklamo at sinunod na lang ang lahat ng sabihin nito. Kahit pa nga ba pakiramdam niya'y maghihiwa-hiwalay na ang mga buto niya sa sobrang sakit ng kaniyang katawan kada matapos sila sa mga exercises nila, at kahit na halos gapangin na niya ang akyat-panaog sa hagdan— hindi siya nagreklamo.

Maaaring tama si Brad— na tamang disiplina lang sa sarili ang kailangan niya. Sinabi nitong kalaunan ay masasanay din ang katawan niya, basta raw hindi lang siya sumuko at ituloy lang nang ituloy.

They focused on cardio in the first two days— jogging, jumping jacks, jump ropes, and squat jumps. Ang sabi ni Brad ay kailangang pagtibayin muna niya ang kaniyang mga binti. It was tough— Brad was a tough trainer. Sa likod pala ng mga ngiti nito'y may pagka-istrikto ito.

On the third day, they worked on arm exercises. Then back and shoulders the following days. Hanggang sa dumating ang ika-anim na araw ng linggong iyon at hindi na siya nakaramdam ng pananakit sa mga binti. Sa ika-anim na umaga'y hindi na siya gumapang sa hagdan nila— at hindi niya iyon napansin, not until Kimmy joked about it. At natuwa siya dahil doon niya napagtantong nasanay na rin sa wakas ang katawan niya. Brad's training was effective after all.

In the second week, they focused on weights. Brad made her carry heavy stuff like a gallon of water and a backpack full of rocks while she jogged around the neighborhood. Kahit ang mga kinakain niya ay bantay-sarado nito. Definitely no junk foods— just all healthy, protein-rich foods.

Kung may pananakit man siya sa likod o braso sa mga weight training nila ay hindi niya naramdaman— dahil nasasanay na ang stamina niya. And she was proud of herself for the little achievements she made. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay malaki na ang naging pagbabago niya. Pakiramdam niya'y kay lakas-lakas na niya. Hindi na rin siya gaanong nakararamdam ng hiya sa ibang tao. Her voice sounded bigger, too. And she realized that the training she went through with Brad didn't just improve her physical strength, but her confidence, too!

Bago matapos ang ikalawang linggong pagte-training nila ay isang buong gabi siyang tinuruan ni Brad ng mga key moves sa volleyball. He taught her how to serve, spike, and reach over the net to get the ball. She had no idea that he knew how to play— gusto niyang itanong rito kung ano ang hindi nito kayang gawin. At makalipas lang nga ang dalawang araw ay malaki na rin ang naging improvement niya sa laro.

Makalipas ang dalawang linggong training nila na iyon ay nagawa na niyang makipag-sabayan sa mga kasama niya sa team tuwing magwa-warm up sila. Hindi na siya nadadapa o pumapalya. Nagagawa na niyang saluhin ang bolang sadyang ibinabato ni Elda sa direksyon niya, at ipinapasa na rin ng mga kasamahan niya sa kaniya ang bola kapag nagpa-practice game na sila. Her teammates were so impressed by her improvement that they started to reach out and be nice to her. Well, aside from Elda, of course. Na lalo lang uminit ang ulo sa kaniya.

Isang hapon ay mainit ang ulo nito at siya ang pinagbuntungan ng inis. Elda was yelling at her for no reason at all. Kahit instructions ay pasigaw nitong sinasabi sa kaniya. She felt bad but she didn't let it show. Inisip niyang maaaring nasi-stress lang ito dahil sa nalalapit na sports fest, at sa kaniya nito naisip na pakawalan ang lahat ng stress na iyon.

Alam niyang gusto ni Brad na depensahan niya ang sarili mula kay Elda, but she thought maybe not this time. Ramdam niya ang pressure sa buong team dahil sa paparating na sports fest at ayaw niyang gumawa ng issue sa pagitan nila ni Elda.

Nang matapos ang practice game nang hapong iyon ay sadya pa siyang binangga ni Elda, at dahil nakatalikod siya'y hindi siya naka-iwas. Muntik pa siyang matumba dahil saktong hahakbang sana siya sa escalated flooring palabas ng field at hindi nakabalanse. Kung hindi lang siya kaagad na naka-kapit kay Moira ay baka napaluhod siya roon. Ang iba sa mga team nila na loyal kay Elda ay malakas na nagtawanan, habang ang iba naman ay piniling hindi na makisali at tumuloy-tuloy na lang. Those were the ones that were nice to her now but still scared of Elda.

"Kahit anong gawin mo ay hindi talaga yata matutuwa sa 'yo ang babaeng 'yon," komento ni Moira habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Elda.

Umayos siya ng tayo saka binalingan si Moira. "Palilipasin ko lang ang sports fest at kokomprontahin ko na siya. At first, I thought she was just pissed at me for being weak, but I don't think that's the case anymore. Aalamin ko kung ano ang problema niya sa akin nang matapos na ito."

"Naiinggit 'yon sa 'yo." Humarap si Moira sa kaniya at sinuyod siya ng tingin. "Maliban sa maganda ay top student ka rin ng klase ninyo."

"I am not special. Marami akong kaklase na matatalino at mas magagandang tunay."

"But they aren't on our team. Hindi sila abot ng itim na budhi ni Elda, ikaw lang."

Napabuntonghininga siya saka nakasimangot na inayos ang pagkakasukbit ng sports bag sa balikat.

"At ngayong natuto ka nang maglaro, nag-aalala 'yon na baka lamangan mo rin siya sa ganitong field." Ngumiti si Moira saka banayad siyang siniko. "And you're glowing more, by the way. May manliligaw ka 'no?"

Umiling siya.

"Eh bakit parang... may kakaiba sa 'yo?"

"Anong... kakaiba?"

"Maliban sa sumigla at lumiksi ka, parang may kakaiba pa."

"Boosting with confidence, maybe?"

Sandaling nag-isip si Moira hanggang sa nauwi sa pagkibit-balikat. "Yeah, maybe. But how? When? What happened?"

Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ni Moira nang may junior high student na lumapit sa kanila at may ini-abot na nakatuping papel sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya sabay abot. Kaagad na tumalikod ang estudyante bago pa man siya makapagtanong.

"Walang manliligaw, ha?" Ngumisi muli si Moira sabay sulyap sa hawak niyang note.

Bumaba rin ang tingin niya roon, sandaling pinagmasdan ang hawak, bago buong pagtatakang binuksan ang sulat. Sumilip din si Moira nang mag-umpisa siyang magbasa.



K-Ann,

You must be wondering why I am writing this letter to you. I just want you to know that you are strong no matter what others say and do to you. If they don't want you around, don't worry. It's not the end of the world.

Meet me at the front gate. I need an update on my thesis.

Brad



Nagsalubong ang mga kilay niya.

K-Ann?

When did he start calling me that?

"Brad, huh?"

Ibinalik niya ang tingin kay Moira nang marinig ang sinabi nito. Nahuli niya ng tingin ang malapad nitong pagngisi.

"Who is he?"

"He's my... personal trainer."

"You hired a personal trainer?" Nang may mapagtanto ay pinanlakihan ito ng mga mata. "Oh, kaya ka nag-improve! And this is also why you keep getting better each day. Wow, you really are serious about this, huh?"

"Hindi ko na kasi maatim 'yong pagiging lampa ko." Napangiwi siya saka inisuksok papasok sa bulsa ng suot na trainer shorts ang hawak na papel. "He's also a student here and we had a fair deal. Tutulungan niya akong magtrain samantalang tutulungan ko naman siya sa thesis niya."

"Hmmm...Kaya pala niya nabanggit ang tungkol sa thesis d'yan sa sulat niya." Humalukipkip si Moira. "At kaya ka ba 'boosting with confidence' dahil sa encouragement na natatanggap mo mula sa kaniya?"

"Yes, he helps me improve and lifts me up."

"At hindi siya nanliligaw?"

She almost rolled her eyes backward. "Moira, stop teasing..."

Natawa ito at itinaas ang mga palad sa ere. "Fine, fine. Puntahan mo na siya sa front gate at ang sabi sa sulat ay hihintayin ka. Babalik muna ako sa classroom namin. See you tomorrow."

Si Moira ay humakbang sa direksyon patungo sa school building, habang siya naman ay tinunton ang daan patungo sa gate. Wala nang gaanong mga estudyante roon nang mga oras na iyon maliban sa mga kabila sa sports team. At dahil abala pa halos ang lahat sa gymnasium at sa field ay walang tao sa labasan. At hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay natanaw na niya ang kanang balikat ni Brad na nakasandal sa gilid ng poste ng gate. Binilisan niya ang paghakbang at tahimik itong nilapitan. At nang halos isang metro na lang ang layo niya mula rito ay napa-igtad siya sa gulat sabay hinto nang makita itong sumilip mula sa likod ng poste— may nakahanda nang ngiti sa mga labi na tila ba alam na alam nitong naroon na siya.

Napakurap siya at sandaling natigilan sa nakitang pagngiti nito. At sa pagkatigalgal niya ay hindi na rin siya nakagalaw mula sa kinatatayuan.

Si Brad naman ay tuwid na tumayo, umalis sa pagkakakubli sa likod ng poste, at nakapamulsang humarap sa kaniya. As usual, he was wearing his signature black leather jacket with white V-neck shirt inside, a pair of faded blue jeans, and black army boots.

"What took you so long?" he asked gently. Walang panunumbat, purong pagtataka lang.

"May... kausap pa ako." Mariin siyang napalunok habang nanatiling nakatunganga sa harapan nito. "H-How did you know that I'm... here already?"

"I could smell you."

Napasinghap siya— nataranta. Kulang na lang ay itaas niya ang isang braso upang amoyin ang kilikili sa biglaang sinabi ni Brad.

At tila ba nababasa nito ang laman ng isip niya kaya natawa ito at nilinaw ang sinabi,

"I meant your cologne."

"But I don't wear any..." Yumuko siya at inamoy ang suot na T-shirt. Basa iyon ng pawis, pero naaamoy pa rin niya ang halimuyak ng fabric conditioner na ginamit roon ng mommy nila. Hindi kaya iyon ang tinutukoy ni Brad?

"Hmm..." Humalukipkip si Brad, sandaling nag-isip. "How do I put this? You actually have this... distinct smell on you that hangs in the air when you're close. And it smells sweet, so don't worry. But if you're not using any cologne, is it your natural scent?" That's when Brad's light brown eyes sparkled in amusement. "What are you, a goddess?"

Sa sinabi nito'y naramdaman niya ang paggapang ng init sa magkabila niyang mga pisngi. Mabilis siyang umiwas bago pa man nito iyon mapansin. Humakbang siya at nilampasan ito. "Naisulat ko na ang dalawang sections ng third chapter. Give me four more weeks to complete it."

"Wow, you're fast!" Naramdaman niya ang paghabol nito at sumabay sa paglalakad. "You really are a genius, are you?"

"Not really. Nagkataon lang na business major din si Mommy kaya may napagtatanongan ako." Huminto siya at patagilid itong sinulyapan. "Sa tingin ko'y hindi naman mahirap gawin iyong thesis mo. Bakit hindi mo sinubukang tapusin nang ikaw lang?"

"You want to call off the deal?"

"No, that's not what I meant."

Ngumisi si Brad, humakbang ng dalawang dipa saka humarap muli sa kaniya. Nasa shed na sila sa harap ng front gate ng university kung saan nakaparada ang lahat ng mga bisekletang pag-aari ng mga estudyante.

"Malaki na ang ipinagbago mo sa pisikal na aspeto at nagagawa mo nang makipagsabayan sa practice game— naisip mo bang hindi mo na ako kailangan at ngayon ay gusto mo nang tapusin ang deal natin?"

"Sinabi ko nang hindi ganiyan ang ibig kong sabihin." Sinapo niya ang ulo upang pasimpleng ikubli rito ang pamumula ng magkabilang pisngi. "I was just wondering. Your graduate thesis isn't really that hard; you seem like a smart guy, too. Madali lang sa 'yong gawin ito, hindi mo na kakailanganin pang makipag-deal sa akin at pagurin ang sarili sa araw-araw na training kapalit ng—"

"Okay, let me get this clear." Bahagyang sumeryoso ang anyo ni Brad. "Una pa lang ay sinabi ko na sa 'yong wala akong interes na gawin ang thesis ko. But I had no choice because I need it to graduate, thus, the deal I made with you. Wala akong interes dahil hindi ko ginustong mag-aral sa kursong ito. I just had to take it for a certain reason. And also..." Brad trailed off and stepped forward— closer to her. He then leaned over and looked her in the eye before saying, "Hindi ko pinapagod ang sarili ko sa araw-araw na training kasama ka. The time we spend training together is actually entertaining for me. And it became a habit. Pakiramdam ko'y parte na ng araw-araw ko ang makita kang tumatakbo sa palibot ng area natin."

Then, Brad smiled while staring straight into her eyes, causing her to gasp for air.

"This deal is actually a win-win for me. Dahil hindi lang ako nakahanap ng gagawa ng thesis ko, nakahanap pa ako ng entertainment."

"Am I supposed to... feel insulted by that?"

"Did you feel insulted by that?"

Did she?

No, not really.

Wala lang siyang maisagot kanina dahil natulala na naman siya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Brad, kaya iyon ang nasabi niya.

At ano ba ang sinabi nito? Halos wala rin siyang narinig dahil nakatunganga lang siya sa gwapong mukha ng kaharap.

Nang rumehistro sa isip ang naging deskripsyon niya kay Brad ay lalong nag-init ang magkabila niyang mga pisngi, and this time, it was too late to hide it.

Lumapad ang pagkakangiti ni Brad bago nitong itinuwid ang tayo at muling inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"You go ahead and ride your bicycle. I'll be following you on my motorcycle."

Napasunod siya ng tingin dito nang humakbang ito pabalik sa gate ng university. Alam niyang kukunin nito ang motorbike nito mula sa parking space ng solar.

"Bakit mo naman ako susundan?"

Brad stopped and looked over his shoulder. "Aren't we heading in the same direction? Magkapitbahay tayo, nakalimutan mo?"

"Oh."

Muli itong napangiti. "You're being adorable today, K-Ann. Kanina pa nagkakamatis 'yang pisngi mo."

Her face flushed all the more. "I-It's because you kept on—" ...smiling.

God, she shouldn't say that. Baka isipin ni Brad na may gusto siya rito.

Mataktika niyang iniba ang topiko. "B-Bakit ba tawag ka nang tawag ng K-Ann sa akin?"

"Why not? Isn't it the shorter version of your name?"

"It is, but I don't like it."

"Oh, you'll get used to it. Dahil simula sa araw na ito ay iyan na ang itatawag ko sa 'yo."

"Just call me 'Kelly'. Pareho lang namang two syllables 'yon." Geez. Hindi ba dapat ay humayo na sila? Paalis na sana ito, eh. At nasa harapan na niya ang bike niya. Ano pa ba ang ginagawa niya sa harapan nito ganitong pulang-pula na ang pisngi niya sa kahihiyan?

Was she just trying to... delay the time?

Hindi ba niya gustong umalis ito sa harapan niya?

Oh, what am I thinking...?

"No, I won't call you that. Lahat na lang halos sa paligid mo ay iyon ang tawag sa 'yo. I want to be different. Because being different is special. I will be the only one calling you K-Ann. It's like a secret code between us."

"A secret code?"

"Yeah. Between you and me."

"Why would we need a secret code?"

Sandaling natigilan si Brad bago nauwi sa pagtawa. Ilang sandali pa ay napakamot ito ng ulo saka muli siyang hinarap. "I used the wrong term, but what I really meant was a 'pet name'. Like... an endearment."

Lalo lang siyang naguluhan. "Why would we need an endearment? Hindi ba para lang iyon sa mga... magkarelasyon?"

Oh, Cheeses! Lalo lang siyang pinamulahan sa huling sinabi.

"Friends use endearments, too." Maiksing paliwanag nito, ang ngisi sa mga labi'y nanatili roon. "And aren't we already friends?"

We are...?

Para siyang lokang napakurap lang.

"And since you are now my friend, I'd like to give you a cute pet name that only I could use. And I'm choosing K-Ann; a name so pretty that really matches your adorable femininity."

Hindi na siya nakasagot pa nang itinuloy na ni Brad ang paghakbang patungo sa parking space ng school. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay saka pa lang siya tuluyang natauhan. Itinaas niya ang mga kamay at banayad na tinampal-tampal ang nag-iinit na pisngi. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro