CHAPTER 005 - The Deal That Brought Them Closer
Nagmadali si Kelly na sundan ang mga kasama habang nag-wa-warm up ang mga ito.
Tumakbo sila at inikot ang buong field— isa lamang iyon sa mga exercises na kailangan nilang gawin bago umpisahan ang practice game. At kanina pa siya halos hindi makasabay sa mga ka-grupo. Ang kaninang limang talampakang pagitan niya sa mga ito ay naging sampung metro na. She could not catch up with them, her knees have started to sway, and she knew that anytime soon, she would just drop herself on the ground. Hindi talaga kaya ng katawan niya ang matagalang physical activity.
Hindi rin niya alam kung bakit malumanay siya. Kung bakit mahina siya at malumbay ang mga katawan. Hindi siya sobrang payat, kung tutuusin, sakto kang ang laki ng katawan niya sa tangkad niya. Hindi rin siya sakitin. Hindi lang talaga kaya ng katawan niyang tumakbo nang matagal at mabilis. Mabilis din siyang mapagod at hindi niya kayang magbuhat ng mga mabibigat. Ang tawag ni Kimmy sa katangiang mayroon siya ay... 'malamya'.
Naniniwala siyang kulang lang siya ng training kaya ganoon. Kung may tao sanang maaaring tumulong sa kaniya upang mapagtibay niya ang kaniyang katawan, sigurado siyang hindi siya matatanggal sa team. She needed a coach— someone who would push her to her limits and encourage her to do better. Kapag wala kasi ay bumibigay siya. Walang disiplina, walang inspirasyon.
Kailangan na ba niyang maghanap ng personal trainer?
Nanlumo siya at lalong bumagal ang pagtakbo nang pumasok sa isip ang kondisyong ibinigay sa kaniya ng coach nila. Kinausap siya nito noong nakaraang araw at sinabi nito sa kaniya na maliban sa wala siyang skills sa sports, mahina rin ang katawan niya. She was told that she didn't have the agility and strength that they needed for a team member. She couldn't even hit the ball. So, their coach told her that she needed to improve herself and get stronger, otherwise, she would be kicked out from the team— again.
Pangatlong team na ito na sinalihan ko, ayaw ko nang pumalpak.
Ang nais lang naman niya ay mapabilang sa mga sports team ng school nang sagayon ay magkaroon siya ng maraming kakilala at mga kaibigan. She had always wanted to have a big circle of friends, kaya lang ay hindi siya gusto ng mga kaklase niyang babae. They avoided her as if she had a contagious disease. Inisip niyang siguro, dahil iyon sa pagiging malamya niya.
Gusto lang naman niyang maranasan na magkaroon ng kasama pag-uwi. Grupong magyayaya sa kaniya pagkatapos ng klase para magmeryenda sa bayan o mamasyal tuwing weekend. Mga kaibigang pwede niyang mapagsabihan ng sekretong hindi niya kayang sabihin sa nakababatang kapatid. Mga kaibigang makaiintindi sa damdamin niya kapag may nagugustuhan siya. Someone who would be there to listen to her other than her sister. Para sa kaniya kasi ay may special bond ang mga kaibigan kaysa ang sisterly bond na mayroon sila ni Kimmy. Of course there was stuff she couldn't tell her sister. May mga bagay na tanging mga kaibigan lang ang pwede niyang sa sabihan.
And that was what she really wanted, thus all these efforts.
I really need to do something about my weakness...
"Kelly, watch out!"
Ang sigaw na iyon ni Moira ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Pag-angat niya ng tingin ay huli na ang lahat— dahil tumama na ang bola sa noo niya dahilan upang patihaya siyang matumba.
Bumagsak siya sa madamong field at sandaling nagdilim ang paningin. Ilang beses na nagpalit ang dilim at liwanag sa balintanaw niya, hanggang sa makita niya ang malabong anyo ni Moira na lumapit at lumuhod sa tabi niya.
"Kelly!"
Alam niyang nagsasalita si Moira at tinatawag ang pangalan niya, pero hindi niya gaanong marinig ang tinig nito. Na-bingi siya sa lakas ng pagkakatama ng bola sa noo niya— pati ang kaniyang paningin ay nanlabo. She could also feel something coming out of her nose.
"Fudge!" tarantang sigaw ni Moira, kasunod ng pagpahid nito ng palad sa kaniyang mukha. "Tumawag kayo ng medic, please!"
Medic? For... what?
Hindi na niya magawang isatinig ang katanongan sa isip nang unti-unting sinakop ng dilim ang kaniyang paningin.
Ang sumunod na mga nangyari ay hindi na niya maalala pa. Her thoughts were hazy, but she could faintly hear the commotion and Moira's frantic voice around her. Hanggang sa may bigla na lang bumuhos sa mukha niya dahilan upang mapasinghap siya at biglang napabangon.
Para siyang nalunod na umahon at sunud-sunod na naghabol ng paghinga.
"O, gising ka na?"
Umangat ang tingin niya sa nagsalita at pilit itong inaninag. Nang tuluyan nang naging malinaw ang paningin niya ay nakita niya si Elda na nakayuko sa kaniya nang may ismid sa mga labi— sa kamay nito ay ang nakabukas na tumbler
"Ano'ng..." Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin nang muli itong nagsalita.
"What, hindi mo maalala ang nangyari sa 'yo?" Humalukipkip ito saka nilingon ang mga junior high students sa hindi kalayuan na naglalaro ng baseball. Hindi magawang lumapit ng mga ito sa takot na mapagalitan. "Tinamaan ka ng bola nila sa ulo." Ibinalik ni Elda ang tingin sa kaniya. "Hindi kaya sign na ito na hindi ka talaga nararapat sa field, Kelly?"
"I don't think that's the case—"
"Just stop forcing yourself, will you? Kahihiyan lang ang idudulot mo sa team na ito. Hindi ko alam kung bakit binigyan ka pa ni Coach ng isang buwan na evaluation samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na walang tiyansang makatulong ka sa team na 'to. Just give up already. Maaapektohan mo lang ang lahat sa mga kapalpakan mo."
Hindi na siya nakasagot pa nang tumalikod na ito at niyaya ang iba pa nilang mga kasama na ituloy ang pag-ja-jog.
Si Moira na minabuting tulungan siya kaysa makipagtalo kay Elda ay inalalayan siyang tumayo. "That Elda... Ire-report natin siya sa guidance counselor. Hindi na makatao ang ginagawa niya sa'yo. Hindi por que siya ang team captain natin ay—"
"It's okay," agap niya rito. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Moira dahil nahihilo pa rin siya mula sa pagkakatama ng bola sa ulo niya. "Kung hindi niya ako binuhusan ng tubig ay baka tuluyan akong nawalan ng malay at naabala ko pa kayong lahat."
"How can you still think of that after what she did to you?"
"Because I don't easily hate people, Moira. Mas naiinis ako sa sarili ko dahil kung hindi ako mahina at malamya, hindi sa akin maiinis si Elda. Kung ikaw sa lugar niya ay baka mainis ka rin sa kalamyaan ko—"
"Kung ako ang nasa lugar niya ay tutulungan kitang matutuo. I will focus more on you and help you improve. Mali ang mindset ng babaeng iyon."
Napangiti siya sa sinabi ni Moira saka pinahiran ang basang mukha gamit ang manggas ng PE shirt niya. "Thank you for your kindness. Masaya akong naging malapit tayo."
Tipid na gumanti ng ngiti si Moira, ang pag-aalala ay nasa anyo pa rin nito. "Hali ka na nga, patingnan na natin iyang bukol mo sa clinic."
Tumango siya at nagpaalalay rito sa paglalakad. At habang marahan silang humahakbang ay binalingan ni Moira ang mga junior high students na nakatunghay sa kanila sa hindi kalayuan. "At kayo! May area kayo para magtractice, doon kayo nang sagayon ay wala kayong natatamaan dito!"
Takbuhan palayo ang mga ito.
*
*
*
Kasalukuyang nakatayo si Kelly sa labas ng school building matapos ang klase at nag-iisip kung aling daan ang tatahakin— daan pauwi o daan patungo sa field kung saan naroon ang buong team para mag-practice game.
May naka-schedule silang practice game sa araw na iyon subalit nagdalawang isip siya kung pupunta sa field para sumali o uuwi na lang dahil nag-aalala siyang maging pabigat at abala na naman sa mga kasama.
Uuwi na lang ba ako?
Pero ano ang gagawin ko sa bahay?
Walang mangyayari sa akin kung hindi ako magpu-pursigi.
Itinuwid niya ang sarili, itinaas ang mukha, at sinulyapan ang daan patungo sa field. Walang mangyayari kung susuko siya. Papaano siya makahahanap ng maraming kaibigan kung susukuan niya ang hamon ng team nila? At papaano niya mapapatunayan sa mga ito na hindi habang buhay ay ganoon lang siya?
Okay, I'm joining the practice game today.
With that in mind, she attempted to step forward. But then, she couldn't.
Gusto ng utak niyang humakbang patungo sa field subalit ayaw makisama ng kaniyang mga paa.
Sinapo niya ang ulo nang muli na naman siyang nagdalawang-isip.
Dalawang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong nakikitang improvement sa performance ko— para nga ba sa akin ang sports? Should I keep trying or... just give up on it?
Makaraan ang ilang sandali ay nagpakawala siya ng mahabang paghinga.
Siguro nga ay mas makabubuting umuwi na lang ako at mag-yoga. Bukas na ako sasali sa practice game...
Mabilis na sumunod ang kaniyang mga paa sa naging pasiya niya. Pumihit siya sa direksyon patungo sa exit gate at nag-umpisang humakban. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay pilit siyang huminto, mariing pumikit, saka sunud-sunod na ipinilig ang ulo. "Ano ba 'tong ginagawa ko? Imbes na lalo akong magsumikap ay nagpapakatamad ako."
Nilingon niya ang daan patungo sa field. "I have to do this."
Kipkip ang dalawang makakapal na libro at folder na may lamang mga test papers ay bumalik siya sa kinaroroonan kanina at tuluy-tuloy na binaybay ang daan patungo sa field. Papaliko na siya sa likod ng school building nang may mabanggang lalaki.
At dahil likas siyang lampa ay bumuway ang pagkakahawak niya sa mga dala-dala. Muntikan din siyang matumba kung hindi lang siya kaagad na naka-balanse. Ang libro at mga test papers na hawak niya ay bumagsak sa lupa.
She grimaced and knelt down. Isa-isa niyang dinampot ang mga nagkalat na papel sa lupa hanggang sa mahuli niya ng tingin ang mga test papers na bumagsak malapit sa kanal. Doon nanlaki ang mga mata niya. Importante sa kaniyang mai-uwi ang mga iyon dahil nais niyang ipakita ang mga iyon sa Papa nila na nagta-trabaho sa Germany. Her high scores and grades were some of the things that motivated their father. Nakasanayan na nila ni Kimmy na ipadala ang mga test papers nila sa tatay nila kalakip ang kanilang mga sulat. Kaya bago pa man mahulog nang tuluyan ang mga iyon sa kanal ay mabilis siyang kumilos— tumayo siya at kinuha ang mga iyon.
Ang lalaking nakabanggaan niya ay yumuko rin at tinulungan siyang damputin ang ilan pang mga papel na nagkalat sa lupa saka inabot sa kaniya.
"Thank you..." she muttered without looking. Inabot niya ang natirang test paper sa kabilang direksyon, patalikod sa lalaki.
"Wow, look at these scores," usal ng lalaki na ikina-tigil niya. "I have to say, these are impressive. Are you the smartest in your class?"
Muntik nang mabali ang leeg niya sa marahas na paglingon. Kilala niya ang tinig na iyon— at pinanlakihan siya ng mga mata nang makompirma ang hinala.
Bernard Craig!
Mula sa pag-suri sa hawak nitong test paper ay nag-angat ng tingin si Brad. "Sorry, inagaw ng scores mo ang pansin ko. Are you okay? May masakit ba sa 'yo?"
Sandali siyang napatulala sa mukha nito bago bumaba ang kaniyang tingin sa hawak nitong test paper. Nadumihan ang parteng ibaba niyon sa panggilalas niya. At bago pa niya naisip ang sunod na gagawin ay maagap na niyang inagaw ang papel mula sa pagkakahawak ni Brad.
"Oh no..."
"It's just dust."
"No it's not." Nakangiwi niyang tinanggal ang putik na dumikit— putik na hindi niya alam kung saan nagmula. At sa pagkakatanggal niya'y lalo lang kumalat ang dumi at tumakipi sa score na nakasulat sa papel. Doon siya napa-ungol. "Oh, damn."
Si Brad, matapos marinig ang pagmura niya, ay napangiti. Saktong umangat muli ang tingin niya rito at nahuli iyon, dahilan upang pamulahan naman siya ng mukha.
When Brad saw her flushed face, his smile widened— showing off his perfect set of white teeth. "Ano ba'ng mayroon sa atin at madalas tayong nagkakabanggaan? We were like magnets— we attract and collide."
Hindi niya ito sinagot— sa halip ay taranta siyang tumayo saka paiwas na tumalikod. "Thanks for helping, I must go now."
Pero bago pa man siya makapaglakad palayo rito ay muli niyang narinig ang pagsalita nito,
"So, you're an engineering student, huh? You must be really smart."
"I'm just average."
"Hmmm, smart and humble. I like that."
Lalo niyang naramdaman ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi. Buti na lang at nakatalikod siya rito at hindi nito nakikita ang nangyayari sa kaniya.
"What's your name again?"
Ang tanong nitong iyon ang nagpasalubong sa mga kilay niya. Tuluyan niyang nakalimutan ang hiya— nilingon niya ito at manghang tinapunan ng tingin. "Hindi ba at nagpakilala na kami ng kapatid ko noong nakaraan sa harap ng bahay niyo?"
Brad shrugged his shoulders nonchalantly. "Sorry, I suck at remembering names. So, would you mind giving me yours again?"
Napailing siya sa pagkamangha. And then, it struck her.
How could someone like Bernard Craig remember her name? It's not like she was someone special. Natural na makalimutan nito ang pangalan niya. And probably all other girls in the campus swooning over him, too. Sigurado siyang nagpakilala na rin ang mga ito rito, at sa dami ba naman ng mga pangalang narinig nito'y talagang makakalimutan nito ang sa kaniya.
Napabuntonghininga siya. Why was she making it a big deal, anyway?
"My name's Kelly."
"And I believe you have a second name?"
"Antonette. Kelly Antonette Kordova."
Malapad muli itong ngumiti. "Pretty. Your name suits you well."
Muling nag-init ang magkabila niyang pisngi.
Bernard Craig was good with compliments!
Iyon na ang pangalawang beses na pinuri siya nito. Noong nakaraan ay ang suot niyang T-shirt ang pinuri nito, ngayon naman ay ang pangalan niya. At hindi niya gustong ipakita rito ang pamumula niya, kaya yumuko siya at akma na sanang itutuloy ang paglalakad nang muli itong nagsalita.
"Hey, can I ask you something?"
Hindi siya sumagot, subalit hindi rin siya umalis sa kinatatayuan. At umaasa siyang maintindihan nito iyon bilang paghihintay na magpatuloy ito sa gustong itanong.
Which he did.
"Why are you letting that woman bully you every time? Why didn't you fight back?"
Doon siya muling lumingon dito. "What?"
"Noong araw na tinamaan ka ng bola ng mga estudyanteng naglalaro ng baseball sa field habang kayo ng mga ka-team mo ay nag-jo-jog, I was there sitting on the bench nearby. Nakita ko ang lahat ng nangyari, lalo na noong binuhusan ka niya ng tubig sa mukha. I thought you would confront her, but you didn't. Again."
Again?
Nagpatuloy si Brad. "Hindi iyon ang unang beses na nakita ko siyang pinag-trip-an ka. But you remained nonchalant about it, giving that woman the right to do it to you over and over again. When will you realize that your silence gives her permission to continue her bullying?"
Napasinghap siya. "W—Were you always watching us?"
Balewalang nagkibit-balikat si Brad. "Can't help it, madalas akong nagpapalipas ng oras sa field pagkatapos ng klase, at sa tuwing naroon ako'y naroon din kayo para mag-practice." Nagsalubong ang mga kilay nito. "You were always so helpless— sigurado ka ba talagang gusto mong makasali sa team nila? Nakakaawa kang tingnan sa tuwing sadya kang binabato ng bola ng mga team mates mo. Look at you." Mabilis siya nitong pinasadahan ng tingin. "You look so vulnerable and weak."
Umiwas siya ng tingin. Alam niyang hindi siya nito ini-insulto dahil nahihimigan niya ang simpatya sa tinig nito. "Wala kang... pakialam."
Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. "You are right. But I couldn't help sticking my nose into your business. I don't like it when a woman doesn't fight back."
"I don't care about your likes and dislikes— don't watch if it's hitting your nerves. And why do you care so much? It's not like we're friends."
Napakagat-labi siya matapos ang litanya. Hindi siya sanay sa komprontasyon tulad nito, at hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang tapang upang sumagot-sagot dito. She was never like this.
"I don't need to be your friend to care." Humakbang ito palapit— at nang makita niya iyon ay nakaramdam siya ng panic kaya umatras siya. Huminto ito ilang dipa sa kaniya at nagpatuloy. "You should try defending yourself sometimes. Kapag nanatili kang tahimik at hinayaan siyang gawin sa 'yo ang ganoon, she will never stop. And it will get worse, you know?"
May punto ito. At nagpapasalamat siya sa concern na ipinapakita nito sa kaniya kahit na alam niyang napaka-random. At siguro, kaya siya nagre-react nang ganito ay dahil nahihiya siyang malaman na nakita nito at nasaksihan ang ginagawa sa kaniya ni Elda. It was her defense mechanism kicking in.
Yeah, it could be it.
Huminga siya nang malalim, at sa kalmadong tinig ay, "I am doing my best to belong. I really want to be on the volleyball team."
"You can and you will. You just have to fight back first, and let everything else follow."
"But how?" Just her asking that question meant defeat against this man. And admitting that she was a victim of Elda's bullying. "Hindi ko ugaling... makipag-away."
"Hindi ko sinabing makipag-away ka. Ang sabi ko ay depensahan mo ang sarili mo."
"I... don't know if I can."
"You just have to try to move forward, Kelly."
Natigilan siya nang marinig ang pag-usal nito ng pangalan niya. She couldn't explain why, but it brought her chills— in a good manner.
"Would you like me to help you?"
Natigilan siya at muli itong tiningala. "Help me? H-How?"
"First, you need to get stronger. Bawal ang lalampa-lampa. I can be your personal trainer, if you want?"
She leered at him. "I don't have money to pay for your services."
Natawa ito sa sinabi niya, and by God, she was mesmerized— again.
"Don't worry, I don't need your money. But I have a deal to make."
Humigpit ang pagkipkip niya sa mga gamit at salubong ang kilay na nagsalita, "Well, okay. Go ahead and tell me."
"I'm really not interested in doing my thesis, but I need it to graduate. I accidentally discovered how smart you are based on those scores you got in there. So, maybe you can help me with my dilemma?"
"You want me to work on your thesis in exchange for your offer?"
Nakangisi itong tumango. At ewan niya kung bakit biglang tumahip ang kaniyang dibdib nang mga sandaling iyon.
Mariin siyang napalunok, at habang nakapako ang kaniyang tingin sa nakangisi nitong mukha ay sumagot siya,
"Y-Yeah, I think that's a fair deal..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro