CHAPTER 003 - The Day They First Met
Back in August 2001...
"Kelly!"
Iyon ang sabay na sigaw ng ibang mga ka-teammates niya nang tamaan siya ng bola sa ulo dahilan upang bumagsak siya sa maalikabok na flooring ng gymnasium.
Pang-ilang beses nang nangyari iyon sa loob ng isang oras na practice game nila— at alam niyang hindi lang dahil sa lampa siya, kung hindi dahil sadyang ibinabato sa direksyon niya ang bola. Naka-ilang palit na siya ng spot, pero tila may sariling pakpak ang bola at siya lagi ang pinu-puntirya. At dahil beginner pa lang siya ay hindi siya naging handa sa ganoong klase ng pag-atake.
"Kel, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Moira nang lapitan siya. Isa ito sa mga kasama niya sa volleyball team at siyang tanging mabait sa kaniya.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pagngiwi— nakararamdam na siya ng pagka-hilo sa pang-apat na beses na pagkakatamang iyon ng bola sa ulo niya.
"Sorry kung hindi ko na naman na-salo," aniya saka tinanggap ang kamay ni Moira na naka-abot sa kaniya.
Umiling ito. "Hindi mo kasalanan kaya huwag kang humingi ng dispensa. Hindi ko alam kung napapansin mo, pero tina-target ka na naman nila Elda dahil alam nilang hindi mo kayang i-spike ang bola." Tinulungan siya nitong pagpagan ang alikabok na dumikit sa jogging pants niya. "Isa pa, alam kong pagod ka na kanina pa. Kung hindi mo na kaya ay magpahinga ka na lang muna sa bench. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, tutal ay practice game pa lang naman ito."
Ang akma niyang pagsagot kay Moira ay na-udlot nang makita ang paglapit sa kanila ng team captain nilang si Elda, at ang mga kasama nito sa opposing team. "My, my, my. Hanggang kailan ka lalampa-lampa, Kelly Antonette? Hindi ka namin mapapakinabangan sa grupo kung ganiyan ka na lang palagi."
Hinarap niya ito at payukong sumagot, "I'm sorry, pagbubutihan ko pa—"
"You know what? Don't bother." Humalukipkip ito. "Ang isang beginner na tulad mo ay hindi magkakaroon ng silbi sa team ko. Isang buwan na lang bago ang sports fest, ano ang matututunan mo sa maiksing panahon?"
"Magpa-practice ako araw-araw—"
"Don't waste your time and energy, Kelly," muli pang putol ni Elda sa pahayag niya. "We don't need your existence in this team, so just join another group."
"Teka, Elda, baka gusto mong dumahan-dahan sa mga sinasabi mo?" sabi naman ni Moira sabay harang sa pagitan nila ni Elda. "Hindi mo ba nakikita ang effort na ibinibigay ni Kelly para makatulong sa team?"
"Pfft." Umikot paitaas ang mga mata ni Elda sa pagka-umay. "Anong effort at tulong sa team ang pinagsasasabi mo, Moira? Kahit simpleng spike, hindi nga niya magawa. Mas mainam nga sigurong maging water girl na lang siya, o magpunas ng mga bola pagkatapos ng game para may silbi siya."
"Aba—" Ang akmang pagsugod ni Moira kay Elda ay nahinto nang pigilan niya ito sa braso.
"Moira, please, h'wag ka nang makipag-away nang dahil sa akin."
Marahas siyang nilingon ng kaibigan. "Ano? Hahayaan mo na namang tratuhin ka nila ng ganito?"
"Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nagpa-practice nang maayos..."
"Bakit mo ba kina-kaibigan 'yang si Kelly Antonette, ha, Moira?" tanong pa ni Elda, ang maninipis na mga kilay nito'y nagsalubong. "Hindi ka ba naiinis sa presensya niya?"
Si Moira ay muling hinarap ang mga ito at akmang sasagot nang muling magsalita si Elda.
"Pang-ilang sports na itong volleyball sa mga pinilit salihan niyang si Kelly para magmukhang cool, ha? She was kicked out from the badminton and basketball teams because she was useless. Tapos itong team naman natin ang pilit na sinalihan. The heck is she trying to prove? Bakit kasi hindi na lang 'yan mag-muse— tutal ay puro lang naman siya ganda at walang ka-talent-talent— Hey!" Napa-atras ito nang malakas itong itulak ni Moira.
"Watch your mouth, Elda. Walang ginagawang masama sa 'yo si Kelly para insultuhin mo nang ganiyan."
Napangisi si Elda. "Wait, Moira, tomboy ka ba at nagkakagusto ka na riyan kay 'Ganda Lang'?"
Doon napikon si Moira at akma na sanang susugod nang muli niya itong pigilan sa braso at hinila palayo. "Please, Moira, stop. Hindi niyo kailangang mag-away nang dahil sa akin. This is not what I want."
Subalit ni-waksi ni Moira ang kamay niyang pumipigil dito upang sana'y ituloy ang pagsugod kay Elda nang lumapit ang coach nila na salubong ang mga kilay.
"What's happening? Nagkakagulo na naman kayo?" Napa-iling ito saka sinulyapan si Kelly. "Kordova, magpahinga ka na lang muna; kanina ka pa namumutla. The rest of you, go back to the game."
Nakangising tumalikod si Elda kasunod ang mga minions nito at humakbang pabalik sa kabilang bahagi ng net, habang si Moira nama'y sinenyasan siyang maupo na sa bench. Tumango siya at nakayukong humakbang patungo roon.
Nahabag siya sa sarili.
Totoo ang sinabi ni Elda. Ilang beses na siyang sumasali sa mga sports team ng university subalit isa man sa mga iyon ay hindi siya tumagal. She was always kicked out from the team dahil malamya siya.
Last year, unang taon niya sa kolehiyo, ay sumali siya sa girls basketball team subalit makalipas lang ang isang buwan ay tinanggal din siya dahil lagi siyang nadadapa at madaling napapagod. Ang coach mismo nila ay harap-harapan siyang sinabihan na wala siyang future sa kahit na anong sports, because she had a weak body. Pero pinilit pa rin niya. After she was kicked out from the basketball team, she registered for the badminton team. Pero hindi rin nagtagal ay tinanggal siya sa kaparehong dahilan.
In her second year, she joined the volleyball team. At wala pa ang isang buwan ay hindi na naging maganda ang record niya. Hindi siya magtataka kung sa susunod na mga araw ay palayasin na rin siya ng coach nila.
Nang marating niya ang bench ay bagsak ang mga balikat na naupo siya sa dulo. Kinuha niya ang face towel niya mula sa kaniya likuran saka naman iyon ipinahid sa pawisang noo.
"Bernard Craig? That's his name? Tunog international celebrity, bebs."
"He's a transferee. Nasa graduating class na siya ng Business Management. Ang iba sa mga ka-klase niya ay tinatawag siyang 'Brad'. Ang hot niya ano, inay?"
Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba, pero hindi niya maiwasan dahil maliban sa ilang dipa lang ang layo ng dalawang team mates niyang naka-upo sa dulo ng bench, ay malakas din ang boses ng mga ito.
"Look at him, makalaglag panty!" patuloy na sambit ng isa.
"Juice ko po, I'd give everything just to spend a night with him," wari naman ng kasama nito kasunod ng paghagikhik.
Namangha siya sa mga narinig. They were only seventeen, ano ang pinagsasasabi ng mga ito about spending a night with who?
Lihim siyang napailing. Hindi niya akalaing kaya nang mag-isip ng mga ito nang ganoon.
Pero... ano— o sino— ang dahilan kaya nagagawang mag-isip ng mga ito nang ganoon?
Puno ng kuryosidad niyang sinuyod ng tingin ang paligid upang hanapin ang tinutukoy ng mga ito. Hindi gaanong malaki ang gymnasium, at iilan lang ang mga estudyanteng naroon sa mga oras na iyon kaya alam niyang madali niyang mahahanap kung sino man ang lalaking tinutukoy ng mga kasama.
"Aww, he's leaving na..." ungot ng isa.
"Oh geez... kahit maglakad, ang sexy, bebs!"
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
Sino ba ang—
Natigilan siya nang mahuli ng tingin ang isang lalaking tumayo mula sa kaharap nilang bleacher. Ang nakikita niya mula sa kinauupuan ay isang matangkad na lalaking may kalakihan ang katawan, naka-suot ng itim na leather jacket at kupas na maong kung saan ang mga kamay nito'y nakasiksik sa magkabilang bulsa niyon.
Hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito dahil maliban sa may kalayuan ang kinaroroonan nito'y naka-side view pa. Napansin niyang ang ilang mga estudyanteng naka-upo sa bleachers na nadadaanan nito'y napapatingin din nito na tila ito isang mahiwagang bagay na dapat lang pagtuunan ng pansin.
"So cool..." sabay na usal ng dalawang kasama niyang naka-upo sa bench.
Napa-iling na lamang siya at ibinalik na ang pansin sa mga kasamang patuloy sa practice game. Muli, ay nanlumo siya.
If I could only get stronger... I could be useful to the team. Kapag nangyari iyon, hindi na nila ako aawayin. At baka kaibiganin na rin nila ako... Pero, kailan pa mangyayari 'yon?
Laglag ang mga balikat na tumayo na siya at nilisan ang gymnasium. Dala ang mga gamit ay dumiretso siya sa parking space ng school kung saan naroon ang mountain bike niya. Kapag ganoong pinanghihinaan siya ng loob ay pinipili na lang niyang umuwi at magmukmok sa kaniyang silid. Doon ay malaya siyang makaiyak nang walang tumatawa sa kaniya.
*
*
*
Mabilis na pinatakbo ni Kelly ang bisekleta sa malawak na dirty road pauwi sa kanila.
Nakatingin siya sa langit kung saan niya nakikita ang panghapong mga ibon na lumilipad sa ibabaw ng malawak na taniman ng mga bulaklak, habang ang kaniyang mahaba at tuwid na buhok ay malayang inililipad ng hangin.
Kahit naka-pikit ay alam niya kung saan may lubak, o naka-usling bato, o kung saan liliko patungo sa kanila. Sa loob ng labing pitong taon ay doon na siya sa lugar na iyon lumaki at nagkaisip. Araw-araw niyang tinutunton ang daang iyon, kaya halos memoryado na niya ang paligid.
Ang bayan nila, ang Santa Martha, ay malayo sa kabihasnan. Their town was known as the Garden City of the North due to its vast flower field. Sa magkabilang gilid ng dirty road ay may nakatanim na samu't saring mga bulaklak na magkakaiba ang mga kulay.
Sa lugar nila ay walang gaanong mga sasakyan, as most people preferred to walk or use bicycle to stroll around the town. Ang tanging may sasakyan sa bayang iyon ay yaong may mga negosyo sa karatig-bayan o kabihasnan at kailangan ng transportasyon.
And she loved the simplicity of their town. It was surrounded by flower fields, making it looked like paradise. Mababait at palakaibigan din ang mga taong nakatira roon— maliban lang sa mga ka-team mates niya na naiirita sa pagiging lampa niya. Maliban doon ay wala siyang maisip na hindi maganda sa bayang iyon. Doon na siya ipinanganak at lumaki, at sinabi niya sa sarili na doon na rin siya magpapamilya. She would raise her children there.
Tuluy-tuloy siya sa pag-pedal habang nakatingala sa langit at sinasamyo ang sariwang hangin. Malapit nang lumubog ang araw at ang mga pang-hapong ibon ay nagkalat na. Ang kulay dalandan na liwanag mula sa papalubog na araw ay halos humahalik na sa malawak na taniman ng bulaklak. It was a beautiful scenery that she would never get used of. Lagi siyang namamangha sa tuwing sumasapit na ang ganoong oras dahil pakiramdam niya'y nasa ibang mundo siya.
Napangiti siya sa huling naisip.
Oh well, lagi naman akong nasa ibang mundo. Sariling mundo ko nga lang...
Nakangiti niyang ibinalik ang pansin sa daan— upang mapasinghap nang malakas nang makitang may motorsiklong naka-hinto sa harapan..
Diniinan niya ang preno ng kaniyang bisekleta sabay pikit ng mga mata habang tahimik na hiniling sa langit na sumakto sana ang paghinto niya— dahil kung hindi'y titilapon siya sa taniman ng mga bulaklak!
Please, please, please... usal niya sa utak habang hinihintay na bumangga ang harapang gulong ng bisekleta niya sa likurang gulong ng malaking motorsiklo.
And her front tire did bump against the motorcycle's rear tire, pero hindi gaanong malakas ang pagkabangga dahil hindi siya tumilapon. Pero naramdaman niya ang pag-alog ng katawan niya, na kung hindi marahil siya kumapit nang mahigpit ay baka tumalsik siya mula sa bisekleta.
Pinakiramdaman niya ang sarili— maliban sa malakas na kabog ng kaniyang dibdib sanhi ng sobrang takot ay maayos ang lagay niya.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata upang tingnan din sana ang lagay ng naka-angkas sa motor nang matigilan siya.
Unang sumalubong sa paningin niya ay ang abuhing kulay ng mga mata ng lalaki— no, no they weren't grey. They were actually the lightest of brown. Diretso itong nakatingin sa kaniya nang may bahid ng pag-aalala sa mukha.
Napa-kurap siya sa naisip.
Pag-aalala? Kailan pa siya natutong magbasa ng damdamin ng ibang tao?
Banayad niyang ipinilig ang ulo at inalis ang tingin sa mga mata ng lalaki. Inumpisahan niya itong suyurin ng tingin— mula sa mukha nito pababa sa suot nitong white V-neck shirt, at pababa pa sa maong nitong pantalon at black lace up boots— checking if he was hurt from that minor incident. At habang sinusuri niya ito ng tingin ay lumalalim ang gatla sa kaniyang noo.
She didn't know the man but he seemed familiar. Hindi niya maalala kung saan niya ito nakita, pero sigurado siyang hindi ito taga-roon sa Santa Martha— kung ang pagbabasehan ay ang facial features nito na hindi tipikal sa purong Pinoy at ang paraan ng pananamit. He was... Western-y. And he looked like someone from a Hollywood film, or from Wall Street magazine.
And he was... handsome.
Pero hindi pa rin mawala-wala ang pagtataka niya. Pagtataka kung saan at kailan niya ito nakita, at kung bakit tila ito pamilyar.
Wala sa loob na itinuloy niya ang pagsuyo sa lalaki hanggang sa dumapo ang kaniyang tingin sa itim na leather jacket na naka-sampay sa handle rod ng motorsiklo nito.
Doon siya pinanlakihan ng mga mata.
Siya ang lalaki kanina na pinag-uusapan ng team mates ko!
Si Bernard Craig!
"Are you okay?"
Napakurap siyang muli. Lalo lang siyang natigalgal nang marinig ang baritono nitong tinig.
Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita ang lalaki. "I'm sorry, I was looking at the other side of the road and didn't notice you. Are you okay?"
Sa pangatlong pagkakataon ay muli siyang napakurap, saka wala sa sariling tumango. Kahit siya ay wala rin sa daan ang pansin kanina kaya palalampasin niya ang munting aksidenteng iyon.
Nang makita nito ang pagtango niya ay saka pa lang unti-unting naglaho ang pag-aalala sa anyo nito. Ilang sandali pa'y inikot nito ang tingin sa paligid. "It's just that... I'm lost."
Kinunutan siya ng noo saka sinulyapan ang sangang-daan ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan nila ng lalaki. May dalawang sangang-daan doon. Ang nasa kanang bahagi ay daan patungo sa bahay nila, at ang nasa kaliwa nama'y patungo sa ibang residential area. Naisip niyang marahil ay hindi alam ng lalaki kung alin sa dalawa ang tamang daan sa patutunguhan.
Ibinalik niya ang pansin dito, at bago magtanong ay mariin muna siyang napalunok. "M-Maybe I can help you. W-Where are you... heading?"
Sinabi nito ang address na pupuntahan at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong iyon ang address ng dalawang palapag na bahay sa tabi ng bahay nila! Matagal nang walang nakatira roon at ang balita niya'y naibenta na sa pamilyang taga-America.
Muli niyang sinuyod ng tingin ang lalaki at napansing mukha nga itong may lahing banyaga. Naisip niyang ito marahil ang nakabili sa kabilang bahay na sinasabing taga ibang bansa.
Patuloy niya itong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang sa dulo ng suot nitong boots. Ano nga ulit ang tawag ng mga ka-team mates niya rito?
Hot?
Yes, this guy is definitely burnin'...
That was when she understood why her teammates were giggling and saying stuff about spending a night with him. May kakaiba itong... karisma.
Nang ibalik niya ang pansin sa mukha nito'y bigla siyang napa-igtad na parang loka nang makitang nakatitig din itong muli sa kaniya— but this time, he had that soft smile on his lips.
Muntik nang humulagpos ang kamay niya sa pagkaka-kapit sa handle ng bisikleta sa ngiting iyon.
"I hope I passed?"
"H-Huh?"
"To your standard."
Sandali siyang nalito sa sinabi nito.
"You scrutinized me from my head down to the tip of my boots— I hope I met your standard." And his smile broke into a grin.
Doon niya naramdaman ang pag-init ng magkabila niyang mga pisngi.
Mabilis siyang umiwas ng tingin saka sumagot. "I... I know that address. Please follow me." Umayos siya sa pagkaka-sampa sa bisekleta saka pinatakbo iyon sa daan patungo sa kanila.
Hindi pa man siya gaanong nakalalayo ay narinig na niya ang pag-bukas ng makina ng motorsiklo at ang pagsunod niyon sa kaniya.
Binilisan pa niya ang pagpedal, bilis na hindi niya sinubukan noon dahil natatakot siyang matumba. Subalit sa pagkakataong iyon ay nais niyang bilisan ang pagpapatakbo nang makauwi na siya sa kanila at mailibing na niya ang namumulang mukha sa kaniyang unan.
She was embarrassed; hiling niya'y sana makalimutan ng lalaki ang harap-harapan niyang pagsuri.
She never did that to any men before. Actually, she never really had interactions to any men before, dahil maliban sa lampa ay mahiyain din siya. She couldn't even look straight into people's eyes. Kaya hindi niya maintindihan kung paano niya nagawang suriin nang ganoon ang lalaki kanina.
Nang matanaw niya ang area nila ay nakahinga siya nang maluwag. Ang bawat residential area sa bayan ng Santa Martha ay may sampung bahay lang na nakatayo– the local government was pretty uptight when it came to people buying properties within the town. Hindi pwedeng magkakadikit ang mga bahay, hindi pwedeng crowded ang kada area, at marami pang ibang mga patakaran na magpo-protekta sa katahimikan ng bayan nila. Kaya naman hindi masyadong populated ang bayan nila– at halos lahat ng mga taong nakatira roon ay pribado.
Sa sobrang pribado ay hindi niya napansing may nakatira na pala sa bakanteng bahay sa tabi nila!
Binilisan pa niya ang pagpedal at lihim na nagpasalamat sa langit dahil hindi umatake ang pagiging lampa niya sa oras na iyon. Kung hindi'y lalo siyang mapapahiya sa lalaki...
Ini-hinto niya ang bike sa harap ng dalawang palapag na bahay sa tabi nila saka nilingon ang lalaking pumarada sa likod ng bike niya.
"This is the address you're looking for," she said.
"Thank you," anito sabay ngiti.
Tumango lang siya saka mabilis na itinuloy ang pagpedal papasok sa nakabukas na gate nila na gawa sa kahoy.
"Oh, hey!" Narinig pa niyang pagtawag ng lalaki.
Inihinto niya ang bike nang marating ang maliit na garden ng ina saka nilingon ang lalaki.
Lumapad ang ngiti nito. "So, we're neighbors, huh?"
Pinili niyang hindi sumagot. Nakayuko siyang bumaba sa bisekleta at kung papaano na lang iyong binitiwan bago siya patakbong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Pagkapasok ay pabalya niyang inisara ang front door saka ini-sandal ang sarili sa likod niyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro