Chapter 4: Missing
💁🏻ARIA'S POV💁🏻
1 week na ang nakalipas since nagstart ang klase, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, naghahanap pa ako ng pera pandagdag sa tuition.
Pagdating ko sa room, syempre usual scenario. Si Rachel kay aga aga nagkikipagaway na naman kay Ian. Kailan kaya sila mapapagod sa isa't isa?
Napailing na lang ako at pumunta sa upuan, ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran, si Celine.
"Yung macaroons ko Celine," pagmamakaawa ko. "baka maging piyaya na to."
Kumalas ito agad sa akin at humingi ng sorry.
Habang inaayos ko ang bitbit na pagkain, napansin ko na may kasama pala ito.
"May ipapakilala pala ako sayo." sabi nito sabay turo sa katabi. "Si Sasha."
Napatingin ako sa katabi niya, hindi man lang ako kumurap. Wow ang cute niya, mas maliit pa siya sa akin and she has this nice wavy hair na nagcocompliment sa maliit niyang mukha, para akong nakakita ng manyika!
"Anong ginagawa niyo diyan." agaw pansin ni Rachel.
Dun lang ako nakamurat at tumingin kay Rachel. Papunta ito sa direction namin.
"Ah, ipapakilala ko pala sayo si Sasha, busy ka kasi kanina sa pagsigaw kay Ian kaya-"
Hindi pa man tapos si Celine sa pagsasalita, niyakap agad ni Rachel si Sasha. "Welcome to the group." sabi niya sabay ngiti.
Nagkatuwaan kaming apat, I never thought na may makikilala pa ako at magiging kabarkada ko.
Kilala ko na nga sila noon, pero hindi naman kami naguusap. Tahimik kasi ako and I never minded being on my own, sanay na kasi ako magisa.
Ang saya pala pagnagkaroon ng barkada, kaya nagpapasalamat ako kay Rachel for breaking the ice between us.
Pakiramdam ko, I've known them for many years. Yung feeling na magaan loob mo sa kanila, parang soulmate.
Ba't ngayon lang kasi to, kung saan magtatapos na kami. Anyways I'm thankful for having them, I'll treasure this friendship, sana ganun din sila.
=======================================================================
Pagkatapos ng ilang oras na pagkaupo sa klase, vacant ko na. Kaya naisipan kong gumawa ng project namin. Ang problema, WALA SIYA! Ewan ko ba, may sensor ba yun? Everytime na lilingon ako sa upuan niya, nawawala siya.
Ay sakit talaga sa ulo! Relax Aria, kailangan mong magpalamig. . naisip ko sabay hampas ng papel sa desk.
"Ah, Aria okay ka lang ba?" tanong ng mga kasamahan ko.
"Yaan nyo yan, kanina pa yan galit sa desk nya." sabi ng school pres namin.
Pinatong ko ang ulo sa desk at tumingin kay Con. "Pres, pwede ko ba mahiram ang susi sa music room sa library?"
"Si Joana ang naka assign dun, ah teka." yumuko ito at may kinuha sa ilalim na drawer niya. "Meron pala akong spare key dito, at tsaka ingat sa pagpasok, baka makita ka ng ibang studyante at sasabihin na may special treatment tayo."
Hindi nga ba? Yan ang isang benefit sa pagiging officer, kasi may access ka sa ibang rooms dito sa school. At ang paborito kong lugar ay ang library kung saan may music room, dun kasi madami mga cd ng mga songs na iba't ibang genre at instruments.
Nakareflect ang bintana nun, kaya hindi mo makikita ang loob. Isa pa, medyo sound proof ang kwarto. Medyo, kasi may naririnig ka pa rin konti sa pintuan sa labas ng kwarto.
Pag wala masyadong tao, especially pagbreak ko, pumupunta ako dun para magsoundtrip kasi sayo lang ang buooooonnngggggg room. Maliban na lang kung may nakaschedule na classes dun.
Napangiti ako ng may na alala akong kanta. Pagdating ko, tamang tama wala masyadong tao sa library. Kaya kumakanta ako habang papunta sa kwarto.
"Ohh! Ho! Ho!
It's magic! You know!
Never believe its not so.
It's magic! You know!
Never believe its not so."
I'm still humming habang binubuksan ko ang kwarto, ng may narinig akong tunog.
May tao?
May naka schedule ba ngayon?
Chineck ko ang door knob.
Sarado.
Bakit sirado?
Dinikit ko ang aking tenga sa pintuan. May tunog talaga na nanggagaling sa loob.
Baka naiwan bukas ang player?
Baka may multo?
Relax.Relax.
Pagbukas ng pintuan, dahan dahan akong sumilip sa kwarto, pero wala namang tao at bukas nga ang player.
Pumunta ako sa player para patayin, ngunit nagulat na naman ako sa aking nakita.
Si Lielle.
Kasama si Joana.
Nakaupo sila sa sahig.
Joana leaned her head sa shoulders ni Lielle at ang isa naman tulog.
Ay bwise**! Pati ba naman dito dudumihan niya?
I turned off the player ng padabog at nagising siya.
"Oh, bakit namatay." sabi nito sabay himas ng mata.
Nagising din si Joana at nagulat ng nakita ako, parang nakakita ng multo.
"Aria. ." nanlulumong sabi niya.
"Hi councilor! Nandito ka pala?" dugtong ni Lielle sabay ngiti sa akin, pero di ko pinansin.
"Joana, wala ata sa rules natin na pwede kang makipagdate sa kwarto na ito or any rooms sa campus natin kung saan we are given the privilege to use it. Ginagamit mo ang pagiging officer mo dito?"
"Aria," tumayo ito at lumapit sa akin, nagmamakaawa. " please huwag mo tong sasabihin kay Pres. papatayin ako nun. Please. . ."
"You should thought of it bago mo ginawa to." I looked at her. Parang iiyak na siya. I sighed. "Basta last nato, kung gusto mo makipagdate dun kayo sa labas."
"Salamat talaga! Pasensya kana hindi ko kasi maayawan si Lielle."
Tumingin ako sa isa, binigyan nya ako ng "wala akong kinalaman dyan" look.
Playing safe talaga.
Papaalis na silang dalawa, ngunit pinigilan ko si Lielle. Hindi pa ako tapos sa mokong to.
"Goodluck. Kita na lang tayo mamaya." sabi ni Joana sa kanya.
================================================================================
RACHEL'S POV
"Aray!" sambit ni Ian, after I throw a crumpled paper on him.
Naiirita na talaga ako. "Walang kwenta mga ideas mo! Ano ba?!"
"Pasensya na po auntie, eh ikaw nga kanina ka pa dyan hindi mapakali. Wala ka ngang may nacontribute kahit isa." sagot nito.
"Nabobother kasi ako sa mukha mo, everytime nakikita ko, naiinis ako."
"Hala grabe sya. Hoi Chel, kahit magbestfriends tayo, eh okay na sabihin mo yan. Nakakasakit kana ha."
"Ai? I don't remember us being bestfriends?"
"Hindi mo ba talaga na aalala? Or nahihiya ka lang sabihin sa mga bagong friends mo na bestfriend mo ako."
Wow naman! As in BIG WOW! How can he asked that straight to my face, tapos ng ginawa niya nung bata kami? Don't tell me, nakalimutan niya na ang pinaggagawa niya?
"Wag ka ngang emotero jan! Of course nakalimutan ko." I denied. "At tsaka if ever na magbestie tayo noon eh. . noon pa yun."
"Grabe, ganyan na siguro talaga kapag nakapagabroad."
"And don't call me Chel."
"Eh yun tawag ko sayo noon pa eh."
"Noon yun. Ang pangit."
Pagkasabi ko nun, a big silence engulf us. Ang awkward naman nito.
Nasa balcony kami ng cafe sa school, currently working on our project. Para akong mabibingi sa katahimikan. This isn't our usual atmosphere, napatingin na lang ako sa mga puno.
A cold wind brushed my face, napapikit ako.
"Ano. Uhmmm. Che-"
Hindi pa man sya tapos, I throw a paper on him.
"Ay grabe sya."
"I told you." I seriously said. Ang totoo, gusto ko ang name na yan. But whenever he calls me that, I remember the young him, at naiirita ako dun.
Suddenly, I feel my phone vibrated.
Text message:
From: Celine
Nagcr si Sasha kanina pa, hindi parin siya bumabalik. Pinuntahan ko sya sa CR wala na sya dun.
Me: Baka may pinuntahan lang.
Celine: Hindi niya sinasagot ang mga texts at calls ko.
Rachel: Don't worry we'll find her, hintayin mo ko.
Inayos ko agad ang mga things ko, is this the reason kaya why I feel so bothered kanina pa?
"Aalis muna ako." I said without glancing at him.
"Teka lang wala pa tayong nagagawa." sabi nito.
"Pagbalik ko dapat may nagawa kana." pagdedemand ko tsaka nagmadaling umalis.
"Uy saan ka pupunta?" naguguluhang sinundan ako ng tingin.
Atleast, I was saved from that awkward moment.But not this kind of reason, I hope she's fine.
I know I just met her, but I believe she's not kind of person to just leave bluntly.
Naalala ko si Aria, tinext ko sya kaagad, sana hindi sya busy para tulungan kami.
____________________________o__________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro