Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Expect the Unexpected

💁🏻ARIA'S POV💁🏻

Papasok pa lang ako sa classroom, naririnig ko na ang mga ingay nila sa labas. Wala akong gaanong close dito. Ngunit familiar sa akin ang mga mukha nila dahil naging kaklase ko na sila dati.

Pagpasok ko, nakita kong busy ang lahat sa pagkwekwento ng mga ginawa nila sa buong summer. Ako? Nagtrabaho ako, kaya wala rin naman akong mas-share if ever may magtatanong. 

As if may magtatanong. 

Dumiretso ako kaagad sa upuan na malapit sa bintana. Masarap kasing tumingin sa labas minsan. Lalo na kung pagod ka or bored ka na sa lesson or hindi mo alam ang sagot. Sabi nga nila, green is good for the eyes.

Bago ko pinatong ang bag ko sa upuan, tinanong ko muna ang babae na nakaupo sa tabi if may naka occupy na dito. Ngumiti naman ito at umiling.

Yes! Salamat!

Nilagay ko ang bag ko at inayos mga gamit ko. Pagkatapos, ginalaw ko ang upuan para siguraduhin na walang itong sira. 

"Hey." tawag ng babae na katabi ko.

Lumingon ako sa kanya, nakangiti ito. Baka akala niya naglalaro ako sa upuan.   Nakakahiya.

"Magkaklase tayo last year diba? Ako pala si Rachel, natatandaan mo ba?"

Rachel? Natatandaan ko siya, pero hindi pangalan niya. Hindi kasi ako magaling magmemorize basta pangalan. Lalo na't pag hindi ko close.

"Oo, nice to meet you." sagot ko.

"Sus, don't be so formal. Ikaw diba yung palaging may dala ng pagkaing binebenta?"

Tumango ako, "Bibili ka? Cupcakes ang dala ko ngayon." at pinakita ko ito sa kanya.

"Wow! Ang cute naman! Sige, bibili ako." pumili agad ito. 

"Make sure this taste good." sabi niya tsaka kumagat.

Nanlaki naman agad ang mga mata nito, "Damn! It taste so good!"

"Mabuti naman at nagustuhan mo." nahihiyang sabi ko. 

Tinitigan niya ako ng ilang segundo at biglang sumigaw. "Guys! Try this cupcake! It was so good!"

"Hindi mo naman kailangan gawin yan." wika ko.

"Huwag kang mag alala, hindi ako hihingi ng discount." sabi niya at kinindatan ako.

"Oh come on Rachel! Mayaman ka nga, pero para kang patay gut-." sagot ng babae na nakaupo sa kabilang parte ng room.

"Shut your ugly mouth Jessica!" paguudlot ng babae na papunta ata sa amin ni Rachel. Maganda ito, matangkad at maganda ang hubog ng katawan. "Atleast sa pagkain! Hindi sa lalake!" 

Nagtawanan naman ang iba naming kaklase. Yung Jessica, galit na galit na nakatitig sa amin. "Humanda ka, Celine Alcantara." sabi nito.

"Ohhhh. I'm scared." sarcastic nitong sagot.

"Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako na sinagot mo si Jessica or hindi eh. Pinatuyanan mo kase na patay gutom talaga ako." nangingiwing sabi ni Rachel.

"Oo nga noh." she tilted her head na para bang ngayon lang nagsink in sa kanya ang ginawa niya. "Patikim nga ng binebenta mo."

Kumuha ito at kumagat, "Oo nga masarap. Rach, ikaw magbabayad nito ha. Tinulungan kase kita kanina."

Napalingon ako kay Rachel, disappointed itong nakatingin sa kanya. "Ikaw ata ang patay gutom Celine." 

Hindi niya ito pinansin at tinapos ang kinakaing cupcake. "Wala ba tong friendship discount?" 

"Ha?"

"Teka lang."Tumikhim ito, tsaka tinawag ang iba naming kaklase. Pagkatapos nun, marami ang pumunta sa akin at bumili hanggang wala ng natira.

"Magdala ka ulit bukas ha." sabi nito. Nahihiya naman akong tumango.

Nagkakatuwaan kami ng mga new profound friends ko ng biglang may pumasok. Nagtaka ako kasi agad namang tumahimik ang lahat.

Napalingon ako, akala ko kase pumasok na yung professor namin. Hindi pala, isang bagong studyante lang.

"OMG! Ang gwapo niya." bulong ni Rachel sa akin.

She's right. Gwapo ito, matangkad at may pagkatsinito na tisoy. Well, I don't mind. Alam ko na kasi ang usual na nangyayari. Basta may gwapo, dami din malalandi. Yung tipong uhaw. Ewan ko ba, meron talagang ganun na mga kaklase eh.

All the girls are fantasizing him, makikita mo sa mga tingin nila na malalagkit. Pati si Rachel na katabi ko, nakatunganga rin.

Girls, Girls, Girls. . .to weak.
tsk.tsk.tsk.

"Ay grabe radar ng malandi oh." sabi ni Rachel na nabwibwiset sa inis.

"I hope he's not gonna give in." dugtong naman ni Celine.

Si Jessica ang tinutukoy nila. Well known kasi ito sa pagiging malandi. Lahat na lang ata na sikat na guys dito najowa nya na. Pavirgin na hindi naman virgin. Ano ba nakikita ng mga lalaki sa kanya? Eh puro naman makeup mukha niyan. Whatever. Hindi ako judgemental just stating the fact. Naiinis kasi ako sa mga babae na mukha lang ang pinoproblema.

So ayun, nilapitan niya ang bagong studyante. Nakikipagfriends, eh halata naman na gusto niyang ihagis sarili niya dun.

Hay naku, mga babae talaga. Wala ba silang respeto sa sarili nila? My Ghad.

"Hi, may upuan ka na ba?" paninimula nito, "gustong mong umupo sa tabi ko, bakante kase eh."

"Teka lang Jessica ako ata nakaupo dya-", hindi pa man tapos, pinandilatan na nito ang kaibigan. 

Napangisi si Celine. "Sacrifice talaga ang kaibigan in the name of kalandian." 

"Hi, may upuan ka na ba?" panggagaya ni Rachel, "Duh? He just get inside, sa tingin niya may upuan na? Paano yan makakahanap? Eh nakaharang kalandian niya dyan."

Tumawa kaming tatlo, eto talaga si Rachel.

Habang tumatawa ako, hindi sinasadyang napatingin ako sa kanya. Nagulat ako kasi nakatingin din siya sa akin.

Bigla ako nakaramdam ng kaba. Ewan ko ba. Tumalbog lang kasi puso ko bigla, hindi ko talaga alam kung bakit.

Nagkatinginan lang kami saglit,at binaling niya ulit ang atensyon kay Jessica. 

Binigyan niya ito ng ngiti, "Salamat, pero meron na." sabi nito at tsaka umalis. Leaving her speechless.

Nagulat kaming lahat. Si Rachel pigil na pigil ang tawa. And I was about to laugh too. That's the first time ata na may tumanggi sa kanya.

He walked past us and sat behind me with one chair apart. Agad naman bumalik ang ingay sa classroom. Si Jessica naman tingin ng tingin sa kanya na nakahaba ang nguso.

"Ano ba ang ingay niyo!" sigaw ni Rachel sa mga boys na nagkakaroon ng katuwaan.

"Baka gusto mo sumali Rach!" pagyaya ni Ian.

Tumayo ito at binatukan ang isa.

"Anong tingin mo sa akin? Asal aso katulad mo?" sigaw nito sa kausap. "Idiot!"

Kahit kailan riot talaga silang dalawa, simula na naging kaklase ko sila.

"Pareho lang naman silang baliw." nakangiting sabi ni Celine. "Sige Aria, babalik na ako sa upuan ko."

"Sige, salamat sa pagbili." I replied smiling at her. Huh? Alam niya pala pangalan ko?

Nang umalis sila, I noticed na medyo maingay sa likuran ko. Lumingon ako and saw several people na nakikipagfriends/flirt sa kanya. He smiled at them. Ang totoo na bobothered ako sa mga ngiti nya, kakaiba kase and not in a positive way ha. Yung parang fake, ewan ko kung ako lang nakahalata.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang professor namin at nagsibalik na lahat sa upuan nila.

"Ah, class", paninimula nito.

"meron pala tayong bagong estyudante, si Mr. Lielle Castro. Mr. Lielle please stand up to recognize yourself."

Agad namang tumayo ang lalaki sa likuran ko.

Lielle pala ang pangalan niya.

==============================================================

"Ah!" Natapos na rin ang araw na to. Kailangan ko na kasing umalis para makapasok na ako sa trabaho. Yes, nagpapart time ako sa gabi sa isang cafe. Actually, wala akong time ng shift. Kung kailan lang gusto ko, dun ako pumapasok.

Tulong narin kase sakin ng may-ari. Tsaka kung ano pinaghirapan ko yun din sweldo ko. Nagiisa lang kase ako, kaya todo kayod. Mabuti na lang close friend ni Mama ang may-ari ng cafe.

"Councilor, uuwi ka na?" tanong ni Con, student Pres. ng school. Halos lahat na nakakilala sa kanya, Pres ang tawag. Tanging close friends lang niya ang tumatawag sa kanyang pangalan.

"Oo, Pres mauna na ako."

"Sige, ingat." tugon nito.

Oo nga pala, student councilor ako dito sa school. Padagdag sa resume para sa future. Joke. Gusto ko rin naman ginagawa ko rito, nakakawili din kase minsan.

Pauwi na ako at naisipan ko na sa likuran na lang ng school ako dadaan. Konti lang kase lumalabas sa gate sa likuran, pero yun ang pinakamalapit na labasan para sa akin. 

Habang lumalakad ako, may narinig akong tinig.

"Sa-sandali lang."

Huh? Ano yun?

"Di-dito hawakan mo ako dito."

Anong nangyayare kababalaghan dito?!

Out of curiosity hinanap ko ang pinagmulan ng tinig.

Baka may mga frat na naman dito, uso mga to eh. 

Kumuha ako ng bakal na scrap sa gilid at unti-unting lumapit.

"Ahhhh!" sigaw nito.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa boses at nagulantang sa nakita ko. Dahil dun, nabitawan ko ang bakal at nagingay ito.

Gulat din silang nakatingin sa akin. Syempre, sino bang hindi magugulat sa pinagagawa nila?

Nakita ko ang babae nakadikit sa dingding, habang nakakapit ang dalawang kamay sa leeg ng lalaki at ang isang paa nito na tila lubid kung makadikit. 

Samantala, ang kamay ng lalaki nasa loob ng blouse ng babae.

Pero ano ang mas nakakagulat?

Si Lielle at Jessica ang nakita ko.

Mga put******! Dahil sa kanila nawala ang pagiging inosente ng mga mata ko! I've seen something na kahit kailan hindi ko na maa-unseen! Juicecolored! 


-Sophiesophilatte 💙

____________________________o__________________________________________



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro