Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

CHAPTER 8

Dumating na ang araw ng kaarawan ng ina ni Zayd, parang Fiesta ang napuntahan namin at hindi birthday napakaraming pag kain at bisita. Well expected naman na kasi yun dahil kilalang tao sila.

Malapit na rin ang mag takip silim at magsisimula mamayang alas siete ang totoong pagdiriwag, hindi nyo yun kaya may pa Fiesta na sa umaga may pa party pa sa gabi.

Simpleng dress lang yung sinuot ko dahil baka kapag binonggahan ko ay makabog ko ang ina ni Zayd at baka akalain nila na ako ang may birthday, syempre ayoko ng ganun may galang naman ako sa ina ng lalaking mahal ko no.

Lalaking mahal ko...

Ang sarap lang sa pakiramdam dahil dati ang pangarap ko lang ay magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sakanya ang nararamdaman ko tapos ngayon ay narito na sya sa harap ko at matatawag ko na syang akin.

Ang akala ko kapag umamin ako sakanya ay walang katugon ang nararamdaman ko, pero akalain mo nga naman ang diyos diba...

Ikaw lord ah, masyado mo akong pinapasaya baka po mamaya ay free trial lang 'to o di kaya naman ay freebies lang 'to ng sakit na ibibigay nyo.

Pero by the way god pwede po bang ibalato nyo na si Zayd sakin. Aalagaan ko naman po sya at iingatan ng buong puso ko e, kung gusto nyo po ay mas magiging mabuting tao ako para hindi nyo sya bawiin saakin. Kung magbago man po ang isip nyo at bawiin nyo sya sakin ay sana po ay ihanda nyo muna ako lord sa mga bagay na pwedeng magyari at sana rin po ay panatilihin nyong bukas ang aking isipan kung mag kakataon man po na makagawa sya ng mali at ganun din po sana sya kung ako man ho ang mag kamali.

Magmula po ngayon ay ipapaubaya ko na sainyo ang lahat...

Simpleng dasal ko sa may diyos.

“Gutom ka na ba?Babe?” Malambing na tonong tanong nya saakin, napangiti ako dahil hindi sya pumalyang pasayahin ako sa kada oras na magkasama kami.

Ganto ba ang pakiramdam ng ma-inlove? Parang sira ulo?

Simpleng tanong lang iyon na hinaluan ng kaunting lambing pero yung puso ko ay napupuno na ng pag mamahal.

Para akong bomba na sasabog dahil sa   kilig.

“Henji pe.” Pabebeng sabi ko at natawa naman sya.

“You're so cute when you sounds like a pabebe girl.” Sabi nya at ngumisi ng mapang asar. Kaya inirapan ko sya at tinalikuran.

Sinabihan ba naman ako ng pabebe.

“Hey! Bakit ka tumalikod?” Sabi nya at hinahanap nya ako sakanya.

Naka-nguso ako at nakatingin sakanya ng masama.

“Tampo ka no?” Hindi siguradong tanong nya.

Bakit nya nahulaan.

“Sorry na, ang baby ko naman ay nag tatampo pa. Wag ka ng mag tampo, kiss mo napang si Daddy.” Sabi nya tsaka ngumuso. Namula ang pisngi ko dahil sa ginawa nya.

Hinampas ko sya sa braso dahil sa katarantaduhan nya.

“Gago anong daddy? Isang taon lang ang tanda mo sakin no.” Pag mamataray ko sakanya.

“So what? Mahal mo naman ako e.” Pagmamayabang na sabi nya at may malaking ngiti sa labi nya.

“Anong so what so what ka jan. Di ka nga sure na mahal kita e.” Pag bibiro ko sakanya.

“Hey, don't joke about it. It's not funny.” Reklamo nya sa nagtatampong boses.

Ako yung nagtatampo kanina, ako dapat ang suyuin pero mukhang ako pa ang susuyo. Aba astig din ang lalaking ito e.

“Biro lang, mahal naman kita e kaso lang ang panget mo.” Sabi ko at nag kunwaring dismayado.

Pero kung ganda lang din naman ng mukha ang usapan ay mananalo si Zayd ang gwapo maging lalaki at lagyan lang ito ng kaunting make-up at wig tas damit na pambabae ay mag mumukha itong babaeng babae at baka nga mas maganda pa sakin.

“Malabo na ata ang mata mo babe? Hindi mo ba nakikita ang mukhang ito?” Sabi nya at itinuro pa ang mukha.

“Itong mukha lang naman na ito ang binabalik balikan ng mga babae. Walang tatalo sa pagiging magandang lalaki ko.” Mayabang na sabi nya at inayos pa nya ang kanyang damit tas tumayo ng tuwid.

Napailing iling ako sa ginawa nya.

“Sabagay, kaya lang naman kita mahal dahil sa mukha mo. Kaya inggatan mo ang mukha mong iyan, dahil yan ang nagsisilbi mong ID para mahalin kita lalo.” Sabi ko at nginisihan ko pa sya ng mapang asar.

“Dapat pala akong magpasalamat sa mga magulang ko dahil sila ang may gawa sa mala-diyos kong mukha.” Mayabang na sabi nya, napairap naman ako ng 180° dahil sa kahanginang taglay nya.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo. Hindi ang diyos ang kamukha mo, Lucifer ang kamukha mo! Kuha mo?” Sabi ko sakanya at napa hawak naman sya sa baba nya at kunwaring nagiisip tumango tango pa sya.

“Sabagay, masyado akong hot kaya ako nandito sa mundong ibabaw ngayon. Masyado kasing mainit sa impyerno at idagdag mo pa ang ka-hot-an ko.” Mahangin na sabi nya.

“Grabe naman! Magkakabagyo ba? Ang lakas ng hangin dito e!” Sabi ko sakanya at kunwaring tatangayin ako ng hangin.

“Chill ka lang, Babe. Ako lang 'to walang bagyo ngayon, pero baka may bumayo ng malakas sayo.” Sabi nya at sabay tawa habang ako naman ay naiwang nakanganga dahil sa sinabi nya.

Nang makabawi ako dahil sa sinabi nya ay agad ko syang sinuntol sa pang-nga.

“Aray! Bakit ka nanununtok?Napaka sadista mo naman mahal ko.” Sabi nya habang humahawak sa pang-nga nya.

E anong magagawa ko, buti nga di ganun kalakas e.

“Deserve mo yan, gago bastos.” Sabi ko at tsaka iniwan sya doon.

Puro kalokohan ang alam ng taong yun...

Pero mahal ko naman kaya ayos lang....

© msmncd

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro