Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

CHAPTER 6

Naginat inat muna ako bago pumunta sa banyo, naghilamos ako ng mukha kagaya ng dati kong ginagawa bago ako lumabas ng kwarto.

Naamoy ko ang mabangong aroma ng sinigang, I'm sure na si zayd ang nagluluto dahil wala naman akong ibang kasama dito kundi sya lang e unless may multo kaming kasama.

Napailing akp sa iniisip ko, kung ano ano nanaman ang naiisip ko. Tinatakot ko nanaman ang sarili ko.

Dahan dahan akkng pumunta sa kusina at nakita ko si zayd na nakatalikod kaya nag tip-toe ako para sa na gulatin sya.

“Booo.” pangugulat nya natumba ako dahil hindi ko inaasahan na ako ang magugulat.

Napahawak ako sa puso dahil halos tumalon ito sa gulat ko sakanya.

“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nya saakin bago lumapit at pinatayo ako.

“Ikaw naman kasi e, ang daya ako nalang lagi ang nagugulat sayo.” Reklamo ko sakanya, natawa lang sya sa akin. Kita mo na ginawa pa akong katatawanan.

“Hang in there, Malayah” He said before he left me alone in kitchen. Para malibang ay pumunta akp sa harap ng kalan para tignan ang niluto nya.

Binuksan ko ang kaldero at mas lalo kong naamoy ang mabangong amoy ng sinigang. Sinigang na bangus ang niluto nya.

“Malayah?” Tawag nya saakin kaya agad akong napalingon dun. He's holding a bouquet on his right hand.

“Wow, saan mo naman nakuha yang bulaklak na yan?” Namamanghang tanong ko at tsaka lumapit sakanya at inagaw ang bulaklak na iyon at inamoy. Rosas ang dala nyang bulaklak di pa din ako makapaniwala na ganto ang kulay nito. Ang kulay ng rosas ay naghalong puti at pula,sa isang tangkay na rosas ay naghahalo kulay dugong kulay at kulay ng kaluwalhatian.

“Kanino namam ito ibibigay? Sa nililihawan mo ba? Infairness ang ganda nitong rosas na 'to diguradong magugustuhan nya ito.” Hindi ko mapigilang pumait ang boses ko. Sana di nya napansin.

“Actually, nagutuhan nya ang rosas na yan.” Sabi nya sa mahinang boses.

Ibinalik ko sakanya ang mga rosas kahit labag sa loob ko at tsaka tumalikod at nag kukunwaring nagsasandok ng sinigang. I mean hindi kunyari dahil nag sasandok ako.

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan yung bulaklak? Ha Malayah?” Sabi nya ng may lungkot sa boses, namula naman ang buong pagkatao ko.

Ibig sabihin para sakin ang bulaklak na iyon?

Nakatalikod pa rin ako sakanya at naramdaman ko naman ang dahan dahan nyang paglapit sa akin. I froze when his hand reach my waist. He hugged me behind then he rest his chin to my shoulder.

“Did you like the flowers?” He whispered to my ears. He sounds like a pabebe guy.

Nanatili akong walang kibo... Hanggang sa maramdaman kong may dumapo sa leeg ko, napagtanto kong labi nya iyon.

I can feel that his smiling...

Napa ngiti ako sa ginawa nya,pero ang ngiting iyon ay biglang nawala sa labi ko.

Hanggang kailan kami ganto?

“Zayd?” Kinakabahan ako sa pag tawag ng pangalan nya.

“Hmmmm?”

“A-ano ba tayo zayd?” Lakas na loob na tanong ko sakanya.

“Ano nga ba tayo?... Ano ba talaga ako sayo malayah?” Ramdam ko ang pait kanyang boses.

Ano nga ba talaga kami? Kahit ako hindi ko alam kung ano kami.

“K-kaibigan?” Hindi ako sure sa sagot ko.

“Alam mong hindi lang tayo mag kaibigan lang, malayah.”Sabi nya at pilit akong pinaharap sakanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa titig nya, normal pang ba ang makaramdam ng ganto sa isang kaibigan?

“K-kaibigan kita, But you have a big spot in my heart...” Pabulong na sabi ko.

Nakita ko ang pag kislap ng mga mata nya.

“And friends don't do this...” He said before he kissed my lips. I respond to his kisses.

Habol habol namin ang aming hininga ng pakawalan nya ang aking labi.

Ang awkward dahil nakatitig lang sya saakin.

Biglang nahagip ng paningin ko ang bulaklak na dala nya.

Naka isip ako ng idea...

Bahagya ko syang tinulak at pumunta sa may lamesa at kinuha ang bulaklak.

“Ang ganda pala talaga ng bulaklak na binili mo no?” Sabi ko at nagkunwaring walang nang yari.

Nakita ko pang napailing sya sa sinabi ko.

“Saan mo ba 'to binili Zayd? At ano bang naisipan mo, bumili ka pa ng bulaklak. Mukhang mahal ang ganting bulaklak.” Sabi ko, sa paraan ng pagsabi ko ay para nya akong ina na pinapangaralam sya dahil sa gastador sya.

“Diyan lang sa tabi-tabi, hidni mo ba nagustuhan?” Sabi nya at medyo iritado ang boses nya.

“Nagustuhan syempre, pero mukhang mahal ang gantong klaseng bulaklak. Ngayon lang ako nakakita ng gantong bulaklak zayd. Ang galing no pwede pala na maging dalawa ang kulay ng rosas.” Sabi ko at pilit kong tinatanggal ang awkwardness sa pagitan namin.

“Do you want to know the reason why I bought that?” He said with a serious deep voice.

Napakurap-kurap ako sa sinabi nya, curious na tumingin sankanya.

“Why?” Sabi ko dahil wala talaga akong idea kung bakit sya may pabulaklak ngayon.

“I want to court you malayah.” He said with a deep voice and serious eyes.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi.

“Y-you w-what?” Sabi ko dahil halos magpantig ang tenga kp sa sinabi nya. Bingi na ata ako dahil kung ano ano ng naririnig ko. Diyos ko kailangan ko ng maglinis ng tenga mamaya.

“Pwede bang manligaw?” Nahihiyang tanong nya saakin.

Dahan dahan akong tumango...

Sana tama ang desisyon kong to....

©msmncd

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro