Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

CHAPTER 5

Nang matapos ang misa ay pupunta  kami ni Zayd sa parte ng simbahan kung saan pwedeng mag sindi ng kandila.

Pero bago kami makapunta dun ay bibili muna kami ng kandila11 sa labas ng simbahan.

“Saan mo gustong pumunta pag ka tapos nito?” Tanong saakin ni Zayd kaya nilingon ko sya halos naka tingala ako dahil sa tangkad nya.

“Groceries, bili tayo ng mga candies tas bigay natin sa mga bata.” Sagot ko tumango tango muna sya bago nag salita.

“Saan mo pa gustong pumunta? Gusto mo bang pumunta tayo sa perya mamaya?” Tanong nya saakin, napakurap kurap ako sa sinabi nya dahil hindi pa ako nakakapunta dun. Binigyan naman nya ako ng nakakapag takang tingin.

“Bakit ganyan ka maka ngiti?” tanong nya saakin na para bang suspect ako sa isang crimen.

“Hmmm, wala lang. Naisip ko kasi na ngayon nalang ulit tayo makakapuntang perya.” Sabi ko sakanya at ang kamay ko ay nasa baba ko na para ba akong nagiisip. Natawa naman ito dahil sa ginawa ko.

“Ang ganda ng simbahang 'to no?” Pagiiba nya ng usapan. Pinagmasdan ko ang itsura ng simbahan talaga ngang maganda ang simbahang ito.

“Gusto ko, kapag kinasal ako ay dito sa simbahang ito.” Wala sa sariling sabi ko habang pinag mamasdang maigi ang ganda ng simbahan. Simula pa noong bata ako ay gandang ganda na ako lagi sa mga simbahan, kapag madadaanan namin ito ay parang namamagnet ang mga mata ko dito.

“Kung yan ang gusto mo e, bakit hindi dito.” Sabi ni Zayd kaya napatingin ako sakanya at naka titig pala ito saakin, parang matutunaw ako at ang puso ko sa klase ng tingin na ibinibigay nya ngayon. Ang mga tingin nya ay para akong dinadala sa ibang dimension ng mundo.

“Anong ibig mong sabin?” Tanong ko ng matauhan ako.

Pero tinitigan nya lang ako na para bang ako lang ang tao dito, na para bang kapag pumikit ito ay mawawala ako ganun ang klase ng tingin na ibinibigay nya saakin ngayon.

“Sabi mo diba... Dito mo gustong ikasal.” Sabi nya sa malalim na boses at tumango lang ako.

“Ako ang tutupad sa pangarap mo malayah, pangako yan.” sabi nya at tsaka ako hinawakan sa kamay at hinila, nagpadala lang ako sakanya kung saan nya ako dadalhin.

Huminto kami sa tindahan ng mga kandila.

“Anong klaseng kandila ang hanap nyo ganda?”Tanong ng matandang babae saakin na may ngiti sa kanyang mga labi. Hawak pa din ni Zayd ang kamay ko pero binitawa nya rin ito at hinawakan amk sa bewang tsaka mas nilapit nya ako sa kanya.

“Ang ganda ng kasintahan mo hijo.” Nakangiting sabi ng matandang babae, napangiwi naman ako sa sinabi nya.

“Ah, hind—” pinutol ni Zayd ang sasabihin ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa bewang ko.

“Tama po kayo, maganda sya. Isa po yan sa nagustuhan ko sakanya.” Walang pag aalinlangan sa boses nito napayuko nalang ako dahil para akong sinampal ng kapre sa pula ng pisngi ko.

“Nakapili na ba kayo ng kulay ng kandila na gusto nyo?”

Tinignan ko ang mga paninda nyang kandila maraming kulay ang mga ito.

“Nahihirapan ba kayong pumili ng mga kulay?” Sabay kaming tumango ni Zayd.

“Opo.” Sagot ko sa matandang babae at kinuha naman nito ang dalawang pink na kandila tsaka inabot saakin.

“Ang pink candle ay para sa love at health. Para maging healthy ang mga mahal sa buhay. Sa Tingin ko sa inyo ay mukha naman wala kayong problema sa pera o sa material na bagay kaya itong pink na kandila ang sindihan nyo.” Sabi ng matanda saamin, kumuha naman si Zayd ng pera sa kanyang bulsa at tsaka inabot iyon sa matandang babae.

“Salamat po, mauna na po kami sainyo.” Nakangiting paalam ko sa matandang babae at ngiti din ang sinagot nya saakin.

“Mauna na po kami.” Paalam naman ni Zayd at tumango lang ang matandang babae.

Hinila na ako ni zayd paalis dun.

“Ani bang trip mo ngayon Zayd? Hila ka ng hila saakin.” Reklamo ko sakanya pero ngumiti lang sya saakin. Ang weird naman ng isang 'to ngayon.

Nang matapos kaming magsindi ng kandila ay bumili kami ng mga candies at mga gummy.

Si Zayd ang may hawak ng mga binili namin.

Pumunta kaning Park dahil maraming mga bata dun.

May nakita akong batang babae at ang cute nya dahil ang lusog lusog nya.

Lumapit ako sakanya.

“Hi baby girl,ang cute mo naman. Anong name mo?” Tanong ko sakanya pero parang natakot ito saakin dahil medyo umusog ito.

“Wag kang matakot baby, nasaan ang mommy mo? Bakit mag isa ka?” Tanong ko pa sakanya.

“Mommy.” Sabi nya at tsaka nag simulang umiyak. Nataranta ako at tsaka tumingin kay Zayd, lumapit ito sa amin at tsaka binuhat nya si babygirl.

“Don't cry, you're so pretty pa naman. Shh...” Sabi nya at tsaka inabot ang kendi sa bata at agad namang tumahimik ang bata.

“Marunong ka pala mag patahan ng bata.” Namamanghang sabi ko sakanya.

“Gusto mo ba ng ganto? Tignan mo oh ang cute.” Sabi nya sakin at kinurot pa ang pisnge ng bata.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

“Diyos ko, kakagaling lang natin sa simbahan kanina Zayd. Dapat talaga pinainom kita ng holy water kanina e.” Sabi ko sakanya at natawa naman ito tsaka bumaling ng tingin sa bata.

“Anong pangalan mo baby?” malambing natanong nya sa bata.

“Sephani po.” sagot ng bata tsaka kumain ng marshmallows.

“Sephani?” Ulit ko sa pangalan nya.

“No, my name sephani.” Sagot nya saakin pero tama naman ang sinabi ko e. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko naintindihan.

“She said Stephanie.” Sabat ni Zayd.

Napa O ako dahil Stephanie pala ang pangalan nga hindi sephani.

“Anong pangalan ng mommy mo? Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Sabi ko sakanya sasagkt na sana ito ng may tumawag sa pangalan nya.

Kaya napatingin kaming lahat doon.

Bumungad saamin ang magandang babae.

“Mommy.” masiglang sigaw ni Stephanie at nag pa baba kay Zayd at tsaka tumakbo payakap sa mama nya.

“Ikaw talagang bata ka, sabi kong wag kang lalayo saakin e.” Sabi ng mommy ni Stephanie at niyakap nya ang bata.

“Kayo po pala ang mommy ni Stephanie.” Sabi ko at napatingin naman saamin ang babae.

“Kanina pa namin sya hinahanap, salamat. Mauna na kami.” Sabi nya at tumango lamang ako at kumaway sa papalis na si Stephanie.

“Tara na ipamigay na natin 'tong mga to sa mga bata.” Sabi ko kay Zaud at hinila sya.

Nang maubos namin ang mga candy ay tsaka lang kami umupo ni Zayd. Ang saya ng araw na to,siguro kung sa iba ay normal na araw lang ito pero saakin ay isa ito sa mga espesyal na araw sa buhay ko.

“Ang saya ng araw na to zayd. Sana maulit uli yung ganto.” Sabi ko at tsaka sumandal sa balikat nya, inakbayan naman nya ako.

“Huwag kang mag alala hindi ito ang huli.” Sabi nya saakin kaya nilingon kl sya.

“Talaga?” Sabi ko at ngumiti naman sya, iyan nanaman yung tingin nya.

Tumango naman sya.

“Hanggat kasama mo ako... Gagawin kong special ang mga normal na araw mo.”Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako dahil kasama ko sya pero bakit parang lamnag ang sakit sa mga sinabi nya. Nalilito nanaman ako sa mga nararamdaman ko.

Napatingin kami sa mga tao dahil nagsitakbuhan sila at nag hanap ng kanya kanya nilang masisilungan. Napatingin ako sa kalangitan at naramdaman kong may pumatay sa mukha ko, patak ng ulan.

Habang nagtatakbuhan ang mga tao kami naman ay nakaupo lang sa upuan at pinagmamasyan silang tumakbo.

Nang kami nalang ang natitirang tao sa park ay tumayo si Zayd at hinawakan ang kamay ko at pinatayo ako.

Kinuwa nya ang isa kong kamay at inilagay nya ito sakanyang balikat. At ang isa ko namang kamay ay hinawakan nya at hinawakan nya ako sa bewang.

Dahan dahan kaming gumalaw na tila ba nagsasayaw. Kasabay ng pag sayaw namin ay ang pag patak tubig na galing sa kalangitan.

Kung may bitter na makakakita sa ginagawa namin ay iisipin nyang balie kami.

Para kaming tanga dahil kahit walang kanya at tuloy parin ang pagsayaw namin. Kung sa iba ay kahibangan ang ginagawa namin, pero para sakin ay ibang kasiyahan ang ibinibigay nito.



©msmncd

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro