Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CHAPTER 2

Katatapos lang ng klase naman at ngayon ay lunch na. Kasama ko si Amanda at Roxy, classmate ko silang dalawa. Sila lang rin ang kaibigan ko dito sa campus dahil ang ibang mga kababaihan dito ay galit saakin. Wala naman akong ginagawa ng masama pero dahil nga kasama ko sa bahay ang kanilang iniidolo ay ang dami dami na nilang sinasabi sakin.

Na malandi daw ako kaya binabahay ako ni zayd pero kiber lang kasi di naman totoo yun e.

“Ahmm anong gusto nyong lunch ngayon? Sandwich? Complete meal? Or Spaghetti?” Tanong ni Roxy saamin.

“Bakit ililibre mo ba kami?” sagot naman ni Amanda.

“Of course.” Mayabang na sagot ni Roxy.

“Yun naman pala—” di natapos ni Amanda ang sasabihin nya dahil pinutol ito ni Roxy.

“—not, Ano KKB 'to.” Sa sinabi ni Roxy ay bumagsak ang balikat ni Amanda na parang pasan nito ang buong Mundo.

KKB stands for Kanya Kanyang Bayad.

“Wag na kayong mag away magpalibre nalang tayo Kay Zayd.” Nakangiting sabi ko sakanila. At agad namang umaliwalas ang mukha ni Amanda at Roxy. Kahit kailan talaga ay ang kukuripot.

Yehey!” Parang batang sabi ni Roxy.

“Nasasanay na ang tiyan ko sa Libre ni zayd.” sabi pa ni Amanda tsaka himas sa tiyan nya.

“Alam nyo ang buraot nyong dalawa.” Sabi ko sakanila, Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

“Wow, kami pa talaga ang buraot. Sino kaya ang laging nagpapalibre Kay Zayd.” Sabi ni Roxy at napangiwi naman ako sa sinabi nya.

“Kaya nga, ano kami lang?”sangayon naman ni Amanda.

“Sige na nga dahil kaibigan ko namna kayo.” pagsangayon ko na rin na buraot ako.

“Ano friendship goals lang.” sabi ni Roxy.

“Nako tara na nga, nagugutom na ako.” sabi pa ni Amanda Kaya nagsimula na kaming Maglakad papunta sa building nila zayd.

Malapit lang naman ang building nila sa building namin e.

“Sana talaga pasado tayo sa test ni Sir Fuente.” sabi ni Roxy at nag sign of the cross pa.

“Sinabi mo pa, ang hirap hirap naman kasi ng pinapa test nya parang wala yung iba sa tinuro nya.” reklamo naman ni Amanda.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila.

Si sir Fuente ay ang teacher namin sa History.

Strikto sya pero aminado akong mataas syang magbigay ng grades dun sa mga deserving.

Pag liko namin ay halos manigas ang katawan ko sa nakita ko.

Si zayd...

May kahalikan sya at ng makita ko Kung sino ang kahalikan nya ay Para akong sinaksak ng ilang milyong karayom sa puso.

Si Melissa...

Sya ang anak ng may ari ng campus na ito.

“Ah, Roxy di ko na pala kaya ang gutom ko. Sa tingin ko ay di na kayang makapaghintay ng Libre ang mga bulati ko.” Sabi ni Amanda pinanlakihan nya pa ng Mata si Roxy.

“Ay oo nga A, ako rin. Tara na malayah,punta na tayong cafeteria para na akong hihimatayin sa gutom. Wag kang mag alala libre na namin ni A ang lunch mo ngayon.” Sabi pa ni Roxy.

Alam kong hindi pa sila gutom palusot lang nila yun. Alam ko ring nakita nila Kung ano ang ginagawa ni Zayd at ni Melissa. Alam din nila na may gusto ako Kay Zayd. Kaya siguro nila ginagawa to dahil Alam nilang nasasaktan ako sa nakita ko.

Hindi ko alam kung pano kami nakarating sa cafeteria, ang Alam ko lang ay nakaupo na ako dito sa isa sa mga upuan ng cafeteria.

“Dito lang kayo ha, ako ng order ng pagkain Natin.” Sabi ni Roxy.

“Lumayas ka na ako ng bahala dito.” Pagtataboy pa ni Amanda Kay Roxy.

Umirap Lang si Roxy Kay Amanda bago umalis.

“Okay ka lang ba Malayah?” Tanong nya sakin at dahan dahan akong tumango.

“Wag kang sinungaling malayah dahil Alam kong hindi ka okay. Alam kong nakita mo yung kanina.” May pag a alala sa boses nya at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko pero agad naman nyang pinunasan iyon gamit ang panyo nya.

“A-ang hirap pala ng g-ganto Amanda, hindi ko m-masabi sakanya na n-nagseselos ako dahil... dahil b-best friend nya lang ako.” Sabi ko sakanya, para akong hindi makahinga ng maayos kapag ganto at ayoko ng ganto kaya gamit ang panyong ni Amanda ay pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na pina kalma ang sarili ko.

“Ayusin mo ang sarili mo, wag mong hahayaan na makita nila ang kahinaan mo.” Sabi ni Amanda habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya.

Bigla namang dumating si Roxy at may dala itong tray ng pagkain.

Inilapag nya sa lamesa ang pagkain may roong tatlong kanin, tatlong Plato kutsara at tinidor tsaka tatlong ulam na naka lagay sa Tupperware.

Sisig, menudo at lumpia.

“Tara kain na tayo.” Maganang Sabi ni Roxy.

Pero bago pa sya maka upo ay may nagsalita mula sa aming likuran.

“Can I join you guys?” Sabay sabay kaming napalingon sa lalaking iyon.

Tinignan ko ang reaksyon ni Roxy at Amanda. Halatang hindi nila gusto ang sinabi ni Zayd. Sabay pa silang napairap.

“Nandito pala ang hudyo.” bulong ni Roxy.

“What?” Tanong naman ni zayd.

“Wala, sabi nya maupo ka.”sabat naman ni Amanda sumunod naman si Zayd at umupo ito sa tabi ko. Nasa gitna namin ni Amanda si Roxy at sa kabilang gilid ko naman ay katabi ko si zayd.

Pinagmasdan akong mabuti ni Zayd na Para bang may Mali saakin.

“Did you cry?” Tanong nya saakin habang Nakakunot ang noo.

Shit! Anong isasagot ko?

Oo umiyak ako dahil may ka halikan ka kanina?

Or, umiyak ako kasi nakita kita na nakikipag churva Kay Melissa.

“Ahmm, napuwing kasi ako k-kanina.” sagot ko saknaya tumingin naman ako Kay Roxy at Amanda na tahimik Lang.

“Liar, bakit ka umiyak?” Ulit nya pa.

“Malamang dahil sa kagag*han mo.” Sabi ni Amanda sa hangin.

“Ano Amanda may sinasabi ka?” Tanong naman ni zayd dito.

“Ang sabi ko aksidente kong nasundot  ang mata nya kanina nung napuwing sya.” Walang ka buhay buhay na Sabi ni Amanda.

“T-tama nasundot n-nga nya k-kanina.” Pagsisinungaling ko sakanya, Napayuko naman ako.

“Kumain na nga Lang tayo.” Wala ring kabuhay buhay na sabi ni Roxy.

Wala kaming imik habang kumakain, lahat kami ay nanatiling tahimik. Walang nag lakas loob na magsalita.

“Mamaya, antayin mo ako sa parking lot sabay tayong uuwi.”

Tumango lang bago sya umalis.

©msmncd

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro