Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

CHAPTER 1

"Good morning world!" sabi ko pag ka bangon na pagkabangon ko tsaka ko ininat ang kamay ko...

Panibagong araw nanaman...

Agad akong pumunta sa cr para maghilamos at gawin ang mga ritual ko sa Umaga.

Toothbrush... Check

Suklay... Check

Hilamos... Check na check

Pagka tapos kong gawin ang lahat ng yan ay lumabas na ako ng kwarto ko at naamoy ko ang mabangong aroma ng adobo...

Para akong nahipnotismo sa amoy nun kaya dumiretso ako sa kusina.

At hidni nga ako nagkakamali Kung sino ang nagluluto.

Si Zayd Ross...

Ang kaisa isa kong best friend.

"Gising ka na pala Freedom." Sabi ni zayd pag kalingon nya saakin.

Napa nguso naman ako.

"Zayd ano ba hindi freedom ang pangalan ko, Ma-la-yah malayah. Ok?" sabi ko sakanya at napairap ako dahil ang aga-aga ay nang aasar nanaman sya.

"Ano bang English ng Malaya?" Seryosong tanong nya sakin pero yung mukha nya nangaasar.

"Freedom." simpleng sagot ko.

"Oh, edi ikaw si Freedom." sabi nya tsaka tumawa. Nangingi babaw ang tawa nya sa loob ng kusina.

"Hindi Malaya ang pangalan ko Kung hindi Malayah may H. M, A, L, A, Y, A, H." inis na Sabi ko sakanya.

"Edi ikaw si Freedomh." sabi nya at mas lalong tumawa Nakahawak ito sa Tyan nya habang tumatawa.

Tuwing Umaga ay ganyan nagsisimula ang routine naman, aasarin nya ako bago kami mag agahan.

Tinarayan ko sya at tsaka naupo sa Mesa at pinagpatuloy naman nya ang pagluluto.

Maya maya pa ay naramdaman kong may yumakap sa leeg ko at alam kong si zayd yun.

"Wag ng mag tampo ang Freedomh ko." sabi nya pero naramdaman ko ang pag tawa nya.

Kaya sinanggi ko ang kamay nya para alisin sa leeg ko.

"Malayah naman, sorry na." hingi nya ng tawad saakin, napangiti naman ako dahil napakasweet nyang Tao pero babaero.

"Papatawarin lang kita kung pagsisilbihan mo akong kumain." kunyari ay nag tatampo parin ang boses ko.

"Okay po, Princess Malayah." sabi nya at bumitaw sa leeg ko. Nilingon ko sya  at kumuha sya ng kanin sa rice cooker at nilagay yun sa malaking plato. At kumuha rin sya ng adobo.

Inilapag nya sa lamesa ang kanin at adobo. Inamoy ko ang adobo at halos maglaway ako sa bango ng luto nya.

Sigurado akong masarap iyon.

Nilapag nya ang tubig at baso sa lamesa tsaka nya ako nilagyan ng Plato kutsara at tinidor.

Sya pa ang nagsandok ng kanin ko at ulam.

"Kain na po kamahalan." Sabi nya at bahagyang yumuko. Natawa naman ako sa ginagawa nya.

"Hindi bagay sayo ang ganyan zayd. Ang sagwa pag naging yayo ka." sabi ko tsaka tumawa,

"Ayaw mo bang pagsilbihan kita habang buhay?" Tanong nito, alam ko namang nag bibiro Lang ito. Dahil imposible ang sinasabi nya.

"Imposible yang sinasabi mo zayd." Sabi ko sakanya at nag simula ng kumain.

Sumandok na sya ng kanin at ulam nya.

"Anong imposible? Ayaw mo bang makasama ako ng panghabang buhay?" seryosong tanong nito saakin.

"Gusto, pero imposible yang sinasabi mo. Darating ang panahon na maghihiwalay tayo ng landas dahil mag kakaroon tayo ng kanya kanya nating pamilya... Darating sa Punto na hindi na tayo madalas magkikita dahil baka mag selos ang future asawa mo o ang future asawa ko." Paliwanag ko sakanya.

"Edi, ikaw nalang ang papakasalan ko." Sabi nya at naubo naman ako sa sinabi nya.

Inabutan nya ako ng tubig at agad ko itong Ininom.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito saakin.

Tumango lang ako.

"Wag ka naman kasing mag biro ng ganun,lalo na kapag kumakain ako. Ikaw talaga napaka joker mo, pero nice joke ah muntik na ako maniwala."

"Sinong nagsabing nagbibiro ako?" Sabi nya sa seryosong boses.

"H-ha?"

"After my 25th birthday I'll marry you... That's a promise Malayah." Sabi nya at halatang seryoso sya sa sinasabi nya Kaya napalunok naman ako.

6 years...

6 years bago ang 25th birthday nya.

I need to wait until his 25th birthday...

Hindi naman sigurong masama ang umasa? Na one day mag ka feelings sya sakin.

"Seryoso ka ba zayd? Wag ka ngang magbiro ng ganyan." sabi ko sakanya kasi pano Kung binibiro nya Lang Pala ako.

Please sabihin mong hindi ka nagbibiro please...

"I'm not joking, and besides I want a big family with you. " sabi nya, alam kung gusto nya ng malaking pamilya dahil nag iisang anak lang sya. Kaya kami mag kasama sa iisang bubong dahil mas kampante ang mga magulang ko Kung kasama ko si zayd.

Nasa probinsya ang mga magulang namin ni zayd at dito namin ni zayd napagpasyahan sa syudad na ipagpatuloy ang pag aaral namin.

Sakanya ang condo na ito binili sakanya ito ng mga magulang nya. Dito na namin mapag pasyahang tumuloy dahil mas malapit ito sa school namin.

Gwapo si zayd hindi iyon maipagkakaila at sikat din ito sa school na pinapasukan namin. Marami nga syang sisiw e at may mga fans pa sya.

Kung ang mga schoolmate nga namin ay nagugustuhan sya kahit na nahinga lang naman sya, ako pa kaya na kasama nya sa hirap at ginhawa.

Ang hirap ng ganto....


©msmncd

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro