Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Kasi imbes na matutulog na ako e, binababag ako ng hiya sa ginagawa ko kagabi.

Hindi naman siguro masama kung e heart mo ang profile picture ng iba ano? It means you appreciate them, I mean the picture.

Nakatulala lang ako magdamag kakaisip kung rereplayan ko ba o e seseen ang message niya. Although na basa ko na naman din ang message niya kasi nag notify naman sa akin.

Mugto ang mata ko ngayon habang nasa kawalan ang sarili. I was taken a back ng tinapik ako ng medjo malakas ni James.

"What are you up to?" he asked eyeing me. Nagtatanong na mga mata. And then he sat again to his chair.

"Wala, ano. Uhm may iniisip lang."
"At ano namang iniisip mo?" sagot niya habang ngumunguya ng tinapay.

"Ano, ah deadlines. Oo deadlines. Kasi naman ang iikli nilang mag bigay ng araw para sa mga projects namin." sabi ko. Pero parang hindi kumbinsido si James sa sagot ko.

Kaya imbes na mang usisa pa siya akin minabuti nalang niyang wag nalang. At nagpatuloy nalang din kaming kumain.

I was really not in the mood ng pumasok sa paaralan. Hindi parin kasi ma alis sa utak ko ang chat niya kagabi.

I kept walking on the hallway nang may humatak sa akin.

"Cassy! Are you okay?" I snapped back for what I was thinking. Nilingon ko ang taong humatak sa akin and there I saw Celine.

"Sorry I was just thinking something." I uttered. "Anong oras na pala?" pagtatanong ko sa kanya. Baka kasi sa kakalutang ng isip ko e late na pala ako. Pero siguro naman hindi pa kasi nandito pa naman si Celine.

"Past seven, and konti nalang magsisimula na ang first class natin kaya kung ako sayo I will leave what I've been thinking instead mag fofocus nalang ako sa klase ko." pangagaral niya sakin. While dragging me to our class.

When we reach our seats ay bigla nalang niya akong kinalabit at nagtanong kung ano ba daw iyong problema ko.

Honestly I don't have any problem at all. Ang nakakapraning lang ay bakit sobrang affected ko masyado sa isang chat lang?

Ni hindi ko nga siya kilala kaya bakit pinobrolema ko yung chat niya?

Anyways I keep mum dahil ayaw kung tuksuhin ako ni Celine. Alam ko naman ang bituka ng babaeng iyan. But she keeps on nagging me and nang wala talaga siyang mapala ay tumahimik nalang siya at may isisulat sa notebook niya.

Hiniyaan ko nalang siya muna dahil alam ko nag tatampo lang ang isang iyon. Spoiled talaga.

After a minute the class started, discussing the reports we were assigned noong nakaraan. Nag remind lang daw si maam at parang wala man lang daw siyang nakitang gumagawa ng reportings namin.

Nag protesta pa ang ilan dahil hindi pa daw sila nag simula miski isang paragraph ng report. Kami naman ay may draft na at ang problema nalang ay ililipat sa mas final na output.

After three more classes. We are finally on lunch, medjo busangot ang mukha ni Celine dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din sinasabi sa kanya ang dahilan kung bakit tulala ako kanina.

"Ano ako na ang oorder sa'tin?" she asked me while Im putting down my things. "Yes sure please, set B nalang ako ngayon. Here's my card." sabi ko habang iaabot sana sa kanya ang credit card ko ng umiling siya at nagmamadaling umalis sa harapan ko.

As usual libre niya na naman. Celine always spoils me a lot. Miski maliliit na bayarin ay siya na mismo ang mag babayad.

Hindi naman sa hindi ko gusto pero kasi ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan niya kaya nga nag hahanap na ako ng medjo mahal na regalo para sa kanyang darating na kaarawan. Kahit doon man lang ay masuklian ko ang mga pinang gagawa niya.

While waiting for Celine to arrive, hinigit ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag scroll lang muna ng may narinig akong notification na alam kong sa messenger yun galing.

My heart started to beat wildly. Hindi ko masabi kung bakit. Ang alam ko lang kinakabahan ako sa kung sino ang nag chat sa akin.

With trembling finger, I click for the messenger app.

Loading...

I closed my eyes. Waited for a seconds and when I finally composed my self from things na makikita ko ay binuksan ko na ang mata ko.

I felt relieved nang hindi siya yung nang chat at gc lang pala. Nag remind na walang pasok sa susunod na klase namin dahil may general meeting na aatenan ang prof namin.

Pero nag kamali ako dahil as the moment when I'm about to click the exit his message was suddenly pop up! Napapitlag ako sa nakita ko.

Luis Miguel Hernandez: Hi beautiful

Anong beautiful ang sinasabi niya? Ang playboy naman ng dating.

Pero hindi parin mawala ang kabog ng puso ko. Sobrang lakas at kulang nalang ay marinig ko na ito mismo at lumabas sa katawan ko.

I'm still in shock nang dumating si Celine habang karga ang lunch namin.

"Are you okay Cassy? Parang nakakita ka ng ghost diyan a?" she said while putting down the food she's ordered.

"A-ano kasi wala. Wala naman Celine, may ano lang may nag message lang na walang klase mamaya kasi may general meeting na dadaluhan si Mrs. Aguilar." I said while still imposing myself.

"Talaga ba? Eh kung ganun ay mall tayo?" she happily said. It's been a while na din nang nag mall ako e. Wala akong kasama." she added.

And to end the conversation I just nodded to her. And talaga naman balak kung mag mall at may mahanap akong regalo sa kanya.

We chatted and talked for our presentation na gagawin. And sa sabado ay balak naming gawin na sa bahay nila. Since kailangan naming gawin dahil kung hindi ay wala talaga kaming grades nito.

We are here now at Robinson's Center naglibot libot since kakatapos lang din naman naming kumain.

"Can we go saglit sa National Bookstore? May bibilhin lang akong highlighters doon." Celine uttered. "Yeah sure. May bibilhin din akong libro."

After a couple of minutes ay natapos na din kaming bumili ng mga bagay na dapat at hindi dapat bilhin na mga gamit. Though I felt bit happy kasi may mga babasahin na din ako sa wakas, hindi iyong puro cellphone nalang.

"So, tara na? Wala ka na bang gustong bilhin pa at nagugutom na ako." Celine asked. Umiling lang ako bilang sagot kasi wala naman na akong bagay na bibilhin pa. Siguro.

Naglalakad lakad kami saglit kasi gusto daw kumain ng baked sushi itong si Celine. And yeah I'm also craving for sushi ngayon.

After a long walking nakakita na din kami sa wakas ng isang Japanese Restaurant. We go inside and seat on a two chair table. At habang busy si Celine sabihin kung anong pagkain ang oorderin niya ay sumaglit muna ako sa pag fa-facebook.

Tawa lang ako ng tawa sa mga napapanood kung funny videos at memes na nakapost sa wall ko.

Tatawa na sana ako ng biglang nag ring ang phone ko, at dahil nabigla ako sa nangyari ay na sagot ko ang tawag ng kung sinong nilalang na ito.

"Hi...," rinig kong sabi ng taong nasa loob ng screen ng cellphone ko.

Kinakabahan parin ako dahil sa nangyaring pag sagot sa tawag na hindi ko alam kung sino.

Sinilip ko muna ang screen upang malaman kung sino ang nasa loob, at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko ng makita kung sino iyon.

It was Luis Miguel. The one and only Miguel. At paanong siya ang taong nasa loob ng screen na 'to?

Shit! Oo nga pala friend kami neto sa fb at hindi ko man lang tiningnan kung sinong nilalang ang tumatawag sa akin.

I was nervously face him, pero side lang ng mukha ko ang kita. Baka kasi mas atakehin pa ako sa puso ng wala sa oras.

"H-hello, uhm 'bat ka napatawag?" sagot ko habang naka side view parin ang mukha.

"I just wanna see you. I mean nais ko lang makipag-kaibigan. Kung okay lang sa'yo." he said.

Hindi ko man lang masabi kung nagtatanong ba siya o talagang statement iyon.

"Y-yeah sure pwede naman," nauutal ko paring sagot. At dahil nakita ko nang papalapit na si Celine sa pwesto namin ay agad kong en-end call at dali daling umupo ng tuwid pero hindi parin ako mapakali.

---------

Ayan finally! May update narin. So please expect na medjo may update na ako dahil gusto ko napo talagang matapos 'tong storyang ito. Mag to-two years na po siyang tangô sa story wall ko. Kaya ayan. Enjoy!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro