Chapter 4
Celine and I became more close. Itinuturing ko na siyang best friend. Bakit ba? My friends are in different schools and limit lang din kung magkita kita kasi busy din sa school things.
We are walking down the hallway kasi bibili daw siya ang meryenda sa canteen, it's 2'o clock in the afternoon at wala na kaming klase kasi nag pa early dismissal ang Prof nami sa Statcon.
"Grabe feeling ko mamatay na ako sa kakaisip ng magiging concept natin sa presentation sa susunod na linggo" Celine blurted out. Na para bang wala na talaga kaming maiisip.
Isa din pala kung bakit kami pupunta ng canteen 'e dun nalang din daw kami mag iisip habang inaantay ang labasan ng ibang department. Sabay pa din kasi kaming uuwi nila mom.
Siguro sa susunod pipilitin ko na si mommy na ako nalang uuwi every day, para naman kung may lakad at gala e' makasama ako agad.
"Ano kaba wag kang mag alala makaka isip din tayo, ano ba naman ang silbi ng Google kung hindi natin gagamitin diba?"
"Oo nga no?! Grabe babe ang galing mo! Pa kiss nga diyan" she giggled while her hands were in my face at hahalikan niya sana ako pero tinabig ko ang mga kamay niya kasi nakaka agaw na siya ng eksena sa mga estudyanteng dumadaan sa hallway.
"Grabe ang kj mo! Ayaw mo ba sa halik ko?" pag tatampo niyang sabi. "Huy ikaw na babae ka wag na wag mo akong dradramahan diyan tadyakan kita diyan 'e" I said habang pinipigilan na matawa sa kanyang inasal. Usually Celine is very clingy and jealous type of friend.
Natatandaan ko ng sabihin niya ayaw niya daw akong nakikita na may kausap na ibang estudyante bukod sa kanya at kung hindi daw siya kasama. Na iirita daw siya mga ito.
Well I understand her sentiment kasi kung ano din naman mag seselos din ako panigurado.
"Hindi ako kj no! Sadyang masyado ka lang talagang agaw pansin at ayaw ko sa ganon, alam mo naman ang mga isip ng mga iyon.
"Yeah I know, Im sorry. Pero sa susunod sa private place nalang kita hahalikan" she said, with her eyebrows furrowed. Para bang mag gagawing masama sakin.
"Hoy kung may gagawin kang masama tigilan mo na iyan" sabi ko.
"Anong masamang gagawin, wala 'no" inosente niyang sabi.
Nasa canteen na kami at nag iisip na kung ano bang magandang tema para sa gagawin naming presentation next week.
"Paano kong video presentation nalang gagawin natin instead of reporting. Parang madali lang siyang gawin 'e. All we need is to find some video related topic and compile it and then wahlah!" Celine said out of no where.
"Oo nga no? Bakit hindi natin na isip iyan?" pag sasang ayon ko sa ideya niya. Maganda din namang video presentation nalang, at para iwas explanation kasi nandoon na lahat ng impormasyon ukol sa report namin.
"Then it's fix. Video presentation para sa next week. All we need to do now is to find video related sa topic, e send mo nalang sakin ang mahahanap mo at para ma e compile ko then sabay nating pag aaralan sa linggo. Okay?"
"Yeah sure, don't worry. I will send you the video na makikita ko."
After naming mag usap ay nauna na si Celine umuwi. May pupuntahan pa daw siyang lakad kasama ang mommy niya. Kaya ako ay naiwan mag isa sa bench.
Naka upo ako ngayon dito, kasi inaantay ko pa mommy na matapos sa kanyang ginagawa.
While scrolling to my cellphone a man went to me and say.
"Hey, Cassy ikaw pala yan"
I removed my eyes on my cellphone and look for the man who talked to me. Nanlaki ang mga mata ko nang ma recognize ko kung sino iyon.
"Oh yeah hi how are you?" Napatayo kong sabi. "Ito mabuti naman, ikaw ba how are you?" he asked back.
"Well mabuti din naman, nakakalaban pa naman sa mga workloads na binibigay ng mga Prof sa amin" I answered honestly.
"Oh it's that so, pero kung nahihirapan kana you can tell me. I will help you deal with it. Siguro naman may maitutulong pa ako kung papano" he cutely said.
"Yeah sure thank you for the concern pero as of now kaya ko paman siya".
He nodded sign of acceptance.
"Bakit hindi ka muna umupo?" I suggested and tapped the spaced beside me.
"Naku hindi na. Pinuntahan lang kita dito kasi nakita kita kanina and gusto ko sanang kamustahin ka. At isa pa may lakad din pa kasi ako" sabi niya.
"Ganun ba, sige ingat ka. Salamat pala at kinamusta moko" sincere kong sabi.
"Wala iyon ano kaba so sa susunod let's have some coffee? My treat".
"Sure why not", sagot ko habang unti unting kumakalabog ang aking puso.
Did he asked me for a coffee date? Gaga anong coffee date ka diyan, gusto lang niyang mag kape kaya inaya ka niya, wag kang mag isip ng kung ano ano. Assume pa more. Sabi ng isip ko.
Oo inaamin ko nung unang nakita ko siya e' nabighani ako sa ka gwapuhan niya. Crush kung baga. Pero parang malabo ata na maging kami kasi alam niyo na gwapo. Maraming ka kompetensya.
A/N; Sorry sa matagal na update. Kumukuha pa kasi akong lakas para tapusin tong storya nato. And im planning na gagawin ko tong series. So Celine will be the main character in series 2, lastly gusto ko sanang kayo ang gagawa ng series name. Wala pa kasi akong naiisip e'. Feel free to drop your suggestion and thank you pala sa nag comment na update na daw. Well ito na, sabaw nga lang muna hehe nawala pa kasi ako sa concentration ng sinulat ko to. Pero sa susunod hindi na. God bless everyone. Isa pa pala salamat sa 1.7k reads nito. Mabuhay kayoooo💟 at dun sa mga hindi pa naka follow sakin, baka naman. Bye na talaga. hahahahahah
Everyone gusto ko lang pong pansamantalang ititigil ang pag uupdate ng storyang ito kasi po may ongoing po kasi akong story. Its a Boys Love po mga people so if you have time po you can add it po sa inyong mga library
The Day You Said I Love You
Link: https://my.w.tt/Wcys9YPlYab
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro