Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

“Miss, hanggang dito na lang ako at baha pa rin sa kabila,” sabi ng driver. Na-realize nilang tumigil na nga pala ang traysikel. Malapit na sa tinitirhan nina Alina. Isang kanto na lang. At malapit na rin sila sa Magsaysay Boulevard.

Hindi makapagsalita si Alina. Siniko na lang niya ang katabi at sumenyas na bumaba na ito ng traysikel. Bumaba na rin siya matapos bayaran ang driver.

Hindi tuloy sila magkatinginan ng tuwid.

Joesonghamnida,” sabi ng lalaki.

“What?” Nagsimula nang maglakad si Alina.

“I'm sorry! It was an accident.”

Namula tuloy lalo ang Alina sa narinig. Kailangan ba talagang sabihin niya yun? Bakit ba kasi nang magkauntugan sila, swak na swak ang lapat ng labi nilang dalawa? Napabilis tuloy ang pag-iling niya, sa pag-aakalang mabubura sa isipan niya ang nangyari.

“Come on, maybe you can find a taxi now,” sabi niya sa lalaki.

Nang makarating sila sa kanto ng Magsaysay, na-realize ni Alina na talagang walang sasakyang dadaan sa lugar na iyon sa lalim ng baha. 

“Aaaaaaargh!!! Bakiiiiit!!!”

Napabagsak din ang balikat ng lalaki nang makita ang sitwasyon. 

“What now?” tanong niya kay Alina.

“What time is it?”

“Ten o'clock.” Nanginginig na rin ang boses nito. Giniginaw na.

“No choice,” sabi ni Alina. “I guess I'll have to bring you home with me.”

“What?”

“You want to stay here and die of cold?”

 

* * *

 

Dahil nasa mas mataas na lugar ang boarding house, hindi ganoon kalalim ang tubig sa kalye nina Alina. Mabilis nilang narating ang bahay na bato na minana ng Ninang Sally niya. Nasa second floor nito ang boarding house at puro paupahang tindahan ang nasa ground floor.

Binuksan ni Alina ang pinto sa ibaba gamit ang sariling susi, ngunit kinailangan nilang kumatok sa pinto sa itaas pagkaakyat ng hagdan. Mabuti at gising pa rin ang lahat ng tao sa bahay.

Medyo atubili pa ang Ninong Rick niya na magpatuloy ng taong hindi nila kilala, ngunit hindi ang Ninang niya, na kaagad silang binalot ng tuwalya.

“Kita mong nangangatal na yung bata, hindi naman niya sinasadyang ma-stranded sa baha,” sabi kaagad nito. “What's your name?”

May sinambit na pangalan ang lalaki. Parang “Uchin” ang dinig ni Alina.

“Eugene? Yun ang pangalan mo?” tanong ni Ninong Rick. “Amerikano ka ba, iho?”

“My godfather wants to know what country you are from,” sabi ni Alina.

“Korea.”

“Oh! Like Jumong! Jewel in the Palace!” ang Ninong niya.

“Yes,” tumango ang lalaki.

“Mamaya na tayo mag-usap,” sabi ni Ninang Sally. “Alina, maligo ka na doon sa banyo namin bago ka sipunin.”

“Ninong, pahiramin nyo na lang po siya ng damit,” sabi ni Alina. Tapos sa lalaki, “Well, Eugene, you have to hurry and take a bath so you won't get sick, okay? My ninong will lend you some clothes.”

“Ako nang bahala sa kanya, Alina,” sabi ni Ninong Rick. “Maligo ka na doon.”

By the time na tapos na siyang maligo at magbihis, naipaghain na sila ng Ninang niya ng hapunan-- nilagang baboy ang ulam.

“Nasaan na po si Eugene, Ninong?” tanong ni Alina.

“Nagbibihis. Nakakatawa naman tong bisita natin, Lin. Parang hindi pa yata marunong gumamit ng tabo.”

“Naubusan tuloy ng Ingles ang Ninong mo,” sabi naman ng Ninang niya. “O, eto na pala. Eugene! Sit down here. Dinner!”

“Kayo po?” tanong ni Alina.

“Naghapunan na kami. Tinirhan ka na lang namin ng pagkain.”

Umupo si Eugene sa hapag-kainan, pero nanood lang ito habang naglalagay ng pagkain sa pinggan si Alina. Napatanong tuloy si Ninang Sally kung kumakain ba ito ng baboy. Kumakain naman daw. Sumubo na rin ito, pero tila pinapakiramdaman pa kung paano ang ginagawa ni Alina sa pagkain.

Ngayong medyo hindi na busy, nagsipag-usyoso na rin ang ibang mga boarder. Bukod sa kuwartong solong inookupa ni Alina, may tatlong babae na umookupa ng isang kuwarto at dalawang lalaking umookupa ng isa pang kuwarto. Lahat sila, taga-probinsiyang anak ng mga kakilala ng Ninong o Ninang ni Alina, at estudyante sa ibat't ibang kolehiyo sa Maynila.

Nagsipagpalitan na silang lahat ng kuwento ng kung paano sila lumusong sa baha at naghanap ng paraan upang makauwi sa boarding house. Si Alina ang pinakamalayo ang eskuwelahan, sa Quezon City. Ang mga lalaki, nasa Recto ang school. Nasa España naman ang isa sa mga babae, at yung natitirang dalawa, sa Sta. Mesa.

“Eugene, don't be shy. Eat more!” sabi ni Ninang Sally, na nakaupo sa tabi ni Alina sa mesa at nakikinig sa kanila.

“Oo nga po pala, Ninang, wala na po akong cellphone. Naisnatch-an pa po ako kanina. Ang malas lang talaga ng araw na ito,” sabi ni Alina. “Kapag po tumawag sa inyo si Mama, pakisabi na lang po sa kanya.”

“Grabe lang talagang baha ito,” daing ng isa sa mga boarder. “Aba'y halos katatapos lang ng Ondoy ah. Eto na naman ulit?”

“Aba'y huwag ka naman ganyan, Rose!” sagot ng isa sa mga roommate nito. “Nakakatakot isipin yang ganyan, laluna't wala namang bagyo ngayon. Tito Rick, pwede po ba nating buksan yung TV? Baka po i-announce kung walang pasok bukas.”

“Hus, yan naman lagi ang inaantay mo Vina eh, yung walang pasok,” kantiyaw ng isa sa mga lalaki.

“Wala din namang kuwenta, Chito, hindi naman tayo makakagala dahil sa baha,” sagot ni Vina, sabay pulot ng remote.

Baha nga ang laman ng lahat ng balita. Mahigit kalahati ng Metro Manila ang lubog sa tubig; hindi madaanan ang karamihan sa mga main road. Maswerte sila at nasa mas mataas na lugar ang tinitirhan nila. Nagtanong na si Eugene kung ano ang sinasabi sa balita, kaya tinranslate ni Alina.

“Yo, you don't understand Filipino?” tanong tuloy ni Chito. “How long you been here?”

Umiling ang Koreano.

“Just visiting,” sabi nito. “I arrived this morning, then went to meet a friend in... Timog? On my way back to the hotel the taxi broke down.”

“Tsk, ang malas mo naman Tsong. Unang dating mo dito, baha ang sumalubong sa yo.” Napailing din si Chito.

“Chito, speak English,” sabi ni Alina. “He doesn't understand you.”

“Lin naman, nosebleed na ako.”

“Huh, pumasa ka pa sa English subjects mo sa lagay na yan?”

“Palibhasa magaling ka sa English.”

Pinanood lang sila ni Eugene, na nakakunot ang noo. Siniko ni Vina si Alina.

“Lin, in fairness ha. Guwapo. Artistahin.”

“Natuwa naman ang isang 'to at hindi siya maintindihan,” si Chito.

“Hmp, maghanap ka ng sarili mong Koreana,” patutsada ni Vina. “Eugene, how old are you...?”

“Twenty,” sagot sa kanya.

“Aaay, pwedeng pwede, Lin,” sabay tampal ni Vina sa braso ni Alina.  “Are you still studying?” tanong ulit sa lalaki. “What's your course?”

“Not now. I stopped.” Tumingin ito kay Alina. “What's... course?”

“Your college major,” paliwanag ng isang yun.

“Ah. Business management.”

“O, Vina, nasagot ang panalangin mo!” sabad ni Chito, na nakatingin sa TV. Napalingon tuloy sa kanya ang lahat. “Nagdeclare na yung mga school natin lahat na walang pasok bukas!” dugtong niya.

“Hmp, baha naman. Tsaka hindi rin pwedeng maglaba, walang mapagsampayan at umuulan.”

“Eh di mag-aral ka. Gumawa ng assignment!” si Ninong Rick.

“Tito naman eh, minsan na nga lang walang pasok,” reklamo ni Vina.

“Eh di matulog kayo ng maaga at nang makapagpahinga kayo ng maayos,” si Ninang Sally. “Pasado alas-onse na, o.”

Kakamot-kamot ng ulong nagsipasukan na sa kuwarto ang lima. Naglabas naman ng banig, manipis na foam, bedsheet, kumot, unan at moskitero ang Ninong at Ninang niya, upang ipaglatag si Eugene ng higaan sa sala.

“Ako na po ang maglalagay ng moskitero, Ninang, pagkatapos kong maghugas ng plato,” si Alina. “Tiyak pagod na rin po kayo. Saka po ako naman ang nag-alok sa kanya ng pansamantalang matutuluyan eh.”

“O sige. Wag kalimutang patayin ang TV at ilaw bago ka pumasok sa kuwarto mo, ha.”

“Sige po.”

Matapos iligpit ang pinagkainan, naabutan ni Alina si Eugene na tinitingnan ang moskitero.

“What's this?” tanong sa kanya.

“Mosquito net. Here.” Kinuha ito ni Alina at sinimulang ikabit ang mga tali sa bintana at dingding. “You have to use it. There are a lot of mosquitoes.”

“I forgot to ask your name,” sabing bigla sa kanya.

“I'm Alina. You can call me Lin.”

“Are they all... their children?”

“What...? Oh, no, they don't have any children. This is a boarding house. A dorm.” Pinaliwanag niya na para na ring mga anak ang turing sa kanila ng Ninong at Ninang niya dahil nga dun sa pagkakaibigan nila ng mga magulang.

“So you are all students.”

“Yes.” Tila naghihintay si Eugene ng kasunod sa sinabi niya, kaya dinugtungan niya ng “I'm in third year college. History major.”

“You look too young to be a college junior.”

“I'm already eighteen!”

“I thought so. But in Korea you would still be in high school.”

“Not here.” Tinapos ni Alina ang pagtatali sa moskitero, at nagsimulang isuksok sa ilalim ng foam ang dulo nito. “Okay, when you go to sleep, you go inside quickly and tuck in the edges like this so the mosquitoes won't go inside. Got it?”

Arasseo. Okay.”

“Okay. I'll go to my room now. Good night.” Tinungo na niya ang kuwarto.

“Alina.”

“Hmmm?”

Gamsahamnida. Thank you.”

Ngumiti lang si Alina at pumasok na sa kuwarto niya. Dahil na rin sa sobrang pagod, mabilis siyang nakatulog.

 

* * *

 

Dahil sa wala na ang cellphone ni Alina, walang alarm na tumunog sa kuwarto niya nang sumunod na umaga, kaya't naalimpungatan siya nang magising. Naisip niya tuloy na male-late na siya sa school, laluna't may klase siya ng alas-nuwebe.

Nagulat tuloy siya nang lumabas siya ng kuwarto para pumunta ng banyo at makitang nanonood ng TV sa sala ang mga boardmate. Nang makita niya si Eugene, saka lang niya naalala ang mga nangyari noong nagdaang gabi.

“O, wag kang magmadali, Lin, walang pasok ngayon,” si Rose.

“Oo nga. Enjoy the holiday!” si Vina.

“Mataas pa rin ba ang baha?” tanong ni Alina.

“Oo, kaka-flash lang sa balita. Pati nga daw mga eroplano, grounded. Saka wala pa rin daw dumadaang sasakyan sa labas, sabi ni Tito Rick. Kakapaliwanag lang din namin kay Eugene na wala pa siyang masasakyan.”

“Eugene, I forgot to ask. Would anyone be looking for you if you are not at the hotel?”

“Well, I'm supposed to meet some friends. But if the planes cannot land, then they're delayed.”

“Lin, gising ka na pala,” sabi ng Ninang Sally niya nang pumasok ito sa sala. “Mag-almusal ka na at ikaw na lang ang hindi kumakain.”

Tamang-tamang natapos mag-almusal si Alina at binibitbit na ang mug ng pinaghalong Milo at kape papunta ng sala nang mag-ring ang telepono. Sinagot ito ni Chito.

“Lin, para sa yo. Si Leny.”

Ibinaba ni Alina ang kape sa mesita at umupo sa armchair sa tabi ng telepono. “O, mare. Gandang umaga.”

“Morning, Lin! Nag-alala naman ako sa yo, nang tinawagan kita kagabi cannot be reached ka!” Si Leny ang best friend niya sa klase nila.

“Hay naku, tol, na-isnatch ang phone ko. Mahabang kuwento.”

“Ay, kaya pala. Sige, sasabihin ko rin kay Kaye. Nagtataka din yun kaya nagtext din sa akin kagabi.” Si Kaye ang isa pa nilang matalik na kaibigan. “May load ka sa internet? Chat tayo mamaya.”

“Titingnan ko kung makakapagpaload ako. Hindi naman ako makapunta ng mall nang dahil sa lecheng baha na to. Anong oras ka online?”

“After lunch. Mga alas-dos?”

“Sige, ping mo na lang ako sa chat.”

“Sige. May itatanong pa ako sa iyo eh. Mas madali kung sa chat.”

“Hay naku, at bakit, ano na naman ba yun?”

“Basta...! O, paano, tinatawag na ako ni Mama. Inaakyat kasi nila yung ibang gamit at hanggang terrace na yung tubig.”

“O sige, tol, ingat.”

“Lin! Pwede nating hiramin yung Snakes and Ladders mo?” tanong ni Jona, ang isa pang roommate nina Vina. “Laro tayo!”

“Teka muna, maliligo muna ako!”

 

* * *

 

Inaya na nina Vina ang mga lalaki na maglaro ng Snakes and Ladders.  Napapayag nilang maglaro sina Eugene at ang roommate ni Chito na si Lex. Mas gusto naman daw ni Chito na manood ng TV.

“Strong. Kool. Young. And Elegant. This Korean band took the world by storm, and now they're coming to the Philippines! Catch Young-min, Woo-jin, Jae-soo and Sung-jae of cuSKYE, live! 8:00 PM, Saturday, at the Big Dome!”

“Eugene, it's your turn!” sabi ni Rose. Kinailangan pa nitong sikuhin ang Koreano para mabaling ang atensiyon ng lalaki sa nilalaro.

“Oh. Sorry.”

“Well, they're your countrymen,” sabi ni Vina, na nakatingin din sa TV. “Ano ba yan, hindi rin makita ng maayos yung mga mukha, ang bilis lang i-flash nung pictures. Magkano kaya ang ticket?”

“Malamang can't afford,” sagot ni Alina. “Okay lang. I'm not a fan of K-pop anyway.”

Napatingin bigla sa kanya si Eugene.

“You don't like K-pop?”

“Not that I don't like it-- right now I don't have a reason to, you know, particularly like it.”

“Lin likes alternative rock better,” sabi ni Chito. “Ayaw niya yata sa pretty boys.”

“Hindi ko sinabi yan, Chito, ha.”

“Ako nga hanggang Wondergirls lang ang alam ko.” Sinabayan pa ni Chito ng kanta at sayaw ng “Nobody.” Pati tuloy si Eugene napatawa. Aba at lumitaw ang magkabilang dimples ng kumag!

“Yaakk, ang sagwa, tsong.” Binato siya ni Lex ng throw pillow mula sa sala set.

 

* * *

 

Mamaya-maya'y nagsawa na rin sila sa paglalaro at tumutok na lang sa panonood ng TV. Kinuha ni Alina ang wallet sa kuwarto at tinungo ang pinto.

“O, Lin, saan ka pupunta, malapit na tayong kumain.”

“Magpapaload lang po ako ng internet, Ninang. Bukas po ba ang bakery ni Aling Luchie?”

“Oo, bumili doon ang Ninong mo kanina.”

“Are you going out? Can I go with you?” tanong ni Eugene. Siguro ay nabagot din ito sa panonood ng palabas sa TV na hindi naman niya maintindihan ang lenggwahe.

“Sure.” 

Sabay silang bumaba ng hagdan. Tulad ng nakagawian niya, kinapa ni Alina ang bulsa bago maalala ulit na wala nga pala siyang cellphone. Tapos naalala niyang halos kakaload lang niya ng card doon bago ito maisnatch.

“Tsk naman kasi, self. Dami pa sana nating load sa cellphone na yun, eh di sana pasaload na lang ang gagawin natin kung hindi siya naisnatch,” pagmamaktol niya sa sarili.

“What are you grumbling about?” tanong naman ni Eugene. Halatang pinahiram ito ng damit ni Ninong Rick at ngayo'y cargo shorts, maluwang na t-shirt na pambahay, at tsinelas ang suot nito.

“Losing my cellphone,” sagot ni Alina, sabay bukas ng pinto sa ibaba para makalabas sila ng bahay. Mabuti na lang at hindi na umuulan.

“I already said sorry.”

“I already told you it's not your fault.”

“So why are you grumbling?”

“Why can't I?” Pero napangiti din sa kanya si Alina. “Ah, don't worry about it. Mostly I'm just angry at myself for letting it happen.”

“Is it hard for you to get another one...?”

“Not really. But I have to tell my parents and wait until they send me my allowance for next month.”

“Your parents are far away...?”

“They're working in Spain, along with my kuya. My older brother.”

“I see.”

“Hey. We might as well see if the water has gone down at the main road.”

Wala nang baha sa kalye nila, kahit basa pa rin ang kalsada. May mga traysikel na rin pero wala pang malalaking sasakyan. Mukhang malalim pa rin ang tubig sa main road sa dulo, kaya wala pa ring bus, jeep o taxi.

“Does this always happen?” tanong ni Eugene.

Pinaliwanag ni Alina na bumabaha naman talaga kapag malakas ang ulan, ngunit hindi naman ito tumatagal at bumababa kaagad. Pero minsan talaga, halimbawa kapag bumabagyo tulad ng nagdaang Ondoy, tumatagal ng ganoon ang baha.

“So you have to go through that every time it rains?” nagtatakang tanong ng Koreano.

“We survive,” sagot ni Alina. “Don't worry. The rain has stopped and it looks like the sky is clearing up. I'm sure by tomorrow you can go back to your hotel.”

Mukhang may sasabihin pa sana si Eugene, pero tumalikod na si Alina para pumunta sa bakery kung saan may nagloload ng cellphone. Pagkatapos, kinailangan na naman niyang i-explain kung bakit at paano nagloload. Nasanay daw kasi si Eugene sa Korea na naka-plan, at nang dumating siya sa Pilipinas, ang pinagagamit sa kanya na cellphone, naka-plan din.

“So you mean if I were here, I could buy a cellphone and a SIM card and just buy credits for it...?”

“Yeah, that's right. And it's cheaper. Well, for us who can't afford to pay for the plan every month.”

“Cool!”

Pagkatapos ipakita ng nagload ang verification na pumasok na nga ang load sa number ng broadband ni Alina, bumalik na sila sa boarding house.

“Hey,” sabi ni Eugene nang papasok na sila sa pinto. “Thank you.”

“For what?”

“For helping me even if you don't even really know me.”

“Wala yun!” sabi ni Alina. “Besides, you don't seem like a bad person. And-- how do I explain this? You're a guest in my country. How could I leave you there in the flood?” Umakyat na siya sa hagdan. “Come on, I'm sure lunch is ready!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro