Chapter Twelve
“Lin! May lakad ka ba mamaya?” tanong ng isa sa mga kasamahan niyang student assistant sa admin.
“Wala eh. Uuwi na rin ako mamaya-maya at nang makapagpahinga.”
“Ows? Sa ganda mong yan, Alina, wala kang Valentine's date? Walang boyfriend? Ang dami namang bulag kung ganoon,” sabad ng isa sa mga may-edad nang clerk.
“Naku, Sir, binobola nyo na naman po ako,” natatawang sagot ni Alina. “Wala po talagang nagkamali.”
Noon naman nag-ring ang cellphone niya. Si Leny.
“Oh, mare, kala ko ba may lakad ka,” bungad niya rito.
“Nasaan ka ngayon, mare?”
“Dito pa rin sa admin. Mamaya-maya lang paalis na ako.”
“Wag ka munang umalis diyan mare. Wait ka lang muna. Mga fifteen minutes. Pwede?”
“Eh? Bakit?”
“Um... nabulilyaso yung lakad ko eh! Pabalik ako ng school. Kailangan ko ng kausap! Stay ka lang diyan ha!”
“Naku mare, mukhang malaking problema yan ah.”
“Mahabang kuwento mare! Basta wait mo lang ako, ha?”
Hindi mapigilan ni Alina na mapabuntung-hininga nang ibaba ang cellphone. Ganito ang Valentine's Day niya. Silang dalawa ni Leny, maghihimutok hanggang maubusan ng sasabihin. Nakaramdam siya ng asar kay Woo-jin.
May boyfriend nga akong naturingan, missing in action naman.
Fine. Alam ko busy siya. Pero ni text, ni chat message, ni maiksing e-mail man lang, patapos na ang araw wala pa akong nakikita.
Wala na ba kami?
Nag-ayos na rin siya ng mga gamit. Dahil wala na siyang ginagawa, naisipan na rin niyang magsuklay, magpulbo ng mukha, at maglagay ng konting baby cologne.
Pagkatapos ng kinse minutos, tumunog ulit ang phone niya. Text galing kay Leny.
Mare, andito na ako sa lobby!
Bumuntung-hininga ulit si Alina, binitbit ang mga gamit, at lumabas.
Muntik na tuloy siyang matumba nang mabunggo ng grupo ng mga estudyanteng babaeng tumatakbo at naghahagikhikan. Nang tumingin siya sa paligid, ang mga taong nakikita niya ay namamadaling lahat at mukhang excited na excited. Lalo tuloy siyang nalungkot. Excited na yata ang lahat para sa Valentine's Day. Siya na lang ang hindi.
Pagdating niya sa lobby ng building, nakita niya agad si Leny sa labas ng pintuan, nagpapalinga-linga. Tinungo niya agad ito, kahit nahihirapan siya sa dami ng mga nagtitiliang babae na nakapaligid sa kanila.
“Oh, mare, ano'ng nangyari at parang problematic ka? At bakit hindi mo na lang ako pinuntahan sa admin? Dito ka pa nag-antay eh ang daming taong kay iingay, 'kala mo may artista.”
Maluwang na ngiti ang isinukli sa kanya ng kaibigan at humakbang ito sa tabi upang ilantad ang taong nasa likuran nito.
“Happy Valentine's Day, Mare!” masayang bati sa kanya ni Leny.
“Happy Valentine's Day, Alina-ya,” bati sa kanya ni Woo-jin. sabay abot sa kanya ng bitbit nitong bouquet ng puting rosas. Pagkatapos, ginagap na ang kabilang kamay niya. “Let's go.”
Bago pa nakapagtanong si Alina, pinasasakay na siya ni Woo-jin sa back seat ng kotseng nakaparada sa harap ng building. Umupo na rin ito sa tabi niya.
“Leny-ya! Gomapda!”
“Anytime, oppa! Thank you too! Have fun!” Habang papaalis ang kotse, ikinaway pa ni Leny ang hawak na nakarolyong papel.
“What's that thing Leny is holding?” kunot-noong tanong ni Alina.
“I promised her an autographed poster of the band for her help today,” sagot ni Woo-jin.
Nagkatinginan ang dalawa. Agad ding bumawi ng tingin. Matagal na hindi nag-imikan.
“Where are we going?” sa wakas ay itinanong ni Alina. “And how did you get here?”
“I got on a plane, of course.”
“I mean... how come? I thought you were busy.”
“Nan bogo shipeosseo. I missed you. And you were not answering any of my calls, IMs, e-mails... of course I got worried.”
“Oh, so you were worried, huh.”
“You're angry at me again.”
“Of course not.”
“Oh really?”
Matagal na katahimikan ulit. Tapos, sabay din silang napabuntung-hininga. Nagkatinginan ulit, at sabay ding tumawa.
“Yes really.” Tinitigan ni Alina si Woo-jin. “So how is your new movie project?”
“You are angry at me.”
“No, I'm just asking for an update. Why? Should I be angry at you?” Pinatagal muna ni Alina ang ilang sandali bago ito ngumiti. “Actually... I'm sorry. I was also very busy this past week and I kept forgetting to answer my messages.”
Si Woo-jin naman ngayon ang masama ang tingin sa kanya.
“I even kept forgetting to eat, okay? Just ask Leny if you don't believe me.”
“Oh really?”
“Okay, fine. I didn't know what to say to you so I kept postponing my replies and then when I got busy I forgot. Happy now?” Nang bumaling ulit siya dito, nakatingin sa kanya si Woo-jin na parang hindi alam kung ngingiti ba ito, sisimangot o malulungkot.
“Why didn't you know what to say to me?” Nang hindi siya agad sumagot, sinambot nito ang braso niya. “Alina-ya. Answer me.”
“I saw the interview with Hannah. You didn't say anything to me, and then you said you were busy.”
“Tch. Why didn't you ask?”
I wanted to ask you but... I was afraid.”
“What are you afraid of?”
“That you are so far away from me. That I... might lose you.”
Marahang tumawa si Woo-jin.
“Babo-ya,” anito, sabay yakap sa kanya. “All that time I was busy because I wanted to free up my schedule. So I could spend some time here with you.”
Sumeryoso na rin ang mukha nito.
“I also don't want to lose you, you know. If... when you graduate... would you like to come to Korea?” Hindi na nito hinintay na sumagot si Alina. “Maybe for a visit... so we can spend more time together...? I want to show you my country. Who knows, maybe you will like it so much you will want to live there.”
“Hoy, Song Woo-jin. Why would I want to live there?”
“So I can be with you, of course. So that we won't be afraid that we will lose each other again.”
“Well, actually...” Biglang napangiti si Alina, ngunit hindi nito itinuloy ang sasabihin.
“What?” tanong ni Woo-jin.
“What?” sagot din niya.
“You were going to say something. What was it?”
Hindi na sumagot si Alina dahil doon naman sinabi ng driver na nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
“Where are we?” tanong ni Alina.
“This is the hotel where I'm staying.”
“Ha? Why are we here?”
Natawa si Woo-jin sa facial expression ng girlfriend.
“What?” tanong din nito. “It's not what you think. I'm not that kind of guy.”
Nagkrusimano si Alina.
“So why are we here?”
“We are here so you can freshen up before we go out to dinner.”
“I could have done that in the car.”
“Alina-ya, don't argue. Just come on.”
At napilitan na ngang lumabas ng kotse si Alina nang buksan ng napapangiting driver ang pintuan. Aba, at si Manong na siyang driver nila nung unang date nila ang driver nila ngayon!
“Tinawagan ako nung manager, Ma'am eh,” sabi sa kanya.
Inabutan ito ni Woo-jin ng pera.
“We'll come down in about thirty minutes,” ang sabi. “Why don't you have some coffee while you wait?”
“Naku, thank you, ser!”
Hinatak na ni Woo-jin si Alina papasok ng hotel at diretso sa elevator.
Nanay ko po, sa isip niya. Ano na lang kaya ang iisipin ng nanay ko pag nalaman niyang nasa hotel ako kasama ng boyfriend kong foreigner?
“Something wrong?” tanong ni Woo-jin.
Sinulyapan siya ni Alina.
“I don't like that look on your face,” dugtong ng binata. “You look like you're planning something bad.”
“No, not really planning. It was just a crazy thought.”
“Crazy thought?”
“That if my parents found out where I am right now they would probably chase me with a bolo. A big knife. But if Ninong Rick found out, he would probably chase you.”
“Are you trying to scare me?”
“Are you scared?”
“Not really.” Sabay ngisi. “I run very fast.”
“Loko.”
Kinuha ni Woo-jin ang mga kahong nakapatong sa isang mesita, at iniabot sa kanya.
“What's this?”
“Why don't you take a look?”
Mga bestida ang tumambad sa kanyang paningin. Isang simpleng strapless na pulang mini-dress na satin na may palamuting kristal. Isang peach na cocktail dress na gawa sa kumikinang na tulle. Pinakasimple sa lahat ang isang light blue na bestidang gawa sa malambot na tela; sleeveless ito at may Peter Pan collar. Meron pang kasamang silver sandals na mababa ang heels, at katernong maliit na bag.
“Woo-jin...”
“Leny and Kaye helped me choose them, okay? They told me what sizes to get. Leny wanted to get you high heels, but Kaye insisted on lower heels.”
“Woo-jin...”
“This was just to save you the trouble of going home and then having to look for something to wear. So don't argue. Just choose one to wear and then we can go out. Okay? Please...?”
Inirapan niya ito.
“This is a conspiracy. My friends know very well that I'm not really used to wearing dresses and heels.”
“I already know that.” Pinipilit ni Woo-jin na huwag tumingin sa kanya. Natawa tuloy si Alina.
“Thank you,” sabi niya, sabay tiyad upang halikan si Woo-jin sa pisngi. Mabilis din siyang umatras.
“I think I'll try these on.” Bitbit ang mga kahon, tinungo niya ang banyo.
“Ya! Come back here.”
“We have to hurry! You said we'd go down in thirty minutes,” sagot lang ni Alina, sabay sara ng pinto ng banyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro