Chapter Ten
Papunta na ng airport ang van ng cuSKYE.
“Ayyy. Nakakalungkot naman, aalis na tayo,” sabi ni Sung-jae.
“Mamimiss ko ang Pilipinas,” dagdag ni Jae-soo. “Saka sina noona.”
Siniko tuloy siya ni Young-min sabay tingin kay Woo-jin, na hindi pa rin mapakali.
“Hyung, maghahatid ba si noona sa atin sa airport?” tanong pa rin ni Jae-soo.
“Ewan ko.”
Nagtinginan na lang ulit ang tatlo.
May mga fans pa rin na ginustong ihatid sa airport ang mga idolo, kaya't minadali ni Manager Min ang pagpasok nila ng lounge para hindi na sila masundan.
“Woo-jin-ah. Ano pa bang inaantay mo diyan? Halika na,” sabi nito sa leader ng banda na palinga-linga pa rin at hindi sinusundan ang mga kasama.
Bumuntung-hininga si Woo-jin at tinungo na rin ang passenger gate. For the first time, hindi na niya pinansin ang fans na hindi magkamayaw sa pagsigaw ng “Oppa! Oppa!”
Di niya mapigilang tanungin ang sarili, paano kaya kung si Alina ang tumatawag sa kanya ng ganoon? Iniisip niya pa lang, nag-iinit na ang dibdib niya.
“Woo-jin! Woo-jin...!”
Na-realize niyang hindi na pala niya imahinasyon yun. Naglilingunan na ang ibang fans, nagtataka kung sino ang tumatawag sa kanya sa pangalan lang.
* * *
Nang makarating na siya ng NAIA, saka pa lang na-realize ni Alina kung gaano ka-timang ang ginagawa niya. Saan at paano niya hahanapin ang banda? Sinubukan niyang tawagan ang numerong binigay sa kanya ni Woo-jin noon, pero hindi na ito makontak. Oo nga naman, hindi na nito kakailanganin ang numerong yun at aalis na ito ng bansa.
Kung pumasok na ang mga iyon sa loob ng terminal, hindi na niya sila makikita. Habang nag-iisip ng susunod na gagawin, napansin niya ang mga nagtitiliang babae malapit sa isang gate. Nang lumapit siya, nakita niyang papasok sa gate si Woo-jin at tila malalim ang iniisip. Bago pa siya mag-dalawang isip, tinawag na niya ito.
Mahabang sandali pa bago ito lumingon, ngunit nang makita siya, agad itong lumapit, hindi pansin ang mga tumitiling babaeng nakapaligid sa kanila.
“You're here,” salubong sa kanya ni Woo-jin. Parang hindi nito alam kung ngingiti ba o hindi.
Kasunod ng binata si Manager Min, na mukhang hassled. Kinausap ito ni Woo-jin sa sariling lengguwahe, pagkatapos ay hinatak na si Alina na sumama sa kanila papasok ng terminal kahit nagrereklamo ang dalaga na hindi siya puwede doon at wala siyang ticket. Nauwi sila sa VIP lounge.
“Manager Min got you a gate pass,” maiksing paliwanag ni Woo-jin. “I thought you wouldn't show up!”
“I realized I couldn't let you leave without seeing you off.”
Mukhang magtatanong pa sana si Woo-jin, ngunit hindi na nito itinuloy ang sasabihin, dahil...
“Noo----na!”
“Noona, you're here!”
Inirapan tuloy ni Woo-jin ang kadarating lang na sina Jae-soo at Sung-jae. Hindi ito inalintana ng dalawa; sa halip, naupo pa sa tabi nila.
“Where's Young-min?” tanong ni Woo-jin.
May itinuro si Sung-jae.
“Aaah. Okay.”
“Where's Young-min?” tanong din ni Alina.
“Ssssh. He's with his girlfriend,” sagot ni Woo-jin. “I didn't know she was here. I thought she was at an event in Hongkong.”
“Young-min has a girlfriend?” Napatingin din tuloy si Alina. Nasa di-kalayuan nga si Young-min, may katabing babae. Maganda, maputi, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at may dimple sa baba.
Kumunot ang noo ni Alina.
“I think I've seen her before,” aniya.
“If you watch Korean dramas, you would have seen her many times,” sagot ni Woo-jin. “Her name's Lee Jang-mi.” In-explain nito na nakasama na nilang lahat ito sa ilang mga drama, kung kaya't close ito sa kanilang lahat.
“She's very nice,” dagdag pa ni Jae-soo.
Napansin ng babae na pinagtitinginan sila, kaya't tinawag nito ang atensiyon ni Young-min. Maya-maya pa'y umalis na ang dalagang Koreana at lumapit si Young-min sa grupo.
“Hello, Alina. You made it,” bati nito.
“Hello,” sagot ni Alina. “I just wanted to wish you all a happy trip.”
Kaagad na sumabad si Jae-soo sa sarili nilang lengguwahe. Nakisali na rin si Sung-jae. Kumunot ang noo ni Young-min. May tinanong kay Woo-jin. Inirapan lang siya nung isa.
“What? You mean nothing's settled?” tanong ni Young-min.
“Well, maybe if you would leave us alone for a while I can finally get something settled!” sagot ni Woo-jin.
“Oh. Sorry.” Itinaas ni Young-min ang mga kamay, pagkatapos ay hinatak sina Jae-soo at Sung-jae papalayo. Naghagikhikan ang tatlo.
“Well, at least he won't be married to his guitar anymore!” parinig pa ni Jae-soo.
Nagkatinginan sina Woo-jin at Alina.
“Married to your guitar...?” tanong ng huli. Namula tuloy si Woo-jin.
“It's a joke, okay?” defensive na sagot nito.
“He's just that good with it, noona!” pahabol ni Sung-jae.
“Stop listening!” baling sa kanila ni Woo-jin. Tumayo tuloy ito at hinatak si Alina. “I think we better go somewhere else.”
Doon sila sa kabilang sulok ng lounge naupo. At matagal silang nagkatinginan na tila hinihintay na magsalita ang kausap. Pagkatapos, sabay ding nagtawanan. Si Woo-jin din ang unang nagsalita.
“I know I told you I'm not going to rush you, so I'm not going to ask!”
Lalong natawa si Alina.
“I wanted to tell you something,” sagot niya.
“Hmm?” Halatang pinipigilan pa rin ng binata ang kagustuhang magtanong. Nangingiting kinuwento niya rito ang kuwento ng ninang niya.
“You were right, you know. The way we met was once in a lifetime. So... if destiny gave us this chance to meet each other, then the rest is up to us. I realized that it doesn't matter, how far away you are, who you are, what you do... if we keep on liking each other and we keep in touch, who knows? I will just be here.”
“I will stay in touch. And I will come back,” pangako ni Woo-jin. “Just as long as you are here for me to come back to.”
“I will.”
Ginagap ni Woo-jin ang kamay niya.
“Wait, I have something to give you,” sabi sa kanya. May hinagilap ito sa dalang backpack; kahit nahihirapan na ito sa paghahanap na iisang kamay lang ang gamit, ayaw pa rin nitong bitawan ang kamay ni Alina. Sa wakas, may inabot itong nakatuping papel sa dalaga.
“Open it later,” ang sabi.
Hindi na tumagal ang pag-uusap nila at tinawag na ang flight nina Young-min. Halata pa ring ayaw pa ring umalis ng binata.
“Travel time to Seoul takes only four to five hours,” sabi nito. “I'll e-mail you when we get home. Okay?”
“Okay.”
“It's a promise.”
“Yes.”
-----------------------------------
Author's Note:
Woooo... malapit na itong matapos ahaha. And the background music for this chapter is one of my favorite CNBlue songs-- Blind Love, written and co-composed by Lee Jong-hyun. Imagine-in nyo na lang na sina Woo-jin at Young-min ang kumakanta, okay? :P
Ngayong malapit na siyang matapos, something tells me kailangan ko pang dagdagan yung laman ng ibang chapters. Need more skinship! Haizzz. Any comments, suggestions, violent or non-violent reactions?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro