Chapter Six
“In fairness, maayos silang kausap, maganda yung naging interview,” natutuwang komento ni Kaye nang paalis na sila. “At may bonus interview pa kay Hannah Madrigal. Siguradong maraming magbabasa ng issue na ito ng campus paper.”
“Hmp, panira lang ang Hannah na yun,” pagmamaktol ng Leny. “Kung makalingkis naman sa braso nina Young-min oppa at Woo-jin oppa, daig pa sawa. Hindi naman sana siya kasama sa interview eh.”
“Pasalamat nga tayo, nag-offer siyang sumama sa interview. Dagdag points na rin yun. Naaasar ka lang at may kakumpitensiya kang di lang die hard fangirl kundi artista pa.”
“Pero sama ng tingin niya kay Alina nang marinig na tinatawag siyang noona nung mga maknae, ha. Tapos tinatawag siya nung dalawa sa pangalan. Palibhasa lahat sila 'Miss Hannah' ang tawag sa kanya.”
“Eh? Ano naman ang ikasasama ng loob niya dun?” tanong ng Alina.
“May dalawang level kasi ng pakikipag-usap sa Koreano, Lin. Pormal at di-pormal. Usually gumagamit lang sila ng di-pormal na pananalita pag kamag-anak o kaibigan.”
“O, di ba tanda ng paggalang ang noona?”
“Kung talagang pormal sila, tatawagin ka nilang Miss Pagunsan o Miss Alina. Sa kanila nga buong pangalan talaga ang gamit eh. Halimbawa, Lee Young-min-sshi, ganun. Tapos, pag close na kayo, saka lang pwedeng magtawagan ng first name. Woo-jin-ah, Jae-soo-ya, yung ganun. Di kaya yung katulad ng hyung at noona. So ibig sabihin, kaibigan ang turing nila sa 'yo.”
“Oh? Ganun ba yun? Kaya ba nagmamaktol si Young-min na ayaw ko siyang tawaging oppa?”
“Aaaagh! Pwede ba tayong mag-exchange na lang ng katawan, Lin?”
“Hus, tumigil ka nga, lahat naman ng fans ng K-pop tinatawag na oppa yung mga idol nila,” si Kaye.
“Mabait lang siguro talaga sina Jae-soo at Sung-jae. Lagi akong kinakausap ng mga yun pag nandun ako eh. Oh, paano? Since maaga ako ngayon, magrereport na lang ako sa admin at sayang ang oras. See you later!”
Iniwan niyang nagbabangayan pa rin ang dalawang kaibigan.
“Pero oppa din ang tawag ng mga Koreana sa mga boyfriend nila!” dinig pa niyang reklamo ni Leny.
“Kahit na! Yun din ang tawag nila sa mga kuya nila!” si Kaye.
* * *
Naglalakad sa walkway sa gilid ng open field si Alina nang hapong iyon nang tawagin ng guard ang pangalan niya.
“Miss Alina! Buti napadaan kayo!”
“O, Manong Guard, bakit po?”
“Nakiusap kasi yung isa sa mga nagsoshooting diyan sa loob, padaanin ka raw doon ng saglit sakaling makita kita.”
“Sino po ba ang naghahanap? Yun po bang manager, o yung babaeng coordinator?”
“Hindi e, binata ang naghahanap. Mukhang isa dun sa mga artistang Koreano.” Hinawi ng security guard ang cordon para makapasok siya.
“Ah, okay. Sige po, salamat.”
Kumaway agad si Jae-soo at lumapit nang makita siya.
“Noona, I'm glad you came by. I want to ask you a very big favor.”
“What is it?”
“Well, tomorrow is Saturday. Young-min hyung and Woo-jin hyung still have to work for the video and Sung-jae and me have to go on a radio program in the morning, but Manager Min said after we are finished we can do what we want. And we want to go sightseeing.”
“Oh, that's nice! So you need some advice on places to go, right? I can make a list for you.” Naghagilap ng papel at ballpen si Alina sa kanyang bag.
“Uh... no, actually, Noona.”
“Ha? So... what is it?”
“Well, we thought it would be more fun if we had a guide. What we're asking is... could you go with us? Please, Noona?”
“Ha?”
* * *
Sabado, alas-otso ng umaga.
Kinse minutos nang naghihintay si Alina sa Jollibee sa Intramuros; malapit nang maubos ang iniinom nitong kape.
“Liiiin!” Humahangos na dumating si Leny, kasunod si Kaye na dinaanan nito sa bahay nila sa Malate. “Are we late? Kanina ka pa?”
“No. And medyo. Sinadya ko talagang mas maaga tayong dumating, nakakahiya naman kasi kung magpapaantay tayo.”
“Hmp. Ayun tuloy, umalis ako ng bahay na hindi man lang nagbebreakfast,” reklamo ng Leny.
“Tanghali ka kasi kung magising,” si Kaye.
“Tanghali? Alas sais ako nagising, no! Siyempre kailangang may time para magpaganda!”
“Girls, hindi naman tayo magso-shooting,” si Alina. “Tour guide lang tayo, tour guide. Gets?”
“Kaya ba ganyan na naman ang ayos mo, Lin?” reklamo ni Leny. “At least naka-blouse at ballet shoes si Kaye.”
“Komportable po ang suot ko. Maglalakad tayo eh. O, di ba nagugutom ka? Nagbreakfast na ako sa bahay, pero may 30 minutes pa tayo para magkape.”
“O, sige, tara, umorder na tayo, Len,” si Kaye.
* * *
“I'd like to go, guys, but my friends and I are going to Intramuros tomorrow. We have to do some research for our thesis proposals,” paliwanag ni Alina kina Jae-soo at Sung-jae noong nagdaang hapon.
“Intramuros? Isn't that where Fort Santiago is, Noona?” tanong ni Sung-jae.
“Yes, do you know Fort Santiago? We're going to the Rizal Shrine.”
“I want to see Fort Santiago!” tuwang-tuwang sabi ni Sung-jae. “Can we go with you? We promise to be good!”
“Please say yes, Noona!” si Jae-soo.
Hindi na naka-hindi si Alina.
* * *
“Eeeeeeee, talaga, Lin?” tili naman ng Leny nang tawagan ito ni Alina para ipaalam ang nangyari. “Sasabay sila sa atin bukas?”
“Sina Jae-soo at Sung-jae lang! Busy yung dalawa eh. At hindi sila pwedeng makilalang artista, baka pagkaguluhan, kaya dapat low-profile.”
“Okay, okay. Hay, sayang naman at umaga lang kami pwede ni Kaye-- pero kahit na! Kinikilig ako, hihihi. Feeling ko hindi ako makakatulog mamaya!”
“Loka, sige, gawin mo yun at nang hindi ka magising ng maaga, iiwanan ka namin.”
* * *
“Ang swerte naman ng dalawang 'to,” reklamo ni Woo-jin kay Young-min habang nasa van sila at papunta sa shooting. “Gagala na pagkatapos. Tayo may gagawin pa.”
“Ganoon talaga, kailangan mag-trabaho,” sagot ni Young-min.
Natapos na kasi nilang i-shoot ang mga eksena kung saan tumutugtog ang banda doon sa university nina Alina, kaya hindi na muna kailangan sina Jae-soo at Sung-jae sa shooting. Maaga rin silang natapos sa guesting nila sa isang programa sa radyo, kaya sumabay na sila sa van na maghahatid kina Young-min sa university.
“Eh di humabol kayo, hyung, pag maaga kayong nag-pack up,” si Jae-soo, sabay kindat kay Young-min.
“Basta mag-ingat na lang kayo,” paalala ni Young-min. “Pumayag ba si Alina?”
“Oo naman,” si Sung-jae.
“Sana matapos agad tong dalawa pang eksenang kailangan naming i-shoot dito para makagala na rin tayo,” sagot ng kanyang hyung.
“Pag natapos yung shooting dito, lilipat lang kayo ng venue,” paalala ni Manager Min. “Tapos meron pa kayong photo shoot para dun sa ads ng mga damit. Kailangan din naman nating maihabol na matapos ito para makauwi na tayo next week. Naextend na nga yung schedule dahil dun sa baha.”
“Not to mention yung pag-iinarte ni Miss Hannah,” bulong ni Sung-jae kay Jae-soo.
“Ibig palang sabihin nun, sa susunod, hindi na natin makikita si Noona?” tanong ni Jae-soo. “Buti naman pala at makakasama pa namin siya mamaya.” Nagtinginan sila ni Sung-jae. Pagkatapos...
“O, bakit nakatingin kayo sa akin ng ganyan?” tanong ni Woo-jin.
* * *
“Lin, wag mong tanggalin, naman eh,” reklamo ni Leny. Naghihintay sila sa loob ng Plaza Moriones, at asiwang-asiwa si Alina sa ginawa ni Leny sa buhok niya-- tinalian niya ito sa magkabilang gilid.
“Mukha akong bata nito eh! Ano ba'ng problema mo sa ponytail ko?”
“Anong bata, kamukha mo si Jessie sa Full House, ganyan din ang buhok niya dun! Oy, wag mong tanggalin ang lipgloss mo, nag-effort ako diyan.”
“Tanggal na kaya makeup ko sa pawis nung naglakad tayo hanggang dito.”
“Hindi kaya. Eto'ng pulbos, mag-retouch ka.”
“Ayoko nga.”
“O, sila na nga yata ito,” si Kaye, na nakatingin sa van na papasok sa entrance.
* * *
Nagpasalamat si Sung-jae sa driver nila at sinabihan itong bumalik na sa shooting-- tatawagan na lang nila si Manager Min kapag kailangan nila ang sasakyan.
“Sila na yata yun,” sabi ni Jae-soo, na nakatingin sa tatlong babaeng nakaupo sa isang bench malapit sa entrance.
Dahil maaga pa, kakaunti lang ang mga tao sa paligid. Karamihan sa mga nandoon, pamilyang may kasamang maliliit na bata. Bagamat may mga napapatingin dahil halatang dayuhan sila, mukha namang walang nakakilala sa kanila sa suot nilang simpleng maong, t-shirt, baseball cap at rubber shoes.
Nagkatuwaan silang lima sa pagtuklas ng Fort Santiago habang ineexplain nina Alina at Kaye ang kasaysayan ng Intramuros mula pa noong panahon ni Rajah Sulayman. Habang kumukuha ng datos sina Alina, tuwang-tuwa namang inikot nina Jae-soo at Sung-jae ang Rizal Shrine.
Nang hinanap na ni Alina ang dalawa, natagpuan niya ang mga itong binabasa ang plaque na naglalaman ng Ultimo Adios na isinalin sa wikang Koreano.
“It's beautiful,” sabi ni Sung-jae. “He was a great man.”
“Sung-jae-ya, gusto mong magpapicture?” Naglabas ng camera si Jae-soo. Pero noon naman tumunog ang cellphone niya. Nagprisinta si Alina na siya na ang kukuha ng litrato, at hinintay na matapos sagutin ni Jae-soo ang tawag.
“Did you take a picture of the lamp upstairs?” tanong ni Alina. “You know the story, right?” Isinalaysay niya ang kuwento ng kung paano naiparating ni Rizal ang tula sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng lampara. Pagkatapos, umakyat na rin sila sa itaas para magpapicture sa memorabilia.
Nang matagpuan sila nina Kaye at Leny, nagkukuwento si Alina tungkol sa mga babae sa buhay ni Rizal, bilang kasagutan sa tanong ni Sung-jae kung sino ang mga babaeng nasa mga larawan sa dingding.
Tumunog ulit ang phone ni Jae-soo. Bumaba ito ng hagdanan. Nang bumalik, kasama na sina Woo-jin at Young-min.
“Surprise!” sabi ni Jae-soo.
Napabulalas tuloy ang Leny ng “Oppa!” Sabay siyang siniko nina Kaye at Alina sapagkat maraming lumingon. Lumipat tuloy sila sa pasilyo kung saan walang tao.
“I'm disappointed, Alina,” hinanakit ni Young-min. “Why won't you call me 'oppa' too?”
“I can call you kuya,” ang sagot. “It means 'big brother' in Filipino.”
“But it's not the same!”
* * *
Inirapan ni Woo-jin ang band leader nila.
“Well, what have you seen so far?” baling niya kay Jae-soo.
“Marami. Magaling na tour guide si Alina,” sagot ni Jae-soo sa sarili nilang wika.
“Nandito na nga lang din kayo hyung, kailangan mag-ikot din kayo,” sabi ni Sung-jae. “Nakaikot na kami eh. Noona, hyung says they want to see the memorabilia!” baling kay Alina.
“Yes, why don't you show us around?” tanong agad ni Young-min. Hinawakan na nito sa siko si Alina at hinatak papunta sa kuwarto ng exhibit.
“Hyung, buti pa sundan mo na,” obserba ni Sung-jae. “Mamaya niyan aasarin ka ni Young-min hyung.”
“Wag mo na kaming irapan, sundan mo na,” dagdag ni Jae-soo. “Uupo lang kami dito nina Miss Leny at Miss Kaye, kanina pa kami nag-iikot, masakit na ang paa ko.”
Naabutan ni Woo-jin sina Alina at Young-min na nakamasid sa nakadisplay na kapa ni Rizal.
“You always see that coat in his pictures,” sabi ni Alina. “Seeing it here never fails to give me a thrill.”
“Young-min hyung,” sabi ni Sung-jae, na sinundan din pala sila. “Nakita mo yung mga armas? Nandito o, sa kabilang display case.”
Nagtatanong na tumingin si Alina kay Woo-jin, na nagkibit-balikat naman.
“What's your favorite part of the exhibit?” tanong ni Woo-jin.
“It's over here, I'll show you.” Tinungo ni Alina ang pinto papunta sa kabilang kuwarto, kung saan may nakaukit na tula sa pader at may nakapintang mga salita sa sahig.
Itinuro niya ang maliit na lampara sa loob ng display case.
“According to the story, Rizal gave the lamp to his sister when she visited him before he was executed. He told her in English that there was something inside. It was the poem, his Last Farewell.” Nakangiting pinagmasdan ni Alina ang lampara. “When you read about history in the books, all the names and dates and places seem unreal. But when I come here and see the lamp, it reminds me that Rizal was a real person.”
“Is that why you're a history student? You want to learn more than just the names, dates and places.”
“Yes, that's right.” Ngumiti sa kanya si Alina. “There is a lot to learn from history. Especially, that it's really about real people and places and things that happened. Like this lamp. Do you know what else it reminds me of?”
“What?”
Ikinuwento sa kanya ni Alina ang tungkol sa sinabi ni Rizal nang pagsabihan ng nanay niya tungkol sa gamu-gamong naaakit sa apoy. Na pwedeng pagkunektahin ang kuwentong iyon sa kuwento ng lamparang pinaglagyan ng Ultimo Adios, sa ideyang naging tanglaw si Rizal para sa kanyang bayan. Pagkatapos, binasa nila ang Adios na nakaukit sa pader. Lumabas ulit sila sa pasilyo upang tingnan ang Korean version. Noon napansin ni Woo-jin na wala doon ang mga kasama nila.
Tumunog ang cellphone ni Alina, kaya hinagilap niya ito sa bag.
“I don't believe this,” ang sabi pagkatapos basahin ang natanggap na text.
“What?” tanong ni Woo-jin.
“They left us behind and went on to the National Museum!”
“Is that far?”
“Too far to walk.”
Tinawagan ni Woo-jin si Jae-soo. Ang sagot sa kanya, “Hyung, nagmamadali kasi sina Miss Leny at Miss Kaye at may lakad sila ngayong hapon. Isinama na namin si Young-min hyung. Hindi nyo naman kailangang magmadali. Sumunod na lang kayo. Bye bye!”
“What did they say?” tanong ni Alina nang ibaba niya ang cellphone.
“The same thing,” sagot ni Woo-jin. “I am really going to make Jae-soo clean my room for one week when we get back to Seoul.”
“Ouch, poor Jae-soo.”
Lumabas na sila ng shrine. Tanghali na, pero makulimlim, kaya't hindi mahirap para sa kanila ang maglakad papuntang Palacio del Gobernador.
“What do you mean, dorm?” tanong ni Alina habang naglalakad sila.
Pinaliwanag ni Woo-jin na nakatira silang apat sa iisang bahay malapit sa studio kung saan sila nagpapraktis at nagrerecording. Yung bahay at expenses nila, pati sasakyan, sagot ng talent agency kung saan sila nakakontrata. Hindi nila kasama si Manager Min sa bahay, at dahil si Young-min ang leader, siya ang karaniwang gumagawa ng desisyon.
“So as the leader means he's not just the big brother, he's sort of like the dad?” natatawang tanong ni Alina.
Natawa si Woo-jin. “Don't tell him you said that he's like a dad. He'll be hurt. It's like you're saying he's like an old man. And since the two of us are the same age, am I like an old man too?”
“Who knows, maybe you just color your hair.” Sabay distansiya ni Alina sa kanya at binilisan ang paglalakad habang tumatawa.
“Ya!” reklamo ni Woo-jin, at hinabol si Alina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro