Chapter Nine
Biglang napatingin si Alina kay Woo-jin sa sinabi nito. Tama ba ang unang pumasok sa isip niya sa sinabi nito, o hindi lang nito pinag-isipan ng maayos ang sinasabi?
“Why are you staring at me like that?” nangingiting tanong ng binatang Koreano sa kanya.
“Why am I... not just a friend?” tanong niya. Sabay tutop sa bibig nang hindi kaagad sumagot ang kausap.
“Because... you make me want to not go back to Korea,” sa wakas ay sagot ni Woo-jin. “You make me want to stay here with you.”
“Nakupo, nasobrahan yata ang pagka-ambassador ko,” nasabi tuloy ni Alina.
“Not really,” biglang sagot sa kanya.
“What? You understand Filipino now?”
“Mmm, well, no, I just guessed... And I still can't speak it.”
“Pinagtatawanan mo yata ako eh.”
“No.” Pero nakangiti ito. “Anyi. Aniyo. I'm not. Really,” dugtong agad nang irapan ito ni Alina.
Tiyempo namang dumating ang waiter na dala ang pagkain nila, kaya naputol ang usapan.
“Actually it's because of my hyung,” paliwanag ni Young-min habang kumakain sila ng steak. “You remember when I first met you? I was coming from Timog, where I met with him.”
“Your brother lives here in Manila?” tanong ni Alina.
“Well, he's not really my brother. Shin hyung is a very good friend. We were neighbors in Korea when I was a kid. He's older than me so I call him hyung.”
“So why is he in Manila now?”
“He's really a Filipino but his parents worked in Korea. When I was in high school though, his family moved to Japan, so we didn't see each other for a long time now. He's a chef here in Manila. He got married recently, and opened a cafe in Timog.”
“I see. So he taught you Filipino?”
“A little. I can understand it, but I can't really speak or translate it. That's why I didn't tell you.”
“Hmph.”
“Are you going to be angry at me again?”
“Mmm, no. Besides, you will be leaving soon. I don't want you to leave with me angry at you.”
“Good. Because I don't like it when you're angry at me, either. I can't stand it. I wouldn't go until you forgave me.” Tumingin sa mga mata niya si Woo-jin. “Because... Nan neol johahae. I like you, Alina.”
Biglang pakiramdam tuloy ni Alina, nablangko ang utak niya. Wala siyang maisipang maisagot. Feeling niya, ang lakas bigla ng kabog ng dibdib niya at dinig sa buong restaurant.
“I don't want to go back to Korea. I want to stay here with you,” pagpapatuloy ni Woo-jin habang nakatitig sa kanya.
“But you're Song Woo-jin of cuSKYE. You and the band still have a lot to do,” yun na lang ang naisipang maisagot ni Alina.
“Do you want me to go? You won't even miss me?”
Biglang uminit ang pisngi ni Alina.
“You're blushing,” puna ni Woo-jin. “So you will miss me?”
“Woo-jin!” reklamo na lang niya.
Ngumiti ulit ito. “So you will miss me!”
“What's the use?” tanong ni Alina. “You will be in Korea. Or you will be going around the world. And I will still be here. Someday you will forget me.”
“I won't. I don't want to forget you. You're a very special girl, Alina. And I really, really like you. I hope you like me, too.”
Pinilit niyang ngumiti sa kausap.
“Why do you look so sad? You don't want me to like you...?” nababahalang tanong nu'ng isa.
Alam ni Alina, masaya siyang marinig ang mga sinasabi ni Woo-jin, ngunit pakiramdam niya'y masyadong malaki ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkaibang bansa, magkaibang mundo. Practical siyang tao. Alam niyang mahirap ang umasa sa isang bagay na mukha naman talagang imposible. Ito ang pinilit niyang ipaintindi sa kausap.
“But, Alina,” ang sagot lang ni Woo-jin. “That we met at all, wasn't it already something impossible?” Hindi na nito hinintay pang makasagot ang dalaga. “It doesn't matter where I am. There are airplanes. There's internet. I can always keep in touch with you. I can always come back here. There are many ways. But there is only one you. I don't want to lose you. I like you too much.” Ginagap nito ang kamay niya. “At least say that you will give me a chance.”
* * *
“Jae-soo-ya, bakit hindi mapakali si Woo-jin hyung?” tanong ni Sung-jae. Nasa hotel sila at nag-iimpake. Mamaya-maya lang ay darating na ang sasakyan na magdadala sa kanila sa airport para sa flight nila pauwi ng Korea. Naglalakad ng pabalik-balik si Woo-jin sa loob ng suite nila, nakakunot ang noo at madalas sumulyap sa relo.
“Ewan ko, tanungin mo.”
“Di sumasagot eh. Inirapan lang ako.”
“Baka excited lang na umuwi.”
“Huh,” sabad ni Young-min. “Mukhang may hinihintay eh.”
“Talaga, hyung?” tanong ni Jae-soo. “Sino naman ang... oh. Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Alina noona nung date nila?”
“Di ko rin alam. Ayaw magsalita eh.”
“Binasted kaya?” tanong ni Jae-soo.
“Narinig ko yun,” sabi ni Woo-jin mula sa likuran nila. “Jae-soo, aside sa paglilinis ng kuwarto ko, ipaglalaba mo rin ako buong linggo. Kulit mo eh.”
“Argh.” Umapela si Jae-soo kay Young-min bilang lider ng banda, ngunit natawa lang ito at nagkibit-balikat, kaya't bumaling na lang ulit ang drummer kay Woo-jin. “Ang babaw mo lang talaga hyung. Ayaw mo namang magkuwento,” reklamo ng kawawang Jae-soo. “Ano ba. Kayo na ba ni noona?”
* * *
Hindi rin alam ni Woo-jin kung ano ang sasabihin. Ano ba talaga ang status nung nararamdaman mo talagang gusto ka rin ng taong gusto mo, pero wala namang kaklaruhan kung girlfriend mo ba siya o hindi?
Hindi kasi sinagot ni Alina yung tanong niya. Kailangan daw nitong mag-isip, ang problema, wala na siyang gaanong oras para mag-isip. Kaya binigyan na lang ito ni Woo-jin ng oras; sinabihan na lang niya ito ng oras ng flight nila pauwi ng Korea at na umaasa siyang maghahatid man lang ito sa airport.
* * *
“O, Lin. Wala kang pasok ngayon?” tanong ng Ninang Sally niya.
“Wala po.” Nakatingin si Alina sa labas ng bintana at mukhang malalim ang iniisip.
“Wala ring assignment? May problema ba, anak?”
“Wala rin po.”
“Wala kang lakad? Umuwi na ba si Eugene sa Korea?”
Hindi sinagot ni Alina ang tanong, sa halip...
“Ninang, paano po ba naging kayo ni Ninong, eh tagadoon siya sa amin tapos tagadito ka sa Maynila?”
“Ay naku, mahabang kuwento. At medyo nakakahiya rin nung panahong iyon.”
“Sige lang, ikuwento nyo lang po, Ninang...”
“O sige. Di ba, ang kapatid ng Ninong mo, may tindahan sa inyo dati? Noong panahong iyon, yung nanay ko rin, may tindahan sa Divisoria. Nung minsan, ako yung tumao sa tindahan at wala ang nanay ko; yung Ninong mo rin, siya yung namili para sa tindahan nung ate niya at kabuwanan ni Rita noon. Tapos, may magnanakaw dun sa building namin, ninakawan yung paninda namin. Nung hinahabol na namin, nagkabungguan na. Napagkamalan ko yung Ninong mo na siya yung magnanakaw. Siya yung nadala sa presinto. Nung nagkapaliwanagan na, ayaw na niyang tanggapin yung sorry ko, pero napahinuhod ko rin. Ayun, aba, napadalas ang luwas ng Maynila hanggang sa nagkamabutihan kami at nauwi na nga sa kasalan.”
“Hahahaha, ang weird naman pala ng love story ninyo, Ninang!”
“Oo nga. Nakakamangha talaga ang buhay. Parang imposible yung nangyari sa amin. Isipin mo, kung hindi dahil sa magnanakaw na yun, hindi kami nagkakilala. Malamang kung ordinaryong mamimili lang siya, di naman siya bumili sa amin, o hindi ko siya napansin. Kaya nga madalas niyang sabihin, laki ng pasalamat niya sa magnanakaw na yun! O, teka, saan ka pupunta...?” Bigla kasing tumayo si Alina at tumungo sa kuwarto.
“Kailangan ko po munang lumabas, Ninang!”
---------------------------------------------------
Author's Note:
Ginawa ko ang kuwentong ito originally as a Tagalog romance (na hindi ko naman isinubmit sa kahit saan-- wala lang, basta hindi lang ako nagka-lakas ng loob na isubmit siya sa mga publishers)-- kung kaya't maiksi lang siya, kasi nga dapat magkasya sa 25k words, 110 pages short bond double spaced.. Gusto ko sanang iexplore yung characters in more depth-- any suggestions? Comments? Violent reactions...?
Also, sana naispatan nyo na yung tie-ins sa ibang stories ko ahehehe. Well, they share the same universe kasi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro