Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

Pagdating ng Lunes, siyempre, kinailangan niyang magkuwento kay Kaye ng buong pangyayari. Bagamat wala namang sinabi sa kanya si Woo-jin tungkol doon, minabuti na rin niyang paalalahanan si Leny na huwag nang ipagkalat na nagkita sila pagkatapos ng autograph-signing. Pero siyempre, hindi naman nila puwedeng ilihim kay Kaye yun. 

“Wow naman, ang gara,” sabi ni Kaye. “Ang bait naman pala niya. Patingin nga ng cellphone! Sosyal!”

“Siyempre hindi naman natin pwedeng sabihin kanino galing,” sagot ni Alina. “Hahayaan ko na lang na isipin nilang binili ko 'to.”

“Well, considering na can afford naman ang parents mo niyan. Yun nga lang, di ba lagi mong sinasabing ayaw mo ng magarang phone?”

“Pwede namang magbago ang isip niya eh!” sabad ng Leny, na tinitingnan ang mga pictures sa digicam. “Hmp, nakakaasar naman ito, hindi pwedeng magmalaki.”

“Pwede mo pa rin namang ipost yung pics nung concert at autograph-signing, eh, ano pang bragging rights ang gusto mo?” tanong ni Alina.

“Sus, eto naman. Akala ko ako ang fan, pero mas protective ka pa kesa sa akin.”

“Eh, siyempre. Entitled din naman sila sa private lives nila, no. Saka gusto mo bang putaktihin ng mga galit na fangirl?”

“Bakit naman sila magagalit sa akin?”

“Kasi nakausap mo yung mga idol nyo ng personal? At gusto mo rin bang magalit sa kanila yung ibang fans? Baka sabihin may favoritism sila.”

“Baka sabihin, may scandal, girlfriend ako ni Young-min oppa, ganun?” sabay tili pa ng Leny. “Aaay!”

“Ilusyonada,” komento ni Kaye. “Manapa pag sinabi nilang si Alina, girlfriend nung Woo-jin.”

“Naku, patay ka sa sasaeng fans pag nangyari yun, Lin,” sabi ni Leny. “Sige na nga, tatahimik na ako.”

“Saseng? Ano yun?” tanong ni Alina. “At pati ikaw Kaye, ilusyonada. Anong girlfriend ni Woo-jin?”

“Sasaeng! Yung mga sobrang crazy na fans na may pagka-stalker na. Yung iba sa kanila, ayaw na may girlfriend yung mga member ng banda eh.”

“Ang OA nila, pero may mga taong talagang ganun,” si Kaye. “At hindi ako ilusyonada. Sinabi ko lang na mas malapit sa katotohanan yun kesa sa ilusyon nitong Leny.”

“Ugh, mangilabutan ka sa sinasabi mo,” sabi ni Alina. “Tsaka I'm sure, wala na akong maririnig mula doon after this. Hindi naman sila magtatagal dito sa Pinas eh, uuwi din sila ng Korea. At least nagkaroon ng happy memories itong Leny.”

“Oo nga pala, ano'ng reaksiyon ng mga tao sa bahay n'yo nung nalaman nila kung sino talaga si Woo-jin?”

“Actually... hindi pa rin nila alam. Hindi nila pinanood yung segment sa noontime show na lumabas yung cuSKYE eh.”

“So hindi mo pa rin sinasabi sa kanila...?” tanong ni Kaye.

“Paano ko sasabihin yun...? Onga po pala, naalala nyo si Eugene? Hehe. Yun pong pinatuloy natin dito nung baha? Hehehe, akalain nyo pong artista pala yun? Hehehe. Ganun?”

“Sabagay... parang mahirap nga yun.”

“O, paano, kelangan ko nang umalis. Kelangan ko pa palang dumaan sa department.”

“Bakit, ano'ng meron?” si Kaye.

Pinakita ni Alina ang application form at requirements na hiningi ng department head nila.

“Nagkausap kami ni Mama sa chat kahapon, okay lang din sa kanya. Kaya naisipan ko na ring subukan.”

“Woooow Lin! Sana sa Seoul ka mapunta! Tapos, magkikita ulit kayo ng cuSKYE!” tili agad ni Leny.

“Heee. Sabi ni Ma'am Ybanez, baka daw Singapore o Japan. Wala siyang sinabing Korea.”

“Nasa Asya pa rin yun, posible pa rin!”

“Aalis na nga ako at may duty pa ako sa admin pagkatapos.”

“Hindi ko lubos maisip bakit nag-SA (student assistant) ka pa sa admin samantalang may magulang ka naman sa abroad na nagbibigay ng allowance,” ani Leny.

“Experience ang tawag dun, Len. Experience. Bye!” 

* * *

“Ah, Alina. Mabuti at nandito ka na pala,” sabi ng boss niya sa administration office ng university. “Tulungan mo naman itong si Miss Montez sa pagpoprocess ng necessary permits and paperwork para sa shooting na gusto nilang gawin dito sa campus. Alam mo na.”

“Okay po.” Inilapag ni Alina ang bag sa cabinet. “Ma'am, halika po, sasamahan ko po kayong kumuha ng mga forms.”

Paborito kasing pag-shootingan ng kung anu-anong commercial, drama at pelikula ang school campus nila, kaya hindi na ito ang unang beses ngayong taon na nag-assist si Alina sa pagproseso ng mga permit na kailangan.

“Ma'am, para sa ano po ang isushoot nila dito? Drama po ba?”

“Ah, hindi. Para sa music video ito.”

“Po? Kanino po? Parokya ni Edgar? Sarah Geronimo? Wag nyo pong sabihing kay Daniel Padilla?”

“Naku, hindi ito local na singer. Kaya nga maswerte ang mag-aappear sa video na ito kahit extra lang eh.”

“Wag nyo naman pong sabihing-- One Direction?”

“Naku, hindi. Alam mo ba ang bandang cuSKYE?”

“Po?” Napalakas tuloy ang tanong ni Alina.

* * *

“Lin, bakit ang daya-daya mo? Hindi mo agad sinabing magsoshooting pala dito sa campus ang cuSKYE!” reklamo ni Leny nang sumunod na umaga. “Kundi ko pa narinig na may nag-uusap na taga-admin dun sa CR, hindi ko pa natunugan!” 

“At least ngayon sinabi ko na, ano, masaya ka na?”

“Liiin! Best friend talaga kita!” Sabay sugod sa kanya ng yakap ni Leny.

“Kaaaaye! Help!” apela ni Alina sa kaibigang pinanonood lang sila.

“Bahala ka sa buhay mo,” sagot agad ni Kaye. “Better you than me.”

“Lin, kelan nga ulit yung shooting...?” tanong ni Leny.

“Wala pang definite na schedule, pero magsisimula daw this week.”

“Excited na akong makita sila ulit! Hindi ka ba excited na makikita mo pa ulit si Woo-jin?”

“Heh, tumigil ka nga, Leny. Ilusyonada ka talaga.”

* * *

“Hyung, parang kanina pa tayo dito, wala pa ring nangyayari.” Nagpalinga-linga sa paligid si Jae-soo. Umaga yun ng Huwebes, unang araw ng shooting nila para sa music video. Nasa gilid sila ng open ground sa gitna ng isang university; bagamat maraming nakikiusyoso, walang tumatawid sa cordon na nakapaligid sa bahaging yun ng field.

“Saka ang alinsangan, sana naman may dumating na hangin,” reklamo ni Sung-jae.

“Eto na si Manager Min, tanungin na lang natin kung ano ang problema,” si Young-min.

Kasama ni Manager Min si Miss Montez, ang representative ng local agency na kapartner ng label nila para sa Manila concert and events.

“I'm so sorry, sir,” sabi nito. “It appears that Hannah Madrigal and the director are both running a bit late because there was an accident that caused a traffic jam.”

Habang nag-uusap si Manager Min at si Miss Montez, may dumating naman na estudyanteng may dalang mga papeles na iniabot sa agency rep, at nag-usap sila ng saglit.

Biglang siniko ni Young-min si Woo-jin.

“Di ba si Alina yan?”

“Hyung! Siya nga yan!” bulalas ni Jae-soo.

“...as of now we are okay,” sabi ni Manager Min kay Alina. “Thank you for your help.”

“The administration office asked me to make sure that everything goes smoothly while you are in the campus,” ang sagot. “Please don't hesitate to call for me if you need some help from the school.”

“Yes we will, thank you, Miss Pagunsan.”

Nag-usap ulit ang dalaga at si Miss Montez, pagkatapos ay lumipat sila sa kabila at tila pinag-usapan ang mga equipment ng banda na ise-set up. Mamaya-maya ay humiwalay na sa kanila si Alina at tila paalis na. Siniko ulit ni Young-min si Woo-jin, na hindi natinag. Si Jae-soo na lang ang siniko ng band leader upang tumayo ito at sundan si Alina.

“Noona! It's you! You remember me, right...?”

Tila nahiya pa si Alina, pero huminto ito at ngumiti kay Jae-soo.

“I didn't think you'd remember me,” sagot nito. 

“Of course we remember you, Alina,” sabad ni Young-min, na lumapit na rin. “But wow, what a coincidence! So this is your school?”

“Yes. Um, look, it was nice to see you again, but I really have to go, I still have a class. Bye!”

“But you'll be back, right?” pahabol ni Jae-soo sa kanya.

“Not sure. If Miss Montez needs my help, maybe.” Kumaway sa kanila si Alina. “I hope the music video turns out well!”

* * *

“Hay naku! Akala ko hindi ako magtatagal dun, eto at late na talaga ata ako!” bulong ni Alina sa sarili habang tumatakbo papunta sa susunod na klase.

Mabuti na lang at hindi pa dumadating ang professor pagpasok niya ng classroom. English subject ito, at magkaklase sila nina Leny at Kaye. Agad na sinunggaban siya ng Leny pagkaupo niya.

“Liiiiiin. Nakita kita kanina. Kausap mo silaaaaaa.”

“Sino?”

“Tange! Sino pa ba? Eh di yung cuSKYE!”

“Oh. Yun ba?” Binuksan ni Alina ang bag at hinagilap ang ballpen at notebook.

“Wag ka ngang mag-bisi-bisihan diyan, magkuwento ka!”

“Oo nga naman Lin! Magkwento ka!” sabad ng iba pa nilang kaklase. “Ang swerte mo naman, nakausap mo sila ng malapitan! Baka pwede mo kaming ipakilala?”

“Napag-utusan lang po ako ng admin na sumilip dun, no. Nagtanong lang sila kung estudyante ba ako dito, yung ganun.”

“Yun lang? Marunong ba silang mag-Tagalog?”

“Hindi. Pero marunong silang mag-Ingles.”

“Lalapit nga sana ako kaso hinarang ako ni Manong Guard. Kainis lang,” reklamo ng Leny.

“Nakakahiya nga eh,” si Kaye. “Kulang na lang maglupasay siya dun kapipilit kay Manong Guard na papasukin siya sa cordon.”

“Hoy Kaye, hindi naman ganun ha.”

“Anong hindi, eh nandoon ako, nakita kita!”

Naputol lang ang bangayan nang dumating ang prof nila. Pero pinasahan pa rin siya ni Leny ng mensaheng nakasulat sa papel.

“Basta Lin, after class tingnan natin kung nagsoshooting pa rin sila ha?”

* * *

Medyo nababagot na si Woo-jin sa shooting. Bukod sa natagalan ang pagdating ng director at guest star sa music video nila, tumagal pa lalo ang pagbibihis at pagme-makeup ng dalaga. Pagkatapos, naka-ilang NG (not good) pa ito sa eksenang kinukunan nila. Pero siyempre, hindi niya pwedeng ipakitang naaasar na siya.

Sumulyap siya kay Young-min, na nakatayo sa di-kalayuan, pagkatapos ay napabuntung-hiningang tinanaw sina Jae-soo at Sung-jae. Maswerte ang dalawang iyon at kailangan lang sila para sa eksenang tutugtog ang banda. 

“Okay, let's try this again,” sabi ng director, na natapos na ring kausapin ang co-star nila. “Take your places, Woo-jin, Hannah.”

“Feeling Blue” ang title ng kantang ginagawan nila ng music video. Simple lang ang konsepto ng video-- isang babaeng iiwanan ng unang minamahal at makakatagpo ng bagong magmamahal. Isa ito sa mga kanta nilang may English lyrics, at nakipag-coordinate ang agency nila sa isang local TV network para gawin ang video. Si Hannah Madrigal ang talent na inirekomenda ng network para dito.

Hindi naman siguro coincidence na fan din si Hannah ng cuSKYE, sa isip-isip ni Woo-jin. Ito nga ang unang prisinta nito nang ipakilala sa kanila. “I'm a big fan of yours, oppa!” Lagi itong nagtatanong tungkol sa Korea at sa ibang mga pop idols at artista. “But I'm just curious-- of course you're all my favorites, oppa!”

Sa wakas, in-okay na ng director ang take. Dahil masyadong hapon na, nagpasya na itong mag-pack up at sa susunod na araw na lang itutuloy ang shooting. Bumalik na sina Young-min at Woo-jin sa mga upuan nila, ngunit wala doon ang mga kasama kaya't itinanong sila ni Young-min kay Manager Min.

“May kausap silang kakilala,” sagot ng manager nila. “Paano n'yo nakilala ang estudyanteng yun?” Itinuro nito sina Jae-soo at Sung-jae sa di-kalayuan. Kausap ng dalawa si Alina.

“Manager, siya po yung ikinuwento ko sa inyo,” sabi ni Young-min bago pa makapagsalita si Woo-jin.

“Ah, siya ba? Bakit hindi niya sinabi kanina na magkakilala pala kayo?” Kumunot ang noo ng manager nila.

“Nahiya po siguro. Hindi naman niya inexpect na magkikita pa kami ulit eh.”

“Sabagay, tama ka nga, Woo-jin. Magalang siya at mabait.  Sinuwerte ka doon kahit binaha ka, ha.”

“Mukha na nga pong magkasundo sila ng mga maknae. Nakakita na naman sila ng bagong noona.”

“Ako may reklamo pa rin,” sabad ni Young-min. “Ayaw niya akong tawaging oppa.”

“Ayan ka na naman, Young-min. Marami naman nang tumatawag sa iyo ng oppa, makuntento ka na doon.”

“Alam nyo naman pong gusto ni Young-min na maging oppa ng bayan.”

“Oo naman. Kung merong Korea's little sister at Korea's fairy, ako gusto kong maging Korea's oppa.”

Hindi na sinagot ni Woo-jin ang patutsada ni Young-min at napansin na niyang pabalik na sa kinaroroonan nila ang mga kasama.

“Sir,” sabi ni Alina kay Manager Min. “I'm a bit embarrassed to ask this, but... the editor of the campus paper wanted me to ask you if the band would consent to a short interview while you are here. He said they would understand if the band is too busy, but they would be very happy if you accept.”

“Young-min?” tanong ng manager.

Isa-isang tiningnan ni Young-min ang mga kasama, na nagsipag-tanguan. 

“Okay lang po sa amin,” sabi niya.

* * *

Biyernes, alas otso y medya ng umaga.

“Oh, Kaye, handa ka na?” tanong ni Alina sa kaibigan.

“Okay lang,” sagot.

“Ako kanina pa handa,” si Leny. “Handang-handa.”

“Kelan pa naging writer tong babaeng to, Kaye?” kunot-noong tanong ni Alina.

“Ako yung photographer!” sagot ni Leny.

“Ah, okay,” si Alina. “Basta, behave ka ha?”

“Oo naman,” sabay matamis na ngiti.

Si Kaye ang features editor ng campus paper, at siyang nakatokang mag-interview sa banda. Actually, si Leny ang may pakana ng lahat dahil ito ang umungkat sa editor-in-chief kung wala ba silang planong interviewhin ang cuSKYE. Walang masyadong alam sa K-pop ang EIC, ngunit matapos nitong iresearch sa internet tungkol sa banda, inutusan na nito si Kaye na maghanap ng paraan para makakuha ng interview.

Kaya tuloy imbes na hapon pa ang klase ni Alina, maagang maaga pa ay nasa school na ito upang samahan ang mga kaibigan sa interview.

“Iba talaga pag may kaibigan katulad ni Alina,” tuwang-tuwang bulalas ni Leny.

“Kung hindi lang naman ako napag-uutusan ng admin, hindi naman sana ako makakalapit sa shooting, no,” katwiran naman nung isa. 

“Hindi, bukod sa maganda, mabait ka lang talaga, Lin!” 

“Huhulaan ko, may kailangan ka.”

“Ito naman, hmp! Porke ba pinuri, may kailangan na? Hindi ba pwedeng best friends muna?” Sabay bulong, “Saka malakas ka lang talaga kay Young-min, ho ho ho.”

“Tama na nga kayong dalawa, malapit na tayo,” si Kaye. “Tamang-tama ang dating natin, kakadating lang din ata nila.”

* * *

“Noona!” kaway agad ni Jae-soo pagkakita kay Alina. “And Miss Leny, hi!”

Ipinakilala ni Alina ang mga kaibigan kay Manager Min at sa banda.

“Is it okay if we have the interview here in the tent, or would you be more comfortable in another venue?” tanong ng manager.

“Oh, this is okay, sir,” si Kaye, sabay labas ng recorder. “Thank you very much for your time.”

“It seems we must be grateful to you for many things, Miss Alina,” komento ni Manager Min habang pinapanood nilang kinukunan ni Leny ng litrato ang banda. “Woo-jin told me what happened, but you didn't say anything.”

“I'm sorry, sir, I didn't know you knew. I didn't want to make trouble for him.”

“No, I suppose you don't. Thank you. More and more I am beginning to think how lucky Woo-jin was that it was you he met.”

* * *

Maiksi lang ang interview. Simple lang naman ang mga tanong ni Kaye-- pangalan, kaarawan at zodiac sign; ano ang mga bagay na gusto nyo; paano nagsimula ang banda; ano ang paborito n'yong music; alin ang paborito ninyo sa mga kanta nyo (sabay plug ng bagong kantang ginagawan nila ng music video). Napansin ni Alina na sumesenyas si Leny, ngunit hindi ito pinapansin ni Kaye. Sa huli, nang kulang na lang ay sumali sa interview si Leny, pinagbigyan na ito ni Kaye.

“I hope you don't mind me asking, but I'm sure all the girls here are anxious to know what your ideal girl is and if you have girlfriends,” sabi nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro