Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

“Hmp, ang sama naman ng panahon, ayaw pa tayong pagbigyan,” himutok ni Leny habang pababa sila ng taxi. “Mapuputikan pa ata tuloy 'tong boots ko, hmp.”  

“Arte nito,” si Kaye, na kampanteng sumukob sa payong ng staff ng mall na sumalubong sa kanila. “Si Alina nga hindi nagrereklamo eh.”

“Isa pa yan,” dagdag ni Leny. “Siya na nga tong imbitado, hindi naman nakabihis. Kala mo pupunta lang ng school o.” Inginuso nito ang suot ni Alina na pantalong maong at puting t-shirt na pinatungan ng striped cardigan na pink at tinernuhan ng sneakers na pink din.

“Huy, Leny ka, movie premiere lang 'to no,” saway ni Kaye. “Hindi naman siya tatanggap ng award sa FAMAS or whatever. Manonood lang tayong sine!”

“Eh kahit na! Nandoon sina Young-min oppa at Woo-jin oppa in person!” Kinawit ni Leny ang braso sa braso ng dalawang kaibigan nang makapasok na sila ng mall. “Eh pano pag may date sila ni Woo-jin oppa pagkatapos?” bulong pa nito. 

“I don't think he cares what she's wearing,” sagot ni Kaye.

“Kahit na!”

Hinayaan ni Alina na magtalo ang dalawang kaibigan. Kinakabahan siya. Kahit na napanood na niya noon si Woo-jin sa concert, ito ang unang pagkakataon na makikita niya ito bilang boyfriend niya sa mundo nito-- ang mundo ng showbiz. 

Siya, nasa spotlight. Ako, nasa audience. 

Hindi ko naman kailangang pumasok din sa spotlight di ba? Tama na 'tong nasa audience ako't pinapalakpakan siya, di ba?

“O, ayan na ang ticket counter, Lin,” si Leny. “Kausapin mo na yung babae.”

“Haba ng pila o.”

“Hindi naman na siguro natin kailangang pumila,” si Leny.

“Pero Leny...”

“Hay ewan ko sa yo.” Hinatak na siya ni Leny sa unahan ng pila, kahit na maraming umaalma sa likod.

“Miss, may nag-iwan po ba ng ticket para kay Miss Alina Pagunsan?” Si Leny na rin ang nagtanong.

“Ah, yes, ma'am,” sagot agad ng babae. “Sandali lang po. Kayo po ba si Miss Alina?”

“Siya po.” Sabay tulak sa kaibigan.

Medyo naibsan na rin ang kaba ni Alina nang maiabot sa kanya ang sobreng may ticket.

“Ma'am, may kasama pong snacks yung ticket nyo. Ipakita nyo lang po yung kalakip na coupon dun sa may snacks counter para po makuha n'yo.”

“Maraming salamat po,” sagot ni Alina.

“Teka, habulin natin si Kaye,” sabi agad ni Leny, na inginuso ang kaibigang nakapila sa snacks counter. “Ang bait-bait talaga ni oppa, libreng sine na, may snacks pa. Hayyy!”

Nagtalo pa sila kung papasok na ba sa sinehan o aabangan pa sa labas ang pagdating ng mga artista.

“Sus, para bang hindi mo na sila nakita in person. Mauna na tayo sa loob para makakuha ng magandang upuan!” rason ni Kaye, sabay hatak sa kanila papasok ng cinema. 

Back row, center. Yun ang paborito nilang upuan. Buti na lang at wala pang nakaupo. Gusto sana ni Leny sa mas mababa, para may tsansang makatabi ang mga artista, pero na-overrule na naman siya ng dalawa.

“Saka makikita natin lahat ng nangyayari pag dito tayo nakaupo,” si Kaye.

Unti-unti ding napuno ang sinehan. Sinalubong ng palakpakan at tilian ang pagpasok ng tatlong stars ng pelikula. Bagamat hinatid sila sa upuan, hindi kaagad naupo sina Woo-jin at Young-min, kundi pumihit at kumaway sa ibang mga manonood.

“Oppa! Over here!” sigaw pa ng Leny, kahit hinahatak siya ni Alina.

Kumaway sa kanila ang dalawa nang makita sila.

“Hus, yung iba diyan o, lumuwang ang ngiti nang makita ka,” bulong pa ng Leny sa kaibigan.

“Nakita ba talaga tayo?”

“Nakita tayo nun,” si Kaye. “Ssssh, mag-uumpisa na ang palabas.”

Love story ang pelikula, na pinamagatang Starry Dreams. Tungkol ito sa isang Pinay (ginanapan ni Hannah) na nagbakasyon sa Korea at nakilala ang dalawang magkaibigang Koreano (ginanapan nina Young-min at Woo-jin) na hindi niya alam ay mga artista pala. (“Hmp, parang pinahabang version nung music video nila,” puna ni Leny.)

Si Young-min ang bidang lalaki, kaya ang ibig sabihin, si Woo-jin ang nabasted. Hindi naman alam ni Alina kung paanong magrereact habang pinapanood ang boyfriend na may nililigawang iba. Kahit pa alam niyang gumaganap lang si Woo-jin ng isang papel sa pelikula, hindi pa rin siya mapakali. Ang ganda-ganda pa naman ni Hannah sa pelikula, palaging nakasuot ng bestida at nakalugay ang mahabang buhok. 

Pagdating sa kiss scene, napaisip tuloy si Alina kung ano kaya ang pakiramdam ni Jangmi kung nanonood ito. Sabagay, artista din si Jangmi. Hindi na siguro ito magseselos na kinailangan ng boyfriend niyang halikan ang ibang babae sa isang pelikula. Pero kung si Woo-jin siguro ang pinapanood niyang ganoon, naku... 

“Wui, loka, pelikula lang yan ha,” bulong ni Kaye. “Wag mong seryosohin.”

“Ha? Wala, wala, okay lang,” sagot ni Alina.

“Hus, kanina mo pa iniirapan yung telon,” bulong din ni Leny. “O, ayan, tapos na. Kumalma ka na.”

* * *

Matapos maipalabas ang pelikula, pumunta na sa harapan sina Hannah, Young-min at Woo-jin para magpasalamat sa mga manonood at sa mga katrabaho.

Napagitnaan ng dalawa si Hannah, na ikinawit ang mga braso sa braso nila pareho. Tuwang-tuwa naman ang fans, tilian ng tilian.

“I want to thank Young-min oppa and Woo-jin oppa for taking care of me while we were doing this movie,” sabi pa ni Hannah. “They are both so sweet and nice. I was so lucky to have worked with them.”

Habang nagsasalita si Hannah, hinahanap naman ng tingin ni Woo-jin sina Alina sa audience. Hindi naman niya pwedeng senyasan ito at mapapansin ng lahat, kaya't nagdasal na lang siya nang magkasalubong sila ng tingin na mag-aantay ito hangga't matapos ang mga formalities ng premiere.

Nasa lobby pa nga ang tatlo at nagpapapicture sa harap ng poster ng  pelikula. Yun nga lang, sinalubong na ang mga artista ng mga reporter na humihingi ng sound bytes. Umangkla pa ang Hannah sa braso ni Woo-jin at tila ayaw nang bumitiw, lalo na nang tanungin ito kung sino ba sa dalawang co-star ang mas gusto niya.

“But they're both very nice,” sagot ni Hannah. “Young-min oppa is very sweet. Woo-jin oppa, however...” sabay ngiti kay Woo-jin, “he's sweeter.”

What the heck. Napa-freeze bigla si Woo-jin sa narinig. Nagkasalubong pa sila ng tingin ni Alina. 

“Is this what you say about me behind my back?” Umentra na si Young-min sa usapan, sabay siko sa bandmate. Nag-excuse si Woo-jin at sinenyasan si Alina na tumungo sa bandang loob ng lobby kung saan walang tao.

“I hope you're not going home yet,” bungad niya sa girlfriend.

“Actually we were about to...” Tumigil si Alina, dahil sa kasisiko ni Leny. “I mean, you look busy...” Siniko ulit ito ni Leny.

“I wanted to take you out to dinner,” ani Woo-jin. “The event is just about over anyway. Could you wait? Manager Min is just over there, you can wait with him until we leave.”

“I think that's our cue to go,” si Kaye, sabay hatak kay Leny.

“Oppa! I'm ready to go!” 

Nagulat si Woo-jin nang biglang umentra si Hannah, sabay kapit sa braso niya. Kasunod pa rin nito ang mga reporter. At may nagtanong pa kung kailan sila nagsimulang mag-date!

What the...? Gusto na sana niyang ibalibag ang kamay ni Hannah, pero hindi naman niya pwedeng gawin. No, Woo-jin. Bad for publicity. Nagkasya na lamang siya sa pagsulyap kay Alina sabay tingin kay Manager Min, bilang tanda na dapat pumunta na doon si Alina.

“Who's the girl?” tanong bigla ng isang reporter, na nakapansin.

“Oh, she's his P.A.,” sagot ni Hannah. 

* * *

“She's his P.A.” Sabay tingin pa ni Hannah kay Alina. “Teh, pwede ka na sigurong umuwi, hindi ka na kakailanganin.” Bumaling ulit ito kay Woo-jin. “Shall we go, Oppa? I'm hungry.”

P.A.! Pakiramdam ni Alina, para siyang naging tuod. Lalo na nang pagkatapos siyang paalisin ni Hannah na parang utusan ay tumawa pa ito ng marahan bilang tugon sa tanong ng isa pang reporter. At si Woo-jin naman, hindi nagreact, bagama't sandali itong natigilan sa sinabi ng co-star.

Oo nga naman. Bakit ito magrereact ng harapan, eh career din naman nito ang nakataya? Si Woo-jin na rin ang nagsabing umiiwas sila sa mga tinatawag na “dating scandal.”

Pero hindi ba dating scandal na rin ang tawag dun sa ginawa ni Hannah?

Woo-jin, wala ka man lang bang gagawin? Ni hindi ka nga nakatingin sa akin.

I guess hindi na rin matutuloy ang dinner date natin.

Tumalima na rin lang si Alina sa sinabi ni Hannah. Umalis na rin lang siya.

* * *

Nang makalampas na sila sa paningin ng mga reporter, tiim-bagang na kinalas ni Woo-jin ang pagkakakapit ni Hannah sa braso niya.

“Mind telling me what that was about?” tanong niya. “Why are you making the reporters think that we're dating?”

“Oh, come on, oppa... is that something to be angry about?” Tinampal pa ni Hannah ang braso niya. “Am I so hard to like?”

“Do you really want me to answer that with the truth?” Dumistansiya si Woo-jin sa babae. “Now if you will excuse me...”

“Oppa, why can't you understand?” Lumabi si Hannah. “We can just pretend to be dating for a while. It doesn't have to be real.”

“And why should I agree?”

“Oppa, I just need the publicity. Please. After the movie, if I don't get another project people will forget me. But if people think we're dating, I will get more invites for guestings and shows. It will be good exposure for me.”

Saglit na natigilan si Woo-jin. Naunawaan din naman niya ang pangangailangan ng isang artista sa publicity. Pero... tama bang hayaan din niyang gamitin ni Hannah ang kasikatan niya-- ng CUSkye-- para dito? Isa pa, meron na siyang Alina. Hindi naman fair sa girlfriend niya yun. 

Nag-iisip pa siya'y nagsalita ulit si Hannah.

“The reporters already believe we're dating, you know.” Nagkrusimano ang babae. Nag-iba ang expression, mula sa sweet at pa-cute ay bigla itong naging malamig at maldita.

Nairita tuloy si Woo-jin. Bakit pa niya kinunsidera ang dahilang binigay ng babae kung ganito lang din naman ang asal nito?

“You should do something to change that, then. Or I will,” asar na sagot niya.

“Oh really, oppa? You will? So it's okay with you to get into a scandal, then.”

“Hannah, you already caused a scandal. My agency is not going to be happy about this.”

“I meant if everyone found out you're really dating that girl, oppa. Your P.A. Is it okay with you?”

“She's not my P.A. And leave her out of this.”

“Whatever. So what will happen if everyone found out you're dating her?”

“Are you threatening me, Hannah?” Sinuklian ni Woo-jin ng malamig na ngiti ang mapaghamong ngiti ng babae.

“I'm just reminding you about what could happen, oppa. Do you think she will be able to cope with the publicity? You should thank me for diverting attention away from her.” 

Napatawa si Woo-jin sa huling sinabi ni Hannah.

“Thanks, but no thanks, Hannah. Now if you'll excuse me...?” Tumalikod na siya para hanapin ang mga kasama.

“I wonder what people will say when they found out Lee Young-min and Lee Jang-mi are really dating each other?” pahabol ni Hannah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro