Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

Quezon City, seven months later.

“Huuy! Anong pinagkakabisihan nyong dalawa?” tanong ni Alina kina Kaye at Leny, na abala sa tinitingnan sa laptop ng huli kaya't hindi nila napansing dumating pala ang kaibigan.

“Ay buteteng Hannah!” Napabulalas tuloy ang Leny. Hindi nito kaagad natakpan ang screen, kaya't naka-play pa rin ang pinanonood nilang Youtube video.

“Hannah-sshi, you have gained many fans because of the video for Lover's Sky. I'm sure the fans will be excited for your new project with cuSKYE. Can you tell us a little bit about it?” tanong ng Koreanang showbiz reporter.

“Thank you so much to the fans!” Kumaway pa si Hannah Madrigal sa camera. “I'm very excited too, to be working again with Young-min oppa and Woo-jin oppa for this new project. We worked together well on the video for their song, and I'm looking forward to continuing our friendship.” Nagkuwento na si Hannah tungkol sa magiging pelikula kung saan tampok silang tatlo.

“You and Woo-jin-sshi look so good together in the video. I'm sure the fans are curious... is it really only friendship?” tanong ng reporter pagkatapos. 

“Do we?” tumawa si Hannah. “I really cannot say anything about that, it is not my place to say.”

“Does that mean, if we asked Lee Young-min-sshi and Song Woo-jin-sshi about it, they might give a more positive answer?” pangungulit pa ng reporter.

“It is not my place to say,” nakangiti pa ring sagot ni Hannah. 

“Gaaaaah!!! Gusto ko siyang sabunutan!” gigil na bulalas ni Leny.

“Leny, puso mo,” si Kaye. “Lin, gumagawa lang naman ata ng isyu ang Hannang yan eh. Nung nandito yung guys, wala tayong nadinig kundi reklamo tungkol kay Hannah. Tapos ngayon de pa-friendship friendship pa siyang nalalaman.”

Nagkibit-balikat si Alina. 

“Kala ko ba pupunta tayo ng Trinoma?” ang sagot sa kanila.

“Di ba Martes ngayon? Di mo kailangang umuwi ng maaga? Anong oras tatawag si Woo-jin?” tanong ni Kaye.

“May show sila sa Busan ngayon eh, kaya hindi siya makakapag-online. Next time na lang daw.”

“Ano ba yan. Tapos next week Valentine's Day na. I-email ko kaya si oppa na kung hindi siya magtitino, pupuntahan ko siya sa Seoul at pagsasasampalin kahit pa love na love ko siya,” si Leny.

“Magdidyip ba tayo o magtataxi?” tanong ni Alina.

“Liiin. Ano ba. Ganyan lang ba ang reaction mo, deadma?” reklamo ni Leny. “Si Hannah oh, andun sa Seoul, naghahasik ng lagim. Hindi ka man lang nagagalit?”

“Taxi na lang, tinatamad akong mag-jeep,” pagdedesisyon ni Alina. Sinasadya niyang hindi pansinin ang mga spekulasyon ni Leny. Ayaw naman niyang magreact pa at baka lalo lang magkagulo. At ayaw niyang magmukhang insecure, no.

Mula noong umalis si Woo-jin, walang linggong dumaan na hindi niya ito nakakausap, kung hindi sa e-mail, sa chat. Mas madalas pa nga yata niya itong nakakausap kesa nung nasa Pilipinas pa ito. Yun nga lang, hindi pa bumabalik ng Pilipinas ang binata. Masyado naman talaga itong busy-- maraming concerts at TV guestings na magkakasunod-sunod, promotions para sa album ng banda, kung kaya't hindi ito makakita ng pagkakataong makaalis ng ilang araw. Kahit man lang noong Pasko'y kinailangan pa nitong magperform sa mga variety show, kaya nagpadala na lang ito ng regalo. Hindi pa nga nagagamit ni Alina ang mamahaling bag na binigay nito, at wala naman siyang paggagamitan.

 “Oh?” napabulalas bigla si Leny nang nasa taxi na sila. Nag-iinternet pa rin ito gamit ang cellphone. “May bago na namang album ang cuSKYE? Kakarelease lang nila ng album ah!” Sumulyap ito kay Alina. “Bakit hindi mo sinasabi, Lin?”

“Hindi ko alam eh.”

“Hindi mo alam? Walang sinabi si Woo-jin oppa sa yo?”

“Wala.”

“Baka nakalimutan lang, busy kasi,” si Kaye.

“Tapos English album pa oh! Tapos sabi dito ito daw yung first album na sina Young-min oppa at Woo-jin oppa daw lahat ang nagcompose saka nagsulat ng lyrics! Ay, nakakaasar! Wala ring sinabi yung dalawang maknae, naku! Makikita nila sa akin sa chat!” Nag-uusap na rin kasi sina Leny, Kaye, Sung-jae at Jae-soo sa chat paminsan-minsan.  

Siniko na lang ni Kaye si Leny para tumahimik ito.

Hindi na nagpahalata si Alina sa mga kaibigan kung ano ang nararamdaman niya. Nitong mga dumaang araw kasi, parang laging hassled at laging busy si Woo-jin. Dinadahilan nitong nagrerecording sila tapos nagpeprepare para sa comeback concerts kaya maiksi lang ang mga naging pag-uusap nila sa chat. Hindi na rin nito laging sinasabing gusto nitong bumalik ng Pilipinas. Tine-take for granted na ba siya nito? O nakalimutan na?

Siya man ay busy rin sa mga interview at hinihinging requirements para sa study-abroad program. Nakapasa na siya sa initial selection at ngayo'y sasalang na sa susunod na baitang. Noong una, hindi na rin niya masyadong ininda ang pagka-busy ni Woo-jin at pareho naman silang abala sa kani-kanilang ginagawa, ngunit ngayon, nabahiran na ng pagdududa ang puso't isipan niya.

* * *

Iba naman ang naging reaksyon ng banda sa interview na yun ni Hannah. Parehong napa-”Weh? Di nga?” sina Sung-jae at Jae-soo. Natawa lang sa sarili si Young-min. Kulang na lang mapatampal sa noo si Woo-jin.

Nasa Busan na sila, sa backstage ng concert venue, nagpapahinga bago magsimula ang performance.

“Ano ba yang pinagsasabi ng babaeng yan, hyung?” tanong ni Jae-soo.

“Ang layo niyan sa katotohanan di ba?” si Sung-jae.

“Ke malayo ke hindi,” obserbasyon ni Young-min, “hindi naman tayo pwedeng magsalita na diretsang kinokontra yung sinasabi niya at may kontrata pa tayo para doon sa pelikula. Mamaya magkagulo pa.”

Sabay na tumingin ang tatlo kay Woo-jin.

“Hyung, sa palagay mo ba, napanood ni Alina noona yung interview?” tanong ni Jae-soo.

Bigla tuloy nahintakutan ang Woo-jin. Hiniram nito ang tablet ni Jae-soo para magbakasakaling online si Alina kahit napag-usapan na nilang hindi muna sila magcha-chat ng gabing iyon. Pero walang Alinang sumasagot sa mga mensahe niya. Noong gabing iyon, at sa sumunod pang mga gabi. 

Nang hindi na niya mahagilap si Alina online, tinangka niyang tawagan ang cellphone nito, ngunit laging unattended. 

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nakaramdam ng panic si Song Woo-jin tungkol sa lovelife niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro