
Chapter 38 - Campbell's Bridge
CHAPTER THIRTY-EIGHT - CAMPBELL'S BRIDGE
Mga ilang days narin after nalaman ng lahat na ako at yung long lost Princess Saoirse nila ay iisa. It went well, okay naman yung mga kaibigan ko and Isabel was exasperated at first dahil bakit hindi ko raw sinabi kaagad sa kanya. Pero na-accept naman ako ng lahat bilang si Saoirse at okay na Kaming ni Sab ngayon. Okay naman so far. Si Dean nga medyo nagulat pero nagpapasalamat ako dahil pareho parin yung pagtrato niya sa'kin, bilang si Lola parin.
Si Harold naman, after niyang magsabi sa'kin ng katotohanan, hindi na siya pumasok pa sa school.
Tapos, yung grades ko naman, ipinasa nalang nila dahil ako raw si Princess Saoirse. Ganoon ba 'yun? Pero mga ilang oras pagkatapos nilang sinabi 'yun sa'kin, bumalik ako dahil napag-isip-isip kong parang hindi tama. Parang may mali talaga kung ipapasa nila ako sa mga subjects ko. So, I decided na kukuha nalang ako ng make-up exam. Napasa ko naman, thankfully.
Thursday night ngayon and I can't believe bukas na yung pinakahinihintay ng lahat, ang JS prom. Of course naghahanda yung lahat para doon kaya itinakda ng school na walang class buong Thursday para makahanap ng prom dress yung mga wala pa.
I inhaled and exhaled. These days palagi kong naiisip si Saoirse. Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko. Ang lawak-lawak ng room ko and I feel so alone.
"My best childhood memory is when I met her." Sandali siyang tumigil. Sino si her? Bigla namang lumungkot yung aura niya pero nakangiti parin siya at nakatingin sa mga tao sa paligid niya. "She showed me how unfair life could be but at the same time, kung gaano rin ito kaperpekto." Ayun, tapos umupo siya.
Owtz! Saan naman nangaling 'tong flashback ko?
Bakit kaya malungkot si Kulangot ngayon? Nang walang anu-ano'y bigla kong naalala yung sinabi niyang childhood memory niya. Baka dahil doon kaya siya malungkot. Matanong nga. "Um, Kulangot, malungkot ka ba dahil sa babaeng kinwento mo na best childhood memory mo?" Hindi naman ako masyadong usyoso 'no? -.-
"Hindi ako malungkot 'no. Wala ata akong puso." Malungkot na pagwika niya. Tss. Di raw malungkot, ansaveh? "Alam mo ba kung bakit wala na akong puso?"
Lumungo ako. "Malay ko, surgery?"
"Nagseseryoso na nga ako e, hahaluan mo pa ng biro. Hindi, kasi binigay ko na 'yun, doon sa babaeng ikwinento ko kanina sa bonfire."
Yung babaeng ikinwento niya sa bonfire. Yung babaeng ikinuwento niya sa'kin ng gabing kinidnap kami.
"Ah ganoon ba? Eh, nasaan na siya ngayon?"
"Ah siya? Wala na siya, matagal na siyang patay." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? Patay na? Kaya pala. Isa rin siguro sa mga dahilan ni Kulangot ang babaeng 'yun para kamuhian niya ang mga babae.
"Naku, sorry, hindi ko alam."
Hindi ko alam, hindi ko alam. Wala akong alam. Aish! Nakakaloka. Bakit ba 'to nagflaflashback sa isip ko? Bakit ko ba naaalala ang mga pinag-usapan namin ni Kulangot about sa babaeng inakala niyang matagal nang patay?
"Sandali." Napatigil naman siya at napatingin sa kamay naming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto. Agad kong binawi yung kamay ko. Aish, baka kung ano pa 'tong isipin ni Kulangot. Namula ako at nakalimutan yung itatanong ko. "Si Saoirse—ano, um—"
"Naalala mo ba yung babaeng ikinwento ko sa'yo sa bundok bago tayo nakidnap?"
Napaisip ako. "Yung babaeng ikinwento mo sa bonfire? 'Yung best childhood memory mo?"
He smiled sweetly. "Ikaw 'yun."
Ako 'yun.
Ako yung babaeng ikinwento niya sa bonfire.
Ako yun.
Pero bakit ganoon? Hindi ko siya matandaan? Hindi ko siya maalala.
Wala akong maalala!
I closed my eyes at napaisip ako. Bakit ganito? Bakit gusto kong maalala? Sino ba talaga si Kulangot sa buhay ko? Bakit ko ba 'to binibig deal? Teka, si Dean. Paano si Dean. Siya dapat yung inaatupag ko kasi love story namin 'to. Kaming dalawa ang bida dito.
Pero bakit ganito? Bakit ako naguguluhan?
Nang walang anu-ano'y narinig ko yung message tone ko. Biglang tumunog at naramdaman kong kumabog yung puso ko kahit walang pahintulot.
Kinapa ko yung cellphone ko sa tabi ko. It was the same phone na iniregalo sa'kin ni Dean. It was the same phone that started all of this.
ғʀoм: DeanMirasol
~From that moment you came into my life I knew that you were extraordinary and different. Kung alam mo lang sana who you are to me. Alam kong ang corny ko when it comes to this pero I just want to tell you that you're special to me. I want to see you smile and I want to tell you that I fell in love with you. Not for how you look just for who you are. Hindi man tayo nagkita, I swear you're definitely somebody in my life. Ahm, p*ta, ang corny ko nga.~
Si Dean? Si Dean nagmura? Napangiti nalang ako sa binasa ko. It was sweet hanggang sa second to the last sentence. Ewan, natatawa nalang ako, palaging may panira.
Icliclick ko na sana yung reply pero napatigil ako. Ano naman yung irereply ko? I sighed. Baka nakakalimutan mo, Lola, this message wasn't sent for you. Para 'to kay Celestine. But why is that nafefeel ko, para 'to sa'kin?
Napalungo nalang ako at inilagay yung phone ko sa bedside table. Tapos, napatingin sa malaking glass na sliding door patungo sa terrace ng kwarto ko. Gabing-gabi na pero hindi padin ako makatulog.
I just can't stop myself sa pag-iisip tungkol sa kanya, at unfortunately, sa kanya rin.
~♡~♡~♡~
"Oh my Gosh! Is that Princess Saoirse?! OH MY GOSH, SHE'S SO PRETTY!" Paglabas ko sa sasakyan agad na nagtakbuhan ang sari-saring mga babae't lalaki para picturan ako. Genern? Tatakbo pa talaga?
"Princess Saoirse, can we take a picture of you?" Minsan, tumatango nalang ako pero most of tme, hindi pa ako naka-oo, nagpipicture na sila at nagpapasign.
"OH MY GHAD! OH MY GHAD! SI PRINCE MATHEW! OH MY, SH*T! ANG HOT!" Tili ng isang babae sa tabi ko kaya agad akong napatingin sa direksyon ni Mathew. Chochet! Gwapo ng best friend ko ah.
"Uy, Lola!" Bati niya sa'kin at napatingin sa suot ko na si ate Ethel mismo yung nagpili. "Ikaw ba 'yan? Instant artista yung tipo mo e."
"Shunga, kung artista ako, ano ka pa kaya?"
Tumawa kami ni Mathew na parang hindi namin pinapansin yung mga tao sa paligid namin. Nag-usap din kami sandali hanggang sa may narinig kaming pamilyar na boses ng isang babae. "Ugh! Paparazzis go away, I'll give you my autograph later. Ow! Ow, my foot, foota. "
Napalingon kami at nakita namin si Isabel. Oh my gash, ang ganda niya! "Wow, ang ganda ni Isabel." Wika ko. "Huy Mathew, ang ganda ni Isabel." Nagtaa ako ung bakit hindi 'to nagsasalita kaya agad akong napatingin sa kanya. Aaaah, kaya pala, tulalang nakanganga e. Hinawakan ko yung chin niya at isinara yung nakangangang bibig niya. "Too slutty for you pala ha." Agad namang sumeryoso yung mukha niya.
Napalingat sa direksyon namin si Isabel. Nakita niya kami kaya agd siyang nagwave. "Lola! Oh my gosh, hi Mathew!"
"Isabel, ang ganda mo ngayon."
"Exactly, I know right." Tapos naghair flip siya. "Haha pasensiya na, Lola, ay este Saoirse, you look so elegant." Hindi niya na ako pinahintay sa isasagot ko dahil nabaling na ang tingin niya papunta kay Mathew. She bit her lower lip. "Mathew! My loves, samahan mo naman ako sa loob!"
Napakkibit baliat si Mathew at tumingin sa'kin para humingi ng tulong. "Mathew, samahan mo na si Isabel papuntang loob." Napalook up naman yung mata niya at humnga siya ng malalim tapos napatingin sa'kin na parang gusto niya akong chopchpin. Nginitian ko nalang sila habang hinihigit ni Isabel.
"Kyaaaaaaa! Uwaaaaaa! Ayoko na! Is that Prince Dean?! Hawtie!" Tili ng mga babaeng nasa paligid ko.
"Will you shut up nga! Baka gusto mong makipagsabunutan sa isang prinsesa na girlfriend niyan!"
"Nagsabi lang ng hawt e! Nagsasabi lang ako ng katotohanan! Oh geez, panyo nga, I think I'm drooling."
Titingin pa sana ako kung nasaan si Dean pero tumigil kaagad yung puso ko nang narinig ko ang tinig niya. "Lorraine." Slow-mo akong napatingin sa kanya. Sheeet, susme, gusto kong umihi! Waaaah, ba't ang gwafu-gwafu niya? "I'm sorry, Saoirse pala." The he smiled at me. "Saoirse?" Nga-nga ako sa beauty niya. "Saoirse, you look like a princess tonight." Ni hindi ko na napapansin yung mga puri niya. I just--I just can't. Bakit nakakalaglag parin ng panty ang kagwapuhan ng crush ko?! Napatigil lang ako sa pagpapantasya when he waved his hands in front of me. "Saoirse."
"Ay, sorry." Agad akong bumalik sa mga senses ko. Naalala ko tuloy, ganito din yung reaksyon ko noong nagkabangga ami sa hallway.
"Shall we?" Then he offered his arm. Kung pwede lang akong tumalon talon dito, malamang napagkamalan na akong unggoy.
Pumasok na kami sa loob-looban ng gym. Opo, nasa lobby pa ho kami kanina. Nasa Gymnasium kasi ng Porcupine Academy magaganap yung JS prom. Dahil nga may dakilang entrance pa hindi muna kami pinapasok sa loob ng Gym.
Since the entrance is done with pairs. Kailangan kong hanapin yung Senior student na pares ko. Wait, ano nga ba ulit pangalan no'n?
Ewan, kilala ko naman siya sa mukha e. Mahirap man isipin pero we parted muna ni Dean para mahanap yung partners namin. Sa sobrang effort ko na mahanap yung kapartner ko, may nabangga tuloy ako. "Aray!"
"F*ck!" Wika niya no'ng nagkabanggaan kami.
Inangat ko yung ulo ko para makita kung sino yung nakabangga ko. What the heck! Ewan, pero parang temporarily nagstop ang time habang tinitignan ko si Kulangot. Tapos, unti-unting humina yung mga boses ng paligid. Ano'ng nangyayari sa'kin? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko?
Nagkatinginan kami ni Kulangot ng isang sandali. He looks stunning hot in his tuxedo. Sh*t! Napamura pa talaga ako. Bakit ang wafu niya?
Nabawi lang 'yung lang sandaling pagtitinginan namin ng may sumigaw at kumabit kay Kulangot. "Hi, Prince Rice, papicture please! Pretty please!"
Tapos, agad ding may humarang sa harap ko, isang lalaki na nagbigay ng isang red rose. "Princess Saoirse, a red rose for you, freshly pick para sa inyo." Doon lang agad na bumalk yung noisy na background at doon lang naging normal ulit yung takbo ng oras.
"Um, thank you, I need to find my partner muna para sa entrance at sa photobooth." I smiled tapos tumalikod.
"Wait, Princess Saoirse, ako 'to, si Jasper, yung partner mo!" Oh dear! I shook my head. Seriously? Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?
Ugh, ni hindi nga kami nakapag-usap man lang ni Kulangot noong nagkabanggan kami. Wait, what is wrong with me? Si Dean... si Dean ang isipin mo, Lola, huwag si Kulangot!
~♡~♡~♡~
"Ladies and Gentelmen, may we all stand up for a wonderful prayer that would be led by Dheenise Villaruz." Panimula ng emcee at exactly 8:00 pm na nasa gilid ng stage. Agad namang tumayo ang lahat para sa prayer. Hmm, saan kaya banda yung table nina Kulangot? Ay este! Table pala ni Dean! Ano ka ba, Lola, bakit si Kulangot ang iniisip mo? -.- Ano'ng nangyayari sa'kin?
Habang nagsasalita yung leader ng prayer, hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa bawat mesa na maraanan ko. Medyo malapit pala sa'min sina Mathew and right beside her is his partner, si ate Jillian na sobrang inosente yung mukha at mukhang napaghandaan talaga sa periwinkle blue gown niya.
Sa kabilang side naman ng aisle sina Dean at yung partner niyang, hindi ko kakilala. Oh well, kung sino man 'yang babaeng 'yan, sana hindi siya nagsuot ng napaka-ikling cocktal dress dahl ang panget tgnan sa kanya. Cocktail pa ba 'yan? Haist, di naman maaakit si Dean sa kanya e.
Sa katabing lamesa niya, napalingat ako sa isang taong nakatingin din sa'kin, si Kulangot. The next thing I knew parang nagha-hand signal siya sa'kin while mouthing some words. "Ano?!" I mouthed tapos inilagay ko ang kamay ko malapit sa tenga ko, signaling that I can't hear him.
Inilagay niya ang dalawang kamay niya together na parang nagdadasal tapos nabasa kong nagmouth siya. "Ano'ng ginagawa mo? Magdasal ka!"
Hypocrite o, siya nga hindi yumuyuko! Itinuro ko siya and I mouthed "e, ba't ikaw?!"
He gestured his two fingers, itinuro 'yun sa sariling mata niya tapos, sa'kin and he slowly mouthed, "Nagdadasal ako! Napatingin ako sa'yo!"
I did the same gesture to him pero this time, pumadyak ako para mahalata niyang seryoso ako. "Magdadasal din ako at napatingin ako sa'yo!"
Wait.
What?
"... At the name of the father, the son, the holy spirit, amen." Pagkatapos na pagkatapos ni Dheenise sa pagdadasal, agad namang tumunog yung audio ng pambansang awit ng Pilipinas at lahat ay napalagay ng kanilang kamay sa chest nila as a symbol of respect.
Tiningnan ko si Kulangot. Then I stared at him na parang tinatanong ko siya nang "Ano'ng tinitingin-tingin mo?"
And he stared at me na parang gusto nyang sabihin na "Bawal ba? Hindi naman ah."
I just rolled my eyes as a sign of 'whatever' tapos ibinaling yung tingin ko sa center stage hanggang sa matapos yung pambansang awit. "Princess Saoirse, ano po'ng nginingiti niyo?" Wika ng partner ko.
"Bawal ba? Hindi naman ah." Sabi ko sa kanya at nagtaka naman yung ekspresyon niya habang pinauupo na kami.
After ng prayer, may mga events pang dumaan katulad ng candle-lighting at tsaka turning over ng mga titles na yung mga Seniors mismo yung mga gumawa as one of their triibutes dahil last year nalang nila sa Porcupine Academy.
Then all the juniors were called para sa cotillion nila. Tumayo ako at hinanap ko yung partner kong si Dean. Kahit anong angulo talaga gwapo si Dean. Nasa kanya na siguro yung title ng isang tunay na modelo.
Narinig kong nagsisimula na yung music. Then Dean and I started to bow to each other. Siya, in a gentlemen's way, ako in a ladies' way. Napangiti ako. "You're dazzling pretty tonight." Ngumiti rin siya pero parang may lungkot sa mga mukha niya.
Hinawakan niya yung kamay ko and we started dancing as it was choreographed. "Dean, ano'ng problema?"
He smiled pero ganoon parin, may lungkot padin sa mga mata niya pero this time, hinigpitan niya ang paghawak sa kamay at bewang ko. "Are you really Saoirse?"
Inilibot ako ni Dean and slowly bent me down. His eyes were full of mystery kaya hindi ako nakasagot agad. "Well, hindi ko rin alam." We started to move in a diamond pattern. "The DNA result was positive pero hindi ko maalala si Saoirse." Napatingin siya sa'kin at nagkaroon ng hope ang kanyang mga mata. "Bakit mo naman naitanong."
"Um, it's because, it's because Rice--" Siya mismo yung pumutol sa sinabi niya. "Sorry, never mind that." He said tapos inilibot niya ako ulit.
"Well, okay lang naman kung--"
"I said never mind!" Irritated na sinabi niya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong side ni Dean kaya napatahimik agad ako sa gulat. He never acted this way to me. Ano ba'ng problema niya? I was just trying to as him. Napansn niya siguro yung pagagulat at may pagahurt--yes you heard it--medyo nasaktan ako sa inasal niya kaya naman napasorry. "Sorry, I'm sorry. I'm so sorry. I shouldn't have said that."
Tumahimk nalang ako at hindi na sumagot. Geez, nakakatakot 'to magalit. Pero, talaga, ano ba yung kinakagalit niya? Eh ano ngayon kung ako nga si Saoirse?
Natapos yung cotillion ng mga Juniors at yung mga Seniors naman yung sumunod. Hindi ko alam pero napatingin ako sa direksyon ni Kulangot. Pero sa halip, si Isabel yung nadatnan ko sa lamesa niya. Oo nga pala 'no, si Isabel yung junior partner ni Kulangot.
Hinanap ko si Kulangot sa formation and unexpectedly, nahanap ko siya. He's dancing with someone I don't know. Sino ba 'to? "Um, Jasper yung name mo diba? Kilala mo ba yung babaeng sinasayaw ni Rice?"
"Si Prnce Rice po ba?"
Ay malamang, sino pa ba yung Rice dito? "Ah, oo."
"Ah, si Princess Charabee po." Hindi ko alam pero parang sumikip yung dibdib ko. Isang prinsesa? Argh, of course isang prinsesa. "Ex-girlfriend po niya." Parang lalong sumakip yung dibdib ko. Oh wow, muntikan ko nang makalimutan, casanova 'tong si Kulangot. Aish! Ba't niya sinasayaw yung ex niya? Ex niya na nga diba, EX!
"Eh ba't niya naman niyaya yung ex niya?"
"Ah, si Princess Charabee po kasi yung pinakamataas na prinsesa sa mga fourth year, Prince Rice didn't ask her po, it was already expected."
"Aaaaah." Napatango-tango ako at tumingin sa direksyon nila. Yung sinasabi nilang Princess Charabee wasn't even talking to Kulangot, and Kulangot also wasn't even giving her an attention, sa halip, nakatingin sa'kin si Kulangot. "What?" I mouthed at nagkibit balikat tapos napatuon yung tingin niya sa partner ko.
Agad namang nagwhisper sa'kin yung Senior partner ko. "Um, Princess Saoirse, ako lang ba 'to o matalim nga talaga yung tingin ni Prince Rice sa'kin?"
I looked at Kulangot. Oh well, mukhang naiinis yung ekspresyon niya habang tinitignan niya 'tong katabi ko ah. "Hmm, huwag mo nalang pansinin, hindi ka naman kakainin no'n." Pagcomfort ko sa katabi ko na tila'y ninenerbyos. "Huy, ano'ng nangyayari sa'yo, ba't parang takot ka ata?"
"Wala, ayoko po kasi ng away, lalo na kapag isa sa anak ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya dito sa lugar natin ang makaka-away ko." Eh sows. Takot itow kay Kulangot? Nakailang sipa at suntok na nga ako kay Kulangot e. Hala, ngayon ko lang narealise, ang dami ko nang nagawang mali kay Kulangot, ako rin pala yung nakasira ng phone niya back at the stockroom.
Mas maikli yung cotillion nila kaya natapos kaagad. Sinundan ko nang tingin si Kulangot hanggang sa naka-upo na siya sa lamesa niya. "Ano?" He mouthed at nagkibit balikat pa noong napansin niya akong tumitingin sa direksyon niya.
Lumungo ako at ibinaling yung tingin ko sa nagsasalitang emcee. "...for the ceremony. And now may we all please take our seats and behold the night. Ladies and Gentlemen, dinner is served!"
Agad na nagsidatingan ang mga waiters. Kanya-kanyang table may sariling waiter nila. Tapos, inilagay na nila yung mga pagkain sa harap namin. OMG, nakakagutom. Hay salamat, dinner is finally served!
Habang kumakain kami, may mga nagperform sa gitna. Ang gagaling nga nila sumayaw e, kainggit lang. Tapos noon, meron ding short video presentation na ipinapakita. "Okay, so seat back and relax because after this presentation, we will have to announce the Prom Queen and the Prom King in the Seniors while in the Juniors, the Prom Prince and the Prom Princess."
I sighed. Eto na siguro yung resulta ng botohan ng mga tao last week. Oo everyone was able to vote last week, ako lang yung pinakahuling nakalagay ng vote ko. Actaully noong Wednesday lang ako pinavote kasi roon lang nila naalala na absent ako noong nagbotohan.
Pero finally, baka nabilang na nila yung mga votes na ibinigay ng mga tao sa kung sino ang gusto nilang maging Prom King at Queen sa seniors. Tapos, Prom Prince and Prom Princess naman sa batch namin.
Of course, ang isinulat kong Prom King ay si Kuya tapos since wala naman akong masyadong kakilala na babae sa Seniors except kay ate Jillian na hindi ko naman feel, nagcreate nalang ako ng napakacommon name, meron naman sigurong pangalang Nicole sa mga Seniors diba?
Sa Prom Prince and Princess naman, siyempre isinulat ko rito yung best friend ko tsaka yung ex best friend ko. Si Isabel at Mathew. Bagay naman sila sa isa't isa e! Si all-out at si pakipot.
Noong matapos ang video presentation, agad na natuon ang atensyon ng lahat sa center stage. I-aannounce na yung mga nanalo sa botohan. "Okay, so let's start off with the Prom Prince!" May kinuhang papel yung emcee tapos binasa niya 'yun ng malakas. "Congratulations, Prince Dean Mirasol!" Lahat ng tao'y nagpalakpakan at tumayo naman si Dean, ngumiti at pumunta sa tabi ng emcee. "And, the Prom Princess," Agad na nagtilian ang mga babaeng juniors na parang mahihimatay. Kung isang Dean Mirasol ba naman ang magiging prinsepe, hindi mo nanasain maging prinsesa niya? "Okay, please make a round of Applause for the Prom Princess, Princess Pamela Smith!"
Agad namang nagpalakpakan yung mga tao pero narinig kong nagsalita yung iba. "Sayang, akala ko ba naman si Princess Saoirse yung mapipili!"
"Oh girl! Kung ipinaboto lang sana sa'tin to after nating nalaman na nagbalik na si Princess Saoirse, edi sana siya ngayon siya yung Prom Princess."
"Wala girl e, lampake, binoto ko yung sarili ko."
Agad na tumayo si Pamela at pumunta sa center stage. Nagpalakpakan naman ang marami. Noong nakita kasi ng mga tao na okay na kami ni Pamela, nakalimutan nalang nila kaagad ang yung mga sinabi ni Isabel about kay Pamela last month. Kinorohanan silang dalawa, si Dean ay nilagyan ng red crown tsaka black robe tapos si Pamela naman ay kinorohanan ng crown siyempre at nagrecieve ng lace necklace at tsaka matching bracelets. Nakangiti ang lahat pero, isa lang yung masasabi ko, hindi sila bagay.
Pagkatapos silang makoronahan, nagsalita ulit ang emcee. "This time around, we will announce the Prom King and The Prom Queen!" Nagpalakpakan ang lahat-lahat na parang excited talaga sila, sinasamahan kasi kami ngayon ng magandang background music na nagpapadagdag ng excitement. "Let us all begin with the Prom King!" Naghiyawan ulit ang mga tao. "So obviously the Prom King is..." May pabitin effect pa siyang nalalaman, obviously naman pala daw e. "King Cornelius Jensen Crawford."
Agad naman nagpalakpakan ang lahat at napatingin sa lamesa ni Kulangot. Nakipalakpak nalang din ako at tinignan ang direksyon pero laking gulat ng lahat ng walang Cornelius Jensen Crawford ang lumitaw. Hay, ang lalaking 'yun? Inannounce na Prom King tapos biglang nawala?
"Hey, miss beautiful young lady, I guess you are th partner of Prom King. Do you mind telling us where he is." Tinanong ng emcee si Isabel politely.
Agad namang nagcross-arms si Isabel. "You don't know me? I'm not just a lady. I'm Princess Isabel and I don't know." Dahil sa sinabi ni Isabel, nagtinginan naman ang mga tao sa paligid para mahanap si Kulangot.
"Oh, well, maybe the Prom King just went to the comfort room." Ngiti ng speaker na parang kinocomfort ang mga tao. "Okay, now, let's announce the Prom Queen of this year. Obviously... Queen..." tumulon muna ng laway yung emcee. "Queen Charabee Chua." Tapos nagpalakpakan yung lahat. Kung hindi ako nagkakamali siya yung pair ni Kulangot sa cotillion.
Nagsmile siya at pumunta sa gitna ng stage, sa tabi ng Prom Prince and Prom Princess at emcee. Agad naman siyang kinoronahan ng mas malaking corona virus. Tsaka lace necklace din at matching bracelet.
Tapos pinicturan sila ng mga photographers. "LET THE SOCIALS, BEGIN." Wika ng emcee habang sinasabi ag pinakahinihintay ng lahat.
As a tradition, pupunta dapat yung Prom King at Prom King sa gitna para iled yung slow dance at since absent ang lokong sina Kulangot, ibang pares nalang yung isinayaw ng Prom Queen. Pumunta rin sa gitna yung Prom Princess at Prince of course. If I know matalim ang mga mata ni Pamela sa lalaking hinigit ng Prom Queen, then be my guess, si Prince Cameron na tunay na crush ni Pamela yung hinigit noong Charabee 'no?
Nagsimula na yung slow dance at unti-unti naring napupuno ng lahat yung dance floor. "Princess Saoirse, may I dance with you?" Yaya ng kapares ko. O ba't naman ako aayaw?
"Pare, sasayawin ko muna best friend ko ha." Pagkatapos akong isayaw ng kapartner ko pumunta si Mathew sa'kin at siya naman yung kasayaw ko ngayon.
"Uy, ba't ako yung sinasayaw mo? Si Isabel?"
"O, ano si Isabel?" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. "Aish, ba't ba sa lahat, ako yung paborito mong batukan?"
"Eh loko ka e. Si Isabel sayawin mo."
"Ayoko."
"O, bakit?" Paleft right, left right lang muna kami ni Mathew.
"E, ayoko sa kanya e."
Tumingin ako sa direksyon ni Isabel. May kasayaw itong iba. "Sus, ayaw mo lang kasi nahihiya ka."
"Hoy talagang may hiya ako, yang si Isabel, walang hiya yan pagdating sa'kin."
"Type mo naman."
"Hindi ah." He defended.
"Then sayawin mo!" Lumungo siya. "Sayawin mo dahil kung hindi, magtatampo ako sa'yo. Sige na kahit para sa'kn lang."
"Hay, kahit kailan talaga. O sya, susubukan ko." Tapos, nag-inhale exhale siya at umalis. Bago pa ako nakaalis ng dance floor, agad na may kumausap sa'kin.
"Princess Saoirse, sayaw po tayo." Wika ng isang lalaki. Seriously? Di ko nga 'to kilala. "Um, ako nga pala si Jason, hindi mo ako kilala pero diba maganda yung tunog ng pangalan ko?"
"Ah, haha, oo." Sige, agree nalang tayo.
"Pero mas maganda yung tunog ng number ko, gusto mong marinig?" Hay ang mga lalaki ngayon.
Sasagot pa sana ako, kung hindi lang may kumulbit sa lalaking 'yun at dumating si Dean. "May I borrow my girlfriend?" Tanong niya sa lalaki.
"Eh, kakasayaw--hay, okay."
"Borrow pala ha? Ano ako? Bagay?" Tanong ko kay Dean although nasweetan ako sa ginawa niya.
He placed both of my hands sa shoulder niya at yung mga kamay niya naman ay nasa waist ko. I wrap hands around his neck. "Sorry na. I didn't mean it tsaka sorry narin kanina. I was just--" He paused and sighed. "Nagulat lang ako." His green eyes stared into mine. "Forgive me."
Ngumiti ako. "Ba't hindi kita papatawarin, palagi mong tinutunaw yung puso ko e."
Sumayaw kami ng sumayaw. Inilibot niya ako tsaka bend and sometimes naaapakan ko yung paa niya. Oh whale.
"Pare, maaari ko ba munang isayaw yung best friend ko." Pagsalita ni Mathew. Tumango naman si Dean. He was kind of hesitant at first pero ayun nga, si Mathew na yung kasayaw ko ngayon. "Tss, ano ba 'yan Lola, kanina pa kayo sayaw ng sayaw ni Dean."
"O, ba't naparito ka?"
Parang nag-iba yung ekspresyon niya na parang inis na inis siya ngayon. "Wala."
"Oy, ano'ng wala? Nakasayaw mo ba si Isabel?"
Lumungo siya ulit. "Nakakainis ka kasi." Sows, sa'kin pa isinisi. "Tsaka may kasayaw pa siya."
"Huy, Mathew, mga isang oras ko nang nakasayaw si Dean tapos hindi mo pa pala sinasayaw si Isabel?" Tumahimik naman siya at nagsad face. Aysus, yung best friend kong 'to.
"Nakaka-inis ka nga kasi tapos may kasayaw pa si Isabel tsaka wala akong plano."
"Mathew, magtatampo na talaga ako sa'yo ah. Kausapin mo si Isabel, okay." Naparoll eye nalang siya at umalis ulit.
At the mean time, babalik na sana ako sa upuan ko nang nagkita kami ni Jane. "Oh my Gosh Lola, you're so pretty!"
"Hala ikaw rin Jane, bagay sa'yo ang kulay peach."
"Aww mas fabulous ka!" Nag-usap kami sa dance floor ni Jane, medyo nagchange naman kasi yung music at naging mabilis yung beat kaya nagsayawan kami ng mga kaibigan ko na sina Dheenise, Freya at Jane. Nakisal narin sina Pamela, Cathlyn at Isabel. Naiimagine ko tuloy si Mathew na naaktingin sa direksyon namin at nagkakamot ng ulo dahil hindi niya alam kung ano'ng gagawin.
Umupo muna kami ni Jane sa table nila at nagpahinga sandali. Nag-usap din kami tungkol sa mga bagay-bagay. I looked around. Nasaan na kaya si Kulangot?
Maya-maya dumating si kuya Ray sa'min at niyaya ako na sumayaw. "Sasha sayaw tayo, dali."
Nagkibit balikat ako, wala eh, kuya ko 'to. "Jane, mamaya nalang ulit ah."
Nagsayawan kami ni Kuya sa Dance Floor at eksaktong tumunog yung "One Last Time" na kanta ni Ariana Grande. Oh well, hindi naman 'to slow song kaya cool lang kaming nagsasayawan ni kuya Ray.
Nag-usap din naman kami hanggang sa hindi ko na talaga napigilan yung Bunganga ko at napatanong ako kay Kulangot. "Um kuya Ray, si Rice asan?"
"Si Rice? Haha, yung g*gong 'yun talaga. Andiyan lang siguro yan." Chineck niya yung time niya. "Malapit na palang mag-alas dose at matapos 'tong promenade."
Pagkatapos naming magsayawan ni kuya, ma iilang lalaki pa yung nakasayaw ko. To be honest, hindi ko sila kilala, pero mukhang kawawa naman kung aayawan ko diba?
Tatlo, apat, mga pito pa ulit siguro yung nakasayaw ko at palagi ko silang tinatanong kung ano'ng oras na. Habang sinasayaw ako ng isang lalaking hindi ko kilala, tinanong ko din siya ulit kung what time na, pero bago siya makasagot, nagsalita yung emcee. "Okay three more songs to go! Sa mga torpe diyan, this is your time to shine."
Napasigh ako nang may nag-ask na naman na lalaki na isayaw ako. "Um excuse me. What time na?" Tanong ko sa kanya.
"It's 11: 50 pm po, Princess Saoirse." Mga ten minutes nalang at mageend na 'tong prom. I sighed. Ba't ako dissapointed? Bakit feeling ko, nasasaktan ako? Bakit feeling ko unti-unting nadudurog yung puso ko.
Mukhang hindi nga siya dadating.
"Okay, this is the second to the last song!" Agad na tumunog yung isang slow song.
"Hello, susme, sasayawin ko ulit yung best friend ko." Parang gusto ko nalang magface palm, ano na naman ang ginagawa ni Mathew dito?
"Mathew? Nasayaw mo na ba?"
"Hindi, may kasayaw ulit siya." This time binatukan ko siya ng tatlong beses. "Aray, aray, oy!" Sabi niya habang nilalagay yung braso niya sa harap bilang defense.
"Bw*set ka! Kanina ka pa, akala ko dumating na siya, yun pala ikaw na naman. Hay, Mathew! Ang kulit mo! Edi agawin mo siya sa partner niya! Kanina ka pa hinihintay noon!" Pinaghahampas ko siya. Nakakabaliw. Naghahampasan kami sa gitna ng dance floor sa isang mellow song.
"Aray, Lola, tama na!" Dahil nga bw*set na bw*set na 'ko sa best friend ko, hinigit o nalang sya papunta ay Isabel.
Kkinulbit ko yung partner ni Isabel. "Um kuya sayaw po muna tayo."
Nagulat naman yung lalaki. "Princess Saoirse!"
Tumingin ako kay Isabel. "Isabel, si Mathew, sasayawin ka sana." Tapos hinigit ko si Mathew sa harap ni Isabel. Nagblush naman si Isabel ng sobrang-sobra.
"U-um, a-ano, may I dance with you?" Eksaktong sinabi 'yun ni Mathew, natapos yung kanta at napalitan ng bago, ang huling kanta for this prom night. "Just The Way You Are" pa ni Bruno Mars.
Ngumiti naman na halatang kinilig si Isabel tapos tinanggap niya yung kamay ni Mathew at nagsayawan sila.
Heto naman ako kaharap ang isang taong hindi ko kilala. Geez, siya nga ba yung last dance ko sa gabing ito? "Kuya, what time na po?"
"Um, Princess Saoirse, two minutes to midnight."
Naramdaman ko ang pagmamala ng lalamunan ko. Bakit ko ba siya hinihintay? Bakit ko ba 'to nararamdaman? Feeling ko tinutusok-tusok yung puso ko. "Aaaah, sige kuya."
"I'm Cameron pala." Wait, teka, kaya pala medyo pamilyar yung mukha nito.
"Prince Cameron?"
"Ah, oo yun yung tawag nila pero listen, kaibigan mo ba 'yung babaeng 'yun?" Agad niyang itinuro si Pamela na tahimik na nakaupo malapit sa dance floor na tahimik ding nakatingin sa direksyon namin. Wow! What a coincident? Coincident nga ba? "Pwede mo ba akong tulungang makasayaw si Pamela."
"Yun lang pala e." Agad ko siyang hinigit papunta kay Pamela, kinausap ko si Pamela and just like Isabel, kinilig-kilig din ako na parang gusto akong yakapin pero siyempre, hindi nila dapat ako yakapin kasi magmumukha silang over.
I sighed. Naramdaman kong malapit ng matapos ang kanta. Wow mabuti pa yung mga kaibigan ko, nakasayaw nila yung gusto nilang makasayaw. I straightened my back at umalis pero bago ako nakahakbang ng isa, agad na may humawak sa kamay ko.
"Bunganga."
I gulped. Hindi ko na maidescribe yung nararamdaman ko. Kung lilingon ba ako, makikita ko yung mukha niya?
I looked back to see his face at hindi ko napigilang mapangiti. I bit my lip para pigilan yung saya ko. "Pasensiya ka na kung pinaghintay kita."
Hindi ko alam kung ano yung ginawa ni Kulangot pero bakit namumula ako ngayon at tsaka yung puso ko. "Akala ko hindi ka na dadating."
Ngumiti naman siya. Tapos, unti-unti siyang lumuhod. "Bunganga." Hindi niya parin binibitawan yung kamay ko. "Bunganga, would a princess like you dance with her prince?"
Sasagot pa sana ako pero narinig ko'ng huling lyrics ng kanta. Hudyat na patapos na ang prom. "Kulangot tapos na yung huling--"
"I'm asking you. Will you dance with me?"
Hindi ko maexplain kung ano yung nararamdaman ko.
Naloloko na ba siya? I swallowed hard. Saktong tumigil yung kanta na nagpapayahag nang hating gabi.
"Yes."
Ngumiti siya ng napakangiti at ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inasahan. Hinigit niya lang naman ako papalabas ng gym papunta sa parking lot ng Porcupine Academy.
"HOY KULANGOT! AKALA KOBA SASAYAW TAYO?!" Hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya tapos pinagbuksan niy ako ng pinto. I was so confused pero nakangiti lang siyakaya pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan. Then he turned to the otherside at pumasok nadin sa driver's seat at agad-agad na pinatakbo ang sasakyan niya. "Hoy, saan tayo pupunta?!" Nakangiting ewan na tanong ko. Ano ba 'tong si Kulangot, napakaloko talaga, akala ko ba isasayaw niya ako.Anyareh?
"Ang bilis mo kasing kausap. Hindi ba halata?" Tumingin siya sa'kin at tuluyan na akong nahawa sa ngiti niya. "I'm kidnapping you right now."
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kulangot pero gaya ng sabi niya, kinidnap niya ako kaya paano ko ba naman malalaman? Nagkwentuhan kami sa loob ng sasakyan tapos nagtawanan. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon dito.
Mga thirty minutes yung lumipas hanggang sa tuluyang tumigil ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Then he offered his hand, tinanggap ko at agad na bumaba ako sa sasakyan.
Nagulat ako sa nakita ko, kung hindi ako nagkakamal. Ito yung tinatawag nilang Capbell's bridge. Dito ako muntikan nang nahulog noong hinahabol kami ng mga kidnappers last month. Dito rin ako nawalan ng malay. Pero bakit ganito? Bakit ang ganda-ganda ng lugar. Nasa paligid ng bridge ay mga puno at hardin. Nakakatuwa, ang damng bulaklak sa paligid na kulay yellow, blue, at tsaka red. Tapos, may mga malalaking paru-paro na halos magkasingkulay sa mga bulaklak. Ang lahat ng ito'y nililiwanagan ng buwan na pinalilibutan ng maliliit na mga bituin.
Hindi ko maalala pero parang deja vu. Parang naapunta na ako rito sa napakamagical place na 'to. Teka, ito 'yun e, yung panaginip ko sa bus bago kami nakarating sa Mangrove Planting. "Nagustuhan mo ba?"
"Wow." Yun lang yung lumabas sa bibig ko. Malayo ang itsura no'ng campbell's bridge nang gabing hinabol kami. "Ginawa mo ang lahat ng 'to?"
Ngumiti naman siya at tumango. "Ganito kaganda noon yung Campbell's bridge hanggang sa napabayaan na ito. So I fixed it again."
"Ang ganda." Hindi ko maisabi ang lahat ng flowerful adjective sa mundo pero talagang napakamagical ng lugar, parang kumikislap ang paligid at nagkaroon ng buhay ang abandonadong bridge. "And buwan, napakaliwanag." I said admiring it.
"Parang ikaw."
"Ano'ng ginagawa mo?" Napatawa ako kasi bigla bigla niya nalang hinawakan yung dalawang kamay ko at inilagay 'yun sa balikat niya. Tapos, lumapit pa siya ng kaunti at inilagay yung dalawang kamay niya sa bewang ko.
"Sinasayaw ka." Sa bawat salitang binibitawan niya, bumibilis ang takbo ng puso ko. Parang nararamdaman ko na rin na may lumilipad sa tiyan ko.
"Loko ka ba? Nasaan yung music?" Hindi ko mapigilang matawa sa sitwasyon namin. Malalim at tahimik kasi yung gabi, tapos sumasayaw kami rito ng nakagown at nakatuxedo nang mag isa sa isang stone bridge na pinapalibutan ng mga bulaklak.
"Hindi mo ba naririnig?" Nagtaka ako sa sinabi niya. "Hindi na kailangan ng music. Kung hindi ka bingi, maririnig mo ang kanta ng mga bituin."
"Ahaha, ang corny mo Kulangot, kay kuya mo yan nakuha 'noh?"
Bago pa siya nakasagot, hindi ko alam kung ano'ng sumapi sa'kin at agad ko nalang siyang niyakap. I layed my head on his shoulder. Nararamdaman ko tuloy ang pagtibok ng puso niya.
Kahit walang music, nakakabingi padin. Nakakabi pa din yung mga puso namin, lalo na yung akin.
We stayed like that for... hindi ko alam, sobrang tagal naming sumayaw. Maybe more than an hour. Tumigil lang kami nang nakaramdam na kami ng pagod.
Then we sat on the bridge at tiningnan yung magagandang bituin at yung maliwanag na buwan sa itaas. "Bakit wala ka pala no'ng inannounce yung Prom King at Queen?"
"It was obvious na kaming dalawa ng kapares ko yung magiging Prom King at Queen."
Tinignan ko siya. "So ayaw mong maging Prom King?"
"Aanhin ko pa yung pagiging hari kung ibang reyna ang makakasama ko?" Tumaas naman yung kilay ko. Ilang beses niya na ba akong napangiti ngayong gabi? "Seven billion smiles, and yours is my favorite."
Tumingala ako sa langit asi alam kong namumula na 'ko sa mga pinangsasasab nito. "Nga-nga, haha. Ewan ko sa'yo." Tapos bumalot ng kakaunti ang katahimikan kaya napatingin ako ulit sa kanya.
Nahuli ko ata siyang tinitignan ako kaya siya naman yung dali-daling napatingala sa langit tapo nagsigh siya at narealise yung ginawa niya at tinawanan nalang namin ito.
Mga ilang minuto rin bago siya nagsalita ulit. "Alam mo ba kung bakit Monquierto Valley yung tawag sa lugar natin?"
"Malamang hindi. Pero hmm bakit nga ba?"
"Kasi hango ito sa salitang l'amour conquiert tous."
"Ha? Ano??" Nawala naman yung antok ko sa sinabi niya.
"It's french." Nagkibit balikat siya. "It means love conquers all."
"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Totoo. Talagang-talaga." I just smiled. Ngayon ko lang nalaman 'yan.
Ipinikkit ko ang mga mata ko to feel the night air. "Kulangot, naantok na--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko because I felt myself yawn. Tapos niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig na ako pero bago pa ako nagsalita tungkol sa malamig na hangin,, naramdaman kong may isinampay si Kulangot na tuxedo coat niya sa'kin. "Salamat." I said.
"Antok ka na? Sayang, hindi mo makikita ang unang liwanag ng araw." Sunrise ba kamo yung ibig niyang sabihin. Hindi na ako sumagot pa at ipinikit ko nalang yung mga mata ko.
Then after several minutes naramdaman ko ang kamay ni Kulangot sa pisngi ko and he slowly pushed it palapit sa kanya so I could lay my head sa kanyang balikat.
He sighed tapos ng walang anu-ano'y narinig ko ang boses niya. "Under the tree where the grass don't grow. We made a promise to never get old." Kumakanta si Kulangot but his voice was a little dry. "You had a chance and you took it on me, and I made a promise." Bahagya siyang tumigil ng ilang sandali. "That I couldn't keep."
Ipinagpatuloy ko ang pagpikit ng mga mata ko at ang pagpanggap na tulog.
"Heart ache, heart break all over town. But something flipped like a switch and, you came around but I'm in pieces, pick me up and put me together."
I listened to him while he's singing.
"These are the days we've been waiting for, and days like these who couldn't ask for more. Keep them coming cause we're not done yet. These are the days we won't regret."
He paused at bago pa niya matapos ang kanta hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"These are the days we won't forget."
**
Hey Yowz Peepel~ Author's Note tayo!
So, I decided to change the cast.. So I know lampake kayo but Dean Mirasol is now Zach Efron. Yey! Narealise ko kasi na hindi the same generation si Jensen Ackles kina Anna Kendrick at kamukha naman ni Zack Efron yung mas batang Jensen Ackles kaya bongga! Pero hindi lang yan yung announcement ko. DEAR FRIENDS, I AM MAKING A HUGE DECISION PO, GUSTO KO PONG PALITAN YUNG TITLE NG MFMMF. Oh whale, why? Dahil I feel like I was plagiarizing? Pareho kasi yung title na yun sa Mr. Popular meets Ms. Nobody. SO AYUN I'M PLANNING TO CHANGE IT... GUSTO KO ORIGINAL AJUJUJU.. PERO LAME AKO MAG ISIP NG TITLE :(
And by the way.. April's gift ko sa inyo yung nasa media.. It's a gif...makikita niyo diyan madaming pictures kapag tinignan niyo sa web xD love lots.. Thank you sa mgasumusuporta jan.. Like appreciate ko talaga yun :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro