Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37 - Harold's Mystery

CHAPTER THIRTY-SEVEN - HAROLD'S MYSTERY

"HAROLD?!"

Gulat na gulat ako sa nakita ko, hindi aya si Harold ang mystery man ko? Are you kidding me?!

Nagulat rin siya siguro at naaninag niya na tinitignan ko ang pulang sobre at alam ko kung ano'ng ibig sabihin noon. "Um, ah-ano, ah, na--"

"Harold!" Nabigla siya at napatahimik. Kinamot niya ang likuran ng ulo niya at napatingin sa lupa.

"Lola, I--I can explain."

Parang nagrose up yung dugo ko. Huwag mong sabihing all this time, pangtrip lang lahat ng 'yun? Don't tell me pinagtritripan ako ni Harold dito all this time. Aaaaah. "Oo, mag-eexplain ka nga. Marami akong explanation na dapat marinig sa'yo." 

Agad akong humakbang papalapit sa kanya pero napastepback siya. Takot 'to sa'kin? Aish, dapat lang, nakakabw*set naman kasi. Nakakainis!

Hinigit ko siya at pinapasok sa sasakyan tapos sinabihan ko si manong na pakibantayan si Harold dahil may kukunin lang akong ilang gamit sa bahay. Kukunin ko yung sandamakmak na mga Mystery letters all in red envelope. Aish! I can't believe this. Akala ko all this time, seryoso. Well, seryoso nga ba?

~♡~♡~♡~

Napasuntok ako sa lamesa sa isang bakanteng kwarto ng mga Sandoval sa sobrang galit. Parang sa pelikula lang 'no, eh nakakasakal siya e. Nakakainis si Harold. All this time, siya yung Mystery man ko?! Aish, tapos hindi pa siya makakapag-explain ng maayos?!

"Harold! All this time ikaw yung nagpapadala ng sulat?!"

"Ahm, actually--"

"Tapos, sabihin mo nga sa'kin kung totoo ba yan lahat." Inihagis ko sa lamesa yung mga pulang sobre na naglalaman ng mga sulat niya sa'kin.

"Ah kasi 'yang mga--"

"Ba't ang hirap mong mag-explain. Ano ang kinalaman ni Mathew dito, sinisiraan mo ba siya?"

"Uy, teka, hind--"

"Ba't ayaw mong mag-explain?! Sagutin mo nga--"

"Uy kanina ko pang gustong mag-explain pero hindi mo ako pinapayagang huminga. Isa-isa lang please tsaka patapusn mo nga ako sa pag-eexplain!"

Napaupo ako opposite sa kanya. Hai, nakakahighblood. Teka, ba't ba 'ko nahahighblood?

I nodded at kinuha niya lahat ng mga pulang sobre. Pumili siya doon ng isa, yung pinaka-unang sulat na ibinigay niya. "Oo, ako yung nagbibigay sa'yo ng sulat." Mahinang wika niya.

Sinasabi ko na nga ba e. 

Inopen niya yung pinaka-unang sulat na ibinigay niya. Kinuha niya yung sulat at binasa. "Dear Lorraine, layuan mo si Mathew dahil hindi mo alam kung ano ang magagawa niya sa'yo pagnalaman niya ang katotohanan." Huminto siya nang ilang sandali at tumingin sa'kin. "PS: Hindi 'to si Isabel, dahil, kung siya ito, kakausapin ka niya ng personal dahil bati na kayo."

"O, go, explain. Ano'ng kinalaman ni Mathew aber?"

"Hanggang ngayon ba, hindi mo parin alam?" Kumunot yung noo ko. 

"Huh? Alam mo, huwag mo 'kong bitinin."

"Si Mathew yung nasa likod ng hellweek mo."

Napatigil naman ako sandali. "Hahahaha, nakakatawa, katulad ka lang nina Pamela at Cathlyn." Nagtaka naman yung mukha niya. "Kinausap ko na si Mathew tungkol diyan, sabi niya, wala siyang kinalaman tungkol sa hellweek ko."

"At pinagkakatiwalaan mo siya?"

"Malamang. Best friends kami e."

Napakamot siya sa ulo at napahinga ng malalim. Kumuha siya ng isang envelope. Ito yung pangalawang sulat na ibinigay niya sa'kin. Binasa niya iyun ng seryoso. "Dear Lorraine, second warning mo na ito, Layuan mo si Mathew! Concerned lang ako sa iyo. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin. Please, go away before he learns the truth. Nagtataka ka siguro kung sino ako. Ako ang tanging taong nakaka-alam ng lahat."

Nagtinginan kaming dalawa. I breathed at hinintay ko siyang magsalita.

"Noong, nakita mo ako kanina at dnala sa sasakyan para ipag-explain. I knew everything was over at ito na yung time na kailangan mo nang malaman yung totoo. Lahat ng sasabihn ko sa'yo, Lola, 'yun yung totoo."

"So you're saying na si Mathew yung may gawa ng lahat ng 'yun?

"Bakit ayaw mong maniwala? Ganoon mo ba siya kakilala?"

"Well... e ba't ikaw? Kilalang-kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya. Ayan e, ngayon ko lang talaga, nakakapagtataka.

Nagtinginan kami ng ilang sandali. "Did Mathew ever told you about his adopted sister Marie?"

"Hah, sige, layo ng topic natin ah." Tiningnan niya lang ako na parang sinasabihan na seryoso siya. 

"Nakwento niya na ba sa'yo that he had a sister before? Kaya lang, nawala 'yun sa kanya. It was his twin sister."

"Yes." Napa-oo ako, "nakwento 'yan sa'kin ni Mathew that time about kay ate Marie na adopted sister niya. Pero hindi ko matandaan na naikwento niya sa'kin tungkol sa twin sister na 'yan."

"That's because he loved her very much. Nangyari 'tong lahat ten years ago. Ang mga Black-Rosales ang ikatlong pinakamayang pamilya sa panahong 'yun so eventually, nakidnap din yung twin sister na babae ni Mathew."

Tumigil siya nang ilang sandali para maprocess ko yung mga pinangsasasabi niya. "I know hindi mo na 'to natatandaan dahil sa amnesia pero isa siya sa mga batang kasama mo noong nakidnap ka. Walang kamalay-malay si Mathew doon, akala niya, naglayas yung kapatid niyang babae. Pero yung totoo, nakidnap din ito. 

"Noong gabing nakatakas ang lahat ng mga bata, nakawala rin yung kakambal ni Mathew pero hindi siya umuwi sa kanila. Nagalt siya noong time na 'yun dahil akala niya hindi siya hinanap ng mga magulang niya. Nainggit sya sa kakambal niya na si Mathew, kaya hindi nga siya bumalik sa bahay nila hanggang sa napulot siya ng mga Macaraig.

"Doon na siya lumaki since then. Nababaliw na ata siya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Galit siya sa mga kidnappers dahil nasira yung buhay niya. Galit siya sa lahat pero noong lumipas ang mga panahon, namimiss niya naroin yung kapatid niya at gusto niya itong makita. 

"Noong time na 'yun, may dalawa siyang inaalalang purpose. Una, maghiganti sa mga nagkidnap sa kanya, at pangalawa, makita yung kakambal niya. Eksaktong nakilala niya si Evanna Steven. Nalaman niya kung ano'ng ginagawa nito. Isa itong long-time investigator ng mga Sandoval na pumasok sa Porcupine Academy at nagpanggap bilang isang guro.

"Inisip ng kakambal na babae ni Mathew na tumulong sa imbestigasyon para mahanap ang nawawalang prinsesa ng mga Sandoval. Sa ganoong paraan, maaaring matagpuan niya ulit, kung may pagkakataon, ang mga taong kumidnap sa kanya ten years ago. Tsaka, makikita niya rin ang kapatid niya. Kaya ang ginawa niya, nagpanggap siya bilang isang lalaki at pumasok sa Porcupine Academy."

Natapos ang napakahabang kwento ni Harold at ang response ko lang ay isang malaking nganga. Wait, teka, teka, teka.

Napalagay ako ng dalawang kamay ko sa mukha. He can't be serious.

"Ganoon ko siya kakilala, Lola, because he is my brother."

Nabulunan ako sa sarili kong laway. Hindi ko alam. Babae si Harold?! "BABAE KA?!"

"Huwag ka ngang sumigaw!"

Napalungo ako. "Babae ka, pero ba't ganyan ang boses mo? Boses lalaki? Tsaka ba't ka pa nagpanggap?"

"There's no ther way. Nagboboses lalaki ako kasi nagpapanggap ako, siyempre. Kambal kami ni Mathew. Alam niya kapag malapit siya sa kakambal niya, nararamdaman niya 'yun. Babae ang kambal niya kaya hindi siya maghihinala na ako 'to." Napatingin ako sa kanya na parang gusto ko siyang intindihin. "Noong last week na nagkasalubong tayo sa bookstore. Bibili ako noon ng napkin kaya ng dumating ka, kayo, hindi nalang ako tumuloy at yung--yung last time, yung pulang stain, akin 'yun."

"Oh my ghad." Sabay lagay ng kamay ko sa noo. "Alam mo, hindi mo naman talaga kailangang magpanggap e."

"I can't I'm under cover nga diba?"

"Para saan? Para mahanap si Saoirse? E, nahanap niyo na ako diba!"

"I miss my brother pero babalik pa sila, babalik pa ang mga kidnappers at kailangan kong maghigant--"

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin?"

"That time back at the audi. Noong sinabi ko sa'yo na ayoko nang magsinungaling pa. Sinabi ko sa'yo na litong-lito na ako kung bakit ko ba ginagawa ang mga ginagawa ko. I'm tired Lola, I forgot my purpose. I forgot Hazel."

"Teka, ano'ng sinab mo? Hazel?" Naalala ko kaagad noong nagbirthday si Mathew at may isang papel kung saan nakasulat ang pangalang Hazel. Hindi kaya yung Hazel na 'yun ay hindi si Hazel Macarag na known to be the gossip girl? Hindi kaya 'yun yung long lost sister niya?

"Hazelyn Cassandra Rosales, ang nawawalang kapatid ni Mathew Rosales ten years ago."

"Oh my gosh, kaya pala palagi kitang napapagkamalan ni Mathew. Kaya pala, pareho kayong mahilig magkamot sa ulo ninyo. You were keeping secrets from us all this time para sa isang dahilan na hindi klaro?"

"Well it was clear at first pero ngayon hindi ko na alam."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya. "I'm sorry Lola, tulungan mo 'ko." Nagsalita si Harold, este, si Hazel, sa kanyang tunay na boses. Medyo malalim parin pero halatang babae.

Wait, teka, ang pamilyar ng boses na 'yun ah. "Har--este, Hazel, ulitin mo nga yung sinabi mo."

"Ang alin?" He, este, she, hai bw*set, sighed. "Tulungan mo 'ko...?"

Agad akong napatayo at napahampas sa kanya. Kahit babae pa siya, nakakasakal na talaga e. "AMININ MO NGA HAROLD, IKAW BA YUNG MULTO NA NANAKOT SA'MIN NI KULANG--ESTE--NI RICE SA FIFTH FLOOR HA?! HA!"

"A--aray! Oo, a-ako nga 'yun!" Napatigil ako sa pagsampal sa kanya, nakakabw*set na e. Nakakasakal, nakakainis talaga siya. "Namataan ko sa tracking device, okay? Pero hindi na ao natuloy sa pagtulong kasi..."

"Kasi?"

"Kasi bet ko kayo ni Rice."

T*ngina! Ano'ng nakain ni Harold at ganito yung mga pnagsasabi nito. "Yung totoo. Ang sarap mong batukan! Wala naman pala talagang multo sa fifth floor!"

"Well, meron naman talagang namatay doon. Ang bunsong anak ng mga Hermano raw, kasama rin natin sa mga nakidnap noon."

"Hazel, mga Hermano? Yun ba yung dahilan kung bakit daw inadopt si Cathlyn Hermano?"

"MakaHazel, oo tsaka hoy huwag mo akong tatawaging Hazel kapag may ibang tao na ha, hindi pa klaro sa'kin kung ititigil ko 'tong pagpapanggap ko tsaka 'yun nga may namatay nga roon pero ako yung multong nanakot sa inyo. Kung tatanungin mo kung ba't di ko kayo tinulungang makalabas, e kasi, bet ko kayo ni Rice. Isa rin ako sa mga batang nakidnap at nasaksihan ko kung gaano kaclose sina Rice at Saoirse noon."

Napakalma ako at nagtaka sa mga nangyari noon since wala nga akong maalala. "Ha-Harold, ano--ano ba talaga yung nangyari noong nakidnap tayo noon?"

Napalungo si Harold. "Hindi ko 'yun makakalimutan, Lola, este, Saoirse, hay ang daming pangalan." Tumahimik ako bilang sign na magpatuloy siya. "Mga pitong batang mayayaman yung nahuli. Siyempre si Saoirse Sandoval, pitong taong gulang ka noon. Ikaw yung bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa Monquierto Valley. Pangalawa, si Cornelius Crawford, nag-iisang anak ng pangalawang pinakamayaman sa lugar natin. Pangatlo, ako, si Hazelyn Black-Rosales, pang-apat ay ang bunso ng mga Hermano tsaka yung natira ay nangaling sa ibang bayan. Kabilang na doon yung kalaro mong pinsan na halos kasing-mukha mo."

"Pinsan?" Lumungo ako at pinatuloy si Harold.

"Natatandaan ko pa, tahimik nang gabi ng ikalabing-dalawang araw ng Disyembre nang nadakip ako at si Daffodil, yung babaeng anak ng mga Hermano. Isang gabi ang lumipas, dalawang batang lalaki at babae ang muling nadakip mula sa ibang bayan. Dalawa pang araw ang lumipas, tatlong bata ang nadakip, kayong tatlo ni Rice, ang pinsan mo at ikaw ang pinakahuli." Napalungo si Harold na parang mapait talaga yung naranasan namin sa gabing 'yun. "Sila parin yun, sina Dustin, basta Dustin yung natatandaan ko. Siya lang talaga yung may pasimuno ng lahat ng 'to. Malagim mga isang linggo nila tayong pinapakain ng mga panget ng pagkain, Lola. Para tayong mga biik doon, hindi tayo makawala sa kulungan. Iyak tayo ng iyak tapos pinaparusahan pa nila tayo kung maingay ang pag-iyak natin. Si Rice at ang isang taga-ibang bayan ang pinakamatapang kaya sila yung palaging nanlalaban dahilan na sila yung palaging pinaparusahan. Walang magawa ang mga magulang natin." She sighed.

"Eh, bakit hindi tayo lumapit sa pulis? Sa otoridad?"

She smiled bitterly, "They did. Nalaman kong they did pero mali yung move na 'yun dahil nasa panig ng mga kidnappers ang mga pulis. That's the reason why, kami-kami lang nina Dean at Mathew yung nagtulungan para ilabas kayo. Eksatong wala kasi roon yung leader-leaderan nila. Hindi ko alam kung ano yung planong naisip ni Dean pero nakita ko siyang may kinausap na pamlyar na babae and I overheard nagserve ng pangpatulog na drinks yung babaeng 'yun. " Kung hindi ao nagkakakamali, si ate Jillian yung pinaki-usapan ni Dean.

"Aaaah, eh, well, kung ganoon, paano naman tayo nakawala sa mga kidnappers ten years ago?"

Nagsmile si Hazel na parang katulad na katulad din ni Mathew. "It's crazy, sana matandaan mo. It was a naugthy kid down town. Nakakaloka kasi sa pagkakatanda ko, her name was Lorraine."

I tilted my head. "Yung totoong Lorraine yung tumulong sa'tin para makalabas?"

"Exactly."

"Kaya pala sa kaparehong bundok din hinanap ni mama yung totoong Lorraine pero instead, ako yung nahanap niya."

Agad na may kinuha si Hazel, isang envelope at binuksan ito. "Ito yung makakapag-explain nito." Binasa niya yung sulat. "Dear Lorraine, hanggang kailan kaba magtatago? Hanggang kailan tayo magtatago't magkakalimutan? Years na ang lumipas. Diba sinabi ko sa'yo, ako'ng tanging taong nakakaalam ng lahat. No'ng sinabi mong magbagong buhay tayo, naniwala ako sa'yo and nagbagong buhay nga rin but I came into a different path. The safest path pero yung pinakamahirap. Ang gusto ko lang tanungin sa'yo, hanggang kailan ka magsisinungalng? Hanggang kailan tayo magtatago? Alam kong nakita mo rin sila kasi nakita ko sila, bumabalik na, bumabalik na ang lahat."

"You thought I was the same naughty child na tumulong sa inyo ten years ago."

"Well yeah, alam kong nakita mo sila, nandoon din ako sa KingCrown Park noong Thursday na 'yun and I know you saw them, sina Dustin."

-----FLASHBACK-----

Hindi. Hindi pwede. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao. Lalaking nakaitim. May scar sa mata at may kausap na lalaking nakaitim din. Ba't kaya sobrang pamilyar yung mukha nila tsaka nakakatakot sila? Teka, bakit ba ako natatakot? There's just something scary sa aura nila.

Tiningnan nila ang direksyon ko at agad naman akong napatago sa pinakamalapit na kahoy. 

Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, takot na takot ako sa mga taong 'yun. Hindi ko alam kung bakit.

Takbo lang ako ng takbo habang nililingon ko yung likod ko hanggang sa may nabangga akong isang matigas na bagay. Lalaki ata. Hmm, mukhang ang bango ng perfume tapos ang tigas pa ng chest niya.

-----END-OF-FLASHBACK-----

"Nandoon ka rin?"

"Yes, but it was my bad, when I stopped from suspectng you that you were Saoirse dahil nga sa wala rin akong ibedensiya, naalala ko ang makulit na bata sa bundok. Her name was Lorraine and it was probably you so I, ugh, I was so st*pid to ask you that, hindi pala ikaw yun because you are Saoirse."

Ang hirap namang iprocess ang lahat ng 'to. "So that explains t. Pero, pero hindi parin kasi mawala sa isip ko kung paano kami, tayo nadakip lalo na't sa pagpasok palang sa mansion ng mga Sandoval, more than three checkpoints and gates and madaming guards na 'yung nakaabang."

"That was made after the kidnapping scene para maprotektahan nila si Raymond Sandoval. He's a year ahead of you, bata parin siya so he needed protection lalo na't hindi na bumalik sa mga Sandoval ang nawawala nilang anak.

"Sa pagkakatanda ko. Birthday yun noong pinsan mo at nasa ibang bayan kayo at kasama mo si Rice. Nakakatawa nga kasi pareho ayo ng suot ng pinsan mo. Pareho rin ayo ng ayos."

I smiled. "Ganoon ba, pero wala aong natatandaan na pinsan."

"Of course, na amnesia ka nga diba. Pero 'yun nga, yung pinsan mo, hindi katulad mo na medyo madaldal, tahimik lang siya at nakakaawa siya. The night came kung saan bigla nalang may makulit na bata na umakyat sa bubong na may dala-dalang rope ang tumulong sa'tin na tumakas. Nasa labas na tayong lahat ng may nakakita sa'tin kaya tumakbo tayo, ang nakakainis lang, tumakbo tayo sa iba't bang direksyon, hindi ko alam kung saan na kayo kaya tumakbo akong mag-isa. Masyadong mabilis yung mga pangyayari, naghigitan nalang tayo at tumakbo. Nalaman ko nalang sa huli ang balita kung saan may dugo from fifth floor tsaka sa ground floor ng eskwelahan. It what has been said was true. Isa sa'tin anghinabol paakyat doon tsaka nahulog, tapos, since walang bangkay yung nakita, walang makakapagsabi kung kaninong dugo yun lalo't lahat ng mga tao'y takot na ipaDNA yun sa takot na baka anak nila yung nahulog doon."

"Sino sa tingin mo yung nakaabot pa talaga sa Porcupine Academy, hinabol hanggang fifth floor, at namatay doon?"

"Hindi ko nga rin alam kung paano sila nakaabot ng Porcupine Academy e, basta my theory, it was either si Daffodil o, o yung pinsan mo. Sa pito kasi sa'tin na nakidnap. Isang babae at dalawang lalaki lang yung nakabalik sa mga magulang nila. Maswerte si Rice dahil nakabalik siya. Ang akala ng lahat patay na tayo. Naglaho nalang kasi na parang bula sina Saoirse Sandoval, Hazelyn Rosales, Daffodil Hermano at yung pinsan mo na hindi nagsasalita kaya hindi ko nalaman ang pangalan."

"Then if that so, mabuti nang tapos na ang lahat." Tumayo ako, feeling ko kasi dumikit na yung pwet ko sa inuupuan kong silya.

Napaupo ako ulit nang nagsalita si Harold na hindi pa tapos. Nagtaka ako siyempre. "Ano'ng ibig mong sabihing hindi pa tapos?"

Kinuha niya yung huling sulat na sana'y ibibigay niya sa'kin. Tiningnan ako pagkatapos ay pinunt to at ilinagay sa fireplace sa likuran niya.

"Hoy! Ba't mo naman ginawa 'yun? Ano'ng nakasulat doon?"

"Katext mo si Dean at nagpapanggap ang bang tao. Alam ko."

"Teka, paa--"

"Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin. Gusto ko lang malaman mo yung tungkol sa ginagawa ng kapatid ko."

"Si Mathew."

"May iba pa ba? Duh, oo, pero hindi ko alam kung paniniwalaan mo 'ko." Itinipon niya ang mga pulang sobre at sinunog lahat ng 'yun sa fireplace. 

"HOY, TEKA--AISH! KALOKA NAMAN O!

"Huwag ka ngang OA, gusto ko lang malaman mo ang dahilan kung bakit galit sa'yo yung kapatid ko. Pero ayokong sabihin sa'yo ang lahat dahil wala naman ako sa posisyon na 'yun. Gusto ko lang malaman--"

"Kanina ka pa, sabihin mo na lang." May pasirang-plaka effect din tong nilalang na 'to 'no.

"Kung ano man yung ikinagalit sa'yo ni Mathew na humantong sa hellweek." Gusto ko sanang tumutol sa sinabi niya pero pinigilan niya ako. "May kinalaman 'yun sa panloloko mo kay Dean."

"Ah, oo, bahala ka." Tumayo ako para magstretch, naku, mukhang gumagabi na, napahaba yung usapan namin ni Harold, este, Hazel, este, Harold na nga lang.

"Tsaka yung sa bookstore."

"Alam mo, akala ko ako yung may pinakamadamng kasinungalingan sa istoryang 'to, nakikirampa ka rin pala."

"Eeeeeeh ano e. Si Gast."

Kumunot yung noo ko. O, ano'ng kinalaman ng mabait na idnapper na 'yun? I silenced my self paanyaya na tuloy niya ang kung anumang gusto nyang sabihin.

"I'm sorry I lied. Isa si Gast sa mga kidnappers. Isa siyang connection kina Dustin. Noong gabng tnakas namin kayo, kung sinabi ko sa'yo na angising si Gast at nagmadalng umalis. Sorry I led hindi nagising si Gast and I'm currently keeping him. Lola, don't tell anyone. I need to interrogate him kung saan pa yung ibang kuta ng mga kasama niya."

"Then bakit hindi ko dapat pagsabi? It would be helpful para mas mabilis ang pagtugs sa mga kidnapper."

"Lola, wait, huwag mong sabhin kahit kanino, matinik ang grupo nina Dustin maaaring hindi ko na sla makita pang muli. You need to trust me in this. Tsaka si Evanna Steven, may alam din dito at tinutulungan niya ako. Sabi kasi niya, may posibilidad na hindi pa nakakaalis ng Monquierto Valley sina Dustin, kung marrami ang nakakaalam na hawak namin si Gast, maaaring lumayo pa yung grupo nina Dustin. "

"Pero bakit mo snasab sa'kin 'to?" Pagtataka ko.

"Dahil ayoko nang magsinungalng. Nagkagulo lahat noong sinimulan ko 'to at gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to."

 ~♡~♡~♡~

"O, ano'ng tinitingin tingin mo diyan? Ba't andito ka sa Terrace?" Wika ni Kulangot. Ebe, nakakasira ng moment.

"Wala, nagpapahangin lang. Ano ba'ng ginagawa mo rito?"

"Wala daw." Panuso niya sa'kin kaya ibinaling ko nalang yung tingin ko sa paligid. Napakalawak na lupain. Makikita mo rito yung mga taniman tsaka yung mga puno. Yung  ibang parts ng mansion, yung parking space. "Maganda ba?" Wika ni Kulangot sabay tingin din sa paligid na malapit nang dumilim.

"Oo hindi ko aakalain na nakatira pala ako sa bahay na ito noon."

"Mahirap tanggapin yung katotohanan 'no? Bigla ka nalang magigising tapos makakadungaw ka rito, tapos masasabi mong lahat ng nakikita mo'y iyo."

Napatingin ako sa mga sinabi niya. "Oo nga 'no. Kaloka parang kailan lang, isa lang akong nobody sa Porcupine Academy. Tapos ngayon lahat na ng nakikita ko rito ngayon ay ain. Yung mga puno, yung mga lupa." Sabay pa kaming nagsigh ni Kulangot.

Tiningnan ko siya at tinanong, "O, ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala, napapangiti mo ako. Ang yabang mo kasi." Napatingin siya sa labas. "Nakikita mo rin ako e." Dugtong niya.

"Ano kamo?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Wala sabi ko ang slow mo." Sabi niya sabay pat sa buhok ko tsaka umalis. "Huy, pumasok ka na."

Lumingon ako nang ilang sandali para tawagin siya. "Hoy, Kulangot sandali." 

Nasa pockets pa ng pants niya yung mga kamay niya habang naglalakad siya pabalik. "O? Namiss mo 'ko?"

I tilted my head. Ba't ba ang hangin nito? "Oo, namiss kitang sapakin. Huwag ka ngang mahangin, tatanong ko lang si Saoirse." Agad na nagfade ang playful na ngiti nito. "Close ba kayo ni Saoirse noon? Sino ba siya noon?"

Sumandal siya sa railings ng malaking Terrace. "Prinsesa. Isang prinsesa si Saoirse. Mabait siya at may pagkapilosopo rin katulad mo. Maingay din siya kapag trip niya."

"Aaaah, mukhang kilalang-kilala mo nga siya."

"Matalik na magkaibigan kasi kami." Tumango naman ako slowly. Mga ilang sandaling bumista ang katahimikan. "O, sge, pasok na--" Agad syang lumakad papasok pero pinigilan ko siya sa kamay

"Sandali." Napatigil naman siya at napatingin sa kamay naming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto. Agad kong binawi yung kamay ko. Aish, baka kung ano pa 'tong isipin ni Kulangot. Namula ako at nakalmutan yung itatanong ko. "Si Saoirse-- ano, um--"

"Naalala mo ba yung babaeng ikinwento ko sa'yo sa bundok bago tayo nakidnap?"

Napaisip ako. "Yung babaeng ikinwento mo sa bonfire? 'Yung best childhood memory mo?"

He smiled sweetly. "Ikaw 'yun."

 ~♡~♡~♡~

Hazelyn Cassandra Rosales POV

Sa Sandoval Mansion nalang daw muna ako makikitulog sabi ni Lola. Pero I insisted dahil walang kasama ang mokong na 'yun sa bahay. Grabe pa naman 'yun mag-utos. Hmmp. kung hindi ko lang siya kailangan, baka nabitay ko na 'yun patiwarik.

Dito rin nakikituloy si Evanna Stevens o yung mas kilala niyong si Ma'am Barille. Malaki-laki rin naman kasi ang isa pang bahay na 'to ng mga Macaraig. I asked them kung pwede dito muna ako tumira and they agreed kaya dito ko dinala si Gaston.

I stirred my cup of coffee. Hanggang sa napatingin nalang ako rito at unti-unting nalamon ng mga pangyayari ten years ago.

-----FLASHBACK-----

"A-aray, mommy! Nasaan ako?!" Wika ng isang batang babae na nakaminnie mouse na suot, yung polkadotted na pulang dress tsaka two-ears yung buhok. Nasa tabi niya yung isang babaeng pwede mong pagkamalan na kakambal niya dahil nakapolkadot dress din ito at nakatwo-ears ang style ng buhok.

Medyo madilim yung kwarto'ng toh. Wood yung roof tapos medyo butas-butas yung pagitan na 'to. Yun na lang yung nagsisilbing lagusan ng ilaw ng buwan sa lalim ng gabi ngayon.

"Nakidnap din ba kayo?" Wika ko sa mga bagong batang ipinasok sa kwarto.

"Malamang, alangan namang orphanage 'to diba." Wika nang babaeng sumigaw kanina. Shuplada.

"Saoirse, tumigil ka nga, nasa danger na nga tayo, namimilospo ka pa." Wika ng katabi niyang lalaki.

Lumapit ako sa kanila para makita yung mga muha nila ng malapitan. Kung hindi ako nagakamali, sila yung anak ng mga pinakamayaman sa lugar namin.

"'Yun na nga Neil e, danger, dangerous yung lugar na 'to. Pag ako, naiyak, iiyak ako." Sagot ng babae.

"Um, hello ako nga pala si Hazelyn Cassandra Rosales."

"Rosales?" Tumaas naman yung kilay ng batang lalaki. "Kapatid mo siguro yung inarrange marr--" Napatigil sa pagsasalita yung batang lalaki ng binatukan siya ng batang babae. "Aray, psh," Tapos tumingin siya sa'kin. "I'm Cornelius Jensen Crawford."

"Ako naman si Saoirse Sandoval." Wika ng babaeng kasama niya. Sinasabi ko na nga ba e, sila 'to.

Nagpakilala kami sa isa't isa noon pero yung pinsan ni Saoirse, hindi umiimik kaya pinabayaan nalang namin siya. Kinuwento kasi nila sa'kin na baka natrauma ang pinsan ni Saoirse dahil seventh birthday niya 'yun noong dinakip sila and that also explains kung bakit pareho yung suot nila ng pinsan niya, e kasi minnie mouse and micky mouse yung theme.

Nagdaan ang maraming araw at gabi at parang kapatid na yung turingan namin. Pinapahirapan kasi kami. Si Neil o yung batang Cornelius at yung isang taga-ibang bayan din yung tumutulong sa'min at nagtatanggol. Ginugutom kami. Ni minsan nga hindi na kami binibigyan ng kutsara at tinidor.

Mga tatlong gabi pa ang lumilipas at wala paring tulong na dumadating. Hanggang sa may narinig akong isang boses babae na nagmula sa isang butas nang isang gabi.

"Pssst!"

Agad ko 'tong nilapitan. At dahil boses batang babae 'yun, parang hindi ako makapaniwala. Nakidnap din ba 'to? Eh kung ganoon,, bakit nasa labasa siya. "Bata?"

"Magkaedad lang tayo, huwag kang feeler." Oh my gosh! May tulong na nakarating! Pero, ano kaya ang ginagawa niya rito?

"Ano'ng ginagawa mo rito? Tutulungan mo ba kami?"

Nag-usap kami nang nag-usap at nalaman kong Lorraine yung pangalan niya. Ang kulit nga e, alam niyo ba kung ano yung dahilan niya ung ba't siya napadpad sa lugar namin? Naglayas daw siya kasi pangarap niyang maging si wonderwoman. Pero katulad nga ng napag-usapan namin sa susunod na dalawang gabi, tutulungan niya kami.

Dahil nga maliit siya, madali siyang naka-akyat ng tahimik sa mataas na bubong at may inihulog siyang lubid na hindi ko alam kung saan niya nakuha at dahil doon, unti-unti kaming naka-akyat at lumabas mula sa maliit na butas na ginawa niya sa bubong. 

Yung kaso noong nakababa na kaming lahat at nakalabas na sa kulungang 'yun, bigla namang lumitaw ang isang lalaking palagi naming naririnig na tinatawag nilang Dustin. 

Nagpanick ang lahat at tumakbo sa iba't ibang direksyon. Nagkahigitan kami pero hanep, walang humigit sa'kin kaya napatakbo nalang ako sa kagubatan.

Hindi ko alam kung saan ako nakapunta hanggang sa may humawak sa kamay ko at nagwhisper ng "Dito!" Kung hindi ako nagkakamali 'yun yung batang Gaston. At simula noong pinatakas niya ako, hindi ko na nakalimutan yung mukha niya. Kahit ano'ng gawin niya, may connection parin siya sa mga kidnappers at kailangan kong mahanap si Dustin na 'yun.

-----END-OF-FLASHBACK-----

Wala na akong maalala kung sino yung nagkahigitan noong gabing 'yun. Ang natatandaan ko lang, si Neil na may hinigit na babaeng nakapolkadot dress tsaka sa the other side, si Daffodil na may hinigit din na nakaminnie mouse dress.

Napadaan si Evanna Steven sa harap ko at napatigil nang sandali. "O, Hazel, may iniisip ka?"

Napalunok ako. Ba't ba magaling mamansin 'to? Kaya nga siguro naging imbestigador 'to. Hindi mo talaga mahahalata sa kanya ang pagiging magaling niya diyan.

I sipped gently into my coffee. "Wala, napag-isip isip ko lang..." Ilinagay ko yung coffee ko sa lamesa sa sobrang gulat.

"Lang?"

"Oh my Ghad."

"Hazel, bakit?"

"Ngayon ko lang napag-isip. Ngayon ko lang napag-isip isip!"

Noong gabing 'iyun na nagkahigitan, maaaring hindi si Saoirse yung nahigit ni Neil kundi yung pinsan ni Saoirse! Agad akong napatabon sa bibig ko. The DNA could be possible dahil magkadugo naman yung mga magpinsan diba? 

"Oh my ghad." Napatingin ako sa kaharap ko. "Posibleng hindi si Lola si Saoirse."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro