Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 - The Lost Princess

Author's Note:

KILL. ME. NOW. Wala eh, sab ko sa nyo Part 2 lang... ang sama-sama ko? Saan yung part 2 ha? Aish ang daldal ko kasi kaya ayan, yung word length umabot sa normal chapter word length kaya hindi na 'to matatawag na part 2.. tsssss... napakadaldal ko :( Ayan, dahl nga may addtional epal chapter, may sampu pang natitira...Enjoy Reading! :* I LOVE YOU ALL!

CHAPTER THIRTY-SIX - THE LOST PRINCESS

Umaga na noong nagising ako. Well, dejoke lang, hindi naman ako gumigising ng maaga e, tsaka hindi pa nga umaga ngayon, madaling araw palang.

I yawned. "Ma?" Ginising kasi ako ni mama. Pa'no siya nakapasok sa kwarto ko? Kinusot-kusot ko muna yung mga mata ko. 

"'Nak, gising ka na."

Nagsalita na nga ako e, malamang gising na ako. Si mama talaga kahit kailan. "Ma, gising na'ko. Ba't mo ba ako ginising? Matutulog pa ako e." Tas hinarap ko ang kabilang side at natulog ulit.

Isang malakas na unan naman yung nahampas sa mukha ko. Aish! As usual way ng paggising sa'kin ni mama. "'Nak, ano ka ba, malelate ka na sa school. Kala ko ba papasok ka? Three o'clock na o."

 Ayun naman pala e. "Mama, three o' clock palang naman e, may tatlo't kalahating oras pa 'ko."

"Nakalimutan mo na ba na nasa bukid tayo? Malayo at matagal pa yung biyahe." Nagising ako bigla at nawala yung atok ko. Aish! Oo nga pala nasa Sandoval Mansion ako at nakikitulog. Teka? Nakikitulog? Bahay ko narin naman 'to ah. May gash! Hindi ako nakikitulog! "Bumangon ka na at mag-ayos, naghihintay na yung mga magulang mo sa baba. Bilisan mo ha."

Narinig ko ang mga yapak ni mama palabas ng kwarto at ang sumarang pintuan.  Hay Buhay! Nag-istretching muna ako. Woah! Hindi parin ako makaget over sa laki ng kwarto ko! Ako ba talaga si Saoirse?!

"GOOD MORNING, TUESDAY!" Sigaw ko at napatakip ako bigla sa bibig ko. Ang lakas noon ah, baka pagalitan ako ni mama. Pero pagdaan ng ilang minuto, walang reaksyon. So ibig sabihin soundproof yung kwarto ko? Huehuehue!

Agad akong bumangon at tumakbo sa terrace ng kwarto ko. Sumigaw ako kahit napakatahimik ng gabi, wala e, ang hyper ko. "GOOD MORNING, LOLA, SAOIRSE, AT KUNG SINO MANG NILALANG AKO!" Nginitian ko ang langit pero nang hindi sinasadya, napatingin ako sa gilid ko. Isang napakagwapong nilalang na nakatayo sa kabilang terrace ang nadatnan ko. Teka si Kulangot ba yun na nakatingin sa'kin na may hawak na mug at naka pants lang? Nakapants lang siya, oh em gee, di naman ako manyak pero sheeet, ang abs ba 'yun?! Teka, one, two, three, four, f---

Parang gusto kong samapalin yung sarili ko. Teka, teka, siya ba talaga 'to? Kinusot ko yung mga mata ko at noong tumingin ako ulit sa kabilang terrace, wala na roong tao. Hay heto ako, namamalikmata na naman. Sinampal-sampal ko yung sarili ko, ano ba ang nangyayari sa'kin? Haist, kung sabagay, ba't naman mapaparito si Kulangot eh hindi naman siya nakatira rito.

Ah ewan, ieenjoy ko 'tong araw na 'to. Simula kasi noong gumising ako,  feeling ko nawala lahat ng pinoproblema ko. A nice way to start such a brand new day.

*It's a brand new day
(Don't you see me)
Changing on my way
(So completely)
This time I'm gonna sing and you're gonna hear it
This time I'm gonna show you that I got the spirit
It's a brand new day
And I'm feelin' good
And I'm feelin' good*

Nasa isip ko't kinakanta yung "Brand New Day" ni Demi Lovato. Wooh, wow, yung shower! It still feels like the first time. Actually nga-nga parin ako ngayon kasi kumpleto yung comfort room ko, may shower na, may bath tub pa. 

*So drama free (so drama free)
I'm all about the music
I just wanna sing...*

Nakatowel akong lumabas at pumunta sa walk-in closet. Waaah! May maituturing na akong walk-in closet ko!

*...Watch me live out my dreams
I'm gonna rock that stage and give my everything*

Woah, "Hachuuu!" Yung totoo, napaliguan ba ng perfume 'tong lotion? "HACHUU!" 

Inopen ko yung isang cabinet at puno ito ng mga casual dresses.

Pero wait lang, wala akong extra uniform?! Luh, dejoke lang, nakakabit yung uniform ko sa harapan ko, nilabhan pala ng mga katulong ng mga Sandoval. Omg! Ibig sabihin may mga katulong sa bahay na'to, ah, may katulong ako, ah este, kami? Ha! Hanep!

*I'm gonna dance until my feet can't move
Come along get in the groove
Let's shine so bright more than we did before*

What the heck? Shoe cabinet? Yung akin nga sa bahay ko tatlong style ng sapatos lang sa ilalim ng kama ko, ngayon, shoe cabinet? Teka, pa'no naman nila nalaman size ng paa ko? T*ngina, hindi ako makahinga, mula 'to lahat sa La Esperanza mall! Emergersh! Mayaman na nga ba ako?!

*It's a brand new day
(Don't you see me)
Changing on my way
(So completely)
This time I'm gonna sing and you're gonna hear it...*

"ARAY!" Sigaw ko nang napaso ako sa kakatry kung paano paandarin 'tong blower na 'to. Ano ba naman kasi, parang jigzaw puzzle! "OW, OW, Owww, wag na nga lang." Wika ko nang sinubukan ko naman yung hair starightener.

*...This time I'm gonna show you that I got the spirit
It's a brand new day
And I'm feelin' good!*

Natapos na rin ako sa pag-aayos sa wakas, kinuha o yung mga bag ko at lumabas na sa kwarto. Umm, wait, wait lang, nasaan papuntang first floor? Nasaan yung hagdan? Saan ba ako dumaan kagabi? "Ito ba yung pinto na pinasukan ko kagabi?" Mahinang sabi ko habang tinitignan yung pinto ng kwarto ko. Isa lang yung pintuan sa kwarto ko, diba? DI BA?

Habang natulala ako, nakarinig ako ng pagbukas-sara ng pinto at tiningnan ko kung saan nagmula 'yun. Tumaas-baba naman yung tingin ko sa lalaking naka-unipormeng pangPorcupine Academy.

"KULANGOT?" "BUNGANGA!" Sabay pa naming sinabi. Ano'ng ginagawa nito rito?! Oh My Ghad! Katabi niya yung kwarto ko? Dito din siya nakatira? Dito rin siya natutulog?! Nandito siya? Humayghad! Siya ba talaga 'yun kanina? Wait teka, namumula ba ako?

Napansin kong hindi rin madrowing yung mukha niya, Dali-dali akong tumalikod sa kanya. Sheet, okay lang ba ako? Tama ba yung nakita ko kanina? Ay chos, madilim lang siguro noh? "Susme po." Salita ng sang katulong na dumaan sa gitna namin.

Napalingon ako ulit kay Kulangot. Pero kahit nakadaan na yung katulong, wala paring nabubuo sa sasabihin ko at nandoon parin yung awkward na katahimikan. Nabawi lang 'yun noong tinaas niya yung kaliwang kilay niya at nagsalita. "Ah--ano, good morning." Bati niya. Babati rin sana ako pabalik pero tinalikuran niya ako. Ay wow, suplado forebs 'to ha.

"Huy, Kulangot! Hintay!" Tinawag ko siya at tumakbo para sumabay dahil kung hindi ko gagawin 'yun malamang, mawawala na ako rito sa mansion. Di ko pa kasi memorize ang mga pasikot-sikot dito. Ni hindi ko nga maalala kung saan ako dumaan kagabi.

Tiningnan ko ang seryosong mukha niya at kinulbit-kulbit sa sleeves ng uniform niya. Basa pa yung buhok niya at, waaah, bango ng perfume niya.

"Kulangot, di mo parin ako pinapansin? Ba't ba ganoon ka? Tas di mo rin sinabi na dito ka pala nakatira."

Tiningnan niya naman ako at tinaasan ng kilay, "Di ah, pinapansin nga kita eh." Agad kamng lumiko sa kanang hallway at nandoon pala yung staircase pababa. "Huwag kang hihiwalay, baka mawala ka rito." Dagdag niya at nginitian niya ko. Yung ngiti niya kasi ay yung tipong nakakahawa kaya hindi ko alam ngumingiti na rin pala ako. Lokong 'to, ba't ba ang perfect ng ngiti nito?

~♡~♡~♡~

"O' Cornelius, hijo, Saoirse, anak. Let's start our breakfast na." Sabi ni mom at siniko si dad na agad namang isinara yung diyaryong binabasa niya at agad na ngumiti sa'ming dalawa. Nandoon na rin sina kuya Ray, sina mama at ate Ethel, bale, pito kaming naka-upo around the table.

Napansin kong mukhang lumiliwanag na sa labas. May malaking glass window kasi sa harap ng dining table. At yung dining table ajujuju, ngayon lang ako nakakita ng ganitong karaming pagkain!

Habang kumakain kami, nagsalita si papa. "Saoirse, 'nak, yung driver mo na yung maghahatid sa'yo sa school mo para hindi ka malate."

Napaisip ako, oh my ghash, ano nalang kaya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila na ako si Saoirse? OH MY GHAD! Ano ang magiging reaksyon ng buong school kapag nalaman nila kung sino talaga ako? "Ah, e, Mr--Dad ahm, si mama nalang po sana yung maghahatid sa'kin kung pwede." Pagsuggest ko.

"Ah, anak." Napatingin ang lahat kay mama. "Hindi ko dinrive yung sasakyan ko papunta rito. Sinundo lang din kami ni ate Ethel mo."

Nagsigh ako at napayuko, ano ba'ng gagawin ko? Napaangat nalang ako nang ulo ng magsalita ang katabi ko. "Ah, ako nalang po yung maghahatid kay Saoirse sa school, pareho lang naman kami ng pinapasukan e."

Napatigil sa pagsubo si Misi--si Mom. "Ah, hindi ba hassle sa'yo, Cornelius?"

Tiningnan ko si Kulangot pero si kuya Ray yung nagsalita. "Ah, kung sa'kin nalang po kaya sumabay si Sasha, tutal pareho kami ng eskwelahan tsaka makakapagbonding pa kami."

Tumango-tango naman sina mom at dad. "Eh, pero gusto ko rin pong magpasalamat sa pagpayag niyo po na tumira muna ako rito, kaya okay lang po talaga na sa'kin sasabay si... si Saoirse." Nagulat ako sa sinabi ni Kulangot. First time kong narinig na tinawag niya ako sa pangalang Saoirse. Well, hindi niya naman ako tinawag literally pero the way na pagsambit niya sa pangalan ko, kakaiba e.

"Rice, pare, sigurado ka? Like I mean, okay lang talaga kung sa'kin nalang muna sasabay si Sasha."

Napatingin ang lahat kay Kulangot na nakatuon yung atensyon kay kuya Ray. "Ray naman pare, sabi mo tutulungan mo ako." Medyo mahina na pagsalita ni Kulangot pero dahil nga katabi ko siya, naririnig ko parin yung sinasabi niya.

Tumawa naman ng kaunti si kuya Ray na parang nang-aasar. "Haha, ewan ko sa'yo Rice, o sige ho, si Rice nalang daw muna yung maghahatid sa kanyang pinakamama--ouch!" Biglang sabi ni kuya Ray na napamouth pa nang mura na "P*ta!" Sabay tingin sa ilalim ng lamesa, tapos binaling yung tingin niya kay Kulangot na ngayon ay inosenteng umiinom ng tubig. "Tss... Kahit kailan talaga."

~♡~♡~♡~

These past few days, diba si Kulangot yung naghahatid sa'kin papuntang school, pero nirerequest ko sa kanya na huwag lang muna siya magpark sa gitna ng lobby kasi pagnagkataon, pagchichismisan kami lalo pa't pumapasok na sa school si Dean.

"O, huy, ba't dito ka nagpark?" Kahit medyo kaunti parin ang mga tao dahil medyo maaga pa, ayoko paring may kung ano'ng sabihin ang mga tao.

"Akala ko ba sabi mo hindi ka na magpapa-apekto sa mga tao sa paligid mo?"

Kumunot yung noo ko. "At... kailan ko naman 'yun nakwento sa'yo?"

Tingin ko a kanya habang ino-off niya yung aircon sa sasakyan at nagsuot ng shades. Ibinaling niya ang tingin niya sa direksyon ko. "Saturday, noong umulan." Sabay ngiti niya. Epal talaga, naalala niya pa 'yun?

Binuksan ko na yung pintuan at bumaba narin ako. Hindi ko alam kung ano yung magiging lagay ng araw na 'to.

Act cool, Lola. Kahit ikaw narin si Saoirse, ikaw parin naman si Lola, so act like Lola.

"So, okay ka na? Like, ready ka na pumasok?" Pagtanong sa'kin ni Kulangot nang makita niya ang pag-inhale exhale ko.

"Ewan, hindi ko alm kung ano ang magiging reaksyon ng school. Pero sana huwag nalang nilang malaman."

"Malalama't malalaman din naman nila kahit hindi natin ipaalam." Ngumiti siya at nagwave ng kamay niya paharap, showing the front door ng lobby ng school. "Welcome to PA Royalties."

Napalungo ako, heto na naman yung kashungahan ni Kulangot kung saan magdadalawang isip ka pa muna bago madetect kung may sense yung sinasabi niya. "Ewan ko sa'yo, bahala ka sa buhay mo." Wika ko at naunang naglakad papunta sa loob.

Bago pa ako nakapasok sa loob, inakala ko na lahat ng mga mata ay mapupunta sa'kin o sa'min ni Kulangot pero mukhang naiiba nga yung araw na 'to dahil may ibang pinagkakaabalahan ang lahat.

"Crystal, OMG! Nabalitaan mo ba yung nabalitaan ko?!"

"Shut up. Hindi nga rin ako makapaniwala." Sabay bunot ng babaeng 'yun ng cellphone niya tsaka dali-daling binasa. "Nakatanggap ako ng text from Bea, sabi niya nagbalik na raw si Princess Saoirse?"

Tumaas yung balahibo ko pagkarinig ko noon. Saan naman nila nakuha 'yun. Aish! Ngayon ko lang narealise ang sinabi ni Kulangot about sa royalty.

Tsaka, oo nga pala nakalimutan ko rin yung mga sinabi ni Mathew, the Sandoval Family are once upon the richest family pero after noong incident, naging third nalang sila at napalitan ng mga Crawfords dahil sa pagpapasweldo nila sa mga investigators. Oh my G! Kaya pala Prinsesa tawag nila kay Saoirse, e kasi naman pala.

"OMG! Friend, hindi naman sila nagkamali? This time? I mean ang dami ng nagclaim na sila si Princess Saoirse. Maybe this is another wrong call?"

"No, according to my source, nagmatch yung DNA nila ni Prince Ray, so perhaps, totoo na 'to this time and you know what's more kaloka girl? Nasa Porcupine Academy lang pala nag-aaral yung nawawalang anak ng mga Sandoval!"

Binilisan ko ang paglakad ko. Halos lahat ng tao, ganito yung pinag-uusapan. Mukhang hindi pa nila alam kung sino si Saoirse pero grabe, kahapon ko lang nalaman tapos sila, haist, ang bilis naman ata?

"No, girl, I swear nasa third year daw si Princess Saoirse! Oh wait! May nagtext sa'kin, starting with letter L raw yung last name ni Princess Saoirse!"

Oh Gawd? Saan ba talaga nila nakukuha yung mga ganitong impormasyon? Nakakaloka, mabilisan pa nga yung paglakad!

Pagkarating ko sa classroom, lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan pero lahat sila may tinitignan sa cellphone na parang naghihintay sa mga chika ng friends nila. Ganoon din sina Dheenise at Freya, pero noong inilapag ko na yung mga gamit ko, agad nila akong pinuntahan at binati.

"OMG! Lola, have you heard the news?!" hyper na pagbabalita sa'kin ni Dheenise. Oh well, correction, hindi ko lang naheard yung news, ako mismo yung news, kaloka talaga.

"Lola, natagpuan na raw yung totoong Princess Saoirse!" Sigaw sa'kin ni Freya. Kelan pa natutong sumigaw 'to? Pati ba naman siya, prinsesa narin yung tawag?

"Ah, ah-oo, alam ko." Patango-tango ko. Ang gulo, gusto ko sabihin sa kanila pero mukhang hyper sila. "Um, paano niyo naman nalaman?"

"Lola, ano ka ba, sa panahon ngayon, walang magandang balita ang hindi pinag-uusapan. I heard galing raw 'to sa mga nurses sa isang ospital na tumulong magsuri sa DNA, and guess what, positive yung resulta noong inihambing ito kay Prince Ray Sandoval!"

"Aaaah, okay."

"Freya, Dheenise, may bagong update o clue, sabi ni Mau!" Sigaw ng isang classmate ko na nakahawak ng phone niya. 

Hindi ko nalang sila pinansin. Nandoon narin pala sina Jane at Isabel. Si Jane, walang pake sa balita about kay Saoirse kasi ayun, mukhang problemado na naman at tahimik na nakatingin sa isang papel na wala namang laman. Si Isabel naman, andoon kina Cathlyn at Pamela nangangalap ng impormasyon about kay Saoirse.

Natigil lang ang usap-usapan noong nagsimula na yung test sa pangalawang subject namin kasi tahimik yung lahat. Ako naman, na parang shunga, imbes na yung test yung pinoproblema ko, pinoproblemahan ko kung ano yung isusulat kong pangalan. In the end, isinulat ko nalang Lorraine Lavilles.

"Lola, aren't you curious kung sino si Princess Saoirse?" Tanong sa'kin ni Isabel habang nagpapasama siya sa'kin papuntang canteen.

"Ah, haha, hindi ko naman yun kilala e." Pagsisinungaling ko.

"You know what, magugulat ka talaga sa sasabihin ko!" Tiningnan ko siya. "May natanggap akong text galing kay Princess Pamela and guess what, NASA SECTION LANG NATIN SI PRINCESS SAOIRSE!" Ang lapad-lapad ng ngiti niya na parang hinihintay niya talaga ako na magulat sa sinabi niya. "NARINIG MO?! NASA SECTION LANG NATIN!" 

"Ah, haha, oo nga, nakakagulat yun hehe." Pagsinungaling ko ulit, aish! Nageguilty ako. "Um, Sab!"

"O, ano? Nakakagulat nga noh? After all this years, pambihira."

"Um, Isabel, ano, may sasabihin ako sa'yo."

Bahagya kaming dalawang tumigil sa gitna ng daan. "Wow, don't tell me kilala mo na siya! Nakakaexcite yung katauhan niya, I'm glad natagpuan na ang the lost princess."

"Um, ha--ano kasi, ganoon nga, kahapon kasi dinala ako ni Kul-ah este--ni Rice sa--sa bahay ng mga Sandoval."

Nagtaka naman yung mukha niya na napa medyo napatilt ng kaunti. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"A-ano kasi, bigla nalang akong niyakap ng mag-asawang Sandoval." Napatahimik lang siya na parang hinihintay na dugtungan ko pa ang sasabihin ko. "Ano--kasi, sabi nila ako raw si--"

"PRINCESS SAOIRSE!!!" I stiffed. Pareho kaming nagulat ni Isabel ng marinig namin ang tinig ng mga babae at ang sigaw na 'yun ay patungo sa'min.

"Teka, ikaw si Princess Saoirse?!" Gulantang na napatanong at napakagat labi naman ako. Sh*t! Too late, kilala na nila ako. 

Napatango ako sa sinabi niya. "Omg, Sab, help me..."

Liningon namin ang grupo ng mga babae na patakbo sa'min. Kahit recess time palang, kalat na kalat na ata kung sino yung "The Lost Princess". Alam na ng buong school kung sino ako.

"AAAAAAAAHHH! PRNCESS SAOIRSE, PAPICTURE PO!"

"P*TA, ANG GANDA NIYO PO TALAGA, PRINCESS SAOIRSE!"

"KAGALANG-GALANG! MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO!"

"PRINCESS SAOIRSE, WELCOME BACK!!"

"OMG! THE TWO PA PRINCESSES ARE HERE, PAPICTURE NGA HO!!"

Parang hindi na kami makahinga ni Isabel sa dami ng tao. Do these people know what they are even doing? Kahit nga magkaeclipse ngayon, hindi na namin ni Isabel kakailanganin ang araw sa mga nagkakabilang flashes sa mga camera nila. 

Halos buong school nandito na sa hallway at hinihingi yung autograph ko at papicture narin. I even recognized these people. Etong babaeng nagpapicture sa'kin at nagbeso-beso, sa pagkakatanda ko, siya 'tong tumawag sa'kin na malandi. Tsaka etong,, babaeng may maapal na lipstick na unli sa hug sa'kin at parang natatantrums na sumisigaw ng "Let me be your friend! Let me be your friend!" Isa rin siya sa mga nag-insulto at nagjudge sa'kin noon.

Ah ewan kung ano yung nangyayari sa society these days pero alam ko sa sarili ko, at kitang-kita ko yung differences. "Huy, teka lang ho, sandali, uy, teka, kaninong ballpen 'to?!" Pagpapanick ko sa gitna ng hallway. "Teka, naaapakan ako! Ano ba!" Nakakabw*set na talaga sila. Halos lahat kasi ng mga tao nandito na sa hallway. Eh ang sikip sikip ng hallway e. Ah, dagdag mo pa yung walang tigil na pagpicture-picture nila, nakakasilaw. Yung totoo, artista ba si Saoirse? Ba't ganito yung pagwelcome sa kanya.

"AH, I LOVE YOU PO, MARRY ME, MISS PRINCESS SAOIRSE!" Lalaki, babae, bakala, aaaah, ang ingay-ingay nilang lahat! Ni hindi ko na nga makita si Isabel. 

"ISABEL!! SAB!" 

"LOLA?! LOLA DI NA KITA MAKITA!" Sigaw ng Isabel mula sa malayo. 

"PRINCESS SAOIRSE, TANGGAPIN NIYO PO 'TONG CHOCOLATE CAKE!"

"ETO RIN PO BULAKLAK!"

"ETO RIN PO! PICTURE NATING DALAWA!"

"PRINCESS SAOIRSE..." Aaaaaaahhh, tulong, nakakabingi, ang ikit-ikit. Ang dami-daming tao, nakakabw*set, meron na rin kasing mga manyak na kung anu-ano yung hinahawakan! Aaahhh, ang daming picture, siguradong shunga yung itsura ko diyan. Tapos marami rin silang pinabibitbit. Seriously?! Kanina lang nila nalaman, may mga bulaklak na sila?!

"Ouch, wait, teka, huy, nahulog! Hala, naapakan! Sorry! Ouch, yung kamay ko." Para akong t*nga na hindi alam kung ano yung gagawin. Kung may nahuhulog ako, hindi ko na mapupulot sa dami nila. Mga matataas, pandak, gwapo, maganda, mga matatalino. Ahh, ewan! Gusto ko nang lumabas!

"Huwag kang bibitaw." Wika ng isang pamilyar na boses sa tainga ko at may malaking kamay na humawak sa kamay ko tsaka hinigit ako nito palabas sa crowd.

Tinakbo niya ako, kaya nbitiwan ko yung mga kung anumang gifts nila. "Uy, yung chocolate cake." Wika ko pa pero dahil maraming humahabol sa'min, napatakbo narin ako kasama siya.

"Hahaha, hindi kita maimagine!" Tawa namin nang hinihingal dahil sa wakas, nakatakas kami sa daan-daang estudyanteng pang-edsa lang yung peg kanina. "Haha, salamat ha." Sabay lagay ko ng isang kamay ko sa harap ng isang locker para sumuporta sa hinihingal kong katawan.

"Haha, kakagulat ka talaga" Sabay yakap at buhat sa'kin ng mahigpit. Hay, namiss ko 'tong lokong 'to. "Haha, kapagod, kakamiss ka, Lola!" Sabay yakap ko rin ng mahigpit sa kanya.

"Ewan ko, Mathew para akong sinampal ng katotohanan. Salamat, feeling ko kung hindi a dumating, baka nalunod na ako roon."

"Masanay ka na, ganyan din halos lahat ng tinuturing nila na prinsepe't prinsesa noong una."

Bumitaw kami sa pagkaykap at napaupo sa sahig. Nadala niya pala ako sa locker room ng mga nagbabasketball sa gym. Umaga ngayon ng recess kaya walang nagparapractice at wala ring tao sa buong gym.

Noong nakapagpahinga na kami at nakahinga ng maluwag-luwag. "Pasensiya ka na kung palagi akong wala sa tabi mo. Maliban sa hindi tayo classmates hindi na rin kita nasasamahan tuwing recess at dismissal. Ako pa naman yung nag-alok bilang best friend mo."

Binatukan ko siya kaya napa-aray siya. "Haha, e bakit nga ba, dahil ba kasama ko si Dean?" Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Luh, joke lang, di ko sinasabi may feelings ka sa'kin haha chos, sorry din asi minsan wala akong time sa'yo."

"Mas malaki kasalanan ko e." Sabay amot niya sa likuran ng ulo niya. 

"Ewan ko sa'yo, mas malabo ka pa sa lovelife at buhay ko." Tumawa rin naman siya.

Nagring yung bell na hudyat ng next class pagkatapos ng recess. "Papasok ka pa rin ba mamaya?" Tanong ni Mathew sa'kin at napaisip ako.

"Ugh, I hate my life." Ano ba kasi, tahimik pa sa isda yung buhay ko tapos sa isang iglap, ganito na kagulo?

Pinat ako ni Mathew sa ulo, parang aso lang? 

"Isa lang naman talaga yung dahilan ko para pumasok ngayong araw e. Yun ay yung isalba yung scholarship ko." Kwinento ko kay Mathew lahat-lahat about sa scholarship ko tsaka dapat hindi ako makick-out sa school na 'to. "Sasabihin ko sana sa'yo kahapon e, kaya lang umaga kang umuwi dahl sa research paper."

"Well, don't you think it's a bit falsy? I mean, ikaw si Princess Saoirse. Wow, kakaiba a tawagin ng ganyan, Lola padin itatawag ko, so 'yun nga, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa'yo back at La Esperanza? The Sandovals are a wealthy family, baka nga hind mo na kakailanganin yung scholarship mo."

Malaki yung point niya, oh well, napakamot nalang din ao sa ulo at nagkibit balikat.

Class hours nang lumabas kami ni Mathew mula sa gym. agad siyang nagpaalam para umatend sa next class niya pagkatapos niya akong ihatid sa office ng tagadikta ng parusa kung saan pinag-usapan namin yung scholarship kahapon. Nagbabye ako kay Mathew at kumatok doon tsaka pumasok nalang din. 

Dumiretso ako nang upo at napasilaw naman yung mukha ng tagadikta ng parusa na parang nakakita ng artista. "Oh My Ghad! Princess Saoirse, you're back!" I closed my eyes sa inis, pati ba naman siya? I mean totoo ba 'to? Lahat ng tao, nagbabago yung ugali towards sa'kin dahil ako si Princess Saoirse nila.

Parang hindi dumaan yung limang segundo, agad ko nalang natagpuan yung sarili ko kakapilit magsmile sa endless selfies niya sa'kin. "Ah, miss, tama na po, nandito po ako para magtanong para sa scholarship ko."

"Wait teka, last selfie, smile!"

"Miss, okay, o--um, yung scholarshp ko po--"

"Last selfie nalang talaga, Miss Sandoval! It's an honor to meet you!" Luh lokang 'to?! Ngayon lang kami nagkakilala ha? Ngayon lang?

"Ah, as I was saying nga po, yung scholarship ko--"

"OMG! Tignan niyo po Miss Sandoval, yung picture natin, ang ganda ganda niyo po rito--"

"Miss, tumigil ka, kanina pa ako nagpipigil ng inis, kamusta na yung scholarship ko." Hindi ko napigilan ang bunganga ko, bigla nalang ito ng kumareer.

"Huh? Pinoproblemahan mo pa 'yan? Well, uhm, pumayag naman po yung principal at nag-approve na pwede kayong magretake pero you are Miss Sandoval, hindi na po 'yun kakailanganin."

"Pero, failure padin yung grad--"

"Miss Sandoval do not worry about anything. Pasado ko whether you do a retake or not."

~♡~♡~♡~

Pagkatapos ko kamustahin yung scholarship ko, nagdesisyon na muna akong umuwi. Well, meron naman kasing unexpected call mula kay dad. Naman, pa'no nito nalaman yung number ko? Dad ko manghuhula rin. Hay, pero sinagot ko rin naman 'yun.

{Saoirse, anak, am I disturbing you or anything?} Wow deep, Engish, anything po.

"Ah, wala dad, bakit napatawag po kayo?"

{Nandiyan na yung sundo mo, he'll wait you until dissmissal tapos kung wala kang gagawin, will you please, dumiretso ka nalang sa house. Yung sundo mo, he's a trusted driver, he will drive you home."}

"Ah, ah-eh okay po, dad, ah, salamat."

{"Okay Saoirse, itetext ko nalang sa'yo yung plate number or I may not dahil kilala ka na rin lang ng tagasundo mo, just show yourself by the parking lot."}

"Aaaahh, okay po."

Ayun nga, dahil sa tawag na 'yun, napilitan nalang akong umuwi. Mainit parin kasi ako sa mga estudyante sa Porcupine Academy. Lahat nalang sila tinatawag akong Saoirse, ay hindi pala, Princess Saoirse pala.

O, kitam habang naglalakad ako sa lobby, may mga estudyante parin na nagpapapicture, pero mas kaunti kaysa kanina. Hula ko mga class-cutters 'to e.

Ni hindi ko na kailangang hanapin pa yung sasakyan ni dad. Nasa gitna rin kasi ng lobby ito nakapark, katabi ng sasakyan ni Kulangot. Kulay black ang kulay nito at tsaka shiny. "Good morning po, Miss Sandoval, hatid ko na po kayo." Paunang bati ng driver. Naalala ko tuloy yung driver ni Mathew, parang hawig din kasi sila e.

Nagmuni-muni lang ako roon sa loob ng sasakyan. Minsan natutuwa ako kasi wow mayaman pala ako, ganito-ganyan tapos hindi na ako iniisnob ng mga tao. Kumbaga popular na ako. Well popular ba? Maraming pera si Saoirse, isa siyang prinsesa. Binabansagan ngang "The Lost Princess" eh. May malaking kwarto siya, tinuturing siyang maganda at perfect. At ako at siya ay iisa lang. 

Oo, dapat siguro maging masaya ako pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Ganito ba talaga yung mga tao? Ako parin naman 'to ah, pangalan lang yung nagbago sa'kin. Pangalan lang, pero kung makaasta yung halos lahat, parang ngayon lang nila ako nakilala.

Dahil ba ako si Saorse, sila na bahala sa grades ko? What do they mean. Parang ang shunga ko rito na nag eemote, sobra-sobra naman kasi yung mga tao, si Lola ba bilang ako noon, bakit hindi nila nagustuhan tulad noong pagkagusto nila kay Saoirse? ang gulo nilang lahat. Ang gulo ko rin.

Pinatigil ko yung driver dahil may naalala ako out of the blue. Kailangan o palang dumaan sa bahay para umuha ng iilang mga kagamitan ko doon. Tsaka mangangamusta narin kay mama I'm sure kasi nandoon narin sila. Masakit man isipin pero alam kong hindi sila forever makikitulog sa bahay ng mga Sandoval.

"Manong liko po sa kaliwa." Turo ko kay manong driver hanggang sa napatigil na kami sa harap ng bahay ko.

"Hay, namiss ko 'tong bahay ko!" Nagsad face ako. Kakamiss talaga, ang bilis magbago ng panahon. Kahapon, isa lang akong normal na nobody, ngayon, itinuturing na ng lahat bilang isang prinsesa at nakatira na sa isang modernong mansion, paki-explain nga?

Pagkarating ko nang gate, napansin kong lock ito. Wala siguro sina mama? Pero dahil girl scout ako at may susi, na-open ko yung gate. Pumasok ako at agad na dumiretso sa front door. I-oopen ko na sana yung main door gamit ang isa pang susi ng makarinig ako ng kumakabog-kabog at kumakalas kalas galing sa railings papuntang kwarto ko. 

"ARAY!" Sigaw sa sakit ng isang taong kakahulog lang ata.Agad akong tumakbo sa gilid ng bahay at nakita ko ang isang pamlyar na mukha na may hawak-hawak na isang pamilyar na pamlyar na sobrang pamlyar na red envelope.

"HAROLD?!"

 **

Author's Note:

Waaaaahhhh.. how's the chapter? Anyway, gusto kong ipaalam sa inyo that I made a very very huge mstake ajujujuju.. mali yung mga date ahuhuhu.. huwag niyo nalang pansinin yung mga date errors xD Ayun salamat sa pagbabasa :* LOVE YOU ALL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro