CHAPTER THIRTY-FOUR - OPPORTUNITY KNOCKS ONCE
Rice Crawford POV
Inilibot niya yung mata niya. Kala niya di ko alam ah. "Tsk. Ikaw nga hindi ako tinitigilan e. Tapos, sinabihan mo pa si mama na huwag akong ihatid. Ang sama mo, Dong, ginawa mo pa akong yaya kanina sa isang store, kaya mo rin palang utusan yung saleslady. Paulit ulit yung topic na di naman--"
Hindi ko napigilan. Ang dami niyang satsat. Nakakap*ta! "Pwede ba kitang ligawan?" Ayan, para akong g*go na pinagsisihan yung kakatanong ko. Nagulat ko ata siya. Ayan tuloy, f*ck, yung sasakyan ko!
Para akong t*nga na hindi alam yung gagawin kaya agad nalang akong napapreno. "F*ck!" Sigaw ko, sabay tingin sa nagkalat na shake sa sasakyan ko.
*Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake
I shake it off, I shake it off
I, I shake it off, I shake it off
I, I shake it off, I shake it off--*
Argh! B*stard f*ck! Aksidenteng natamaan pa ng siko ko yung power on ng radyo kaya biglang umandar, Shake it off pa yung kanta. -_- P*ta. Ba't ang daming Taylor Swift sa storyang 'to? Naging girlfriend ko rin ba siya?
Inoff ko 'yun at pareho kaming natameme ni Bunganga ng ilang sandali. Ang p*ta ko kasi, ba't ko ba naman sinabi 'yun?
"Hala-hala-hala-hala-sheet-sorry!" Mabilis na pagsabi niya. Binuksan niya ang pintuan para lumabas. "Naku, pa'no 'to? Wala akong pangpunas jan, basa na yung palda ko." Pagworry pa niya.
Binuksan ko yung compartment ng sasakyan at kumuha ng pangpunas doon. Sh*t, sasakyan, I'm so f*cking sorry.
Mga dalawampung minuto rin natapos yung pagpunas namin ni Bunganga sa upuan ng sasakyan at habang tinutulungan niya akong magpunas, hindi matikom yung bunganga niya sa pagsabi ng sorry.
Ako naman, hindi matigil sa pag-iisip kung bakit ko ba 'yun sinabi pa.
"Sorry, ahm, ano, teka, ano ba kasi yung sinabi mo? Ligaw?" Wika niya nang maayos na ang lahat at nakaupo na ulit kami sa loob ng sasakyan.
Nataranta ako. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. F*ck lang, sa tanang buhay ko, ngayon lang ata ako nakakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa itatanong ko. Ano bang klaseng mangkukulam 'to si Bunganga. Argh f*ck! Napahiya ako roon ah.
"Ah -- ano, huwag m-mo nang... pansinin." Bw*set! Nauutal pa ako. Ang epic fail ko naman sa harapan niya. Hindi naman ako ganito sa harap ng ibang mga babae e.
Tinignan niya ako ng may pagtataka. "Narinig ko 'yun e." Malamang. Sinabi ko e.
Pero, para akong binuhusan ng ice cubes. Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan. "O, narinig mo naman pala e. Sabi ko naliligaw tayo pero naalala ko na pala yung daan kaya okay na."
"Huh? Eh dinig na dinig ko 'yun e. Sabi mo pa nga--"
"Ang kulit mo! Bingi ka diba? Mali yung narinig mo. At tsaka, manigas ka nga diyan, di kita type."
"Ah ganoon? Bingi ako. Tsaka edi mabuti. Di rin naman kita type." Sabay cross arms niya. Alam niyo, nakakasakal na talaga yung babaeng 'to. Kanina pa siya e. Akala niyo kung sinong mala-anghel, yun pala may pagkamaldita't pilosopo din. Pero tae, nasuntok ako sa sinabi niya ha.
Hindi nalang ako nagsalita buong biyahe. Pambihira kasi siya e, siya na nga 'tong nakabuhos ng napakamahal na shake sa napakamahal kong sasakyan, siya pa yung galit. Pambihira talaga.
Pagkarating namin sa bahay niya. "Bunganga, pabati nalang kay Mrs. Lazaro."
Inarapan niya lang ako at lumabas sa sasakyan. Aba't ang ayos nang pagkasabi ko noon ah. Nakakainis talaga si Bunganga, sa lahat ng tao, ako lang ata yung tinatarayan niya e. Ewan ko ba kung bakit ko pa siya nagustuhan.
Pero yung totoo, wala namang masama kung ligawan ko siya diba? Lalo na't nalaman kong hindi naman talaga sila ni Dean. Si Dean pa, saksakan ng torpe yun. Pero you couldn't f*cking guess na hindi naman talaga torpe si Dean noon.
When he was fifteen, saksakan din yan ng pagkababaero. Well, mainit mang aminin, pero parang ako rin yan. Parehong-pareho kaming dalawa noon, malamang magpinsan kami e. Saksakan 'yan ng pagiging basagulero at sobra pa nga 'yan sa'kin kung manuntok e.
Ewan ko lang pero after ng last break-up ni Dean sa pinakahuling girlfriend niya'y bigla siyang nagbago. Kaya ayun, nagmala-anghel na siya. That time parang patas na kami, hindi niya ipagsasabi ang mga kalokohang ginagawa ko kay dad at hindi ko rin ilalaglag yung baho niya.
Remembering that time bago kami pumunta sa mangrove planting at nasa bus kami. Akala niya talaga ilalaglag ko yung baho niya kay Bunganga. Pero yung totoo, pinapaalala ko lang siya na huwag siyang masyadong magmalinis, dahil hindi rin naman siya perpekto.
-----FLASHBACK-----
Nainis ako bigla. Ba't ba ang kabute niya?! "Hoy Dean, kanina ka pa ha, ay hindi pala, noong nakaraang buwan ka pa. Alam mo nakaksakal na e." Bigla akong tumayo dahil gustong-gusto ko na talagang suntukin 'to. Nakakahighblood e.
"Then move away. Alam kong kilala mo 'ko Rice. Alam mong higit pa sa suntok ang magagawa ko." Aba siyempre alam ko, muntikan ka na ngang makapatay noon e. Kung di lang ako nakarating noon that time, baka nasa prisinto ka na.
O, siya, pinagmamayabang niya yung ganyang katangian niya! Ibang klase din naman yung g*go. "Aba't p*steng g*go ka ha, ngayon ka pa nagmamayabang sa ugali mo noon?"
Hindi ko napansin ang katahimikan sa loob ng bus pero alam kong iba na 'to. Hindi ko naman talaga balak na ipaalam sa lahat na ganoon yung dating Dean e. Kahit mukhang lalabas na ako sa balat ko at gusto ko nang suntukin 'tong kaharap ko, nag-iisip parin ako.
"Will you just f*cking shut up, I'm not arrogant unlike you. Umalis ka nalang at huwag ka nang lalapit kay Lorraine." And now, he's warning me? What the f*ck?! Pinep*ste niya talaga ako e.
"Ha! Sinasabi na nga ba, takot ka lang malaman ni Lorraine 'yang baho mo--" Sinubukan ko ulit ipaalala sa kanya na hindi siya perpekto, na pareho lang naman kami e, so hindi siya dapat magmarunong.
"Noon pa yun. So don't you dare to bring back--"
He threatened me kaya ako rin, tsk. "Sige, walang pumipigil sa'yo. Tignan lang natin kung saan makakarating--"
"Subukan mong g*go ka." Mainit na rin yung dugo niya. Humakbang siya para sugurin ako.
"Uy, uy, uy. Nakakahiya. Rice, Dean, ano ba kayo." Kung hindi pa dumating si Ray, malamang nagkasuntukan na.
-----END-OF-FLASHBACK-----
"O, Rice! Kamusta?" Bati sa'kin ng katropa kong si Carlos at dirediretso naman akong umupo sa sofa ng apartment niya.
"Si Frederic at Ray, asan?"
Lumabas si Frederic galing sa kusina. "Hinahanap mo ako?"
"Ay di ba halata?" Kumuha ako ng isang beer sa fridge. "Si Ray?"
Sumagot si Carlos. "Malamang nasa mansion niya na. Hindi naman niya siguro inaakala na dito ka didiretso."
"Ah, kakaempake ko lang, pumayag na kasi yung mga magulang niya na doon na muna ako titira." Ang totoo niyan, pagkatapos na pagkatapos ng insidente, doon ako dumiretso sa bahay nina Ray. Ayoko rin namang umuwi sa Apartment ko dahil I'm f*cking thinking at alam kong doon nag-aabang yung mga p*steng reporters.
I can't go to my st*pid house dahil alam kong sanlibong speech na naman yung matatanggap ko kina mom and dad. Pineke ko kasi yung signature sa waver eh. Kahit required na pumunta yung mga Seniors sa Mangrove planting, dapat may pahintulot parin ng magulang. Di kasi nila alam na pupunta ako ulit sa same mountain, sa parehong lugar kung saan nangyari yung trahedya ten years ago. Pero hindi ko naman gustong pumunta roon, tinatamad pa nga akong pumunta e, but if it wasn't for Bunganga, hindi na sana ako natuloy.
"So, Rice, ano ba'ng pinunta mo rito? Don't tell me about na naman 'to kay Saoirse." Isinalo ni Fred yung beer na inihagis ko sa kanya, binuksan gamit ng can opener at inihagis pabalik.
Sinalo ko. "Oo, pero more on Lorraine." Ininom ko ang beer habang si Fred naman ay binubuksan yung beer niya. Si Carlos naman ay kumukuha pa lamang sa fridge. Pagkatapos kong inumin nang tuloy-tuloy yung bote ng beer, pumikit ako at nagsalita. "Tulungan niyo akong ligawan siya."
"HAHAHA NAKAKATAWA, Rice, huwag kang magbiro, seryoso mode tayo ngayon." Sabi ng kaibigan kong g*gong artista.
"Hehehe-hik--he!" Eto pang isa. Ang bilis namang malasing nitong si Carlos.
"Seryoso ako."
"Di nga?"
Tiningnan ko si Fred nang napakatalim na tingin at bigla niyang inilagay yung kamay niya sa ere.
"O, sige, pero di ko talaga maimagine pre, ang isang dakilang Rice tulad mo, na parang nagpapalit lang ng damit kapag nagpapalit ng girlfriend, nagpapatulong manligaw, haha, okay ka lang? Ano ba'ng nakain mo recently?"
"Eh iba si Bunganga eh. Yung mga past girlfriends ko, hindi ko naman sila mahal noon eh. Ni hindi nga ako seryoso sa kanila kaya kung tatanungin ko sila kung pwede maging girlfriend ko at kapag ayaw nila, wala namang mawawala sa'kin dahil hindi naman sila kawalan. Iba si Lorraine. Tsk. Ewan ko pare, para akong t*nga dito ngayon."
"Baka naguguluhan ka lang, Rice. Baka hindi mo naman talaga gusto si cute girl. Baka iniisip mo lang na mahal mo si-si Lorraine kamo, oo, baka iniisip mo lang na mahal mo siya to the fact na iniisip mo na siya si Saoirse." Wika ni Carlos na nawawala na kaunti yung pagkakalasing.
Napakibo ako noong narinig ko yung pangalan ni Saoirse. "Siya at si Saoirse ay iisa, alam ko, ramdam ko."
Maayos na nagsalita si Fred. "Rice, huwag mo kaming sisihin kung hindi kami naniniwala na mahal mo si Lorraine ha. Baka naguguluhan ka lang. Sino ba talaga yung mahal mo, si Lorraine ba o si Saoirse na nakikita mo kay Lorraine."
Napatigil ako at napaisip. For the first time may sense yung sinabi ni Carlos. "Kapag sinagot ko ba 'yan, tutulungan niyo parin ako?"
"Depende sa sagot mo, pare."
~♡~♡~♡~
Lorraine Lavilles POV
"And right, left, right, left, one-two-three-and left, right, left, right." Thursday ngayon and si ma'am Barille yung teacher at since wala parin siya until now, nagpractice nalang kami for the cotillion sa JS Prom.
Eto ako, nakatunganga sa gilid ng Auditorium kung saan nagprapractice yung mga batchmates ko. Walang nagyaya sa'kin s usual. Pero hindi dahil pangit ako ah, akala parin kasi ng lahat na boyfriend ko si Prince Dean at siyempre siya yung magiging kapartner ko sa JS prom. Eh, hindi parin siya pumapasok e kaya eto ako nakatunganga.
Kaninang umaga, sinundo ako ni Kulangot at yung kakaiba lang ha, ang hyper niya kanina. Pinaandar niya kasi yung radyo at yung saktong kanta na lumabas ay Uptown Funk. Tapos bigla nalang siyang bumirit. Tahimik nalang akong napatawa.
Anyway, ERASE. Nasa Audi ako diba, kaya dapat nasa Audi rin yung atensyon ko.
Tinitignan ko nalang yung mga kaibigan ko. Si Dheenise na sinasayaw ni Harvey. Sabi na nga ba, may something 'tong dalawang 'to e. Si Freya naman, haist, nakakatawa, si Harold dapat yung partner niya pero biglang umatras si Harold kaya si Kenneth nalang din yung sinasayaw ngayon ni Freya.
Cathlyn was obviously dancing with her boyfriend Geffen and as usual, nagPPDA parin yung dalawa. Maayos yung dancesteps, ginagawa nilang ahem.
Pamela was a little grumpy, hindi niya kasi type yung sinasayaw niya. I think it's another prince sa batch namin pero I don't know with Pamela. Pachoosy e. Pero I'm sure she's fine, nakapares niya kasi sa Senior si "Prince Cameron".
Looking at the left side, isinasayaw ni Jane yung sarili niya, dejoke lang lol. Kasayawan ni Jane yung leader-leaderan namin sa classroom. Yung lalaking magaling sumayaw na sana pinangalanan ko nalang.
Hmm. Kung nagtataka kayo, cotillion partners should be by the same section pero ibahin niyo si Isabel. Nag-appeal pa ata sa DepEd or whatsoever o kung anumang ginawa niyan at naging kapares niya si Mathew. Ang cute nila together. Si Mathew kasi nakasimangot. Si Isabel naman nag-uumapaw yung ngiti.
"Kanina ka pa ba rito?"
"Harujust--sh*t naman Harold, nakakagulat ka!"
"Tss. Edi magulat ka." Kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko, tahimik lang siyang nakatingin sa mga nagsasayawan.
"O, ano na naman yung sinisimangot mo diyan?"
Tahimik parin siyang tumitingin sa mga nagsasayawan. "Naranasan mo na bang--" Napatigil siya sandali. "Naranasan mo na bang magsinungaling." Teka, baka ako yung dapat magtanong niyan sa kanya. "Magsinungaling tapos maguilty sa ginawa mo dahil parang sobra na?" Sabay tingin niya sa'kin.
Hindi ako sumagot. Mukhang malalim problema nitong si Harold e. #Hugotmuch
"Ayoko na Lola, ang dami kong napagsinungalingan. Nakalimutan ko na nga yung dahilan ko kung bakit ko 'to ginagawa. Kung bakit ko 'yun ginawa at kung bakit ko 'to ginagawa."
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko dahil wala naman akong alam sa kahit ano'ng salita na lumalabas sa bibig niya. "Harold."
"Nagsisisi ako Lola e, kung naging open-minded lang ako noon." Ipinikit niya yung mga mata niya at iminulat ulit pero natahimik agad at tumingin ulit sa maga nagprapractice.
"Lorraine." Lumingon ako para makita si Dean.
"Dean!" Nag-alala ako sa taong 'to. Mabuti nalang at okay siya.
"Sorry, hindi kita nadalaw."
"Naku, Dean, ano ka ba, okay lang. Ang importante okay na tayong dalawa."
He simled at tiningnan yung mga nagsasayawang kabatchmates namin. Then, he held his hand out. "Do you want to dance with me?" Yaya niya at tinanggap ko naman 'yun ng may ngiti sa labi ko. Ang warm ng kamay niya. Grabe, I'm so blessed dahil nahahawakan ko yung kamay niya.
"Ah, alis na muna ako, nakalimutan ko may gagawin pa pala ako." Wika ni Harold na agad tumayo. Nawala naman yung ngiti ko sa labi at napalitan ng pagkagulat nang nakita kong may kung anumang kulay pula sa pwet ni Harold.
"Harold! May dumi ka ata sa pwet."
Nagulat din siya at napatingin sa upuan na may kung ano'ng pula rin. "Sh*t, pintura ata 'to. Pinagtritripan na naman ako nina Kenneth. Uh, alis muna ako." Sabay buhat niya sa upuan na may pulang pintura.
"Um, Lorraine, shall we." Natuon ang pansin ko sa nakangiting Dean. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Dean. Oh well, opportunity only knocks once, lulubus-lubusin ko na 'to.
~♡~♡~♡~
Pagbalik namin sa inuupuan ko sa classroom. Isang bouquet ng pink sunflowers. Wow, Dean, nag-effort ka pa talaga. Sabay tingin ko dito. Ang ganda, infairness.
"Lola, ang ganda! Who gave it to you, come on." Bago ko pa mahawakan yung sunflower, kinuha 'yun ni Isabel at ibinasa yung puting papel na may maga sulat.
"Sino pa ba." Sabay ngiti ko at tumingin kay Dean pero ang ipinagtataka ko lang, hindi siya nakangiti at war'y nakakunot pa nga yung forehead niya.
"Have a happy lunch, from your Kulangot." Kumunot yung noo ni Isabel at lumaki naman yung mga mata ko. "Kulangot? Yun ba yung dumi sa ilong?"
Inagaw ko kay Isabel para ako na mismo yung makabasa ng card.
Hѧνє ѧ һѧppʏ ʟuňċһ
Fяom ʏouя Kuʟѧňɢoţ
[Insert Author's Note: Iba po yung font sa itaas so kung hindi po uma-appear sa screen niyo ang kahit isang letter, notify me please. Thank you, keep reading ^_^]
Lumukot yung mukha ko. Sa Chair ko, nakalagay nga yung lunch ko. P*steng Kulangot. Hindi nga ba niya ako tatantanan.
Sa likod naman ng card, may nakasulat.
PS: Hɨռɖɨ aҡօ ռaռʟɨʟɨɢaա
ҡaʏa ɦʊաaɢ ʟaʟaҡɨ aռɢ ʊʟօ ɦa.
"Lola! Kanino galing 'yan?" Dali-daling tambad sa'kin ni Jane na kararating lang sa classroom. Nakita ko naman na inarapan siya ni Isabel.
Isabel shook her head and looked at me. "Lola, is it from Dean? Hindi ko kasi alam kung maswesweetan ako sa nakasaad diyan."
"Kulangot..." Wika ni Jane habang inaamoy yung bulaklak.
"Wala, naligaw lang 'to." Wika ko sabay agaw kay Jane yung bulaklak at itinapon ito sa malapit na dustbin.
Dali-dali namang kinuha ni Isabel yung lunch ko sa chair. "HUWAG! Kung itatapon mo 'to, akin nalang. Based sa brand, Galing 'to sa isang restaurant sa La Esperanza, ang mahal kaya nito."
"Hay, Isabel, hindi ka nag-iingat, baka may lason 'yan." Wika ko.
"Kanino ba kasi nanggaling 'yan at ayaw mong tanggapin?" Wika ni Jane pagkatapos niyang irapan si Isabel. Seryoso, kanina pa 'tong dalawang 'to.
"Wala, galing 'yan sa mga taong mahilig mantrip."
Hindi ko kinain yung lunch, kinuha yun at kinain ni Isabel. Linibre ako ng lunch ni Mathew kasi doon din siya kumain. Tinatabihan pa nga siya ni Isabel e. Aish ewan pero kapag tinitignan ko si Sab kanina na kinakain yung lunch na 'yun para akong nalalaway sa pagkain.
Natapos yung lunch at afternoon class kaya sa wakas uwian na. Haist, ewan ko kung bakit ang sungit ko kay Kulangot. Ayoko lang kasing matripan ulit.
Well, yun nga ba yung rason?
Ipinikit ko ang mga mata ko to think quietly.
BEEP! BEEP!
"AISH! SALAMAT HA! NAKAKAPAG-ISIP NGA AKO, QUIETL--" for the seond time around, nasigawan ko naman yung crush ko. My bad, akala ko kasi si...
"Lola, what happened?" He smiled. "I just want to ask you kung gusto mong sumabay sa'kin. I'm gonna give you a ride home." Ayshet, ako lang ata yung kinikilig dito. Ako lang nga ba? Ehe ehe.
"Um, sige!" Haha, wala na 'tong atrasan, crush ko kaya yung nag-alok kaya why not.
Mahahawakan ko na sana yung door handle nang may biglang humawak sa kamay ko at inilayo ito sa door handle. "Wait, not so fast."
Tiningnan ko kung sino yung gumawa noon. "Mathew, bakit?"
"May ibibigay ako sa'yo." Sinenyasan niya si Dean na maghintay lang at mabilis lang 'to. Sumama naman ako sa best friend ko. Aish, nag daming gwapo sa mundo.
Nang nakarating na kami sa loob ng academy. May kinuha si Mathew sa backpack niya. Isang bagay na nakaputos sa brown envelope.
"Sorry, Lola. Sorry talaga. Nagiging makalimutin na ako these days. Dapat kahapon ko pa 'to ibibigay sa'yo e kaso nakalimutan ko." Inabot ko yung bagay na yun.
Binuksan ko yun and there revealed my sling bag. Oh my! Namiss kita. Nandoon kasi lahat ng mga gamit ko. Yung cellphone ko, yung wallet ko tsaka yung charger. Thank God, kumpleto parin. "S-saan mo nakuha 'to."
"Ibinigay sa'kin yan ng mga pulis kahapon."
"Ah, sige, salamat, Mathew ha." Nagnod lang siya at ngumiti, now I really understand kung bakit patay na patay sa kanya si Isabel. Those charming smile ba naman.
Kinamot ni Mathew yung likuran ng ulo niya as his kind of signature. "Sige, Lola, I need to go, may research paper pa akong gagawin." Pagpapaalam niya.
I waved goodbye at tumungo sa opposite na direksyon dala-dala ang sling bag ko para puntahan si Dean. "At... Saan ka pupunta." I inhaled and exhaled. Sa lahat ng boses, yung kanya yung pinakakilalang-kilala ko.
"Sa impyerno. Gusto mong sumama?" Wika ko nang hindi lumilingon.
"Ah, ganoon ba, doon yung impyerno o." Sabay higit niya sa kamay ko at itinuro yung ibang direksyun.
I snatched my hand away from him. "Pwede ba, ihahatid ako ngayon ni Dean."
"Ah si Dean ba? Kanina pa siya umalis, hindi mo napansin?"Nagshrugg siya.
"At ba't naman siya aalis aberr? Kanina lang--"
"Pinaalis ko." Sabay kamot niya sa likuran ng leeg niya. "Ako yung nag-ask permission sa mom mo kaya ako yung maghahatid sa'yo."
Shh! Moment ko 'yun kay Dean eh! Tinapay na naing bato pa.
"Umm.. nagustuhan mo ba yung bulaklak." Nahihiyang tanong niya. Si Kulangot? NAHIHIYA? Sabay lagay ng dalawang kamay niya sa likuran ng leeg niya. "Hindi kita nililigawan, Bunganga ha, nakikipagbati lang ako sa'yo."
Hindi ko siya sinagot at tinignan lang sa mata.
"Aaah, tinapon mo." Wika niya na wari'y nagets niya agad yung totoo. "Ah, eh yung lunch?"
Tiningnan ko lang siya ulit. Uwaaah! Bakit ganito yung nafefeel ko. Bakit ako naaawa sa kanya. Haish, ang sama ko ba? Ang taong kaharap ko ang naging kapahamakan ko pero nakalimutan ko na rin ba na siya rin yung hero ko?
Napahawak sa noo si Kulangot. "Tinapon mo rin, di bale. Di yan eepek, Bunganga, kukulitin kita hanggang sa magkaayos tayo, halika na, hatid na kita." Wika niya at tumalikod.
Pinigilan ko siya gamit ng paghawak sa braso niya kaya napaharap siyang muli sa'kin. "Kulangot, tapatin mo nga ako. Ano na ba talaga ang nakain mo. Ano ba ang nangyari sa'yo at bakit bigla kang bumait? Bakit ka nag-ooffer na ihatid ako? Bakit mo ako sinusundo? Bakit mo ako nililibre. Ikaw parin ba 'yan."
"KASI--" Kusang pinutol niya yung sasabihin niya.
"Ano? Kulangot--"
"Halika na nga, Bunganga. Dami mong drama. Tara sa KingCrown Park. Bili mo ako ng ice cream, pambawi sa pagkamahal-mahal na lunch na ibinili ko." Sa lahat ng mga mayayaman. Si Kulangot lang yung kilala kong kuripot.
'Yun nga, dahil naguilty ako sa ginawa ko sa ibinigay niyang mga bulaklak at yung lunch. Sumama ako sa kanya, nilibre ko siya ng ice cream kahit medyo choosy pa siya dahil baka raw may bacteria 'yung ice cream.
Naging okay naman kami pagkatapos
"Siyanga, pumasok ka na kanina?" Pagtatanong ko.
"Oo, at nakasalubong ko si ate Jillian mo."
Nagtaka ako at napatanong. "Talaga, ano'ng sinabi niya. Umamin ba siya?"
"I tried na paaminin siya. Nacorner ko siya kaninang hapon and guess what she told me. She told me whatever I saw was a f*cking mistake. Biruin mo. Hanga ako sa pagiging sinungaling niya. Kung may pruweba lang sana ako."
"Ba't di mo sinuntok? Ako nga dati, susuntukin mo sana e."
Nagulat naman siya. "Oo nga 'no. Hoy, pero iba yung sa'yo. Nakakabw*set yung sitwasyun mo at nakakainis ka that time."
"KULANGOT, MAS NAKAKAINIS KA. PALAGI MO NALANG GUSTONG MAKIPAGPATAYAN SA'KIN."
"EH ANG AMAZONA MO KASI, MAS MALAKAS KA PA SUMUNTOK SA'KIN EH." Nang walang anu-ano'y naptawa ako noong naalala ko yung kashungahan namin ni Kulangot sa fifth floor. "O? May nagjoke?"
"Wala haha! Naalala ko lang yung shunga mong mukha sa fifth floor haha! Takot na takot ka noon eh hahaha." Pinagtawanan ko siya, yung facial expression niya kasi noon that time.
"Hoy, sige tawa ka pa diyan, di ko rin naman malilimutan yung mukha mo noong una tayong nagkita e. Haha." Narinig ko siyang tumawa. Para sa isang taong once in a blue moon lang tumawa, ang sarap dinigin ulit.
"Unang pagkikita? Yun ba yung,"
"Oo, noong kinidnap ka namin. Para nabasag yung eardrums o sa kakasigaw mo."
"Technically, hindi yun yung unang pagkikita natin 'noh. Ikaw kaya yung walang hiyang bumanga sa'kin sa hallway.
-----FLASHBACK-----
Nang nagring yung bell para sa dismissal, nagmamadali akong umalis. Naglalakad ako sa hallway at marami na ring mga estudyante'ng pauwi. Kailangan kong umuwi ng maaga para magstudy sa English Exam ko this Saturday. Mag-aabsent nalang kaya ako bukas para makafocus ako sa exam o di kaya'y maghahalf-day nalang ako bukas. Hindi! Siguro mas mabuti kung - BOOOGSH!
Nakadalawa nang maghalikan ang pwet ko at ang sahig ngayong Thursday. "Aray!" Kalat na kalat tuloy ang mga gamit ko sa sahig. Lahat ng mga notebooks ko, mga libro ko, kasama ang aking pinakamamahal na Scientific Calculator ay lumabas sa bag ko. Nakalimutan ko sigurong isara 'yung zipper ng bag ko kanina sa sobrang pagmamadali. Bw*set.
"HOY BABAE! WAG KANG TATANGA-TANGA!!! BW*SET!!!" Sabi nang nakabanga sa'kin. Aba, siya na nga 'yung nakabangga sa'kin, siya pa 'yung may ganang magalit at nabw*set. Ni sori man lang wala akong narinig. Kung ipakain ko kaya sa kanya ang Scientific Calculator ko. Tinakbuhan niya pa ako. Anong klaseng hayop ba siya? Lalaki ata 'yung nakabangga sa'kin at sa pagkakaalam ko, higher year siya.
"LAMUNIN KA SANA NG BUWAYA!" Iyun SANA ang gusto kong isigaw pabalik sa kanya pero ang dami-daming tao sa hallway. Ang nakakainis pa, nandito ako, pulot ng pulot ng mga gamit ko. Pulot ako dito ng pulot at ni isa sa kanila, walang tumulong sa'kin.
-----END-OF-FLASHBACK----
"Uy, ba't biglang napatahimik ka diyan?" Sabay lagay ko nang kamay ko sa harapan niya at kinaway-kaway ito. Wala eh, lutang si Toto.
"Wala iniisip ko lang ko lang what if, nagkakilala tayo sa ibang paraan?" Wow. So deep. Kulangot izz that you? "Tsk, ayan ka na naman at binibigyan ako ng nagtatakang mukha."
"Malamang kasi nagtataa ako."
"Hahaha, ang pilosopa mo kahit kailan. Pero totoo nga, paano kung nagkakilala pala tayo sa text? O di kaya naman sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga puno."
"Ang OA mo na Kulangot ha, Isang beses lang nagmemeet yung mga tao."
"Isang beses?" Paulit-ulit itey?
Nginitian ko lang siya, mukhang wala ata siyang bilib sa words of wisdom ko e. Nawala yung ngiti ko noong nakita kong patunaw na yung ice cream niya. "Uy!" Agad na tumulo yung icecream sa kamay ni Kulangot.
Agad siyang tumayo para iwasi yung kamay niya pero tumama yung ice cream sa mukha ko. "Hala, uy, haha, sorry."
Ay, tae, di ako magpapatalo 'no. Kaya ipinahid ko sa kanya yung natitira kong ice cream. "Yak, Bunganga, ang lagkit-lagkit." Pero nakangiti yung g*go.
Ang sama, hinabol niya pa talaga ako para ipahid yung natitirang ice cream. Kala ko ba Kuripot 'to, ay oo nga pala, ako bumili ng ice cream.
Maghapon kaming nagpakash*nga ni Kulangot sa KingCrown Park. Ewan ko ba pero parang hindi kami. Parang bumalik kami sa pagkabata. Oh well, tama naman si Kulangot e. Wala namang masama kung magiging magkabati kami.
Dumaan yung Friday, as usual, nagpractice kami for the cotillion dance. Nagpakasaya kasi siyempre kasayaw ko si Dean.
Hinatid at Sinundo ako ni Kulangot. Ang hyper niya grabe. Parang bigla-bigla nalang na-abduct yung totoong supladong Kulangot at napalitan ng--oh well--suplado parin at war freak pero mas masarap kasama na Kulangot.
Wala namang masyadong nangyari noong Friday mliban nalang sa natanggap kong tatlong chokolate. Ganoon parin yung message. "From your Kulangot" parin. Although nakakairita ngang basahin. I can see na nag-eeffort talaga si Kulangot para magkaayos na kami at maging magkaibigan.
mabuti naman 'yan na kapag magkaayos kami ni Kulangot, at least makakadalo siya sa kasal namin ni Dean, well, magpinsan sila ni Dean e.
Speaking of Dean. Ayoko na! Ayoko na talagang lokohin pa siya sa text. Nakuha ko na rin naman siya e. I think dapat itigil ko na yung panloloko ko sa kanya sa text. I think it's time na sabihin ko sa kanya yung totoo.
Tahimik yung gabi ng binunot ko yung phone ko na nakacharged na. Nakakatwa nga e, sa dami-dami ng araw kong nawala, triple yung mga text messages kong nakuha mula sa mga kaibigan ko na nag-aalala.
Pero, balik tayo rito. Di nga, anuba'ng magandang panimula?
тo: Dean Mirasol
Hindi ko alam kung ano ba yung una kong sasabihin. Hmm, okay lang ba yung (Hi) ? Aish, pangit, parang hindi ko siya kilala. Erase, erase. Hmm, well, how about. (Good evening.) Haist, masyadong formal kung ganoon, erase. What about, (Can we talk?) Ay tae, nagmumukha naman akong girlfriend niya kung itetext ko siya ng ganoon. Well, girlfriend niya naman talaga ako ah. Aisht, muntik ko nang makalimutan, nagpakilala pala ako sa kanya bilang Celestine.
In the end, (Dean.) nalang yung itinext ko. Ah ewan, basta gusto ko lang malaman niya na linoko ko siya at nagsisisi ako. Pero heck, kapag nalaman niya kayang niloko ko siya, okay parin ba kami? Oo nga 'no. Ba't ngayon ko lang 'yan naisip. Pero wait, ang selfish ko naman kung sariling kasiyahan ko lang yung iniisip ko.
Mabuti nang malaman ng taong mahal mo yung katotohanan, diba?
At the end of the night, wala rin naman akong natanggap na reply.
~♡~♡~♡~
Today is Monday at third day na ng February. Well, lagpas one week na noong mangyari yung insidente at hindi naman mas masyadong secure yung paaralan dahil bumaba narin yung red alert. Pero siyempre, mahigpit yung security sa mga entrance and exit points ng Monquierto Valley.
Hindi naman boring yung Saturday ko. Nagyaya kasi Kulangot na magpalipad ng Kite sa Hermano Victory Garden. Hindi rin naman ako nakapaghindi dahil kay mama dumiretso yung tanong niya. Tumango lang naman si mama. "Dapat lang mahaba yung apology niya." Palaging dinadahilan ni mama.
Pero 'yun nga, umulan noong Saturday, kaya yung ending, tumanganga nalang kami ni Kulangot sa gilid ng Victory Garden. Ang sarap niyang sapukin.
Ayan tuloy, napasabi si ate Ethel ng kung anu-ano. "Tapatin mo nga ako Lola, ba't ba kapag si Prince Rice yung naghahatid sa'yo pauwi palagi kang nadedisgrasya. Noong Wednesday, may shake ka sa palda mo. Noong Thursday, puno naman ng ice cream yung buong katawan mo tapos noong Friday, may tsokolate at ketchup yung damit mo tapos ngayong Saturday, basang-basa ka sa ulan." Napakamot nalang ako sa noo.
Noong Sunday naman, linggo.
Ay malamang.
Okay, ganito 'yun, noong Sunday, wala si Kulangot, ewan, pupunta raw siya sa ospital, sabi niya sa'kin noong Saturday. Hindi rin naman niya sinabi kung ano yung gagawin niya doon sa hospital. Yung ginawa ko lang buong maghapon at gabi ay naghintay sa reply ni Dean. Ayoko namang magdouble text kasi baka akalain niya ang desperada ko. Well, desperada naman talaga pero slight lang.
Ngayong Monday, ewan pero kung kailang ineexpect ko na ihahatid ako ni Kulangot sa school, doon pa siya wala. Si mama nalang yung naghatid sa'kin papuntang school. Absent din buong araw si Kulangot.
Wala rin akong natanggap na "From your Kulangot." na card ngayong araw. The same as usual, wala parin si Ma'am Barille. Normal parin yung practice sa cotillion for JS prom at kinikilig parin ako kapag magkalapit yung mukha namin ni Dean.
Maayos naman ang lahat, hindi naman kasi ako masyadong pinapansin ng mga tao sa school e. Except noong afternoon class. "Um, is Miss. Lavilles here?" Wika ng isang babaeng may pamilyar na mukha. Naaalala ko 'tong babaeng 'to. Siya yung babae sa detention room noong paparusahan kami ni Kulangot dahil sa kung ano mang bagay na di ko naman alam ay offense pala. Siya yung tagadikta ng parusa namin sa fifth floor. Ano ba yung kailangan niya sa'kin. May nagawa ba akong mali?
Tahimik lang naman akong sumama sa kanya papunta sa office niya na nasa loob ng detention room. "Umupo ka Miss Lavilles." Edi umupo.
May ipinakita siya sa'kin. Isang pulang folder. She nodded kaya agad ko naman 'yung binuksan. Nakita ko kaagad yung pangalan ko sa ilalim naman, yung mga scores ko this third grading. Ay pakingshet, ang bababa! Oh my Gosh, totoo ba 'to?
"These third grading period, marami kang tests na hindi nakuha and nafail mo rin yung tatlong major subject exams mo."
"Ha?! E pa'no nangyari to? Nakuhanan ko naman lahat ng mga tests ko e." I remembered na baka dahil 'to sa ginawang pagsasabutahe nina Pamela at Cathlyn sa mga grades ko noon. Biglang uminit yung ulo ko. I know what this means.
Yung exam ko naman, nafail ko kasi napuyat ako sa kag*gahan ko kay Dean. "Miss Lavilles, I'm so sorry. Hindi ko alam kung naaalala mo pa that you're under a scholarship program at isang rule sa eskwelahang ito na dapat maipasa mo yung mga subjects mo. You failed two subjects in your white card so there's a huge possibility na makick out ka sa paaralang ito."
Sh*t! Papatayin ako ni mama nito. "Eh, miss, Wala na po bang ibang magagawa?" Kung may kakayahan lang akong magpuppy eyes, matagal ko na sana ginawa 'yun sa harapan niya.
"Well, it's either wala na ngang magagawa, o pwede ko rin 'tong mapaki-usapan n bigyan ka ng second chance, that is, to take your exams again."
Dahil nga sa nangyari kaninang hapon. Inaasaan ko na may mangyayaring maganda sa araw na 'to. Porcupine University has been my second home. Dito ako nag-aral since hindi ko na matandaan. Dito ako nagkaroon ng mga kaibigan tsaka dito rin nagsimula yung love tory ko kay Dean, tapos, bigla-bigla, makikick out ako. Aish!
Hindi ko ineexpect na susunduin ako ni Kulangot ngayong araw kaya naisipan kong makisabay nalang sana kay Dean. Kaso he was told by his group sa research paper na kailangan niya raw magstay kasi deadline na bukas. Buti na nga lang yung research paper ng grupo namin, yung leader yung gumagawa, huehuehue, at tumawa pa'ko sa lagay kong 'to.
Mangingiyak na ko, umuulan-ula pa ng kaunti ngayon. Tss. Akala ko ba every Thursday ako minamalas, bakit bigla-bigla nalang nag-iba yung mundo?
Si Isabelle, Jane at Freya ay magkasama sa isang grupo na gagabihin din ng uwi dahil tatapusin rin yung research paper. Si Dheenise naman, is an editor-in-chief sa clarion kaya ayun nag-oovertime sa Clarion office.
Umagang umuwi si Mathew dahil sa bahay niya ginagawa yung research paper nila. Si Harold, walang sasakyan.
Kinuha ko yung cellphone ko sa sling bag ko para icontact si mama. As usual, walang text message galing kay Dean. I was about to click send when someone I can't deny I waited for an tumambad sa harapan ko.
"Bunganga." His voice was dry, parang iba siya ngayon. "Hali ka." He nodded at tahimik akong sumabay sa sasakyan niya.
Wala siyang sinabi sa'kin sa loob ng sasakyan. Akala ko ba naman, kakaumtsahin niya yung araw ko dahil magkaibigan na kami. Parang napansin ko kasi na medyo malungkot si Kulangot. Kung malungkot ako dahil sa scholarship ko, pwes siya, parang batang pinagkaitan ng laruan. "Kulangot, umiyak ka ba?" Hindi niya naman ako sinagot, continue lang siya sa pagdadrive.
"Akala ko ba naman dahil nandito ka ichecheer-up mo 'ko sa problema ko. Alam mo ba'ng natakot ako noong nakita ko yung tagadikta ng parusa, akala ko may punishment na naman ako eh. Naalala mo 'yun, yung tagadikta na sumalubong sa'tin sa detention room. 'Yung nag-ustos na linisin natin yung isang room sa dulo ng fifth florr bilang parusa?"
Hindi siya sumagot, ay isnob mode si Kulangot?
"Pinapunta niya ako sa office niya, akalain mo, may office pala siya. Pero hindi naman yun yung gusto kong ikwento. Pagpasok ko roon, pinakita niya sa akin yung pulang envelope and there shows my results sa third grading. Mangiyak-ngiyak ata ako noon. Patay ako nito pagnalaman ni mam--"
Itinigil ko ang sarili ko sa pagsasalita. Mukhang wala naman palang nakikinig sa problema ko e.
"Hello? Hangin ba 'ko rito? Nakikinig ka ba?" Isnob na naman, matigas yung mukha niya na nakatingin lang sa highway. "Kulangot, huy."
Sinubukan kong kulbit kulbitin siya sa sleeves niya pero ang respnse niya lang ay "Huwag ngayon." Ay ang hard, ano ba'ng nangyari sa kanya.
Napakatahimik sa loob ng sasakyan kaya tinurn on ko yung radyo. Four five seconds yung lumabas na kanta. Meh favorite.
*See they want to buy my pride, but that just ain't up for sale
See all of my kindness, is taken for weakness
Now I'm Four Five Seconds from wildin'
And we got three more days 'til Friday
I'm just tryna make it back home by Monday, mornin'
I swear I wish somebody--*
Nakakainis, pinatay niya yung radyo. Ano ba'ng nangyari bakit naging ganito 'to? Tinatanong ko, hindi naman ako sinasagot.
I looked at the time on my phone 4:55pm. Bakit kaya ang tagal ng biyahe?
I just stared out of my window. Wait, TEKA LANG, hindi na mga gusali yung nakikita ko kundi mga greenfields.. mga tubo, mga kahoy. Ibinaling ko yung tingin ko sa harapang. FUDGE? Hindi na concrete yung daan. "Teka, hindi 'to papunta sa'min ah." Biglang pagtingin ko kay Kulangot at hindi parin siya sumasagot.
Uminit na yung ulo ko, kung nang-iisnob siya dahil may problema siya, bakit ganito? Saan niya ako papauwiin?
"Nakikinig ka ba? Hindi 'to papunta sa'min!" Sa ganitong sitwasyun hindi parin niya ako sinasagot. "KULANGOT!" Tiningnan niya ako pero hindi nagbago yung ekspresyon sa mukha niya. "Sagutin mo nga ako, saan ba tayo pupunta?!"
There was a little smile sa gilid ng labi niya assuring me that everything is gonna be fine.
I stared at him waiting for an answer. "Saan?"
"Sa mansion ng mga Sandoval."
**
Next Update: March 29, 2015
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro