
Chapter 33 - Finally Back
CHAPTER THIRTY-THREE - FINALLY BACK
Lorraine Lavilles POV
"Lola! My Ghad! Are you okay?! Who are those kidnappers at isaksaksak ko 'tong bagong stilettos ko!" Sigaw ng isang babae sa likod ko.
Bago pa ako nakapagreact, naramdaman ko ang napakawarm na pagyakap sa'kin ng ex-bestfriend ko. "Isabel? Kailan ka pa nakabalik?" Sa hindi malamang dahilan, natutuwa ako't nandito siya. Hay, namiss ko 'tong babaeng 'to.
"Ngayon lang! I was actually going to visit you kanina sa hospital but sadly nakacheck out ka na pala kaya pumunta ako sa bahay niyo but guess what, you were nowhere to be found narin dahil nagmamadali ka raw sa school sabi ng mama mo so I rushed papunta dito and another guess what, after so many twists and turns, nagkasalubong din tayo!" Bumitaw siya sa pagyakap at ngayon ko lang narealize na hindi siya nakasuot ng uniform. She's in civilian clothes. Sa suot palang niyang crop top at isang Maxi skirt, nagmumukha tuloy siyang artista.
"Oo na, thank you, Isabel. Masaya ako na pareho tayong okay. Pero teka, you're wearing civilian clothes, ibig sabihin ba niyan hindi ka papasok?"
She looked around, nasa lobby parin kami ng school and there's so many students around us dahil nga lunch time ngayon. "Oh well." Wika niya nang napagtanto niya na siya lang yung nakasuot ng civilian at lahat ng tao na nakapalibot sa'min including me ay naka-uniform. "O, ano'ng tinitingin-tingin niyo diyan? Aren't you guys supposed to be minding your own businesses? Idiots these days!" Malakas na wika niya nang napagtanto niyang tinitignan siya ng lahat.
Dahil sa sinabi niya, napayuko ang halos lahat ng mga tao at nagsorry sa prinsesa nila. Ganoon? Tiningnan lang nila si Isabel tapos nagsorry sila habang ako, pinag-usapan ng masasamang bagay tapos wala man lang akong natanggap na sorry. Heesh! Bw*set na mga 'to.
"Anyway Lola, hindi naman talaga school yung pinunta ko rito. I just came by to see kung nandito ka na and since nandito ka na..." She paused at tumingin sa itaas habang nasa chin niya yung index finger niya. "Hmm, I think dahil nandito ka na rin lang, I'll just have to attend our afternoon class."
"Wow, papasok ka ng nakacivilian, bawal kaya 'yan. Tsaka malayo yung subdivision natin sa Porcupine Academy so hindi ka na makakabalik sa bahay mo dahil nga mag-iilang minuto nalang bago magstart yung unang klase."
"I know that, ugh, duh -- capital DUH! I will not wear this to class of course 'no. As a known princess in this academy," Naparoll nalang ako ng mata, heto na naman, "I need to set like an example to the students here so they will--"
"Oo na, oo na, ano'ng plano mo?"
She flipped her hair. "Tsk!" Napatawa nalang ako nang nainis siya sa pagputol ko sa moment niya. "Panira." She whispered staka hinigit ako papuntang bookstore. "Halika, samahan mo ako, bibili ako ng bagong uniform."
Aish, ang mga mayayaman nga naman. Nakakamiss ang babaeng 'to.
Ayun nga, wala akong nagawa, sinamahan ko si Isabel sa bookstore ng eskwelahan para bumili ng uniform niya.
Habang naghihintay kami nina Isabel na matapos nung salesclerk yung pagchichikika niya sa telepono, ay wait, teka, ako lang pala yung naghihintay, para kasing paru-paro na bigla nalang pumasok si Isabel sa loob ng bookstore. Hai jusko! Ang sakit sa ulo ng babaeng 'to, hindi talaga makapaghintay 'no?
"Huy Sab! Sab--" Hahablutin ko pa sana pero too late, nakapasok na siya, tsk. "Hay!"
Mag-iilang segundo palang nang pumasok si Sab, biglang may narinig akong pamilyar na boses sa likod ko.
"Lola?" Wika ng pamilyar na tinig. Ba't ba palagi nalang nasa likuran ko yung mga tao? Palagi ba talaga akong nakatalikod?
Lumingon ako para makita si Harold na nagulat atang makita ako rito. Sabay pa nga naming naisambit yung mga pangalan ng isa't isa. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Nag-aalalang tugon ni Harold. Seriously? Wala man lang welcome back or anything, anshama naman neto.
Grabe talaga 'tong si Harold. "Ako nga masaya nandito ka tapos ikaw, ikaw na kilala ko, ikaw na--"
"Lola, huwag kang magdrama ha, baka tuluyang maging weird ka." Lumapit siya kaagad at niyakap ako. Hay, paiba-iba talaga 'tong ugali ni Harold, minsan galit 'to sa'kin tapos ngayon naman mabait. "Thank God at nakakalakad ka pa." Wika niya habang ginulo yung buhok ko kaya sinabunutan ko rin siya. "A-aray!"
"Hayop ka, kakasuklay ko lang nito."
"Kakagel ko lang nito." Wika niya sabay ayos ng buhok niya.
“Maiba nga, Harold, kailan ka nakarating dito, I mean, sabi nina Dheenise at Freya, wala pa raw balita sa’yo after noong incident.” May kung anumang masamang hangin na dumating at mukhang kinabahan 'tong si Harold.
“Yun ba? Kasi… Actually that’s because absent ako noong Monday, hinanap ko pa si Dean at dinala sa ospital. Kahapon ng hapon nga rin lang ako pumasok. Sorry kung hindi kita nabisita ha, um -- ano kasi, kailangan ko mag-ano, magcatch up sa mga namiss ko sa school noong Monday.”
Ba’t ganoon? Bakit pakiramdam ko may tinatago ‘to sa’kin? Oo nga pala! Si--si Gast ba ‘yun? “Eh, si Gast?” Nahihiya pa ako magtanong. Parang tinatanong ko kasi kung kamusta na yung kumidnap sa’kin. Pero I was just wondering lang naman kasi feeling ko galit sa kanya yung mga kapwa kidnappers niya dahil nga nalaman nilang si Gast yung tumulong sa’min upang makalabas doon. Although hindi nga ‘yun nagwork out, it won’t change the fact na tinulungan niya kami.
“Umalis, habang tinatakas kasi kayo, umalis siya, uh, gumising siya tapos umalis kaya nga nahiwalay ako sa inyo noon.”
May fishy talaga e. Something's malangsa, parang hindi sigurado si Harold sa mga sinasabi niya. Sinungaling ako kaya magaling akong magguess kung nagsisinungaling 'tong kaharap ko. Ako lang ba talaga yung nag-iisip ng ganito? Sa tingin niyo?“Aaah, ganoon ba?” Tiningnan ko muna siya sa mata kasi parang nagsususpetsiya akong may itinatago talaga ‘tong lalaking ‘to e.
Tinitignan ko siya pero iniiwasan niya naman yung mga mata ko. Cute naman mata ko e, shama. “Ano ba, wag mo nga akong tignan sa mata, ang weird mo lalo niyan e, o sige, alis na ako.” Tsk, di naman siya masusunog eh.
“Huy teka, wala ka bang bibilhin sa bookstore?”
“Ah, wala na, naalala ko meron na pala ako nang bibilhin ko sana.” Siya ata yung weird sa aming dalawa eh.
“Sandali, teka!” Wika ko nang tumalikod siya at lalakad na sana.
“Ano?” Sabi niya habang nakatalikod parin.
“Si ate Jillian, kamusta?”
Agad siyang humarap sa’kin pagkasabi ko noon. “Ate Jillian?” Mukhang gulat na gulat ang boses niya.
Nagulat nga rin ako e. Teka, hindi niya kilala na isa si ate Jillian sa mga kidnappers? Ay oo nga pala, wala si ate Jillian that time noong tinulungan nila kaming tumakas. “Wala, nangangamusta lang, di pwede?”
“Ba’t mo naman kakamustahin yung taong hindi mo kaclose, unless..” Wika niya nang siya lang yung nakakarinig. Nagwika pa siya, edi sana inisip niya nalang. Di ba niya alam nakakadagdag ‘yun sa noise pollution, aish.
“Huy, ano?” Hindi ko naririnig yung mga pinangsasasabi niya kaya tinanong ko ulit siya. Malay niyo, sinabi niya palang maganda ako. Chos, nakidnap lang, lumaki agad yung ulo?
“Wala, sabi ko bilisan mo na, period ni Ma’am Barille yung susunod na klase, ilalabas na yung pairing sa Junior-Seniors turning over ceremony.”
“Hey, I was about to say that.” Wika ni Isabel habang may hawak-hawak na phone at naka-uniporme na at nasa tabi ko na.
“Sige, uh—una na’ko.”
Nagtinginan kami ni Isabel. “Lola, may dumi ba sa mukha ko?”
“Ewan, Sab. parang may tinatago talaga siya.” Pagkibit-balikat ko.
"Shunga, hindi 'yun, like I've said mamaya na yung pairing, mamemeet na natin yung mga partners natin sa Seniors, who knows baka pogi! Eeik! Excited na 'ko."
Ah. K. No comment.
~♡~♡~♡~
"Lola!" Agad na bungad sa'kin ni Dheenise. Si Freya naman na nasa tabi niya ay napangiti at napayakap sa'kin. "Lola, welcome back." Sabi ni Dheenise.
"Lola, we missed you, glad you're here." Wika naman ni Freya at bumitaw sa pagkayakap habang si Dheenise naman yung yumakap.
"O, siya, tama nang yakapan. Sino sa inyo ang nakakaalam kung sino yung makakapares ninyo sa JS?" Paagaw na pagsasalita ni Isabel. Hay, excited talaga siya. Pero bago pa man nakasagot sina Dheenise at Freya, nahigit palayo si Isabel at nayakap ng dalawang babae, ang kanyang dalawang best friends.
"OMG! Princess Isabel! Finally! You're back!" Mahigpit na pagyakap ni Cathlyn.
"Princess Isabel, gosh! Pinag-alala mo kami, so what happened outside Monquierto valley. We know you were stranded, the hardships girl, I know you were miserable." Mahigpit rin na pagyakap ni Pamela."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hurt at selos. Seeing my ex-best friend with her much better best friends. Hay, kakaiba yung feeling. I mean, I want us back and I try to be nicer pero I guess meron talagang mga bagay na hindi na maibabalik. Yes, I guess I should be contented na okay na kami, pero I think hanggang doon nalang.
Ang drama ko 'no? Alam ko kasi ang pakiramdam. Ang pakiramdam na nawala sa'yo ang isang bagay pero natatakot kang ayusin 'yun hanggang sa nalaman mo na palang huli na ang lahat.
Pero echos lang 'yun, ano ba kayo, huwag madrama, kakatapos lang ng kidnapping scenes kaya pahinga muna tayo diya, okie?
"Good morning class," Laking gulat ng lahat dahil hindi si Ma'am Barille yung bumungad sa klase. It was our adviser.
Pagkarating niya, pumunta na kami sa kanya-kanya naming upuan. "Good morning ma'am, asan po si ma'am Barille?" Wika ng leader-leaderan sa classroom namin. Kung naaalala niyo pa, Dean is our classroom mayor pero itong lalaking 'to na magaling sumayaw kaya naging leader namin sa Christmas Choral Singing Presentation, yung sana pinangalanan ko nalang noong simula para hindi na ako mahirapan mag-explain, haist!
Nakakapagtataka, absent ngayon si Dean. I mean, mas maaga siya dibang nagcheck out sa hospital tsaka mas malala nga yung sitwasyun ko eh kaya it worries me. Hindi kaya, omigosh! Si Dean naman yung nakidnap?
Aish, OA mo Lola ha. Tss, pero natural lang 'yun diba, natural lang na mag-alala ka sa taong mahal mo.
"Ma'am Barille is on an unexpected leave because she needed to attend some... matters regarding something." Ang specific naman ng wika ng adviser namin. Anyway, pagkatapos niyang magsalita, napatingin sa kinauupuan ko. "Oh, Lavilles, buti you're here now, well and fine." Nginitian ko lang siya kaya napatuon naman yung tingin niya sa inuupuan ng class mayor, napatingin siya sa ibaba at napalungo.
Lahat naman ay natahimik na wari'y inaalam ang iniisip ng guro. Tiningnan ko ang upuan ni Jane, bakit ata wala rin siya?
"Okay, anyway, let us all proceed to the gymnasium, you'll all be finally meeting your Senior partners." At dahil sa sinabi niya, mahigit kalahati ng mga babae sa classroom ay napatili. Si Isabel ang pinakamaingay sa lahat.
"OMG! I'm so excited amiga! Marami kayang mga gwapo sa mga fourth years!" Rinig ko pa nga sabi ng isa.
"Oh sheet! Tama, what if, what if--eeeiikk! What if si Prince Rice yung makapartner ko?! Emergersh!!"
"Oh sheet, natutunaw ako, huwag ka nga, uwaahhh, baka si Prince Ray!!!"
"Oh Shut up, and--" Malakas na pagsalita ni Isabel na pinutol naman ng adviser namin.
"Class, everyone! Quiet! Control your--" Mas malakas na wika ng guro na pinutol ng tatlong katok s pintuan.
Tumahimik ang lahat at napunta ang atensyon sa isang babaeng nakatayo sa pintuan, dala-dala ang isang malaking totoong ngiti. Nakafishtail braid yung buhok at may puting bulaklak pa sa buhok. Ngumiti siya sa'kin.
"Villalobos, why are you late?"
"Family matters ma'am." Marahan na pagsagot naman ni Jane.
Tumango lang yung class adviser namin kaya agad na tumungo si Jane sa tabi ko kung saan ang kanyang upuan at umupo.
Nakikita ko sa kanya na nag-improve siya. I mean, wala na siyang mga pasa at looking blooming ata ngayon ah. "Lola, I missed you so much, mamaya, yayakapin kita. Sorry dahil hindi kami dumalaw ni Ark, ayaw kasi naming madistorbo ka." Humina ang boses niya. I'll tell you about this guy at ang dami kong ikwekwento sa'yo." Ipinakita niya sa'kin yung kamay niya and her rin was not anymore located sa middle finger, hindi rin sa ring finger, kundi sa pointy finger na.
"What?! Paano?" Mahinang pagtanong ko and she gave me a huge wink and a wide smile.
"Jane Villalobos is finally back."
~♡~♡~♡~
Malaki at malawak parin yung gymnasium ng Porcupine Academy katulad ng dati. Nakahiwalay yung girls and boys ng mga third years at yung mga males and females ng mga Seniors. So there are four groups ngayon and everyone is talking so loud.
Habang tinitignan ko yung basketball ring, parang baliw akong napangiti at napatawa nalang basta-basta. Naalala ko kasi noong nagpratical exam ulit ako sa PE namin at noong shonoot ko yung bola, aksidenteng nagbounce yung bola pabalik hanggang sa nagbounce ulit sa isang parang bakal at nabatukan yung aroganteng si Kulangot.
"...Tapos, ang bait niya at alam mo ba, kung hindi sana dumating si Pamela at seventeen pang exes ni Je--ni Rice, hindi pa ako natauhan at huy, Lola. Nakikinig ka ba." Iniwave ni Jane ang kamay niya sa mukha ko kaya natauhan ako at bumalik sa realidad. "Ngumingiti ka ata sa ere ha."
"Ha, ano? Talaga?" Kunot-noong tanong ko.
"Hay, ang cute ng kibigan ko, kanina pa ako rito kwento ng kwento tapos, nagkwekwento ka rin pala diyan sa sarili mo nang mag-isa.'
"Uy, nakikinig ako ha." Talagang nakikinig naman talaga ako e, talaga. I mean, paulit-ulit lang naman yung mga kinekwento niya at alam ko naman atang sila na ni Ark tsaka masaya ako para kay Jane. She looks better, parang hindi na siya mukhang nagdodroga, wala na siyang mga pasa at ang wide ng smile niya. "Nakikinig ako, you're talking about kung paano mo nakumbinsi yung magulang mo na icancel yung engagement niyo ni Spencer."
"Hay, nakikinig raw, nakikinig ata kanino? Hindi nga ako yung kumumbinsi sa kanila. They thought boyfriend ko parin ngayon si--si Rice, and they realized na mas mayaman yung mga Crawfords kesa sa kay Spencer so they cancelled the arrangement. I really think may malaking rason din why I met and became one of the girlfriends of Rice. If it did not happen, I think nakakulong parin ako sa arrange marriage thingy."
Tumango ako, she's right and pretty. Malaki rin naman yung point niya.
"Everyone, may I have your attention please." Nagsalita ang isang adviser ng mga Seniors na nasa kalagitnaan ng stage ngayon at nasa harapan ng lahat. "Okay, nafinalized na namin lahat, here are the pairings for the Juniors-Seniors Turning Over Ceremony. Tatawagin ko ang mga pangalan ng mga Fourth year boys and their third year girl partners, then, yung mga third year boys with their fourth year girl partners. Yung mga tatawagin kong pangalan please come here at the stage and meet your partners."
Heto na naman, pupunta na naman sa stage at makikita ka ng lahat. How nice. Pero infairness ha, medyo nabawasan 'tog dala-dalang hiya ko sa katawan. Sana lang mabait yung partner ko.
Aish! Ayokong maging praning tulad ni Isabel sa kakaisip kung sino ba yung makakapares ko. Pero, t*ngina, ewan, lahat na mapares ko, huwag lang si Kulangot. Ah ewan, um, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Nilibot ko ang tingin ko sa mga lalaking seniors pero hindi ko nakita si Kulangot, absent siguro siya dahil nga sa mga pinangsasasabi niya kanina noong nagkita kami.
Aish! What if--what if si Kulangot yung makakapares ko, will I be fine? Aish! Ano bang klaseng tanong 'yan?
"Gayares, Louie Philip. Please come on stage. And, presenting your partner, please come on stage too, Ablao, Sydney Ira."
Nagsimula nang tawagin ang bawat mga pangalan ng mga pares at ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Last minute 'tong nerbyos ko 'no? Lumalamig na naman yung kamay ko. Argh, seriously, hindi ko nga alam kung ba't ako kinakabahan. Bw*set.
"Aragon, John Louise. Your partner is, Lobaton Freya Jaye." Tumuloy-tuloy yung tawagan. Yung ibang babae ay nagtilian dahil gwapo yung nakapares nila at yung iba naman, prinsepe. Umabot na sa letter B yung tawaan sa Senior boys dahil kung hindi niy napapansin, alphabetical order na tinatawag yung mga Fourth year boys. "Balila, Christian and with his partner, Dipol, Patricia... Britania, Carlo and his partner, Alojado, Monique."
Oh Cheese naman o! Palapit na nang palapit yung letter C. Aish! Ano ba 'to. BA'T BA AKO KINAKABAHAN? Dahil ba meron akong manghuhula skills?
"Castro, Fredenic and please come on stage, Tong, Krissha Nicole... Co, Joseph Alson and his partner, Macaraig, Hazel Kee."
"Huy Lorraine, ba't nanlalamig ka diyan? Nahihiya ka pa rin ba hanggang ngayon." Tiningnan ko si Jane, ang relax niya. Haist, ano ba talaga ang problema sa'kin. Sabihin niyo nga kung ano? Ba't ako nagkakaganito.
"Crawk--um, excuse me, ahem, Crawford, Cornelius Jensen." Pagkarinig ko ng pangalan niya, I froze. Para akong t*nga dito kanina pa. Kahit alam kong absent si Kulangot, I still feel so uneasy. "And his partner, Lavilles, Lorraine." Para akong t*ngang di maaprocess sa narinig ko. Mag-aapply na talaga ako bilang manghuhula.
Lumakas yung mga usap-usapan. "Huy Lola! Umakyat ka na sa stage!" Wika ni Jane sa tabi ko sabay tulak sa'kin ng mahina. Ay, oo nga pala!
Lumakad ako papuntang stage. Nasa kalagitnaan na ako ng gymnasium nang napatigil ako sa narinig ko. "Ay teka, pasensya na, nagmamadali ata ako sa pagbabasa. I'm sorry Miss Lavilles, sa susunod pa pala yung kapares mo, nauna ako sa pagbabasa. Ahem, Crawford, Cornelius and his partner, Gusilaw, Isabel Antonette." Hindi ko alam kung tama ba yung term pero para akong binubunutan ng tinik, literally. Lalo na noong nakita ko si Isabel na paakyat sa stage, hindi ko alam kung ano yung ekspresyun niya dahil hindi ko na 'yun pinansin pa.
I shook my head. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Okay lang ba ako. Hay, epekto ata 'to ng pagod sa mga nangyayari o di kaya naman ay wala ako sa tamang isip ko ngayon. "David, Jasper Macam and his partner Lavilles, Lorraine."
Tahimik akong pumunta sa stage to meet my partner. Tahimik siya kaya tumahimik na rin ako, we stood in front of everybody for a few seconds like what all the other pairs do tsaka bababa ulit sa stage.
The pairing continued hanggang sa nalaman kong absent din pala si Mathew dahil walang Rosales na umakyat sa stage. Per his partner was ate Jillian and laking gulat ko nang umakyat si ate Jillian sa stage. She's not absent at yung buhok niya ay maikli ulit. Ang mukha niya ay inosente. She looks like our typical scene director. Ano ba 'to, ang gulo.
Katulad nalang nang what I felt kanina, it was so weird. Tell me, ako pa rin ba 'to?
~♡~♡~♡~
"Bye, Lola. Sure ka, ayaw mong magpahatid sa inyo."
"Huwag na Jane, I'm sure magagalit lang si mama kung sinundo niya ako rito tapos gumastos lang siya ng panggasolina."
"Okay, bye Lola. Stay safe!" At binigyan ako ni Jane ng isang napakahigpit na yakap.
Pinanood ko siya habang pasakay siya sa backseat ng sasakyan na susundo sa kanya. She was holding her phone at bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan, nalaman ko kung sino yung kinakausap niya. "Hello, Ark..." Then she waved at me and mouthed the word "bye."
Everything was so quiet ngayong hapon. Ako nalang kasi yung natatanging estudyante rito sa Porcupine Academy. Lahat kasi umuwi na dahil sa red alert. O kitam, ako na 'tong nakidnap, ako pa yung hindi naprapraning sa mga red alert alert na yan.
Si mama kasi, asan na ba yun? Hindi ko naman siya matetext kasi wala naman sa'kin yung phone ko. You know what's worst? Wala rin akong dalang wallet. Mas kawawa pa ata ako kesa sa mga pulubi e.
Beep. Beep. Beeeeeep!
Hay, sino ba 'yan? Inilibot ko ang tingin ko sa buong Porcupine Academy Parking lot pero bago ko malocate kung kaninong sasakyan ang malaconcert at malaNew year umingay, tumunog na naman ito ulit. Beeep! Beeep! Bebebebebeeep!
Pumarada sa harap ko ang isang puting sasakyan. Tinted ito kaya hindi ko nakikita ang anumang laman nito sa loob. Nakapagtataka nga e kasi pamilyar yung sasakyan. Bumaba nang bumaba ang tinted glass window at nasa driver's seat ang taong hindi ko maiwasang hindi asahan.
"Bunganga!" Beep! Beeeep! Aish, New Year parin ba, ha? lokong 'to, ang ingay ingay. Hindi naman ako bingi e.
"O, ba't ba ang ingay-ingay mo? Ang tahimik ng eskwelahan ho!"
BEEP! BEEEP! Napahawaka ako sa tenga ko. Imagine, nasa harapan ko lang siya tapos ang ingay ingay!
"ANO BA! KANINA KA PA!"
"Tinitignan ko lang kung maingay nga, mas maingay parin pala yung Bunganga mo so--" BEBEP-PEBEP BEEP!
Tss. Ano bang ginagawa niya rito, sa pagkakaalam ko, tapos na yung klase, kaya ano ba? Papasok ba siya sa school at mag-aaral mag-isa?
Inarapan ko siya. Napakawalang kwentang kausap. Makahanap nga nang pwedeng upuan habang naghihintay kay mama. "Huy, t-teka! Bunganga, saan ka pupunta ha?"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Sa kusina ni aling Nena, maghahanap ng kutsilyo na pwedeng isaksak sa'yo! Bw*set!"
"Huy Bunganga, kung hinihintay mo mama mo, hindi na siya dadating."
Napatigil ako at tumakbo kay Kulangot. "Ano'ng nangyari?! May nagyaring masama ba?!"
"Huh? Naman huy! Ang OA mo. Sinabihan ko lang si Mrs. Lazaro na huwag ka na munang sunduin."
"G*go ka ba? Huy! Kulangot! Seryoso ka?! Lumevel-up na ba talaga yung pangtitrip mo at palalaarin mo ako hanggang bahay?!" Namula ako sa inis. Totoo ba 'to? Sinabihan niya ba talaga si mama na huwag akong sunduin dito para lang asarin ako? "Nakakainis ka!" Agad kong sinipa yung gulong ng sasakyan niya. Argh! Kaya pala kanina pa ako naghihintay rito, kanina pa ako tumatanggi sa free ride na offer nina Isabel, Dheenise, Freya and Jane tapos, hindi naman pala dadating si mama! Ang saya!
"Hindi yun trip! Ako ang maghahatid sa'yo pauwi."
Napatigil ako at bumalik sa normal ang kunot na noo ko. Tumahimik ako naang ilang segundo. Wait lang, ipraprocess ko muna ang mga narinig ko mula sa isang alien.
"Bunganga, tutunganga ka ba diyan o sasakay na?"
Tiningnan ko siya nang matalim sa mata. "Huwag na, maglalakad nalang pala ako." Sabay talikod ko at umalis. Tsk, kala niya ha, mas mabuti nang maglakad, makaexcercise pa ako at baka maging firm yung legs ko 'no.
Mga ilang meters na ang layo ko nang bumirit ulit yung sasakyan niya. BEEEP! BEEEEEP! "Ugh! Ano na naman ba?" Wika ko nang hindi umaalis sa kinatatayuan ko.
Sumigaw si Kulangot mula sa loob ng sasakyan niya. "Bunganga, sumakay ka ngayon din!"
"Ayoko!"
"Ililibre kita ng ice cream!"
"Taglamig ngayon!"
"Bunganga!"
"Ano?!"
"Ililibre kita ng kahit ano'ng gusto mo!"
"Gusto ko ng Magnum!"
"Taglamig ngayon!"
"Argh! Bw*set ka Kulangot, ipalamun ko kaya sa'yo 'tong kamao ko!"
Tumalikod ako ulit. "Bunganga." Pagsigaw niya na naman.
"Ano na naman ba?!!"
"Ililibre kita ng kahit ano, seryoso."
Tumigil muna ako. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi umaayaw sa libre e dahil blessings din 'yun. Isang libreng blessings tsaka malaki ata ang maitutulong ng libre. Kaya nga hindi ako umaayaw diyan e.
Hinarap ko yung sasakayan niya. "Ayoko."
Tumalikod akong muli at lumakad. Maya-maya, narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan ni Kulangot. Hindi ba talaga siya titigil?
Pinagpatuloy ko ang paglakad hanggang sa napatigil akong bigla dahil naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Kulangot sa kamay ko para pigilan ako. "Bunganga naman."
Nataranta ako sa ginawa niya kaya agad kong inilayo yung kamay ko habang kaharap siya. "Ano ba? Okay ka lang?! Kanina ka pa ha!"
"Kanina ka pa rin, alam mo 'yun! Pumasok ka nalang sasasakyan, ako na ang maghahatid sa'yo!" Napasigh siya na parang siya pa yung naiinis sa sitwasyun namin. "Halika na kasi!" Kinuha niya ang wrist ko at hinigit papuntang sasakyan. Ganoon? Sapilitan?
"Aish! Bitawan mo ko kung ayaw mong kasuhan kita ng harrassment,"
Napatigil siya at napatingin sa'kin. May kung ano mang misteryo yung mga mata niya at hindi ko alam pero sa sobrang bilis, hindi ko namalayan na nacorner niya na pala ako gamit ng dalawang kamay niya sa kabilaan ko and he was pinning me against the car. "Ano ba talaga? Ba't ba ayaw mong sumama sa'kin?"
Wala akong sinabi dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Sh*t! Napaka-uncomfortable naman nito.
"Gusto lang naman kitang ihatid sa inyo e, may masma ba roon?" Mas inilapit niya pa yung mukha niya sa mukha ko na wari'y nanunukso.
"Hoy Kulangot, tumigil ka ha!" I placed my pointy finger between us na nakaturo sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa pagwarn sa kanya.
"Sabihin mo nga sa'kin, may mali ba kung ihahatid kita sa inyo?"
Inilapit niya pa nang inilapit yung mukha niya hanggang sa konti-konti nalang ang distansya ng ilong namin. Sheeet, para akong nalulunod na hindi makahinga ng maayos. "Argh!!! P*ta! Oo na! Sasama na!" At doon lang niya ako pinakawalan. Argh! Nakakainis siya, bw*set.
"Hah! Huli ka." Wika niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Padabog akong pumasok at nagcross-arms. "Tsk, wag ka namang manipa ng sasakyan." Lumipat siya sa kaliwa ng sasakyan.
I mouthed what his said in an insulting way. Psh.
Pumasok siya at umupo sa driver's seat at agad na sinecure yung sarili gamit ang seatbelt. "Bunganga, magseatbelt ka."
"Hindi naman 'yun needed 'no. Hindi mo naman siguro ibabangga 'tong kotse." Pataray na wika ko.
Lumapit siya sa'kin para siya nalang mismo yung magseatbelt. Ano ako, bata? "Huy, ano ba'ng ginagawa mo." Obvious naman e, nagtanong pa 'ko.
"Kung ayaw mong magseatbelt, ako ang gagawa para sa'yo. Ayokong pumatay ng tao 'no."
Tinapi ko yung kamay niya. "Tsk, oo na, ako na ang magseseatbelt sa sarili ko."
He started the car and drove. Grabe, ano ba ang nangyayari? Hindi naman siya ganito sa'kin dati e.
"Seriously, sagutin mo nga ako. Ano ba talaga ang nakain mo at nagsuggest kang maging tagahatid ko."
"Something French tsaka hindi mo ako tagahatid, ngayon lang kita ihahatid pero dahil sinabi mo, o edi sige, isusundo na't ihahatid kita araw-araw."
"Huy anong--"
"Sinabi mo 'yan, papayag naman si Mrs. Lazaro e."
"Talagang gu--"
"Nagmamadali ka kasing umalis kanina kaya hindi kita nasabihan na ako parin yung maghahatid sa'yo." Pagputol niya ulit.
"Aish! Bahala ka sa buhay mo." Maliit na pagsabi ko.
Dumalaw ang kakaunting katahimikan pero ramdam na ramdam pa rito yung palihim na ngiti ng isang kulangot.
"Tss." Palihim na pagsabi ko.
May dalawa pang minuto ang dumaan bago siya nagsalitang muli. "Kayo ba, masaya ba -- Kamusta kayo ni Dean?"
Huh? Paano naman ba napunta kay Dean yung usapan. "Ba't ang layo naman ata ng topic. Teka, matanong ko lang, magkaanu-ano ba kayo ni Dean?"
"Magpisan, teka, ako yung unang nagtanong. Kamusta kayo ni Dean?"
"Ayos lang naman. Although hindi ko pa siya nakikita after noong nangyari."
"Like ayos parin kayo? So hindi ka nagagalit sa kanya dahil hindi siya nakadalaw sa'yo? Wala kayong LQ, ganoon?"
Aish! kumakati 'tong ulo ko sa mga pinangsasasabi niya. "Ang dami mong tanong, natural na okay kami sa isa't isa at anubang LQ, hindi ko naman siya boyfriend e."
Mabilis na napapreno si Kulangot at napatigil kami sa gitna ng highway. "Ano?"
Napapause ako at ngayon ko lang narealize yung kakasabi ko kay Kulangot. Napafacepalm ako sa sarili. Sheeet! Sinabi ko ba talaga kay Kulangot yung totoo na hindi talaga kami ni Dean. Sheet, ang kati naman ng dila ko. Sheet.
"Hindi kayo ni Dean?"
"Um, ano, ano kasi, kami pero--ay pa'no ba 'to. Lord help me."
"Hindi mo tunay na boyfriend si Dean?"
Napasigh ako. Wala na, nalaman niya na. "Kulangot!! Ay este, Rice pala, please! Huwag mong ipagkalat 'yun! Please, please, sekreto lang please!"
"Ang dami mong please, oo na." Agad niyang hinawakan yung steering wheel ng sasakyan, umatras at lumiko sa isang kanto.
"Teka, hindi to papunta sa'min ah."
"Pupunta tayo sa SAS, marami kang sasabihin sa'kin."
"Sa La Esperanza, nababaliw ka na ba? Hindi ba ipinagbabawal ka roon. Banned ka na doon diba?"
"Ikaw rin naman ah."
"Huy, hindi ako banned doon, FYI, hindi nila ako nakilala dahil nakamask ako that time."
"Oo, utang mo 'yan sa'kin. Alam kong matinik ako kaya huwag kang matatakot, walang mahuhuling prinsepe ngayong hapon."
~♡~♡~♡~
Nang pumunta kami sa La Esperanza, marami yung tao. Dinig ko dahil rin daw 'to sa Red Alert at sa mga kidnappers namin ni Kulangot. Pinipiling pumunta ng halos lahat ng mayayaman sa mall dahil perfect raw yung security dito at mas safe raw dito kasi hindi ka dali-daling makikidnap dahil hindi yun basta basta sa dami ng tao.
"So ayun nga, yun na yun. The End. Huwag mong sabihin kahit kanino ha, kundi malilintikan ka talaga sa'kin." Sabi ko habang inuubos yund Cafe Latte na nilibre sa'kin ng kaharap ko.
"So, ibig mong sabihin. Dean was pretending to be your boyfriend for the sake na huwag kang balikan ni Geffen?"
"Oo, he offered that kaya ba't naman ako tatanggi? Malinis naman yung intensyon niya e."
"Yes!" Infairness, Ngayon ko lang si Kulangot na napasuntok ata sa hangin sa saya. Ewan ko lang kung ano'ng ikinatutuwa nito pero hindi ko maitanggi na gwapo nga siya kapag nakangiti. Ay ano raw yung sinabi ko. ERASE PLEASE. Mas gwapo yung pwet ko.
Mabuti na nga lang at kahit kanina pa kami nakatambay dito ni Kulangot ay hindi kami nakikilala masyado dahil sa dami ng tao. Tsaka better na wala rin diro ngayon si Dean, baka may shooting or whatever. Mabuting mabuti talaga, kasi siya yung topic ng conversation namin e. Hayaan niyo, ang behlat lang, pinag-uusapan namin ni Kulangot ang isang taong nagmamay ari ng lugar na pinag-uusapan namin.
As usual, kung nagtataka parin kayo hanggang ngayon kung saan kami pumasok, huh well. Edi, dumaan kami sa likuran ng La Esperanza at dumaan sa stockroom. Ibang klase rin kasi si Kulangot.
Pero kainis lang kanina dahil, well, may partial kasalanan din naman ako. Kung naaalala niyo pa, nasira ko yung Portable Stairs na dinadaanan ni Kulangot pababa ng mataas na window ng stockroom pero dahil nga nasira ko 'yun. Walang choice, tumalon ako mula sa bintana dahil sabi niya sasaluin niya ako. Tsk, di naman niya ako nasalo e, yung ending, dalawa kaming naglanding sa sahig. Ang galing naman kasi mag-isip ng venue nitong si Kulangot.
Wala naman kaming masyadong ginawa ni Kulangot sa La Eseranza. Sabi niya samahan ko raw siyang bumili ng mga bagay-bagay sa mall. Well, dahil wala naman akong choice dahil nga nakikisakay lang ako sa sasakyan niya, edi wow.
Pero ang masaya roon, hindi naman sinusuot ni Kulangot yung mga damit na napipili niya. Ibinibigay niya lang yung mga polo at jeans. "Hoy, ano'ng gagawin ko rito, bakit mo pinapahawak sa'kin 'to?!" Sabay tapon ko sa kanya.
"Malamang, ikaw yung magbabayad sa cashier. Alangan naman ako, gusto mo pa atang mahuli ako rito ah. Tss, kung mahuhuli ako, isusumbong din kita." Pinulot niya ang mga nahulog na damit at ibinigay sa'kin. Ang galing lang.
"Bibilhin mo ba talaga 'to? Hindi mo naman sinusukat e."
Ngumingiti siya na parang may iniisip na dapat ikasaya. "Oo, bibilhin ko 'yan. Sa bahay ko nalang isusukat."
"At kung hindi fit?"
"Ba't ba ang caring mo?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa lahat pa talaga ng word na gagamitin niya, CARING pa talaga?
Isa-isa kong tinapon ulit yung mga damit na ipinapakarga niya sa'kin. "Caring mo yung mukha mo."
"Ma'am, Sire, may problema ho ba rito?" Wika ng sales lady sabay tingin sa mga nagkalat na damit sa sahig. Nahiya naman tuloy ako. Naglaho ang ngiti ng sales lady ng mamukhaan niya si Kulangot. "Teka, kayo si Mr. Crawford ah. Tatawag ako ng guard! Guar--" Bago pa nagsimulang sumigaw yung saleslady, kinuha ni Kulangot yung wallet niya sa bulsa, bumunot ng iilang libo at ilinagay sa kamay ng sales lady. Dahil doon, natameme yung saleslady, napakamot at ibinulsa yung pera. Tss, ibang klase rin naman kung mayaman ka 'no?
"Kunin mo yung mga damit, bibilhin ko lahat 'yan." Utos niya sa saleslady na agad namang sinunod ng sales lady.
Maghapon kaming umikot-ikot sa mall. Tumigil kami sa bilihan ng shake tapos binilhan ako ni Kulangot ng mango shake. Well, dapat lang e 'no? Maghapon rin kaya ako bumubuntot sa kanya. Kainis kasi, daig niya pa yung mga babae magshopping.
"Hindi tayo dapat magabihan. Nangako kasi ako kay Mrs. Lazaro e." Sabay lagay ng seatbelt niya. Nasa sasakyan niya kasi kami ngayon at pauwi na.
"O, bakit, sinabi ko bang gusto kong magabihan tayo?" Wika ko sabay sip sa straw ng mango shake.
"Tss, pero totoo, hindi talaga kayo mag-on ni Dean?" Haist, yung kaninang topic ibinabalik niya.
"Paulit-ulit? Di nga."
"May itatanong ako sa'yo."
"Hindi ba nagtatanong ka na." Hay, palibhasa ang sarap niyang kausapin! Nakakainis, hindi ba obvious.
"Nakakasakal, Bunganga ha, huwag kang pilosopo." Inistart niya yung sasakyan na nakapark pa sa labas at likod ng La Esperanza.
I rolled my eyes. "Tsk. Ikaw nga hindi ako tinitigilan e. Tapos, sinabihan mo pa si mama na huwag akong ihatid. Ang sama mo, Dong, ginawa mo pa akong yaya kanina sa isang store, kaya mo rin palang utusan yung saleslady. Paulit ulit yung topic na di naman--"
"Pwede ba kitang ligawan?"
Parang kung anong insekto ang lumugok sa throat ko at bigla akong napaubo at dahil doon, napalakas ata yung paghawak ko sa shake kaya kumalat sa loob ng sasakyan na siyang ikinapreno rin nito.
Ansaveh ulit?
**
Next Update: March 26, 2015
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro