
Chapter 29 - Kidnapped For Real
CHAPTER TWENTY-NINE - KIDNAPPED FOR REAL
Dean Mirasol's POV
"Then move away. Alam kong kilala mo 'ko Rice. Alam mong higit pa sa suntok ang magagawa ko." I blurted out giving my cousin a warning face. Nakakasakal na talaga siya e. He's always hurting Lorraine.
"Aba't p*steng g*go ka ha, ngayon ka pa nagmamayabang sa ugali mo noon?" That's not what I meant. Kahit kailan, hindi ko pinagyayabang ang ugali ko noon and how dare he bring this up?!
"Will you just f*cking shut up, I'm not arrogant unlike you. Umalis ka nalang at huwag ka nang lalapit kay Lorraine."
"Ha! Sinasabi na nga ba, takot ka lang malaman ni Lorraine 'yang baho mo--" Sh*t! This is getting ridiculous. So balak niya talagang ipagsabi?!
"Noon pa yun. So don't you dare to bring back--"
"Sige, walang pumipigil sa'yo. Tignan lang natin kung saan makakarating--" F*ck! Akala ko ba walang ganyanan. He's gone overboard kaya pinutol ko nalang siya.
Nagflashback sa'kin lahat ng sinabi ni Rice. This is too much tsaka ang daya. Hindi ko naman siya nilalaglag sa mga pinanggagagawa niya to his dad tapos he's going to do this to me and you know what's worse, dinid na dinig 'yun lahat ni Lorraine.
I mean, can't he just back off. Natural lang naman sigurong protektahan ko si Lorraine. The last time I saw them together, he walked past her at hindi lang yun, binagga niya pa talaga which caused Lorraine to fall. And that's not it, the first time I saw them together noong last month. Kinikwelyuhan niya si Lorrain and pulling her up like he's about to punch her. Kung may tao kayang gumanoon sa taong pinakamamahal niyo, what would you f*cking feel?!
Kaya hindi niyo rin siguro ako masisisi because all I want to do is to protect her. To protect her from him.
Nakikisabay pa nga siguro yung malamig na hangin sa dinaramdam ko. After kasi ng bonfire camping, umalis ako para magpahangin. I just needed time to think.
Iniisip ko kung gaano ako ka failure. Why is that? I mean, oo, girlfriend ko na ngayon si Lorraine but it's fake. Why is that natotorpe ako sa kanya. I mean, alam ko namang she likes me because of what she told me back at La Esperanza pero why? Ano ba talaga ang kinakatakot ko. I'm not even close to being like this before. Hindi naman ako torpe noon, then why am I so scared of rejection?!
Argh! Sh*t! Ang dami kong iniisip. Makabalik na nga sa camp.
I stood up and made my way back there and from afar, kitang kita kong may ilaw pa sa loob ng tent namin so I went there and called. "Nandito na'ko." Kaya bumukas yung zipper ng tent at nakita ko si Harold holding his phone.
"O, Dean. Nandito ka na pala. Pumunta dito si Lola't hinahanap kayo ni Prince Rice." Si Lorraine? Ano kaya'ng pinunta niya?
"Where did she go? Tsaka will you stop calling Rice 'Prince Rice' hindi naman school yung tumatag ng ganyan in the first place."
"Hindi nga yung school pero ayokong mabugbog ng ibang nagpauso no'n 'no. Lalo na kapag may makarinig na babaeng superfan ng mga Campus Royalties. Tsk, malay ko kung nasaan si Lola, pero bago ko sinara yung tent, she's talking to Prince Ray."
Si Ray? "Okay, wait, babalik lang ako." Pinuntahan ko si Ray sa tent niya. May ilaw pa nga roon sa tent nila. "Ray," Maliit na pagtawag ko sa pangalan niya outside of their tent. Agad namang itong bumukas at napansin kong pinatay niya ang ilaw coming from his flashlight.
"O, Dean. Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Si Lorraine. May nakapagsabi sa'kin dito raw siya pumunta." I said feeling uncomfortable, lalo na't best friend nito yung pinsan ko.
"Hindi ko alam, nagtatanong lang naman siya kung nasaan si Rice pero baka nandoon na yun sa tent niya't natutulog." And with that, I thank him and pinutahan yung tent nina Lorraine. The light's off there pero pinilit kong gisingin ang kahit isa man lang sa kanila.
I need to make sure lalo na't malalim yung gabi ngayon. Delikado lalo na't kami lang yung nandito sa mountain camping and the teachers are asleep nadin.
Mabuti nalang a girl opened the zipper of the tent. I think she's a sophomore student. "Kainis! Sino ba 'yan! Ginising mo ako ha tsaka baka madaling araw na nga ngay--OH-MY-GHAD! Prince Dean! Prince Dean is that you?!" Pagsisigaw niya so I hurriedly told her to keep her voice down, lalo na't baka nga madaling araw nga ngayon and the worse thing will be, baka may magising na teacher. "Sorry Prince Dean. OMG, hindi lang talaga ako makapaniwala! Dito ka ba matutulog sa tabi ko?"
"Sorry pero is Lorraine there?" Mukhang nalungkot naman yung mukha niya pero hinanap niya rn naman si Lorraine sa loob.
"Wala ata Prince Dean. Hindi ko alam kung asan siya. Matutulog na ba kayo Prince Dean? Hali ka, tabi tayo."
"Ah, no thanks, sige, matulog ka nalang diyan." Bigla akong kinabahan, wala si Lorraine sa tent niya, wala yung pinsan ko. Can't it be na magkasama yung dalawa? At kung hindi, sh*t! Delikado.
Sh*t! Kasalanan ko 'to e. Nasaan ba ako when Lorraine was looking for me?! Ghad! Baka may mangyaring masama sa kanya.
I looked for her. Sa mga mapupunong lugar, I searched hanggand sa nakaabot ako sa isang lugar where I found droplets ng mga dugo, yun talaga yung unang napansin ko because I was looking for footprints under ng masilaw na buwan.
Drops of blood. Sinundan ko yun pero bigla ring nawala. I searched and look for more clues. Sh*t talaga, kinkabahan ako, posible bang kay Lorraine 'to?
Napatigil ako nang may napansin akong naglalakad. I was covered with questions no'ng napagtanto ko kung sino ang naglalakad na tao. It's Harold, and he's walking in a carefree way na parang alam niya ang daan patungong somewhere.
~♡~♡~♡~
Lorraine Lavilles POV
Nagising ako sa pagmumura nitong katabi ko. Grabe, kanina pa talaga siya, kanina niya pa ako iniinsulto.
"Urgh! F*ck you talagang Bungangang bw*set ka! Nakakainis ka! Ikaw na ata ang pinakabinging b*bang nakilala ko. Bakit ba ang t*nga-t*nga mo?! Nakaka-urgh! Ang p*ta mo! Sh*t! Ang sarap mong bugbugin! F*ck!..."
"Actually, kahit anong palag mo diyan, hindi mo ako mabubugbog kasi nakatali tayo. Tss." At may gana pa talaga akong magtaray, bipolar niya e.
"Urgh! Ang sakit na ng panga ko!" Pagsigaw niya. Ulol talaga.
"Paano ba namng hindi sasakit 'yan e kakabugbog-sarado lang sayo, salita ka ng salita diyan. E, mas malaki pa at yung bunganga mo sa'kin e."
"Paano ba naman ang b*ba mo. Tignan mo ngayon, asan na tayo?! Nasa delikadong sitwasyon tayo!"
"Alam ko't hindi ako b*ba. Alangan namang nasa ligtas na sitwasyon tayo kaya SORRY HA! Hindi kasi kita kayang iwanang gano'n!" And that made him shut up.
Haish! Ano ba kasi ang nangyayari. Ang sakit ng batok ko. Waaah! Tapos nakatali pa kami ni Kulangot sa iisang poste kaya hindi ko makita yung pagmumukha niya. Tapos nandito pa kami sa isang room na madilim. Ayoko na!
Well, hindi naman overall na madilim. May ilaw naman kaya lang medyo cheap ata yung ilaw kasi color yellow tapos ang hina-hina na ng ilaw. Tss. Walang kabrand-brand ba naman.
Tapos wala pang bintana. Well meron naman kaya lang nakita niyo ba yung mga bintana sa preso. Yung may maliit na butas sa mataas na parte ng wall tapos may mg vertical grills. Yung sobrang makapal na grills.
Asih! Yung pulang sling bag ko pala. Oh no! My companion, asan na 'yun. Ay, ayun pala sa gilid ng room. Mabuti nalang hindi nila ginalaw 'yun.
Ene be 'to?
Maya-maya'y bumukas yung pintuan at may pumasok na dalawang lalaki. Bale nasa likod ako ng poste nakatali tapos kaharap naman ni Kulangot yung pintuan kaya nalaman kong pumasok yung dalawang lalaki dahil sa shadow na kaharap ko ngayon.
Tae naman, bakit dito pa ako tinali. Wala tuloy akong makita. Wall lang yung kaharap ko na may maliit na bintana sa itaas.
"Uy, napakalaking isda nabingwit natin today! HA-HA." Narinig kong wika ng isang lalaki na may boses na 35 pataas. Base sa shadow, lumapit siya kay Kulangot. "Hello Mr. Crawford. Mga ilang taon na ba? Sampu? Aba, ang tagal."
"G*go! Hindi ako yung mayaman, yung magulang ko so will you just f*cking shove up your *ss na kasing mukha--" Nakarinig ako ng isang malakas na suntok.
"O, sige, magsalita ka pa at matatabunan na yan ng dugo ang buong mukha mo." tapos narinig ako ng isang dura at isang suntok. "Argh! F*ck!" Dinuraan lang naman ni Kulangot yung lalaki kaya nakatanggap siya ng isang suntok.
Narinig kong nagsalita yung isa pang lalaking kasama nito. Medyomas bata yung boses niya. "G*go Fred, baka mapatay mo 'yan, pakitawag nga si Alessandra para linisin yung mukha nito."
Agad namang lumabas yung mas matandan lalaki at may pumasok na babae.
Maya-maya narinig kong sumigaw si Kulangot. "JILLIAN, WHAT THE F*CK?!" Jillian? Sinong Jillian, si ate Jillian?
"Sorry Rice. ah--pupunasan ko muna yung mukha mo--"
Naputol ang pagsasalita noong babae nang nagbanta si Kulangot. "Subukan mong hawakan ako at magdadasal ka mismo sa kamatayan mo." Hindi naman umimik yung babaeng tinatawag na Alessandra at tinatawag ni Kulangot na Jilllian tapos narinig kong nagsalita ang mas batang lalaki. "Kalagan mo nalang yung girlfriend niya."
Nang walang anu-ano, tumbad sa'kin yung mukha ng babae na ikinagulat ko. "ATE JILLIAN?! OH MY GHAD! IKAW SI ATE JILLIAN!" Sa sobrang gulat ko, napasigaw nalang ako. Ano'ng ginagawa niya rito?!
"Hindi ako si ate Jillian ninyo." Maliit na wika niya tapos kinalagan ako. Aray, sakit ng kamay ko. Agad niyang ibinigay sa'kin yung isang bowl na may tubig tsaka isang malinis na puting towel. Tapos no'n, umalis din siya kaagad.
Hindi ako makapaniwala. Si ate Jillian talaga yun. Waaah! Mas mahaba lang yung buhok niya pero siya talaga 'yun! I swear! I really swear! Mula sa pangamoy niya tsaka the way siya magsalita! Siya yun. Pero, ano naman kaya yung ginagawa niya rito.
Agad kong nilapitan si Kulangot para punasan daw yung mukha niya. Tss. Ako pa talaga yung pinapapunas ha, ano ako? Mais, pero anyway, wala rin akong nagawa pero pagharap ko kay Kulangot. Lumaki yung mga mata ko.
OH MY GHAD! Gulat na gulat ako. Ang layu-layo ng mukha ni Kulangot kanina sa ngayon. Ang dami niyang pasa sa mukha tapos and damind dugo mula sa ilong at sa bibig niya. Tapos yung kanan niyang mata, halos hindi niya na maibukas. At yung kaliwang maya niya, nakatingin sa'kin.
Agad kong binasa yung towel at pinugaan ito tapos dahan-dahan kong inilapit sa mukha niya. "Ikaw ata yung nanginginig diyan e." Wika pa niya na ikinagulat ko kaya napalakas ata yung paglanding nito sa pisngi niya. "ARAY P*TA!"
"Hala sorry! Sorry!"
"Dahan-dahan lang kasi, ang sakit kaya." Pataray na wika niya. Tss. Kung makapag-utos. Binasa ko yung towel tsaka pinugaan. "Ba't binasa mo pa ulit?" Loko 'to ah!
"Eh, gusto mo ikaw nalang pumunas diyan sa mukha mo, nakakainis ka." Hindi naman siya umimik.
Agad kong pinunasan yung mukha niya, ay ang daming dugo tsaka pasa. In fairness, nakakaawa nga siya, bugbog-sarado talaga siya kanina. Neh, naaawa ako sa kanya, sobra-sobra talaga 'to e.
"O, tama na yan." Lumapit sa'kin yung lalaki at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kaya napalingon ako sa kanya at nakita kong may tabon siya sa isang mata.
"Ano ba, ang sakit ng pagkahawak." Ang higpit kasi ng pagkahawak niya sa balikat ko. "Urgh! Ang panget panget mo! You are so ugly to live! Mamatay kang tae ka!" Pangbabara ko katulad noong mga pinangsisigaw ko noong kinidnap ako nila Kulangot pagkatapos ng pagpasyal namin ni Mathew sa World Of Fun.
"Pwede ba, walang magagawa yang pang-iinsulto mo." Agad niya naman akong itinali pero this time, hindi na sa same poste kay Kulangot kundi kaharap ko na ngayon si Kulangot.
"F*ck you! Ang langaw mong tae ka! Sana mamatay ka at kung ano man yung kailangan mo, hindi mo yun makukuha kasi ang , ang ano, ang carabao mo! Sana makakain ka ng panis at mamatay kang--" Napatigil ako nang sinampal niya ako. Aray, sakit no'n ah.
"DON'T YOU F*CKING HURT HER! G*GO KA, HUMANDA KA KUNG MAKAKAWALA NA AKO RITO!"
"Puro salita ka lang Crawford tsaka ikaw, " tumingin siya sa'kin, "tumahimik ka." Tsaka itinali niya na ako sa may poste kung saan kaharap ko si Kulangot.
Umalis rin siya pagkatapos at napatingin ako kay Kulangot na kasalukuyang nakatingin sa'kin. Well, isang mata niya lang yung nakatingin sa'kin. Sa sobrang bugbog siguro, hindi niya maimulat yung kanang mata niya. "Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?"
"Pwede ba Bunganga, umayos ka diyan. Hindi na 'to katulad noong unang kidnap experience mo. Kami-kami lang 'yun. Iba 'to kaya pwede ba, itigil mo ang pagdadaldal diyan dahil seryoso na 'to."
Naku, seryoso nga ba? Ah, tae, siyempre seryoso.
"Kung iniwan mo nalang sana ako roon, hindi ka sana narito. Ba't ba kasi ang kulit-kulit mo?" Hindi ako sumagot kaya pinagpatuloy niya yung sermon niya. "Sana tumakbo ka nalang no'ng sinabi kong tumakbo ka. Hindi ka na sana nadamay."
"Ba't ba? Ano ba'ng kailangan nila sa'tin?!"
"Sa'yo wala, kaya ikinakatako ko kung ano'ng pwede nilang gawin sa'yo. Sa'kin meron, isa akong Crawford. Malamang, nakikipagtransaction na sila sa mga magulang ko. Argh! Ano ba, para akong bata. Hindi naman ako bata ba't nangyayari pa 'to at ang masaklap pa, para akong batang hindi kayang ipagtanggol ang sarili."
"Marami sila, ano ka ba, iisa ka lang. Wala pa akong naitulong, malamang wala kang magagawa."
"Yun nga eh, wala kang naitulong kaya sana tumakbo ka nalang." Napatahimik ako sa sinabi niya. May point din naman siya pero wala ako no'n sa tamang isip. Ang bilis-bilis kasi ng mga pangyayari. Pero kung uulitin man yung panahon, hindi parin ako tatakbo.
"It's called choice." Maliit na pagwika ko.
~♡~♡~♡~
Umaga na nang nagising ako ulit. "Hay, salamat naman at ngising ka na. Gutom na gutom na ako, kanina pa kita sinisigawan pero tulog mantika ka ata."
"Ha? Ano?"
"Bingi ka? Sabi ko kumain ka na at pakainin mo na ako."
"Huh?" Ngayon ko lang napagtanto na may tray na pala ng pagkain sa harap naming dalawa at hindi na nakatali yung kamay ko. Tapos, wala pang tao dito sa loob ng kwarto.
"Psst, Bunganga, kalagan mo nga ako rito." Ngayon lang ako bumalik sa senses ko at dali-daling tumakbo sa tali ni Kulangot para kaagan siya.
"Tae, Kulangot, nakapadlock yung sa'yo."
"Ayun, ayun yung tinidor o kutsara sa tray, gamitin mong pagputol sa tali." Wow ang talino niya.
"Ang talino mo Kulangot, nakakadena ka kaya. Tss."
"F*ck!" Gumawa ka ng paraan, sirain mo yung pintuan. Tadyakan mo, dali." Pag-utos niya sa'kin. Wow, hindi niya talaga napansin na kadena yung nakatali sa kanya?
"Eh paano ka?"
"Nag-iisip ka ba, edi pagnakalabas ka rito, humingi ka ng tulong." Aish! Oo nga, may point siya. Kaya tumayo na ako at pumunta na sa pintuan. "Wait, teka, sandali!"
"Ano na naman?!" Maid ba talaga ako nito? Utos ng utos e! Tss.
"Yung ano, yung sling bag mo, may phone ka ba roon."
"Ah oo, try natin gamitin yung patay kong phone." Inarapan niya naman ako. Pero kinuha ko rin naman yun at lumapit sa pintuan. As expected lock siya at ang nakakainis pa, paloob yung bukas niya kaya kahit anong tadyak ko, hindi ko parin mabuksan. Sinubukan kong sumilip sa maliit na bintana na kasya lang ata yung isang kamay ko. Tss. Pero nakakakita ako ng puno sa labas, ibig sabihin, nasa bundok parin kami.
In the end, I tried everything para makaescape peo wala atang use. There's really no point of escaping lalo na't hindi rin dinala ni Kulangot yung phone niya noong umalis siya sa camp.
Since wala akong nagawa, kumain nalang ako, gutom na gutom narin kasi ako e. Si Kulangot naman, ayun, mura ng mura.
Nakakainis nga e, yung pagkain nila ang sama-sama ng lasa. Hotdog na hotdog na nga lang na hindi na niluluto, binibili nalang, pangit pa ang lasa. Hay, ano bang klaseng cook 'toh? Tapos yung itlog nila, scrambled pa, hay, ayoko ng scrambled eggs, gusto ko sunny side up. Tapos, ano 'to? America? Wala man lang silang dinalang rice. Tinapay lang yung nandito.
Argh! Ang pangit ng lasa ng tinapay! Yuck! Yuck! Kadiri! Well, hindi naman talaga panget kasi walang lasa. Nakakainis! Sana nag-effort man lang silang bumili ng pagkain sa Goldilocks.
Namiss ko tuloy kumain ng masasarap na pagkain, dapat pala thankful ako, Haish! Pagkain na nga lang, ineemotan ko pa. Anyway, nasira yung pag-eemote ko no'ng nagsalita si Kulangot. "O, ano? Sosolohin mo lang yung pagkain? Hindi uso magshare?"
"Ah hindi po, like and comment lang yung uso." Pagtataray ko sa kanya pero siyempre joke lang yun, hindi ko naman sinabi yun tsaka ayoko ring lumaki yung gulo namin, pikon 'to e.
Kaya ayun, sa kanya ko ibinigay lahat ng hotdogs, hihi. Pero wala naman siyang comment sa lasa nito. Noong binigyan ko siya ng tinapay, doon na niya ito binuwal sa sahig. "Yuck, kadiri!" Wika ko.
"Eh mas kadiri yung tinapay e, mas mabuti pa yung hot dog, walang lasa, yang tinapay, lasang panis."
"Hoy hindi ah, mas mabuti pa nga yung tinapay, walang lasa, yung hot dog mo kaya yung lasang isda."
"Edi kainin mo yung tinapay na amoy panis na laway." Pagtataray niya. Teka, nagrhyme yun ah.
"Tss.. Ang arte mo." Sabi ko sa kanya.
"At nagsalita yung hindi." Aish! Fine, kaming dalawa na yung maarte.
Uminom nalang ako ng tubig sa baso at inisnob siya. Pero maya-maya, binigyan ko rin siya ng tubig. Tsk, ano ba naman yan, pati yung tubig lasang putik. Hindi naman sila ganoon kacheap 'no? Sana bumili man lang sila ng Wilkins o kaya mineral water o bottled water.
Haay, ang panget talaga ng taste nila sa pagkain.
~♡~♡~♡~
Mga hapon na no'n noong binalikan nila kami. Kanina pa ako nagpipigil sa ihi dito. Baka nakalimutan nila, tao rin kami. Meron kaming Urinal System.
"O' saan na yung tali mo?!" Pagtatanong nila.
"Kinain ko." Sarcastic kong sinagot pero yung totoo, itinapon ko yun sa labas ng maliit na bintana. Nakks, I'm so clever.
"Eh p*tangina pala 'to e! Gusto mo bang mabugbog." yung bumisita kasi sa'min ngayon neither sa dalawang bumisit kagabi. And that line, well, I think that has been said.
"Gusto kong umihi, kaya pwede ba, tao ako. Saan yung CR niyo?"
"Alam mo, witness ka lang talaga e kaya wala kang silbe rito, gusto mong tapusin ko na yung buhay mo ngayon?!"
"Hindi. Saan yung CR niyo?" Actually dapat matakot ako ngayon e pero ihing-ihi na talaga ako rito kaya wala ako sa mood na matakot.
Napatadyak siya siguro sa inis pero linagyan niya rin naman ako ng blindfold tsaka pinalakad ako. Pagkuha niya no'ng blindfold nasa CR na ako kaagad pero pagkatapos kung umihi. Tingnan ko muna kung may bintana pero oo meron nga pero katulad rin nong bintana sa room na yun, maliit at may vertical bold grills.
At dissapointment, wala akong nagawa kaya blinindfold parin ako pabalik doon sa room. Parang wala na talagang escape dito.
Nang bumalik ako at itinali ulit gamit ang bagong lubid, si Kulangot naman yung nilagyan ng blindfold at kinalasan pero noong kinuha yung tali niya sa likod, agad niyang sinuntok yung lalaki sa mukha tapos kinuha yung blindfold at pinagsusuntok-suntok ito ulit. Agad na pumasok ang isa pang lalaki para tignan ang kaguluhan at nakita niya ang ginawa ni Kulangot kaya ayan tatatlo na silang nagsusuntukan.
Napatumba na ni Kulangot ang unang lalaki pero may dumating na limang panibagong lalaki at tuluyan ng pinatali ulit si Kulangot sa poste.
~♡~♡~♡~
Gabi na naman ulit. Mag-iisang araw na kami rito pero ganoon parin. Tuwing pinapakain na kami, ganoon lang yung ayos, kinakalagan nila ako tapos ako 'tong nagpapakain kay Kulangot. Tapos kung hindi sila nakabantay, tinatapon ko yung tali sa labas, wala lang, trip ko lang.
Mula sa labas, dinig na dinig namin yung usapan sa labas. "Hahaha! Pare, kita mo 'tong hawak-hawak ko?! Hahaha isang milyon! Cash pa! Hahaha bukas may darating pang limang milyon! Takte, ang swerte!"
"Hahaha, nice one! Tapos sa makalawa, huminga ka, sampung milyon, hindi naman sila makakaayaw niyan eh hahaha!"
"T*ngina, para akong bata." Narinig kong bulong ni Kulangot.
Hindi nalang ako umimik. Para kasing sumama yung pakiramdam ko e. Parang ano, ang sakit-sakit ng tiyan ko tapos parang ang init init ng noo ko. Nakakahilo, ah basta, ang sakit sa ulo na parang masusuka ako na something. I think dahil ito sa mga pinangkakain ko kanina.
Ang sakit talaga e, parang ano, parang feeling ko anytime, matutumba ako kaya madalas iniidlip ko nalang 'to. Hindi rin kasi ako makakapag-usap kay Kulangot kasi ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko.
"Uy, Bunganga, okay ka lang?" Narinig kong pagsalita niya. "Kanina lang, ang ingay-ingay mo, ngayon parang hindi ka na umiimik."
"Ano kasi, nakakasuka, tapos nakakahilo, ang sama ng pakiramdam ko."
Wala rin naman siyang maitutulong kasi nakatali siya, malamang. Pero totoo, masama talaga yung pakiramdam ko.
Maya-maya, pumasok ang isang lalaki. Yun yung same na tao, na age 35 and above. Kasabay niya si ate Jillian na tumatayo lang sa may pintuan.
"Hahaha, Crawford, kita mo 'to?" Iniwave niya yung maraming thousands sa kamay niya tsaka sinmpal si Kulangot siyan sa mukha gamit ng pera. "Hahah, salamat dito!" Sabay ngiti niya pero hindi siya pinansin ni Kulangot.
Ang tagal na namin dito, mag-uumaga na mamaya. Tiningnan ko si ate Jillian. Kahit masama yung pakiramdam ko at nahihirapan akong magsalita, pinilit ko siyang tanungin. "Ate Jillian, bakit? Bakit ang sama mo?"
"Hindi ako si ate Jillian." Ayan na naman yung linyang yan! Ang choosy niya sa pangalan.
"Ang sama mo, hindi okay na landiin mo si Dean, hindi rin okay na landiin mo yung kidnapper." seryosong wika ko pero tiningnan niya lang ako at inisnob.
Anyari? Siya yung scene director namin diba? Tapos, the next thing I knew, kasamahan pala siya ng mga kidnapper.
Umalis din naman siya with no comment tapos yung kidnapper kung ano-ano'ng pinagsasasabi kay Rice at ako naman, sumasama na yung pakiramdam.
Hanggang sa nakatulog na ako. Ba't ganito? Bakit nangyayari 'to? Ba't ba ganito?
~♡~♡~♡~
It's been a day. Nagising ako ng bigla akong napasuka. Ay tongek! Ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko.
Mahigit isang araw na kami rito. Mahigit isang araw na! Nakakainis! Wala ba talagang tulong from other authorities? Ano ba ang nangyari sa Camping trip? Napansin man lang ba nila na nawala ako at ang dakilang Prince Rice nila?
Kamusta na kaya si Dean? Eh si Mathew. Ano nalang kaya sasabihin ng magulang ko kapag napansin nilang walang Lorraine na dumating no'ng umuwi na yung grupo.
Kung tama ako, Sunday morning na ngayon. "Bunganga, okay ka lang ba?" Marahan na tanong ni Rice. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, lumungo nalang ako.
Siya nalang yung sinubuan ko. Wala talaga akong ganang kumain kahit na pinipilit ako nito. Wala naman siyang magagawa kung ayaw ko e.
Nakadalawang suka na talaga ako. Ayoko na, I want my mama! I want to go home! Hanggang kailan ba nila balak na ikulong kami rito?
Maya-maya pa, pumasok si ate Jillian kasama ang mas batang kidnapper na may tabon sa isang mata. Nag-usap sila ni Kulangot pero hindi ko na yun pinakinggan kahit na sinisigawan na siya ni Kulangot about this about that, wala na talaga ako sa tamang pag-iisip. Hindi na nagfafunction ng mabuti ang mga senses ko. Ang sakit sakit na ng ulo ko tapos ang init init ng noo ko.
Natatakot nga ako e, baka kung ano na 'to, tsaka diba kung ganito yung nararamdaman mo, you need a medication?
I closed my eyes. Parang nasusuka na naman ako ulit. Pero napamulat ako ng naamoy ko yung perfume. Yung perfume ni Dean! Teka, ito yun, yung perfume na niregalo ko kay Dean at nanggaling yung amoy na 'yun sa kamay ni ate Jillian na kasalukuyang inilalapit niya sa ilong ko. Teka? May ipinahihiwatig ba siya?
Mahinang bumulong siya sa'kin. "Huwag kang matutulog mamayang gabi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro