
Chapter 28 - Mangrove Planting
CHAPTER TWENTY-EIGHT - MANGROVE PLANTING
"Um, may sasabihin sana ako sa'yo. Importante 'to kaya makinig ka." Tiningnan ko siya sa mata. This is so much not-so-Kulangot. Na-abduct ba ng mga ailien ang totoong Kulangot? "Please."
Totoo? Totoo ba 'to? Nakarinig ako nang salitang 'please'? Waaah? Eh human yung nagsasalita no'n e. Teka, teka, naguguluhan ako, wait lang ha, SI KULANGOT BA TALAGA 'TONG KAHARAP KO?!
"Lorraine?" Nagsalita siya ulit and heck?! Confirmed na nga, hindi nga si Kulangot yung kaharap ko? Taong version niya 'to.
Dahil nga mukhang mabait siya ngayon, sige, kakausapin ko nalang siya. Tatanungin ko sana siya kung ano ba yung gusto niyang sabihin kaso napatigil ako nang narinig ko yung boses ni Dean. Teka? Di ba umalis siya para bumili sa store? Ano'ng ginagawa niyan dito? "Mabuti nalang pala at bumalik ako para tanungin si Lorraine kung may ipapabili ba siya. Kung alam ko lang na nandito ka na naman sa tabi niya, hindi nalang sana ako bumaba."
"Hoy Dean, kanina ka pa ha, ay hindi pala, noong nakaraang buwan ka pa. Alam mo nakaksakal na e." Bigla namang tumayo si Kulangot at napatigil sa pagsasalita ang mga natitirang tao sa bus. Yung ikinakatakot ko lang, walang teacher dito sa bus. Tae, wala rin yung driver, ano 'to? I smell war kasi.
Bakit ba ang init-init ng dugo nila sa isa't isa. Magpinsan nga ba sila?
"Then move away. Alam kong kilala mo 'ko Rice. Alam mong higit pa sa suntok ang magagawa ko."
"Aba't p*steng g*go ka ha, ngayon ka pa nagmamayabang sa ugali mo noon?" What? Ugali noon? Ibig sabihin may ibang ugali si Dean noon? Whaaa?
Sobrang tahimik naman sa loob ng bus. Fudge talaga, ang taas taas ng tension dito. Feeling ko kasi konting konti nalang matutumba na yung bus kasi may mangyayaring suntukan. Hindi naman sa OA ako, nakakaramdam lang talaga ako na mainit yung dugo nila sa isa't isa.
"Will you just f*cking shut up, I'm not arrogant unlike you. Umalis ka nalang at huwag ka nang lalapit kay Lorraine." Si Dean ba talaga 'tong nagsasalita? Parang hindi siya e. Nakakatakot yung boses niya ngayon e.
"Ha! Sinasabi na nga ba, takot ka lang malaman ni Lorraine 'yang baho mo--" Teka, teka, baho? Hindi naman mabaho si Dean e. Ang bango nga e.
Pinutol ni Dean si Kulangot. "Noon pa yun. So don't you dare to bring back--"
"Sige, walang pumipigil sa'yo. Tignan lang natin kung saan makakarating--" Enebeyen. Bakit hindi nila pinatatapos yung isa't isa. Wala akong magets.
"Subukan mong g*go ka." Tapos humakbang si Dean para sugurin SANA si Kulangot kaya lang naudlot ng dumating si Ray.
"Uy, uy, uy. Nakakahiya. Rice, Dean, ano ba kayo."
"Shut the f*ck up!" Sabay sigaw noong dalawa kay Ray dahilan para maghands up si Ray. May mga bottled water pa sa kamay niya.
"Mr. Crawford and Mr. Mirasol. Ano ba?! Is that one of the morals na itinuro ko sa inyo sa PAP?! Sit down." Wooh. Mabuti nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti nalang may dumating na teacher kundi may suntukan na namang magaganap.
So ayun nga, umupo na yung dalawang engot. Hindi tuloy nakabili si Dean dahil nga ayaw na niyang bumaba ulit. Baka raw lumapit na naman si Kulangot sa'kin. Grabe, hindi ko tuloy mapagtanto kung alin ba sa dalawa si Dean, overprotective or overacting?
Madalas nararamdaman kong tumitingin sa'kin si Kulangot pero kapag nagtatry akong sumilip sa direksyon niya, nakikinig lang naman siya ng music sa headphones niya. Ah ewan, basta, nakinig nalang ako sa music na pinabaon sa'kin ni Mathew na Last Song Syndrome ako e, LSS tawag doon.
Mahigit tatlong oras na yung biyahe. Nakatulog na nga ako e, pero this time, sa glass window talaga ng bus sinadya kong sumandal. Ayokong maround two sa mga flash ng camera ng ibang estudyante.
Nagising nalang ako dahil tumigil na naman yung bus. Teka? Andito na kami?
"Oh. My. Gosh. Thank you so much. I thought I could never catch up with you guys."
Ay fudge, akala ko ba naman. AKALA ko ba naman this trip would be great kaya lang kumarga pa yung bus ng isang demonya. Sino pa ba kundi si Ma'am Barille! Ano'ng ginagawa niya? At bakit pa siya saumama? Tsk! Tae lang talaga, subukan niya lang sirain yung camping days ko.
Hay, bakit pa kasi siya nakacatch up. Hahaha, ngayon ko lang narealize, naiwan pala siya ng bus kanina. I love the driver so much! Sana pala hindi na talaga siya nagcatch up.
"That's good, especially that you're one of those teachers who cooperated well in this said camping trip. I'm glad you made it."
Psh. Makatulog na nga ulit. Ayun nga, natulog nalang ako ulit. Napuyat nga ako kagabi diba?
~♡~♡~♡~
Naglalakad ako ngayon sa hardin. O', huwag na kayong magtanong ha, nananaginip ako. Obvious naman e. Kainis. Madalas na akong nagiging conscious sa scripted dream ko. Kainis. Hindi ko kasi kontrolado yung mga nangyayari.
O' tama na, naglalakad ako ngayon sa hardin tapos night time ngayon. Yung hardin, napakamagical. Ang daming bulaklak na kulay yellow, blue, at tsaka red. Tapos, may mga malalaking paru-paro rin na kasingkulay ng mga bulaklak. Ang ganda-ganda, lalo na't ang liwanag ng buwan.
Wala na ata akong mahihiling pa, meron lang at isa, sana hindi nagcar crush yung bus na sinasakyan namin papuntang camping kasi kung nagkataon, baka isipin ko, Heaven na 'to.
Pero ayun nga, ang ganda ganda ng gabi, ang lamig lamig pa. Tahimik ang lahat at lakad lang ako nang lakad hanggang sa may sumira ng katahimikan.
Sa mga puno nanggaling ang isang napakalakas na sigaw ng isang babae. Isang sigaw na nagpapahiwatig ng takot.
Kung ako si Lorraie ngayon tapos kung kontrolado ko lang yung katawan ko, edi sana tumakbo na ako papalayo, ayoko pang mamatay 'no. Alam namang danger 'yang nasa may mayayabong na puno e, tapos, pupunta ka pa roon. Pero anyway, sinundan ko rin naman yung boses ng batang babae. Wala e, hindi nga ako yung nagkokontrol ng dream ko diba?
Sumigaw ulit yung batang babae. "Neil!!!" Sinundan ko nang sinundan yung boses ng batang babae hanggang sa makaabot ako sa isang tulay. Pero wala akong nadatnan doon. Walang tao. "NEIL!!!" Pero ayan na naman, may sumigaw na naman. Kainis! Wala namang tao e, parang nasa background lang yung boses.
"Nasaan ka, bata?" Pagsisigaw ko pero iisa lang yung response niya. Neil lang yung palagi niyang tinatawag. Eh kung Neil-Neilin ko yang mukha niya.
The next thing I knew, nagising na pala ako. "Lorraine. Nandito na tayo." Malambing na paggising sa'kin ni Dean. Malambing? Ehe. Yung mga terminologies ko umiimprove oh.
"Huh? Ano?" At dahil nga kakagising ko lang, wala akong nagets sa sinabi niya.
Pinat niya naman ako sa ulo. "Haha, ikaw talaga, narito na raw tayo. They're gonna park the bus here. Aakyat na tayo sa mountain."
Sinampal ko muna nang mahina yung face ko para magising. Pagtingin ko sa labas ng bintana. Wow. Ang init sa labas! Ano'ng oras na kaya. Chineck ko yung time ko sa phone. It's 10:00am. Hay, four hours din pala yung tinagal ng biyahe.
Kinuha ko na yung backpack ko na sinasabi kong malaking bag kung saan nakalagay yung mga pamalit ko tapos, bumaba narin sa bus.
"Lola! OMG! Halika, sabay na tayong umakyat ng bundok! Masaya 'to." Pabungad na sigaw ni Dheenise pagkababang-pagkababa ko sa bus.
"Dean! Hiramin muna namin 'tong si Lola ha!" Nagsmile lang si Dean tsaka nagnodd. Grabe hiramin? Ano ako? Doll?
At doll pa talaga yung isinuggest kong gait. May pagka-ambisyosa rin ako 'no?
"O, umakyat na tayo. Ifollow niyo lang yung guide natin paakyat ng mountain. Wag malikot ha! Stay with the group." Wika ng isang teacher.
"Hala! Dheenise naman e!" Pagtataranta ko.
"Huh? Bakit Lola?" Pagtanong ni Freya. Si Dheenise yung kinakausap ko pero si Freya yung nagtanong? Haha, ang cute lang ng friendship nila.
"Nakasandals ako. Nakalimutan kong aakyat pala tayo ng mountain! Edi sana tennis yung sinuot ko." T.T
Wala namang ekspresyon yung nag-iba sa kanila. Nakapokerface lang sila. O' siya, alangan namang pahiramin nila ako ng tennis shoes nila tsaka sila 'tong magsusuot ng sandals.
"Eh, Lola. Umm, ano, uhh, sige, magpapahuli nalang tayo, tutulungan ka nalang namin para hindi ka masyadong madulas." Wika ni Dheenise.
At ayun nga, dahil isa akong makakalimutin na tao, waah, ayan tuloy, sandals yung naisuot ko. Aish! Ano ba, Lola. Magkacamping nga kayo diba! Magmamangrove plantng pa nga diba, ba't yan sinuot mo? Ano ka, feeling pupunta sa mall? Tss. Nakakahiya ako.
"A-aray. Ay sorry!" Madalas na sinasambit ko. Palagi kasi akong nadudulas. Mabuti nalang nakahawak ako kina Dheenise at Freya.
"Ugh! Ms. Lavilles, you are currently hiking. Please stop acting like a child." Wika ng isang demonitang demonya sabay overtake sa'min. Wow. Teacher siya tapos kung gaganyanin-ganyanin niya ako parang kaedad ko lang siya. Tss.
"S-sorry ulit." Wika ko kay Freya ng aksidentally akong nadulas at napahawak ng mahigpit sa kanya.
"Aray, ang sakit ng paghigit mo Lola, yung damit ko baka masira." Sabi naman ni Freya.
Nakakahiya naman ako. "Angkas." Wika ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa pandinig ko. Madalas niya kasi akong sigawan kaya hindi ko malilimutan kung kaninong boses 'yan.
"Oh My Gosh! Finally, Lola, umangkas ka nalang daw sa kanya. Bago rin kasi yung damit ko baka masira sa kahihigit ko." Sabi ni Dheenise.
"Umangkas ka nalang sabi." Wika ni Kulangot pero tinignan ko lang siya. "Gusto mo bang madulas palagi?"
Help! Hindi ko alam sasabihin ko. Teka, ang weird kasi, inaalok ako ni Kulangot na umangkas sa likod niya?
Hihingi pa sana ako ng advice kina Dheenise at Freya pero tae, nasaan na yung dalawa. Iniwan ba naman ako ng walang paala,? Genen.
"O, sige ka, kung gusto mo bridal style, bahala ka." Tapos bigla siyang lumapit sa'kin na ikinataranta ko naman. Tumingin ako sa paligid. Naks, nahuhuli na kami sa grupo.
"Teka, ah, eh. Wag na. Kaya ko naman." Wika ko sa kanya. Ayokong umangkas sa likod niya. Tsaka kaya ko naman. Babagalan ko nalang hakbang ko.
"Ah sige, bahala ka." Tae, iniwan nga ako. Ang g*go naman niya, iniwan talaga ako.
"Huy teka, huy, hintay!" Pagsigaw ko sa kanya. Ang bilis-bilis kasi maglakad. Ayokong mahuli 'no. Baka mawala pa ako sa grupo. Malay ko ba may mga hayop dito. "Huy teka lsng! Hintayin mo ako, uy--arayyy!" O, ayun nga, nagmadali pa kasi ako kundi nadulas ako. Oh no! Sakit nun ah. Yung tuhod ko p*tik!
The next thing I knew, katabi ko na si Kulangot. "Ayan kasi, kitang magkacamping, nagsandals ka pa. Halika nga rito, tulungan na kita." Sabi niya sabay higit sa'kin patayo tapos tumalikod siya sa'kin. "O, umangkas ka na."
"Huh? Ah eh kasi..."
"O, sige, magpakipot ka pa riyan, iiwanan kita." T*ngina, bakit pa kasi ako nagsandals?
Wala akong nagawa, kesa naman iwanan ako nito. Wala kasi siyang puso kaya alam kong kayang-kaya niya nga akong iwan. Tsaka ayoko ring mapag-iwanan ng grupo 'no so no choice talaga ako. Umangkas ako sa likod niya. "Ano ba yan, higpitan mo naman, kung mahulog ka, hindi na kita tutulungan." Higpitan? Gusto niyang ichoke ko siya ngayon?
O, ayun nga, hingpitan ko ang pagyakap sa leeg niya at hinigpitan niya rin yung paghawak sa'kin para hindi ako mahulog.
Yung totoo? Bakit biglang niya akong tinulungan? I mean, bakit bigla siyang bumait? Ang weird talaga ng feeling na naka-angkas ako sa likod niya. Sana walang makakita sa'min kahit kami yung pinakahuli sa grupo. Baka kasi isipin ng iba ang landi ko e kasi may boyfriend na nga ako (which is fake) tapos, umaangkas pa ako kay "Prince" Rice.
Tae talaga. Nageguilty tuloy ako sa mga pinangsasasabi ko sa kanya noong sabado. Sinabihan ko lang naman siya na walang magmamahal sa kanya dahil blahblahblah siya. Kainis! Ang sama-sama tuloy ng labas ko. Teka, magsosorry ba ako?
Bakit naman ako magsosorry? Deserve niya naman yun. Teka, deserve niya nga ba yun? Ah mamaya na yang sorry. Magthethank you muna ako sa kanya. Pinaangkas niya kasi ako. "Um, K-Kulangot?" Tae, magthethank you na nga lang ako, nauutal pa.
"Ano?" Wala akong masense na emotion sa kanya.
"Thank you." Pasasalamat ko pero wow. isnobin ba naman yung thank you ko? Hindi nagsalita e. "Sige, alam ko namang hindi ka--"
"Welcome."
~♡~♡~♡~
Mabuti naman at binaba ako ni Kulangot malayu-layo sa grupo. Alam niya naman siguro na pagchichismisan kami pagnagkataun, lalo na ako dahil alam nang lahat na boyfriend ko si Dean.
Tapos pagkarating na pagkarating namin doon. Pinakain kami agad ng lunch. Siyempre dapat lang! Pero akala ko talaga dahil nga camping nga kami, kung anu-ano na 'tong pumapasok sa isip ko na mangbibingwit kami ng isda sa dagat haha, hindi naman pala, napaexagg lang ata yung imagination ko. Nagpack naman talaga sila nang lunch. O, sosyal lang yung peg. Nasa mountain na, nakakajollibee parin?
Anyway, katabi ko ngayon sina Dheenise at Freya, si Dean kasi nandoon sa mga kaibigan niya eh.
"O, guys. Alam kong tapos na kayong kumain. Group yourselves into five. Kailangan same gender ha. Tapos kumuha kayo ng tent dito and build your own, tig-iisang grupo ha." Wika ng teacher namin.
"Lola! Grupo tayo!" Sabay tayo ni Dheenise. Aish. Meron pa bang iba? Sila lang naman yung mga kaclose ko rito eh. Anyway, yung grupo ko ay sina Dheenise at Freya, ako, tapos dalawang sophomores na naalala ko bilang mga co-acresses ko sa Theater Club. Wala nang iba e, sila Jenny at Meghan.
Oo, tiglilima, malalaki naman kasi yung tent na dala ng school e. Tsaka medyo maluwag pa nga sa lima.
Tiningnan ko kung nasaan banda si Dean. Biglang nag-init ang dugo ko nang makakita ako ng isang linta. Naalala niyo pa ba si ate Jillian? Yung assigned scene director namin? Alam kong may crush 'yun kay Dean pero waaah! Akala ko talaga hindi siya flirt, ba't ganoon, nag-uusap sila ni Dean.
Aish! Nag-uusap lang sila Lola, huwag kang ano tsaka hindi naman mo naman totoong boyfriend yang si Dean kaya please! Huwag kang magselos! Huwag kang--Aish! Nakakbw*set! Bakit sila nagyayakapan! Argh! Masugod nga.
Ebe, kinareer ko talaga pagiging fake-girlfriend ko. "Ahem!"
"Oh, si Lorraine ka diba?" Pagsmile ni Jillian sa'kin. Aba't nagsmile pa talaga siya? "I'm so happy for you. Finally, kayo nga nagkatuluyan ni Prince Dean." Sabay yakap niya sa'kin. Eh? Ang selosa ko.
Ngumiti nalang at ngumilay si Dean sa'kin. I just smiled back, nakakahiya talaga ako paminsan-minsan e 'no?
Anyway, bumalik na ako kina Freya. Tulong-tulong kami rito sa pagbuild ng tent kaya lang wala atang girl's scout sa'min kaya magthethirty minutes na, hindi parin kami nakakapagtayo ng tent.
Mabuti nalang to the rescue si Dean. Alam niyo, ang dami-dami ko nang utang sa kanya, palagi kasi siyang nagrerescue sa'kin. Siya talaga yung tunay na definition ng Prince Charming at Super Hero.
"O, sige na, nagdala ba kayo ng mga boots? Isuot niyo na 'yan kasi magmamangrove planting na tayo. Mahaba-haba yung lalakarin natin dahil dadaan tayo sa hanging bridge. Sinong excited?" Nagsalita ang isang teacher pero inisnob lang siya ng mga estudyante.
T*ngina, wala akong boots. V.V Ako na, ako na talaga.
Dumaan nga kami sa hanging bridge. Nakakatakot, feeling ko talaga anytime mahuhulog na ako. Tapos yung nasa ilalim pa ng wooden hanging bridge ay mga plants na tutubo palang. Katakot naman kung mahuhulog ka kasi siguradong matutusok ka. Pero anyway wala rin namang masyadong nangyari sa hanging bridge, kasama ko lang sina Dheenise at Freya all the time. Itong dalawang 'to talaga, nakakainis paminsan-minsan, lalo na si Dheenise, isip bata 'yun e. Hayaan niyo ba namang tumatalon pa sa bridge, aatakihin ako nito sa puso e.
Mabuti naman at inexplain sa'min ng maayos yung gagawin. Bale, kukuha lang kami ng mga Mangroves tapos itatanim and since wala akong boots, hindi nalang ako sumuot ng anything. Kainis! Puro putik everywhere, hay, pero in fairness, nag-enjoy ako. Aksidenteng natapunan kasi ako ni Dheenise ng putik at sa t-shirt ko pa natapon ha. Kaya ayun, tinapunan ko rin siya pero si Freya yung nahagisan ko. Kaya ayun, putik war! P*tik, ang saya!
"Hahaha, aish! Yung damit ko." Sigaw ko nang natapunan ako ng putik sa damit. Hindi naman ako magpapatalo 'no kaya kumuha ako ng napakalaking putk at itinapon iyon kay--Dheenise SANA.
"Sh*t! F*ck!"
"Hala, Lola, sa lahat ba naman ng taong matatapunan mo, yung ex ko pa." Wika ni Freya sa tabi ko. "Katakot yang magalit eh."
"Shih tzu." Bulong ko sa sarili ko. Teka, teka? Sinisisis ko ba yung sarili ko, eh in the first place, nandito kaming tatlo na naglalaro ni Dheenise malayo sa grupo e. Siya nga 'tong lumapit sa'min e kaya bakit ko naman sisisihin sarili ko. Siya ata 'tong nagpahagis e!
"Alam mo ba na mahal 'to?!" Pagsigaw niya sa'kin. Alam niyo, ang BIPOLAR niya. Kanina lang ang bait-bait tapos ngayon, kung makasigaw, wagas?!
"Hoy, huwag mo akong sisisihin ah! Ikaw kaya 'tong lumapit sa'min, kasalanan ko pa?!" Pasigaw kong pabalik sa kanya. Mabuti nalang malayu-layo kami sa grupo kaya hindi kami masyadong pinapansin, nagkakatuwaan din kasi sila sa malayo e.
"Lola, uy, huwag kang sumigaw, lalala lang yan." Bulong ni Freya sa tabi ko.
"Ah kasalanan ko pa?! Ikaw kaya 'tong nagtapon ng napakalaking putik sa'kin!"
"Hoy Kulangot, hindi ko 'yan kasalanan. Kitang nagtatapunan kami ng putik dito, dito ka pa dumaan! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?!"
"Magtigil ka Bunganga! Ano pa ba ginagawa ko rito?! Edi nagtatanim! Ikaw ata 'tong may kasalanan tapos ako pa yung sisisihin mo?!" Tapos bigla niya nalang akong tinalikuran at umalis palayo.
Nakakasakal na ha. Kasalanan ko ba talaga 'yun? "Urgh! Makakain ka sana ng putik! Panira ka talaga!"
"Lola, ang tae mo! Ngayon ko lang nakita na ganyan ka magsalita kay Rice. Hindi ka ba natatakot? E, ang sungit-sungit niyan tsaka ikaw ba talaga si Lola?! Kung magsalita kayong dalawa parang matagal na kayong magkakilala." Sunod-sunod na pagsasalita ni Freya.
"Pagdating sa kanya, nawawala 'tong hiya ko. Eh, nakakainis siya eh! Ang bipolar much niya."
~♡~♡~♡~
Pagkatapos ng mangrove planting namin na masaya sana pero sinira ng bipolar na kulangot, dumiretso na kami sa camp kung saan gumawa kami ng camp fire at pinalibutan ito. Grabe, ngayon ko lang narealise na ang dami-dami nga namin.
Ang bilis ng panahon, natapos kasi yung mangrove planting namin mga sunset na kasi nga hinintay pa namin yung high tide na bumaba.
I checked the time on my watch. Tae, nakalimutan kong wala palang plug dito, nagdala pa ako ng charger tapos palowbat na yung phone ko. Hay! Ang saya-saya.
"Hello everyone! I'd like to thank you all for cooperating and participating in our activity." Panimula ni Ma'am Barille.
Bale, she's near the bonfire tapos kami nakapalibot sa kanya at umuupo sa malaking logs ng kahoy. Sa sobrang dami namin, yung iba sa damuhan nalang umupo. Malamig naman ang gabi. Speaking of Ma'am Barille talking near the bonfire. Ang sarap niyang itulak, grabe!
Haha, ang sama ko.
"So, I'd like us to get to know each other more as a Porcupine Academy family. I want everyone to share about their greatest childhood memory. Let's start off with Ms. Lavilles." At nagsalita nga yung pinakapaboritong teacher ko. Bw*set. "Ms. Lavilles, please come here in front and since I want everyone to feel related, I may allow you to speak in Filipino."
Lord, pwede niyo po ba akong payagang saktan 'tong baboy na teacher ko? Isang tadyak lang, please.
So ayun nga, tumayo nalang ako at tumabi sa kanya. Waaah! Help! All eyes are on me tapos ang tahimik tahimik pa. Waah! ayoko nio e, yung maging center ng atensyon. Nakakatunaw. "Um--ah, k-kasi ah." Nauutal pa ako.
"What Ms. Lavilles? Don't tell me you didn't listen to me a while ago."
Pinapahiya niya ba ako? Kasi kung pinapahiya niya ako, sumasucceed siya e. "Nakinig naman PO ako. Heto na nga magsisimula na. Um, my greatest childhood memory ay noong binilhan ako ni mama ng bisekleta when I was five years old. Yun lang, thank you." Agad akong umalis at tumabi kina Dheenise. Waaah! Sinadya ko talagang bilisan ang pagsasalita ko. Nakakahiya e, ba't ganoon?
Tapos, nakita kong parang nadissapoint siya sa sagot ko. Eh ano ba'ng gusto niyang marinig? Na lumipad ako noong bata ako? Na nagtumbling ako sa Eiffel Tower noong three years old ako? Na kumain ako ng shark? Aish! Hindi naman ganoon kaplentiful yung childhood memory ko e kaya wala siyang dapat icomment.
At ayun nga, she just called other students hanggang sa sina Dheenise at Freya na yung nagkwento. Nakakatawa nga e, si Dheenise kasi parang inangkin talaga yung lugar, ang tagal kasi nang pagkwento niya at dahil meron siyang sense of humor, tawa lang kami ng tawa.
Hanggang umabot na kay Dean. "My best childhood memory was when my dad brought us to a fair and everything just went right."
Hanggang sa umabot na yun kay Ray Sandoval pero nang si Kulangot na yung magsasalita biglang siyang umayaw kaya nagsigawan naman ang mga tao ng "KJ!!" Tinulak pa nga siya ni Ray para pumunta sa gitna. Then he stared at me and smiled pero mabilis lang naman. Ang bipolar niya ha.
"My best childhood memory is when I met her." Sandali siyang tumigil. Sino si her? Bigla namang lumungkot yung aura niya pero nakangiti parin siya at nakatingin sa mga tao sa paligid niya. "She showed me how unfair life could be but at the same time, kung gaano rin ito kaperpekto." Ayun, tapos umupo siya.
My goodness, ang deep no'n ah. Nakakanosebleed. Ang ironic, yung totoo? Anyari sa totoong Kulangot?
At ayun nga, natapos yung kwentuhan. Nagsisiyahan pa nga rin sila e. Yung ibang estudyante kasi nadala ng mga gitara. Nagtatawanan sila pero ako, parang naantok na ako e.
Kaya nakapagdesisyon na ako, matutulog na lang ako. Papasok na sana ako sa tent ng natigilan ako. Pamilyar yung boses na nagigitara ngayon tapos yung kanta, isa samga paborito ko.
"The way you move is like a full-on rainstorm
And I'm a house of cards
You're the kinda reckless that should send me running
But I
Kinda know that I won't get far..."
Teka, si Kulangot ba yung kumakanta?! Sh*t! Hindi ako makapaniwala, he's playing guitar and he's singing. Wala akong comment sa boses niya, mas maganda yungboses ni Dean pero hindi yun yung point ko. Kulangot is singing tapos sa akin siya nakatingin while strumming the guitar!
"And you stood there in front of me just
Close enough to touch
Close enough to hope you couldn't see
What I was thinking of..."
----SHORT-FLASHBACK-----
тo: Dean Mirasol
(OMG, I'm sorry, I just read this just now, well why did you fight?)
~It's about the eggplant, I hate eggplants and she told me to eat that, no way!~
(So what did you do? Did you cry?)
~No. I went upstairs and played "Sparks Fly" with my guitar.~
(You play guitar?! And Sparks Fly? You mean by Taylor Swift! Oh and speaking of food, I missed eating Ice Cream)
~You like Sparks Fly? Okay, one day if I ever met you, I'll play you Sparks Fly and bring you icecream to.o~
-----END-OF-SHORT-FLASHBACK-----
Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin ni Dean no'ng Pasko. Nanonosebleed pa ako noon sa English niya.
Yung kantang 'yun. Sabi sa'kin ni Dean, kakantahan niya ako no'n tapos magpleplay siya ng gitara tas bibigyan ako ng icecream. Ba't ganoon? Bakit hindi si Dean ang gumagawa nito ngayon, bakit si Kulangot?
"Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'Cause I see sparks fly
Whenever you smile..."
Tinignan ko lang si Kulangot ng may pagtataka and he's looking at me too pero medyo malayu-layo yung tent namin sa may bonfire kaya baka nag-aassume lang ako na sa'kin siya nakatingin. Pero hindi e, parang ang lungkot ng tingin niya. Tapos, wala naman akong katabing tao kaya alam kong ako talaga yung tinitignan niya. Teka, bakit ko nararamdaman 'to? Bakit ako napapakali?
"Get me with those green eyes, baby
As the lights go down
Give me something that'll haunt me
When you're not around
'Cause I see sparks fly
Whenever you smile--"
Binawi ko ang tingin ko at pumasok sa tent. Nandoon na yung apat kong kasamahan at natutulog. Tsk. Saktong pagpasok ko sa tent, bigla namang huminto yung kantahan sa labas.
I sighed. Makatulog na nga. Ang daming weird na nangyayari ngayong araw.
~♡~♡~♡~
Aaaaaaaaah! P*cha!! Fudge! Fudge! Fudge! Shih tzu talaga! Nagawa ko na lahat ng sleeping position pero hindi pari ako makatulog!
Hindi naman malamok ah! Tsaka hindi rin mainit! Medyo malamig nga e na parang may aircon sa loob ng tent pero aaaaaah! Lahat nalang ginawa ko para matulog. Pinaulit-ulit ko na yung mga kanta sa cellphone ko pero wala paring nangyayari! Sa sobrang pagplepleay ko nga ng music namatay na yung phone ko.
Nakakainis! Ba't ayaw ako patulugin?! Tapos bakit ganito? Bakit nagflaflashback sa'kin yung mukha ni Kulangot?! Why?
"Angkas."
Waaaah! Ayan na naman. Isang salita lang naman e, pero bakit paulit-ulit?
"Umangkas ka nalang sabi. Gusto mo bang madulas palagi?"
"Welcome."
Tapos bigla ko na naman naalala noong sinungitan niya ako sa Mangrove Planting tapos nginitian no'n sa bonfire. Ang gulo! Ba't ganoon? Nageguilty tuloy ako sa sinabi ko sa kanya noong Saturday.
"Kaibigan ko ang inaagrabyado mo. Wala akong pakialam sa'yo. Alam ko naman dati pa e. Wala kang puso. Kahit kailan, walang magmamahal sa'yo. Huwag mo akong itulad sa'yo. Mahal ko ang kaibigan ko at kung ikaw, pinagkaitan ng pagmamahal, pwes huwag mong idamay si Jane!"
Sinabi ko ba talaga ang mga salitang 'yun? Argh! Nakakaguilty. "Syete!" Napasigaw nalang ako bigla-bigla pero buti nalang at walang nagising a apat na tulog na 'to. Argh! Nakaguilty! Sige na nga, magsosorry nalang ako kay Kulangot sa nangyari noong Sabado tapos magsosorry na rin dahil nadumihan ko yung suot niya sa Mangrove Planting. Magsosorry lang ako, yun lang!
Agad akong lumabas ng tent pero wala nang tao sa labas. Lahat nang ilaw sa tent, nakapatay na. Well hindi naman lahat, meron din namang mga Night Owls na estudyante sa Porcupine Academy 'no.
Aish! Ang t*nga ko, magsosorry na nga lang ako pero hindi ko man lang alam kung saan dito yung tent nina Kulangot?
Napansin kong mailaw pa yung tent nina Dean kaya agad akong pumunta roon. Alam ko namang siguradong hindi sila magkatent ni Kulangot dahil mainit ang dugo nila sa isa't isa pero baka alam ni Dean kung nasaan banda yung tent nina Kulangot.
"Dean? Dean, gising ka pa?" Agad na bumukas yun zipper ng tent, pero hindi si Dean yung bumukas noon, kundi si Harold na may hawak-hawak na phone. Nagbabasa ata.
"O, Weird, ano'ng ginagawa mo rito?"
"Ah, si Dean asan?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Umalis e, hindi ata makatulog. Ba't gising ka pa?"
Hindi ko nalang pinansin yung tanong niya. "Si Ku--este--si Rice asan?"
"Ah, si Prince Rice ba? Ayun, sa kanila yung kulay pulang tent doon o." Pagturo niya sa'kin at napansin kong bukas rin ang ilaw sa tent na 'yun.
"Ah, ganoon ba? Thank you." Wika ko at dali-daling tinungo ang tent nina Rice.
Pagdating ko sa tapat ng tent. I breathe in and out muna. Waah? Bakit ako kinakabahan? Magsosorry lang naman ako, hindi naman ako sasabak sa election.
"Excuse me. Um, hello? G-gising pa kayo?" Pagtawag ko sa labas ng pulang tent. Unti-unting bumukas yung zipper ng tent but I felt a blist of dissapointment noong hindi si Rice yung bumukas no'n kundi si Ray na may hawak-hawak na pocket book at flashlight. Nagbabasa rin 'to? "Um.." Hindi ako gaanong sure kung lalagyan ko ba ng Prince yung unahan ng pangalan niya since isa siyang respetadong tao. Pero hindi rin naman ako sanay sa mga ganyan kaya Ray na nga lang. "Um, Ray si ano, si Rice, asan?"
"Si Rice? Ayun lumabas, di ko alam saan banda pumunta pero babalik din naman siguro yun."
Waaaah? Wala si Dean? Wala rin si Rice? Asan na yung dalawang 'yun?! Mainit pa naman yung dugo nila sa isa' isa. "Ah, sige, salamat nalang." Sabay tango ko sa kanya.
"Ah okay, sige, matulog ka na rin." Wika niya tapos isinara yung zipper ng tent.
Saan na kaya si Kulangot? Nahh! Baka nagsuntukan na yung dalawang 'yun, naku!
I made up my mind, hahanapin ko nalang yung kanin na yun kung saan banda man siya ng ilong nagtatago. Tss.
Gabing-gabi na ngayon dito at lahat ng mga teachers tulog na. I think kung nasaan man si Kulangot ngayon, hindi naman 'yun nakakalayo rito.
Nakakainis! Wala pa naman akong sense of direction! Paano kung mawala ako rito? Pero anyway, I tried my best para imemorize yung daan way back sa camp. Pumasok ako sa mayayabong na puno.
Waah! Mabuti nalang at mailaw yung buwan dahil kung hindi baka nausmod na ako rito sa lupa. Ang dami-dami kasing mga twigs at mga maliliit na plants. Ayoko namang tapakan pa sila.
Aish! Malayo na ba ako sa camp? Neh, naalala ko naman yung way back. Teka? Am I lost?
Tae, ang arte ko.
Hindi malayo sa nilalakaran ko. Nakakita ako ng isang pigura ng lalaki na nakaupo sa isang concrete. Isang lalaki ha, hindi dalawa. So this is either Dean or Kulangot and I'm thank ful naman na si Kulangot 'to. Mabuti nang makapagsorry ako tapos makaalis na. Hindi rin naman kasi ako makatulog kapag hindi nakapagsorry e.
Tahimik lang naman siyang nakaupo kaya tinabihan ko nalang siya. Ngayon ko lang narealize na tinitignan niya pala yung nasa baba ng mountain, yung maliit kasi na bahagi ng Monquierto Valley kitang-kita rito.
"Kulangot..."
"Ay p*ta!" Nagulat ata siya ng narinig niya'ng boses ko. Ganoon? So hindi niya ako napansin noon umupo ako sa tabi niya? Gaano ba kalalim ang iniisip neto? "Nagulat mo ako roon ah."
"Kulangot, tungkol sa sinabi ko sa'yo noong Saturday..." Hindi naman siya umimik at tumitingin parin siya sa mga kababahayan ng maliit na parte ng Monquierto Valley kaya pinagpatuloy ko nalang. "Gusto ko sanang magsorry tsaka yung kanina sa Mangrove Planting, kasalanan ko naman talaga 'yun e. Um, ah ano, ah, sorry."
Tiningnan niya ako, mata sa mata. "Ako nga dapat magsorry e, tsaka totoo naman talaga yung mga sinabi mo sa Victory Garden, wala naman talaga akong kwentang tao."
"Kulangot naman e, sorry, sorry kung nasabi ko 'yun nadala lang ata ako pero hindi ko naman yun sinasadya e."
Dumating si katahimikan.
"Bunganga, pwede bang humingi ng pabor?" Nagtaka naman ako at tinanong siya kung ano ba yun. "Pwede bang samahan mo muna ako rito. Kailangan ko kasi ng kausap e."
"H-ha? Ano?"
"Sabi ko pwede bang sama--"
"Tae, hindi ako bingi. O, sige, hindi rin naman ako makatulog e. " Totoo naman e, hindi ako makatulog tsaka hindi naman siguro nangangagat tong si Kulangot tsaka maging sensitive naman kayo.
Bakit kaya malungkot si Kulangot ngayon? Nang walang anu-ano'y bigla kong naalala yung sinabi niyang childhood memory niya. Baka dahil doon kaya siya malungkot. Matanong nga. "Um, Kulangot, malungkot ka ba dahil sa babaeng kinwento mo na best childhood memory mo?" Hindi naman ako masyadong usyoso 'no? -.-
"Hindi ako malungkot 'no. Wala ata akong puso." Malungkot na pagwika niya. Tss. Di raw malungkot, ansaveh? "Alam mo ba kung bakit wala na akong puso?"
Lumungo ako. "Malay ko, surgery?"
"Nagseseryoso na nga ako e, hahaluan mo pa ng biro. Hindi, kasi binigay ko na 'yun, doon sa babaeng ikwinento ko kanina sa bonfire."
Ow. New revelation, my first love si Kulangot! Woot woot! "Alam mo ba na sa lahat ng babae sa mundo na kinaiinisan ko, sa kanya lang ako mabait. Sa kanya lang ako nakikipagkaibigan at nakikipag-usap." Nagsimula akong makinig. "Alam mo ba na ang saya niyang kasama. Tinuruan niya akong tanggapin si mom kahit kinamumuhian ko siya that time."
"Ah ganoon ba? Eh, nasaan na siya ngayon?"
"Ah siya? Wala na siya, matagal na siyang patay." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? Patay na? Kaya pala. Isa rin siguro sa mga dahilan ni Kulangot ang babaeng 'yun para kamuhian niya ang mga babae.
"Naku, sorry, hindi ko alam."
"Hindi, okay lang 'yun. Matagal naman 'yun pero parang kahapon nga lang eh. Ah basta, dahil sa pagkawala niya, natutuhan kong huwag magmahal, hindi ako nakikipagkaibigan sa mga babae, sinasaktan ko sila."
"Tss. Ganoon? If I know nagustuhan mo naman yung mga halik nila." Napatawa naman siya sa sinabi ko. "O, ano naman ang nakakatawa roon?" Teka? First time ko lang siyang narinig tumawa.
"Eh kasi wala pa akong first kiss eh." Napatayo ako. Gustong-gusto kong magmura. Yung taong kaharap ko ngayon, na hindi na mabilang yung girlfriends tapos hindi na rin mabilang yung babaeng nakadikit sa kanya tapos yung dakilang casanova sa harap ko, WALA PANG FIRST KISS?! Niloloko niyo ako eh.
"Hahaha, huwag ka ngang manloko! Ikaw na casanova, wala pang first kiss?!" Nahiya naman siya siguro sa sinabi ko at napakamot sa batok niya.
"Nandidiri ako sa mga babae e. Naiinis nga ako sa kanila diba. Feeling mo ba talaga ineenjoy ko 'tong pagiging casanova ko?"
"Ah hindeh, hindeh, kasasabi ko lang eh." Umupo ako ulit.
"Ikaw ang daldal ng Bunganga mo, subukan mo lang manira ng reputasyon, susunugin talaga kita."
"Hahaha, hindi lang kasi ako makapaniwala." Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala.
"Sige tumawa ka lang diyan. Ang sarap mong sapakin. O' siya ikaw naman magkwento." Wika niya.
"Ako? Ano'ng ikwekwento ko?" Napaisip naman ako nang bigla kong naalala na may sasabihin pa diba sa'kin si Kulangot no'ng nasa bus kami. "Ah oo nga pala, diba may sasabihin ka?"
"Ah, oo, gusto ko sanang magsorry." Huh? "Naalala mo noong kinidnap kita, hindi pa ata ako nakapagsorry. Sorry ha. Ah, tsaka yung palagi kitang binabangga, yung mga threats ko sa'yo, yung sa mall, sa hallway, sa fifth floor, sa lahat. Sorry."
Unexpected naman ah. Nagayon ko lang narealize, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkausap kami ni Kulangot. Isang malumanay na pag-uusap. Yung walang sigawan o suntukan. Tapos, tumagal pa talaga yung pag-uusap namin. "Sorry din."
"Ikaw naman magkwento."
"Kwento? Wala akong kwento e."
"Normal na tao ka nga ba?"
"Ha?"
"Wala, sabi ko ang ganda mo kaya lang bingi."
"HA?!" Nakarinig ata ako ng salitang ganda e! Di ko lang narinig yung ibang salita.
Tumawa siya ulit pero this time medyo mahina na parang nakangiti nalang siya sabay lungo. Ang g*go lang.
Tapos tiningnan niya ako pero dali-daling nag-iba yung ekspresyon niya kasi parang nagulat siya, yung parang gulat na gulat, pero hindi na siya nakatingin sa'kin kundi sa likuran ko kaya napatingin ako sa likod tapos may nakita akong taong hindi pamilyar yung mukha na agad sinugod si Kulangot.
Sh*t! Ang bilis ata ng mga pangyayari. Biglang apat na tao na yung nakapalibot sa kanya. "Takbo! P*tris, Bunganga! Bingi ka ba?!"
Natataranta ako, hindi ko alam yung gagawin, napatayo nalang ako, tatakbo pero ayoko siyang iwan! Apat na malalaking tao na naging anim. Sinuntok nila si Kulangot ng sinuntok pero nanlaban siya. Mga dalawang tao na yung napatumba ni Kulangot ng may dumating na naman na panibagong apat.
Hindi ko matiis kaya agad akong kumuha ng kahoy sa sahig at hinampas hampas yung isa sa mga lalaking doon.
Ngayon wawalo na yung mga sumusugod kay Kulangot, ni hindi nga nila ako pinapansin. F*ck! Ano ba'ng kailangan nila?
Bugbog sarado na si Kulangot dahil nga wawalo yung kalaban niya. May ipinatumba siyang isa pero may dumating na naman na isa pa. Ano 'to sila? Mga pimples?
Halos, matabunan na ng dugo ang buong bibig ni Kulangot pero pinilit niyang magsalita. "Mangmang ka ba talaga, Lorraine o boba?! Sinabi kong tumakbo ka--" Sinikmurahan siya ng paulit-ulit hanggang sa napaluhod siya sa sakit. "F*ck!"
'Yun ang huling memorya ko bago ako nakaramdam ng isang mabigat na bagay sa batok ko na ikinawalan ko ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro