Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27 - The Epic Break-Up

CHAPTER TWENTY-SEVEN - THE EPIC BREAK-UP

Napakaepic! Biblib na bilib na talaga ako kay Cathlyn, pero ngayon lang. Hayaan niyo, plano niya pala lahat ng yun noong Saturday? Pati ang pagdikit niya kay Kulangot parte din ng plano niya.

Ibig niya kasig pagselosin si Jane para daw maging sad tapos icocomfort ni Ark. O, kitam? Anlakas din pala mag-isip ni Cathlyn sa mga ganitong bagay 'no.

I mean, kung ginagamit niya lang ang utak niya sa klase, may possibility pa na mataas grades niya pero wala e, napakatamad mag-aral. Nasabi ko na ba sa inyo na hanggang ngayon pinagtataka ko parin kung bakit hindi yan rumerepeat kahit lahat ng grades niyan ay letter F? Pwes ngayon ko lang narealise. Hulaan niyo muna, kung hindi niya mahulaan, edi ibig sabihin no'n, mas matalino ako sa inyo hahaha. 

Pero totoo, kaya pala hindi rumerepeat 'yang si Cathly kasi nga diba, best friend niya si Pamela, yung kaisa-isang apo ni Principal Smith? O diba? Lakas ko mag-isip nuh? Kaya pala wala ring imbestigasyon na naganap about sa death threat sa fifth floor, tss, apo niya e! Akala ko ba fair 'yun.

Anyway, nagsheshare lang naman ako sa inyo. Ganito kasi yung nangyari noong Saturday.

-----FLASHBACK-----

"Samahan mo muna sila, gusto kong mapag-isa." Sobrang dry nangpagkakasabi ni Kulangot. sobrang cold, nakakatakot. Tapos, kumiwala siya sa paghawak ni Jane at umalis papalayo. 

Si Jane naman nakatulala. Nagloloading pa siguro sa nangyayari. Iniwan na naman kasi siya ng boyfriend niya sa ere.

"Dean? Ano'ng ginagawa mo dito?" Marahan na pagtanong ko nang tuluyan nang mawala si Kulangot.

"Ah eh..." Napakamot naman sa batok si Dean. "Nakita ko yung post mo sa FB, I didn't expect na ganito yung maabutan ko rito."

"You!" Pagsigaw ni Jane kay Dean tapos sinugod niya ito na parang toro at sinampal si Dean sa mukha. Isang malakas na sampal na ikinagulat ko.

"Jane!" Pagsaway ko sa kanya dala siguro ng pagkagulat ko pero hindi naman niya ito pinansin.

"You! How dare you! Kung ganoon-ganoonin mo yung boyfriend ko! You think you have the right to do that." Hindi naman umiimik si Dean at sa sahig nalang tumitingin, siyempre, kung si Jane ba naman yung makatapat mo.

Bigla namang dumating si Cahlyn habang minumura ni Jane si Dean at parang tumakbo pa talaga si Cathlyn pero noong nakarating siya, she stood with poise at nag-inhale pa tsaka hinigit si Jane papalayo kay Dean.

"Kawawa ka naman Jane, iniwan ka na naman ba ni Jensen mo--ay este--ni Jensen ko?" At nagbeautiful eyes pa si Cathlyn na nagpainit lalo ng ulo ni Jane. Hindi lang ikinainit, ikinasabog pa dahil sinampal-sampal niya si Cathlyn gamit ng bag niya. "Ow. Ouch, violent b*tch!"

"Ikaw na babae ka! Kanina ka pa! Kanina mo pa linalandi yung boyfriend ko!" Hindi ko na matiis si Jane. Sumusobra na talaga 'yang ugali niya. Kung sinu-sino nalang sinasaktan niya dahil sa pagmamahal kay Kulangot.

I didn't even think twice, hinawakan ko kaagad yung sling bag niya tsaka inalog alog siya sa balikat. "Ano ka ba Jane. Wake up please, wake up! Stop being obsessed with--"

"You wake up mo yung mukha mo, Lola." Tapos inalis niya yung kamay ko sa balikat niya at inarapan kaming tatlo. Pagkatapos, kinuha niya yung sling bag niya at umalis. Ni hindi man lang nagpaalam.

Binunot naman ni Cathlyn yung phone niya na wari'y may tinatawagan. "Go. Ngayon na, she's heading to your direction. Bilisan niyo'ng pagkilos."

The next thing I knew, nasa bench na nakaupo sina Ark at Jane at nakita kong umiiyak si Jane at kinakausap si Ark. Bakas naman sa mukha ni Ark ang awa at pag-iintindi.

"Nice start? Thank you ha!" Pabungad na pagmamayabang ni Cathlyn. 

"Ah--oo--um, thank you." Wika ko tapos tinignan si Dean, nakatingin din siya sa'kin. Binawi ko ang tingin ko and I looked at Cathlyn again. "Um, mauna na ako ha, masama pakiramdam ko. Bye Cathlyn tsaka bye din sa'yo, Dean."

"Oh yeah right, anyway, Princess Pamela will continue the job so babush. If you ever see Princess Isabel, sabihan mo siya that I'm waiting for Katy's signature in my dozen prsonal stuffs."

I nodded tapos tiningnan si Dean and smiled at him sa pagtatanggol na ginawa niya kanina. Then so, I went home.

-----END-OF-FLASHBACK-----

"You need to wait nga. Give me your phone, dali!" Today is January 21 and it's Monday. Hindi ko masasabi kung afternoon ba o evening ngayon kasi 5:30pm yung time check ko sa watch e. Hmm baka noon-eve ngayon? Ewan basta dumidilim na yung sky at kahit pagod ako sa klase, dumiretso agad ako dito sa restaurant at nakipagkita kay Pamela.

At heto na naman si Pamela, hindi na naman ako sinasabihan kung ano 'yung plano niya. Alam mo, pareho sila ni Cathlyn. No wonder magbest friends nga sila. Hindi kasi sila mahilig magshae-share ng mga plano e. Aish! Ayan tuloy, wala akong magawa kundi ibigay yung phone ko sa kanya.

Anyway, in case you are wondering. Nandito pala kami sa other side of the street, sa isang restaurant sa harapan ng building ng Apartment ni Jane. Eto kasing si Pamela, mabigat yung plan e, tsaka nag-uummapaw ang confident na magiging success lahat kasi na-apply niya na raw ang trick na ‘to sa maraming beses. Ah ewan, matignan nga skills niya.

“O, heto.” Ibinalik niya sa’kin yung phone ko after a while. “Tara, I’m done here.” Genen? Tapos na. I mean, hiniram niya lang yung phone ko tapos boom, wala na? Tapos na? The end?

“Teka wait. Paano naman ako makakasigurado na magwework yang plano mo? Tsaka hindi ba uso magshare?”

Bago siya makapagsalita, humarurot ang isang itim na Volkswagen at dali-daling pumark sa harap mismo noong building. Biglang bumaba ang isang lalaking may maamong mukha na nakabihis ng tuxedo. Eh? Teka, si Ark ‘yun ha? Ba’t kaya bihis na bihis siya? “I arranged them some date.”

I faced Pamela. “Seryoso? A date? Tapos okay lang sa kanila? Pumayag sila?” Pagtatakang tanong ko. Medyo imposible naman kasi, knowing the fact na patay na patay parin kay Kulangot ‘yang si Jane.

“Huwag ka nga. Malamang hindi sila papayag ‘no. With Jane and my ex? No way, kaya nga hindi nila alam e. Akala ni Ark, he’s going to a date with you. The same goes with Jane, akala niya, she’s going to a date with her Prince Jensen.”

“Eh paano mo naman—ahh, kaya pala palagi mong hinihiram ‘tong phone ko simula pa kanina. Um, yung kay Jane? Paano mo napapayag na magsinungaling si Rice na makipagdate kay Jane?”

“Sira ka ba Lola? I’m never gonna talk to my ex again, like ever. Tapos hihingi pa ako ng favor sa kanya? Like duh! Na-uh."

“Wait teka! Ex mo si Kula—este si Rice?!” Nagulat naman ako sa narinig ko. Naging sila rin pala ni Kulangot?

“Ang late mo magreact, pangalawang sinabi ko na ‘yan e, pero anyway, nagsisi ako roon. Looking at myself before, I feel like puking. Hindi lang naman talaga yung deal namin ni Isabel yung nag-udyok sa’kin to help you e. I was feeling Jane din kasi. Ganyang-ganyan ako when Jens—I mean, when Prince Rice and me are together pa. I was so possessive that I’d swore to kill any girl na lalapit sa boyfriend ko. I even became Pamela Smith Crawford a year ago kasi inalok niya ako ng kasal sa three weeks naming pagsasama, and guess what? I believed him but he broke my heart anyway. At sa Monthsary pa namin niyang naisipang maghiwalay. Lahat ng ginawa namin for one month was all a lie. He never loved me, nilaruan niya lang ako, and that’s what he does, play with all his girls and ‘yun din ang gagawin niya kay Jane like the usual.” Hindi naman ako nakaimik. I was speechless sa sinabi ni Pamela.

“Um, I didn’t know. Sorry ha.” Wika ko. Matagal na palang ganoon si Kulangot? How could he stand hurting people and not feeling anything after niyang manakit. I mean, is that even human?

“Matagal na ‘yun. I’ve moved on so it’s not a big deal. Anyway, remember yung time kung saan siniraan kita sa Facebook?”

“Yeah, what about it?” Ano na naman ba ng trip ni Pamela at chinange niya yung topic papunta dito. I mean ano’ng kinalaman nito sa pinag-uusapan naming?

“Don’t be silly. I’m trying to answer your question here.” Silly? Nagtanong lang, baliw agad? “Ever wonder kung saan ko nakuha number mo?”

“Ah eh malay ko ba you have lots of connections.”

"Well yeah, kinda. I have one friend na magaling manghack and nagpaturo namanako ng kaunti sa kanya so I hacked Jens--argh sorry, I mean Prince Rice's number. So yung akala ni Jane, Prince Rice was the one who asked her out on a date."

Ang labo. Ganoon? So kaya pala ang easy peasy lang para kay Pamela na malaman yung number ko? Tss. Ibang klase! Kaya pala nasira Christmas ko dahil sa kanya. Well wait? Gagana ba 'to? "T-teka Pamela, ang gulo. Sure ka bang magdedate nga ang dalawang may magkaibang mahal? Not to mention they're acquaintances pa e."

"Excuse me ha, but nobody would tag me as a love expert kung wala namang mapapala yung plano ko." Kung sa bagay, ang laki ng point niya roon ah. Oh well, patnubayan ka sana ng Diyos. Goodluck to us. "Tsaka Jane is tanga, diba? Pumatol siya kasi kay J-Prince..." Napatigil sa pagsasalita si Pamela para huminga ng malalim. "Rice. So ayun, since tanga siya, sure ako that this will become a success." Bakit ba palagi naang Jensen SANA yung itatawag ni Pamela kay Rice tapos ikinocorrect niya agad ang sarili niya? Tss. Mapili sa pangalan, teh?

~♡~♡~♡~

Jane Villalobos POV

Wala akong ganang gumawa ng kahit ano ngayong araw. Nakakainis! Ngayon pa naman yung Monthsary namin ni Jensen tapos argh! Bakit ganoon? Pumangit ba ako? Nakakainis! Dapat ngayon nasa Eiffel tower na ako at kasama si Jensen. Bakit ganoon? Girlfriend niya ako diba? Mahal niya ako diba? DIBA?

Pero bakit ganoon? Bakit sabi niya imerge nalang yung Monthsary namin tsaka yung Valentines? Eh January 21 ngayon e, ang layu-layo kaya no'n sa February 14.

Palibhasa ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya. Ang dami kong kaagaw. Oh my Gash! Are you thinking what I'm thinking? Hindi kaya naakit si Jensen sa ibang babae kaya ganito niya ako kung itrato?

This is the worst Monthsary ever! Kanina pa ako pagulong-gulong sa higaan ko. This is so frustrating. I was about to shout a curse word nang biglang nagring yung phone ko. Beep. Beep.

ғʀoм: My Jensen 

~Date with me. Dress up. I'll pick you up around 6~

Oh my gawd! Totoo ba 'to? Tinext ako ni Jensen? Oh my gosh! Baka sinabi lang niya na imerge yung Monthsary and Valentines pero yung totoo, gusto niya lang akong isurprise! Eiikk!! Tama! Pero wait, hindi naman ganito kaformal magtext si Jensen e, parang hindi kasi siya yung nagtetext. Pero anyway, number niya o! Kaya siya siyempre.

Teka? Six niya ako ihahatid? Eh mga one hour nalang e! Hala! Kailangan kong mag-ayos. I need to look like the most beautiful girl ever! Aakitin ko si Jensen! I'll make this night the best night of my life!

Kaya ayun, nag-ayos ako at nagpaganda. I even put me some fake lpara maemphasize yung mata ko. Tapos, naglagay ako ng conceiler, foundation, basta anything para matabunan 'tong fainting pasa ko sa noo. Well don't ask, I did this to myself again and I deserved it anyway.

After kong mag-ayos, it's exactly six o'clock at nandito ako't naprapraning at naghihintay sa isang malakas na katok.

It's 6:01pm. Shaks! He's late! Matext nga.

тoMy Jensen 

(Nasaan ka na? You're late for our date na. I love you.)

Hihihi. Eksaktong pagsend ko. May narinig akong tatlong katok. Oh My gash! This is it! Binuksan ko na yung pinto at... 

Hindi si Jensen yung nakita ko. "Ark?!" "Jane?!" Sabay naming isinigaw sa gulat.

Pormal yung suot niya. Nakatuxedo nga siya e. I can say na bagay 'yun sa kanya. I snapped away, sh*t! Ano ka ba Jane! Dapat kay Jensen ka lang loyal!

"Si, si Lorraine asan?" Huh? Bakit niya dito hinahanap si Lorraine? Eh ni matagal na nga yung hindi masyadong pumupunta dito sa Apartment ko e.

"Si Lola? Bakit mo siya hinahanap dito? Wala siya rito."

"What? Ha-paanong.. Eh nagtext siya sa'kin e sabi niya--" Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang tumunog yung phone niya.

*You're insecure,
Don't know what for,
You're turning heads when you walk through the door,
Don't need make-up,
To cover up,
Being the way that you are is enough,*

At iyun pa talaga yung ring tone niya?! Oh my gosh! It's one of my favorites! Tiningnan niya yung text sa phone niya tsaka sumimangot. Tapos, biglang tumunog yung phone ko. "Excuse me." Wika ko.

ғʀoм: My Jensen 

~What? Ako makikipagdate sa'yo? Ang pangit mo! Hindi matutuloy date natin.~

Bigla namang umagos yung luha ko. Parang hindi talaga si Jensen yung nagtext pero tae lang. Walang date na magaganap?

"O-ba-bakit ka umiiyak?" Pag-aalala ni Ark. 

"Naalala mo yung kinwento ko sa'yo kahapon about sa boyfriend ko? Ayan na naman. Hindi naman siya sisipot sa date namin! Palagi nalang! Why is this always happening to me? Tell me! Deserve ko ba 'to? Now look! Nag-ayos pa ako, nagpaganda para lang pala sa wala. Wala palang date na magaganap. Nasayang lang lahat!"

"Ah teka! Hala! Huwag kang umiiyak!" Pagpapanick naman ni Ark like it's a big deal. Hindi ko alam kun bakit pero nakaramdam ako nang pag-alala sa boses niya. Pag-alala that I never felt from Jensen. "Huwag ka nang umiyak. Hindi masasayang yang pinaghandaan mo."

Tiningnan ko siya ng may pagtataka. "Huh? Anong hindi masasayang? Wala na nga e! Hindi niya ako sinipo--"

"Go out on a date with me."

For no reason, natigilan ako. "A-ano?"

"I said go out on a date with me. Um a-ano, friendly date lang. Hindi naman kasi makakapunta si Lorraine e tsaka ayoko ring masayang yung pinagreservan ko na restaurant."

If I say yes. I don't think considered ito bilang cheating since friendly lang naman. "Teka." I said dryly tapos kinuha ko yung phone ko at tinest si Jensen.

тoMy Jensen 

(I'm not cheating on you. I love you.)

~♡~♡~♡~

Rice Jensen Crawford POV

"LOLA!!!"

Monday na ngayon pero f*ck! Urgh! Nagflaflasback parin yung sinigaw ni Jane sa utak ko. Sh*t! Totoo ba 'to?! And she's f*cking referring to Bunganga?!

Argh! Bakit hindi kasi mawala sa utak kong p*ta! Nakakainis! Bw*set! All this time?! All this f*cking time! Iisa lang si Celestine at si Bunganga?! F*ck!

"Wala na ba talagang ikakaayos 'tong p*ste na buhay ko?!" Pagsigaw ko para naman mabawasan 'tong nararamdaman ko.

"Uy Rice! Anyari at bigla-bigla ka nalang susugod dito tapos ganyan pa yung mga pinangsasasabi mo?" Wika ni Carlos. Nasa tambayan kami ngayon ng tropa.

"Hahaha! Baka may nabuntis na yan! Hahaha!" Eto png isang g*gong si Fred, umeksena pa e. Tss.

"G*go! Baka ikaw! Argh! Huwag mo na nga painitin yang ulo ko! Ang sakit sakit na e! Ang dami-dami kong problema!"

"Uy, Rice! Huwag ka ngang sumigaw sa Apartment ko. May kapitbahay akong malditang babae diyan e. Baka kung ano na naman reklamo no'n!" Tss! Paki ko ba sa babae ni Carlos? Argh! L*che!

"Palibhasa wala kayong mga problema! Sa akin ang laki-laki e!"

"Guys, I think in love si Rice." Nagsalita si Ray at dahil doon, naibuga ni Fred yung iniinom niyang beer.

"P*t*ngina! Si dakilang Rice?! In love? Huwag mong sabihing babae ang problema niyan? Hahaha ang epic pare!" Patawa-tawa ni Fred. Kahit kailan talaga, hindi yan nagseryoso.

"Oo, naalala ko once nagkwento yan na may problema yan sa--"

"Ano ba! Kalimutan niyo na 'yun! Mas malala pa diyan problema ko." Pagputol ko kay Ray.

"O, sige, magkwento ka, ready kaming rumesback." Sabi ni Carlos, sabay abot sa'kin ng isang bote ng beer.

Sinabunutan ko yung sarili ko tapos marahas na kinuha yung beer at inubos yung isang bote sa isang inom lang. "Ray, masama nga yang tama ni Rice." Narinig kong sabi ni Fred kay Ray.

"Tss. Ano ba kayo. Baka nga malala problema nito. Kausapin nalang natin ng mabuti." Pagsaway ni Carlos sa kanila bilang pinakamatanda sa grupo.

Inilapag ko ng maayos yung walang laman na bote ng beer sa lamesa at tiningnan silang tatlo na nakasuot ng pokerface. Mabuti pa talaga sila. Walang kaproble-problema. Sa'kin bakit ganito? May problema na nga, lumala pa. F*ck this!

Nagbuntong hininga muna ako. "Ano ba yan, ang tagal." Pagside-comment ni Fred.

"Eh kung pektusan kaya kita?! Kitang magsasalita na nga e. Eto na!" Pagsigaw ko sa inis.

"Shhht!" Pagsaway ni Carlos ng biglang may babaeng bigla-bigla nalang bumukas sa pinto at sinigawan kami. "PWEDE BA, CARLOS! HUWAG KANG MANIRA NG TULOG--" Napatigil naman siya nang mapansin niyang hindi lang si Carlos ang nakatingin sa kanya. "Ayy, may bisita ka, s-sorry." Tapos isinarado niya ang pinto. P*t*nginang panira.

Bigla naman akong binatukan ni Carlos. Aray naman. "Yan! Yan ng sinasabi ko sa'yo! Suplada yang kapitbahay ko!" Malay ko ba. Ah p*ta. I'm not in the mood to care about those b*llsh*ts!

"Eto na! Hindi na po sisigaw. Eh nakakainis lang naman kasi e. Oo pare, may gusto na ako. Argh! Ang hirap i-explain ng sitwasyon namin. May gusto ako sa isang babaeng kinamumuhian ako pero tae, alam niyo ba kung bakit? Siya pala yung katextmate kong matagal ko nang gustong makilala. Yung nanloko sa'kin, pare ano 'to? Ano 'tong sitwasyon ko? Hindi ko na maintindihan."

Napalungo naman ang tatlo sa sinabi ko. "Di kita gets, brad."

"Ako rin, pare, ang labo mo mag-explain."

Tapos si Fred, nagnodd na lang. "Paki-ulit please."

Mga walang kwenta naman pala silang kausapin. "Nagkagusto ako sa isang babaeng kinakamuhian ako. Only to find out, kinamumuhian ko rin pala siya dahil nalaman kong siya yung taong nanloko sa'kin sa text. Pero mahal ko si Bunganga--"

"Teka, teka, Bunganga? Teka, yan yung kinidnap natin last month diba?" Ang lakas naman ng memorya ni Fred. Palibhasa artista e kaya magaling magmemorize ng mga linya.

"Yung kinidnap natin? Yung maganda at cute na babae?" Pagtatanong ni Carlos.

"Waaaahahaha! sinasabi na nga ba e! Haha nagkagusto si Rice doon! Ayieee!" Pang-aasar ni Fred.

Nagcomment din si Ray. "Ewan ko sa inyo. Hindi ko na matandaan yung babaeng yan." Palibhasa puro Alisun lang yung nasa isip.

"Tumigil na nga kayo. Minsan na nga lang akong magkagusto. Doon pa sa taong kinasusuklaman ako. At hindi lang 'yun ah. Lalo pa niya akong kamumuhian kapag nalaman niyang niloko ko siya sa text. P*cha, ang gulo." Lumungo ako. "Hindi lang naman ako yung nanloko e, nanloko nga rin siya. Ano ba yan pare, ang laki-laki ng problema ko."

Bigla-bigla namang kumanta si Fred. "Maliit na butas, lumalaki!" Tapos sinabayan siya ni Ray. "Konting gusot dumarami." Hanggang sa tatlo na silang kumakanta. "'Di mo mababaon sa limot at akala kapag nabulag ka sa Maling Akala..." P*t*nginang mga kaibigan.

Agad kong binato sila ng tig-iisang unan sa Sofa na inuupuan ko. "Mga g*go!"

"Hoy Rice, huwag ka nga diyang mag-emote! Diba may girlfriend ka pa? Makipagbreak ka muna bago gumalaw. Magtino ka na!" Wika ni Fred sabay catch sa unan kong hinagis sa kanya.

"Tss. Diba nga Fred, binebreakan ko yung mga babae ko pagdating pa nang Monthsary na--oh sh*t pare! Monthsar pala namin ngayon. Kailangan ko pang makipagbreak." Sh*t ang makakalimutin ko naman! Bigla kong kinuha yung phone ko. Itetext ko sana si Jane na pupuntahan ko siya sa Apartment niya dahil may sasabihin ako pero ito ang bumungad sa'kin.

ғʀoм: Current Girlfriend

~Nasaan ka na? You're late for our date na. I love you.~ Huh? Ano'ng date ang pinagsasabi nito?

~I'm not cheating on you. I love you.~ Teka, kinakausap niya sarili niya e. Ano ba 'tong pinagsasasabi nito?

Pinindot ko yung call button para tawagan siya. May sasabihin nga kasi ako sa kanya. Pero f*ck f*ck f*ck! Hindi siya sumasagot! Mukhang patay pa nga yung phone niya! Urgh! Mapuntahan nga sa Apartment noon. Ay sh*t! Hindi ko nga pala alam yung address nang girlfriend ko!

Dali-dali kong ichineck yung sa contacts ko kay Jane kung sakaling nailagay ko nga roon yung address niya at ayun, tumpak. Nakatira pala siya sa Apartment?

Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at humarurot papunta roon. Anyway, gusto ko nang matapos 'to. O, edi nag-effort pa talaga akong pumunta sa Apartment niya. T*ngina, ako na talaga. Ako na talaga yung maeffort makipagbreak.

Pagdating ko sa Apartment niya, nakabukas yung pinto. Tsk. Hindi man lng marunong manglock ang babaeng 'to. Pinasok ko 'yun. Halos nalibot ko na lahat ng sulok ng Apartment niya pero wala akong girlfriend na nakita. P*ta! Napasabunot akong muli sa buhok ko. "Makikipagbreak na nga lang, hindi pa mahanap! Argh! F*ck!"

"RICE?!" Pabungad na sigaw ng isang babae sa likod niya. Si Jane pala 'yun at mukhang kakarating lang niya.

"Teka, ano?! How dare you para sigawan mo ako't ganito? Tsaka kanina pa kita tinatawagan tapos hindi mo sinasa--"

"Tama na Rice, please--"

Pinuto ko siya. "Tsaka ano'ng nangyari sa'yo bakit Rice na yung--"

Pinutol ako ni Jane at sa pinakauna-unahang panahon, sinigawan niya ako. "TUMIGIL KA NA! ALAM KO NA LAHAT! ANG DAMING NANGYARI SA'KIN NGAYONG GABI AT HINDI KO ALAM KUNG PAANO PERO NAGISING NA AKO RICE! I WANT A BREAK-UP!"

~♡~♡~♡~

Lorraine Lavilles POV

"OMG, friend, hanggang ngayon I can't believe it! As in trending parin ngayon ang nangyari sa latest girlfriend ni Prince Rice! I can't believe it, yung girlfriend niya mismo yung nakipagbreak!"

 I sighed. It's been four days. Four days na ha pero trending na trending parin sa buong school ang pangyayari kung saan si Jane mismo yung nagbreak kay Kulangot. Wagas!

It's so unbelievable. Thanks sa help ng dalawa, they said hindi pa raw tapos yung mission nila sa pagship kay Jane and Ark so they're still working parin pero heck! Bilib na bilib ako. Three days. Saturday, Sunday tsaka Monday, tapos nagawa na nilang makipagbreak si Jane kay Kulangot?! I mean, si Jane na kulang nalang kaluluwa niya yung ialay doon kay Kulangot! 

Kung sa bagay, bakit pa ako magtatanong? Eh tanga 'yang si Jane e. Hindi ko lang inexpect na ganoon pala siya kadali baguhin. Mas tanga pa siya sa inaakala ko pero anyway, hindi ko alam kung ano'ng nangyari kung bakit nagising si Jane. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Pamela sa Restaurant, umalis na ako. Nabalitaan ko nalang kinaumagahan na wala na sina Jane at Kulangot. Ang masaklap pa, si Jane yung nakipagbreak. Pero ang pinagtatakahan ko lang, paano kumalat yung news na 'yun?! Tss. Ibang level na talaga yung mga chismosa ngayon, lahat nalang nalalaman nila.

"Okay guys, ano ba kayo, be happy! Pupunta na tayo sa isang malaking mountain tapos magmaMangrove planting!" Pagcheer up ng teacher na nasa harap naming lahat. Nakakainis nga e, ang sikip sikip kasi dito sa bus.

"Yeah ma'am. Excited kami." Walang gana na sagot nila. 

"Oh yeah."

"Sure, para sa plus." Yep. If I know. Sumali lang naman yan dito dahil sa plus points tsaka sumali naman yung entire fourth year dahil requirement talaga.

Pero ako? Ibahin niyo ako, ang saya kayamagfieldtrip! Kaya lang nakakainis, wala kasi rito yung mga kaibigan ko. Absent sina Isabel at Mathew. Waaah? Bakit? Tsaka wala rin sina Ark at Jane? Anyari? Double date sila? Wala rin sina Pamela at Cathlyn. Oh well, sinadya naman talaga nilang hindi sumali sa Mangrove Planting kasi kinareer na nila ang pagiging Love Experts tsaka malamok daw sa bukid at nakakawala ng beauty. Ay ewan! Tss.

Mabuti nalang at kasama ko ngayon sina Dheenise at Freya. Silang dalawa pa na gora lang ng gora! Tsaka honor student 'yang si Dheenise 'no. Siyempre kakagat 'yan sa plus at hindi naman magpapaiwan 'yang si Freya. Anyway, sumama rin pala si Dean. Actually magkatabi kami ngayon. Ehe. Kailangan e, baka isipin ng iba, hindi na kami mag-on.

Speaking of Dean, this straight six days, bakit hindi niya na ako tinetext? Anyari? Bakit? Tss, siyempre baka nagpapakaloyal lang yang si Dean kaya hindi na niya tinetext si Celestine, may Lorraine na 'yun e! Eiiik! Ang hangin ko, parang totoong kami lang e 'no?

Nagsimula nang magcount off ang lahat ng tao sa bus. Ang dami namin. Mabuti nalang at pumayag si mama kasi camping yung gagawin namin e. Bale Friday ngayon, tapos babalik pa kami mga Sunday ng umaga. Ang saya 'no?

Hay, mamimiss ko talaga nang sobra yang si Mathew, baka akalain niyo hindi na kami nag-uusap no'n. Best friends na kaya kami no'n. Madalas nga yang magyayang maglunch sa labas e. Tsaka alam niyo ba, ang sweet niya, kasi may pinabaon pa talaga siya sa'kin.

Pinabaunan niya ako ng isang kanta. I was scrolling kasi sa cellphone niya tapos naLSS ako sa isang kanta ni Taylor Swift. Tae, relate na relate kasi ako e, tapos ayun, blinutooth ko sa phone ko. 

"Mukhang puyat ka ha, sige umidlip ka muna." Wika ng isang napakagwapong boses sa tabi ko. Nakaupo ako near the window. Ayieee. Ang fake-boyfriend ko, sobrang caring. Napansin niya kasi siguro na bumunot ako ng earphones sa maliit kong bag. Bale, may malalaking bag din kami, para sa pamalit namin. Dalawang overnight nga diba?

"Ah, haha, excited kasi ako para dito." Here I go again, nagsinungaling naman ako. Yung totoo niyan, napuyat ako kakahintay sa text niya kagabi! Grabe, ako na nga yung naunang nagtext tapos hindi niya ako nireplayan. Sayang lang yung hello ko.

Nagsmile naman siya at inilagay ko na yung ear phones ko sa tenga ko at nakinig ng music. 

Now playing, "I'd Lie" by Taylor Swift.

*I don’t think that passenger seat
Has ever looked this good to me
He tells me about his night
And I count the colors in his eyes
He’ll never fall in love he swears
As he runs his fingers through his hair
I’m laughing 'cause I hope he's wrong
And I don't think it ever crossed his mind
He tells a joke, I fake a smile
But I know all his favorite songs
And...*

Ipinikit ko ang mga mata ko to feel the music. O, relate ako much? Naalala ko tuloy yung time na sumakay ako sasasakyan ni Dean noong pumunta kami sa bahay niya. Tapos yung 'He tells me about his night' naalala ko tuloy yung mga pinag-uusapan namin sa text.

*I could tell you his favorite color's green
He loves to argue, born on the seventeenth
His sister's beautiful, he has his father’s eyes
And if you asked me if I love him,
I’d lie*

O' ayan na yung Chorus. Waah! Parang kinakantahan ko si Dean kasi para talaga sa kanya yung kantang 'to.

*He looks around the room
Innocently overlooks the truth
Shouldn’t a light go on?
Doesn’t he know that I’ve had him memorized for so long?
He sees everything black and white
Never let nobody see him cry
I don’t let nobody see me wishing he was mine*

Bigla-bigla nalang, narinig ko ang boses ni Dean. "Tulog ka na ata." Pagkatapos, pagkatapos, Oh my gosh! Hinawakan niya yung pisngi ko tapos pinahiga niya yung ulo ko sa balikat niya. Eiik! Tae, kinikilig ako sa kanya! Akala niya tulog na ako.

*I could tell you his favorite color's green
He loves to argue, born on the seventeenth
His sister's beautiful, he has his father’s eyes
And if you asked me if I love him,
I’d lie*

"Ayieee, girl, picturan mo yun o, ang sweet nina Prince Dean tsaka yung girlfrien niya!" Aaaah?! Picture?! The heck! Aaah ayoko! Baka magmukha akong bruha! Pero ayoko rin namang bigla-bigla nalang magising, gusto kong enjoyin yung moment na nakahiga ako sa balikat ni Dean!

*Yes, I could tell you his favorite color's green
He loves to argue, oh, and it kills me
His sister's beautiful, he has his father’s eyes
And if you asked me if I love him
If you asked me if I love him
I’d lie*

Hanggang sa natapos na yung kanta, naramdaman ko yung mga bw*set na flash ng camera nila. May fl*sh pa dapat te?! "Tsk! Ano ba yan! Itigil niyo nga! Nakakasilaw!" Sigaw ng isang lalaki na gets niyo naman siguro kung sino. Sino pa ba kundi yung walang puso! Tsk! 

Napagdesisyunan ko nalang na magkunwaring nagising. "Ano ba Rice, nagising mo siya." Pagsusungit ni Dean kay Kulangot.

"At ako pa yung sinisi, baka nagising yansa tigas ng balikat mo." Aba't, pati ba naman 'yan? Tahimik naman ang buong bus. Nakaramdam sila siguro ng tension. Dalawang prinsepe na yang nagsasalita e, makihalo ka pa? *Flips hair*

Agad namang tumigil ang bus. "Um, guys, tigil muna tayo sa isang store. Bumili kayo ng tubig or anything. Nakalimutan kong sabihin kanina, mahaba-haba pala yung biyahe natin." Wika ng isang guro.

Halos 3/4 ata nang nasa bus ay bumaba para bumili ng kung anu-anong pagkain at tsaka tubig. "Lorraine, alis muna ako, bibili lang ako nang tubig natin." At iyun nga, alangan namang umayaw ako. I just nodded and smiled, tapos, ilinagay ko ulit yung earphones ko sa tenga ko, nahulog kasi kanina. Ehe, maulit nga yung kanta, ang LSS ko kasi e.

Habang nakikinig ako sa kanta, with matching nakapikit na mata para feel na feel yung music, biglang may mabangong nilalang na tumabi sa'kin. Napamulat ako at hindi ko alam kung magugulat ba ako o hindi pero si Kulangot yung tumabi sa'kin.

"Um, Lorraine..." For the first time? First time nga ba? Tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa so-called endearment na 'Bunganga'.

"Ano? Ba't ka nandito?" Ang sungit ko naman. Parang hindi ako natuto sa ginawa ko sa kanya. Dapat nga magsorry ako ngayon e, sinungitan ko pa siya.

"Um, may sasabihin sana ako sa'yo. Importante 'to kaya makinig ka." Tiningnan ko siya sa mata. This is so much not-so-Kulangot. Na-abduct ba ng mga ailien ang totoong Kulangot? "Please."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro