
Chapter 24 - Hidden Intentions
CHAPTER TWENTY-FOUR - HIDDEN INTENTIONS
"Good Morning! Good Morning! Good Moooorning!" Ah p*tcha! Nakakaantok! Sino ba 'tong higit ng higit ng kumot ko? Argh! Kainis!
"5 more..." Nahalikan na naman ako ng antok pero bigla rin naman iyong nabali ng may sumigaw at may lumundag-lundag sa kama ko.
"MOORNING!! Lorraine! It's Morning! Waaah! Wake up, pretty Lorraine!"
"10 seconds, pramis!" Tapos nilagay ko yung ulo ko sa ilalim ng unan. Aish! Panira ng tulog!
Hindi naman tumigil sa pagtalon-talon ang taong ito. "Eight, nine, ten! Wake up na!"
Waaaah! Pigilan niyo ako! Magwawild ako rito ng wala sa oras! "Waaaaaaaaah!" Sigaw ko nang biglang may kumuha ng unan ko. Pagmulat ko ng mata, nagulat ako ng makita ko ang napakagandang mukha ng nakababatang kapatid ni Dean, si Megan.
Namula naman ako sa hiya ng bumalk na ang mga senses ko. Waaah! Nakalimutan ko, nakikitulog lang pala ako. Aish! Nakakahiya! "Gising na Lorraine! Gising na Pretty!"
Okay, hindi niya ba alam na feeling close na siya? Aish! Bakit siya yung gumising sa'kin? At higit sa lahat, bakit niya ako ginigising! "M-Megan? Why are you here?" Siyempre dapat mag-english speakening ako sa kanya, nasa dugo at kaluluwa na ata ng mga Mirasol ang pagiging English-Lovers. Chineck ko yung window sa labas, e' wala pa ngang sunrise e. Morning ka diyan. Ang dilim-dilim pa kaya. T-teka, baka may emergency! Humayghad! "May sunog?!"
"Lorraine, it's 4am na! Breakfast time na so please wake up na, Dean and mom are waiting for you downstairs." Gusto ko ng matunaw. 4am? 4am at gising na ang mga Mirasol?! Niloloko niyo ba ako?! E tulog pa yung ibon nito ah!
Gusto kong umiyak. Waah, sana nasa bed ko nalang ako.
Pero agad narin naman akong bumangon, kahit ang sakit-sakit na ng katawan ko. Napuya kasi ako kagabi e.
Yung totoo? Vampires ba ang mga Mirasol? Waah, gabi na sila matulog pero ang aga-aga nilang gumising. Ano ba? Baka hindi sila natutulog? Tsaka bakit gano'n? Bakit kahit gabi na silang matulog at umagang magising, bakit wala silang eyebags? Samantala ako, baka mountain na 'to. Uwaa. O baka naman first time lang nilang mapuyat kagabi? Aish! May exam ako, mga eyebags at mountain parin yung inaatupag ko.
"Oo na, bababa na ako." Wika ko ang my voice was so dry. Kayo, try niyo ang gisingin ng 4am. Hay buyah, why so mean. Aish! Ngayon ko lang naalala, kaya naman pala. Thursday kasi ngayon. Hay, bw*set lang.
Bumaba na kami ng nakababatang kapatid ni Dean together sa dining room at doom nga nakaupo na si Dean at ang mama niya. Pero pagdating ko roon, nagulat silang dalawa. "O, Lorraine! Why are you awake?" Tss, ginising lang naman ako ng napakaganda mong bunso.
"Mom, I woke her up." Wika ni Megan na medyo hindi sure sa tono niya.
"What Megan? Baby, hwag mo naman siyang itulad sa'tin, I think she needs sleep at hindi siya sa sanay sa mga ginagawa natin na early breakfast."
Nahiya naman si Megan. Pero imbis na nainis ako, pinili ko nalang magising, tutal hindi pa naman ako nakapagstudy ng dalawang exams ko e, baka mamaya makastudy pa ako. "No, tita, it's okay. I need to study pa naman for the exam."
"Oh good! It's good to rise up early my dear, maganda kasi ang view ng sunrise here, especially when you're on the rooftop."
"Hehe, yeah, I really agree with you tita." Labag sa kalooban ko ang mga pinangsasasabi ko. Waaah, gusto ko talagang matulog. Wala akong pakialam sa sunrise-sunrise na l*che na yan. Gusto kong matulog! Period!
Umupo ako sa bakanteng lamesa dahil umupo narin si Megan sa chair. Tsaka, ayoko ko rin namang tumayo. Tss.. Makakain na nga.
"Hija, by the way, okay lang ba ang fitting ng damit ko sa'yo?" Yung totoo, hindi. Kasi nga wala akong maisuot kahapon, e nagvolunteer yung mama ni Dean na ipahiram sa'kin yung ibang damit niya na pangtulog. Medyo maluwag siya sa'kin pero mabuti nalang 'yun kesa yung uniform ko yung itulog ko.
"Yes, tita, okay lang naman, thank you po pala." Mabuti nalang talaga at pinahiram niya ako. Ewan ko ba pero no'ng chineck ko yung sling bag ko, parang may isang bagay na anawala ro'n. Ewan, hindi ko lang maalala.
"Okay hija, anything, I think nakuha na ni manang sa dryer yung uniform mo."
Nakakahiya naman kasi. Nilabhan pa kasi nila yung uniform ko. Tss, ang hanep naman nito, makikicharge lang talaga yung motive ko e.
"Um, thank you ulit tita." Wika ko. Hay, nakakahiya talaga. Tiningnan ko si Dean, tahimik niya lang namang nginunguya yung pagkain habang nakikinig sa usapan.
"Welcome hija, balang araw magiging kapamilya ka rin namin." Uwaaaaa! Ano raw? Hehe, buti alam niya. "So sabi ng anak ko Math and Esp yung eexamin niyo mamaya. Have you studied already na?"
Hindi naman kami masyadong nag-uusap habang nage-EARLY breakfast. Yun lang naman at sinagot ko siya na hindi ako nakapagstudy dahil nga sa unexpected Fieldtrip ko sa lugar namin.
Pagkatapos no'n, nagvolunteer nalang si Dean na turuan ako ng exam amin sa Math para mas madali yung pastastudy ko. O' diba? Rushed hour akong nagstastudy. Tss, ako na talaga, ang pinakamasipag na estudyante.
~♡~♡~♡~
"Tatay mo 'to?" Turo ko sa isang picture na nakaframe sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kwarto ni Dean. Wahaha! Oo, ang swerte ko, huwag na kayong magtaka! Baka friends na kami ni Thursday!
"Ano ka ba Lorraine, we need to study, you need to study." Wika niya, natatamad kasi akong mag-aral. Aish!
"Wow, pareho pala kayo ng mata! Green din yung sa kanya o! ang ganda siguro ng lahi niyo." Sabi ko. Totoo naman e.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong room. Waah! Ang linis linis naman. Puti yung kama ni Dean hehehe. Nakaupo siya roon at nakakalat yung mga kailangan naming pag-aralan sa math. Yung Esp na subject? Wala, yakang-yaka na yun, mabait naman si sir. "Lorraine, ano ba, ang kulit mo." I smiled at him. hindi naman siya naiirita e, in fact nakasmile nga siya ngayon. "Tss, my girlfriend is so lazy." Tapos nag grin siya.
Gusto kong kagatin ang daliri ko at sumigaw. Waaaah! Kami na pala ng Dream boy ko — este, fake-kami na. "E kasi kahit ano namang gawin ko, hindi ko parin makuha-kuha yang Polynomial Exponents na yan! Nakakalito."
"That's why we're here nga, for practice." Winave niya pa yung scratch paper na ginamit kong pangsolve kanina. "Sige ka, if you won't come here, I'll carry you nalang papunta rito."
Ehe, ehe, ehe. Carry? Aish! Erase. Ang landi ko talaga kahit kailan, tsk.
Since ayoko namang magmukhang sosyal at espesyal, lumapit nalang ako roon para magstudy. Hay naman e.
"Dean! Hija! It's seven already, bumaba na kayo and go to school!" Sigaw ng mama ni Dean sa baba kaya ayun, inayos na namin yung mga dala namin at bumaba na.
Huwag na kayong magtanong, siyempre mabango ako 'no! Branded yata yung mga shampoo at habon do'n sa CR ng mga Mirasol! Ha! Ang swerte ko naman.
Wala naman, sinabi ko lang na naligo ako kasi baka kung ano-anong maisip niyo diyan na inovernight ko yung damit ko. Hindi 'no. Kailangan mabango para sa future husband ko xD
Bumaba na ako at tahimik naman kaming papunta sa school. I mean, tahimik ko pala siyang tinitignan.
Sa hindi kalayuan, biglang umusbong ang bulung-bulungan noong pinagbuksan ako ni Dean ng pinto.
"Oh My Ghad! It's really confirmed! Sila na nga!"
"The heck! Is this true? May girlfriend na talaga si Prince Dean?!"
"Shh, girl baka marinig ka diyan! Malabel ka pang chismosa."
"Ano ka ba gurl! This is a big news 'no. Akala ko kasi all this time sila ni Prince Rice."
"Na-ah, akin si Prince Rice pero to be honest, akala ko no'ng una, sila ni Prince Mathew."
"Really? Pero kahapon he's with my classmate Ark. Di naman siya flirt nuh?"
"At alam niyo bang bali-balita na may affair din daw siya kay Prince Cameron?"
"Tsaka si Prince Edrian nga rin daw, may nakakita sa kanilang magkasama together!"
Uwaaaa! Ang daming bulung-bulungan habang binubuksan lang naman ako ng pintuan ng sasakyan ni Dean. Tsaka, a-ano raw? Sino si Prince Cameron tsaka si Prince Edrian? Ano? Lahat-lahat nalang ba? Pati pusa ililink sa'kin ha? Lahat nalang ba? Pati ba naman si Kulangot na obvious naman na kulang nalang ay ipatapon ko sa Hunger Games? Really? Lahat nalang ate? Tss.
Eto kasing Dean na 'to. Ayaw pa talagang pababain ako mag-isa. Gusto niya siya raw talaga yung magbukas ng pintuan. O, edi siya na. Lalo kami tuloy napapagchismisan. Ano ba? School ba talaga 'to o palengke? Ang dami kasing isda at mga sari-saring reaksyon.
Napansin siguro ni Dean na nakatingin ako sa mga nagchichismisan kaya tiningnan niya rin ito at sa unang pagtingin niya palang, napaalis na kaagad ang mga chismosa.
"Ay tara na gurl, ayokong makabangga ang isang prinsepe." Wika ng isang babaeng hanggang bewang ang brown na buhok tsaka umalis kasama ang mga kaibigan niya.
"So tara na?" Bulong ni Dean.
"Ah s-sige tara na." Wika ko sa kanya tapos naglakad kami patungong hallway pero pagliko namin, nakasalubong namin ang grupo nina Geffen.
Espect ko talaga na susuntukin ako ni Geffen or payback or whatever, sa mukha niya palang kasi no'ng nakita niya ako parang gusto niya akong punitin into two. Hay, he's angry at me? Tinawag ko lang naman siyang Kulangot e. Pero hindi naman siya nagsalita.
Unti-unti, naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Hinawakan ito ni Dean nang mahigpit. Napatingin lang si Geffen sa kamay naming dalawa ni Dean tsaka kay Dean, tapos, tumango nalang siya rito at nilampasan kami.
Maybe the deal isn't that complicated after all.
Hinigit ko ang kamay ko kay Dean. Nakakahiya naman kasi. Yun kasi yung unang tinitignan ng mga tao tapos kami. Waaaaah! Kilig na kilig ako ditech. Pero hindi ko rin naman ito mabawi sa sobrang higpit ng paghawak ni Dean. Sige na nga, blessing 'to, hahaha.
Napasimangot nalang ako no'ng binitiwan niya ito. "Ito na siguro yung room mo diba, BABE?" Inemphasize niya ang salitang 'Babe' at nagkagulo-gulo naman ang mga tao.
"Ah, oo, um, thank you, paano po pala nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"It's written on our blackboard inside our classroom diba, BABE?"
"Ah oo nga pala." Kyaaaa! Ang weird pakinggan! Ang weird talaga ng sobra-sobra!
"Sige, goodluck sa Math." Tsup.
Uwaaaa! Hinalikan ako ni Dean sa pisngi. Geez! Kung pwede lang sigurong umabot hanggang langit yung ngiti ko e, nandoon na yun sa pluto.
Siyempre nagbulung-bulungan yung mga tao. Siguro makakaabot na ang balitang mag-on na kami ni Dean kay Ark. Sana mabalitaan niya just like what we planned ni Dean para narin tumigil yung semi-epal na yun sa pagligaw sa'kin o di naman kaya sumuko na siya.
-----FFW-----
Natapos naman yung dalawang exams ko nang mabuti. Medyo may kahirapan nga yung Math pero oks na yun, expected ko naman yun e kasi kaninang umaga lang ako nagsimulang mag-aral.
As usual, kanina pa tahimik si Harold, ewan ko ba roon, baka meron yun kaya hindi ko nalang pinansin.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Ako yata yung pinakahuling tao rito sa classroom. Wala eh, masanay na kayo, slow kasi ako magfix ng things kaya ganito.
"May utang ka pa diba? Halika na sa SM!" P*ta! ganoon na yung acting namin ni Dean. Huwag niyong sabihing hindi niya naririnig ang mga bali-balita?
~♡~♡~♡~
Rice Crawford POV
Am I falling in love with her? Hindi ko alam. Argh? Bakit ganito? Bakit ganito ang epekto ni Bunganga sa'kin? Bakit ako nasasaktan nang marinig ko ang mga bali-balita na sila na raw ng pinsan ko?
Hay, ang gulo-gulo ko, naglalakad ako rito ngayon sa SM. Siyempre nagprepretend akong isang normal na tao gamit ng pagsuot ng itim na jacket na may black din na hoodie. Nakakasawa ring mamasyal sa La Esperanza e, mahirap na, baka mahuli na naman ulit ako roon, banned nga ako diba?
-----FLASHBACK-----
Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko pero inarapan ko siya noong napadpad ako sa section nila. Dali-dali ko rin naman iyong iniwas dahil matagal-tagal narin kasi kaming nagtinginan pagkatapos kong ilagay ang corrections sa fourth year questionaire sa board ng 2B.
Yung totoo naaasar ako no'ng ako yung pinalalagay ng corrections na 'to sa bawat classroom na madaanan ko. Kasalanan ko ba kung sira-sira yung nagtatype? Tss, pero on the second thought, gusto kong makita si Bunganga. Hindi kasi ako makaget-over no'ng nabuhos ko sa kanya yung mga sama ng loob ko kagabi sa Stockroom.
Pero ayokong magpathank you, actually gustong-gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko. Para kasi akong bakla roon na putak ng putak.
Pero bakit gano'n? Noong narinig ko ang mga bulong-bulungang hindi maiiwasang marinig tungkol sa napapabalitang sila na ng pinsan ko. Bakit ako nasaktan? Hindi ko naman siya mahal e. Sigurado ako, hindi ko siya mahal. Ang nararamdaman ko ngayon, ewan.
Hayy, ang gulo naman.
Palakad-lakad ako rito ngayon sa hallway, nag-iisip kung paano ko ba idaduct tape ang magulo kong buhay. Scrambled na nga at hindi mainindihan yung buhay ko, halo-halo at hindi pa magets yung utak ko. Kaya ikaw, puso, huwag ka nang dumagdag sa mga poblema ko ha. Ay oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, wala na pala akong puso.
"Hindi Jane, kailangan ko siyang maka-usap, wala akong paki-alam kung sino ang gumawa ng pasang 'yan, ang alam ko lang, naging l*che-l*che na ang lahat, palagi ka nalang nagkakapasa since you met him!"
Nang walang warning, narinig ko ang bunganga ni Bunganga. Putak na putak rin siya p-pero teka? Sino ba yung kinakausap niya? Si Jane? Dba girlfriend ko si Jane?
"Pero wala ka na roon! Jensen is my life! Naging mas masay ako simula ng makilala ko siya!"
Bigla akong lumiko sa isang likuan at nakumpirma ko nga na magkausap sina Jane at Bunganga. Teka, magkakilala pala sila? Close pala sila?
"Nasaan si Jensen?! Gusto ko siyang makita ngayon — " Ayokong manatiling nakatayo since alam kong nakita na ako ni Jane kaya pinutol ko nalang si Bunganga tsaka lumambing sa girlfriend ko.
"Hey babe..." Wika ko at nilapitan si Jane. Sinadya ko talagang halikan siya sa pisngi dahil narin siguro gusto kong paselosin si Bunganga at sabihin sa mukha niya na sa kanya na si Dean. Pakialam ko sa kanya, may magandang girlfriend naman ako! "Mauna ako ha."
Tiningnan ko si Bunganga. Actually nakanganga siya ngayon, gulat na gulat siya sa ginawa ko. Bakit? Di ba niya alam na kami ni Jane? Ay oo nga pala, engot nga pala siya at walang kaalam-alam sa mundo, what to expect nga diba?
Bakit sa dinami-dami pa kasing pwede niyang maging boyfriend e yung pinsan ko pa? Tsaka nagtataka rin ako kung ano'ng nakita ni Dean kay Bunganga at pinatulan niya ito. Argh! Bakit ba palagi siyang tumatakbo sa isipan ko?! Makaalis na nga.
Nagsalita si Jane. "Aww, I love you Jensen, ingat."
Tinalikuran ko si Bunganga kahit gulong-gulo pa ako sa mga nangayari at lumakad papalayo.
Tumambay muna ako sa isang restaurant sa harap ng Porcupine Academy. Yung totoo, pagmamay-ari 'to ng kaibigan kong si Ray kaso hindi ako pumunta dito para sa kanya, pumunta ako rito para makapag-isip-isip.
"O, Rice, nandito ka lang pala? Hindi ka man lang nagpapasabi. Mabuti nalang at napansin kong dumadami ang mga babae sa restaurant at lahat nagtitilian." Sabi niya bang hinihigit ang upuan para makaupo siya sa tapat ko.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo Ray?"
"Tss.. Edi yung hudyat na merong Prince Rice dito sa restaurant namin." Tumingin ako sa paligid. Oo nga, halos lahat ng mga tao rito sa loob ay mga babae at ang masaklap pa, lahat sila nakatingin sa'kin. "Hay salamat, ikaw ang nagpapalago ng negosyo namin." Biro ni Ray.
"G*go." Sabay pag-iling ng ulo ko. Nandito nga ako para kumain ng lunch at makapag-isip-isip, kung anu-ano 'tong pinangsasasabi ni Ray.
"Hi Prince Raymond! Pwedeng papicture, isa lang, please." Sabay sulpot ng isang babaeng mukhang nag-overnight sa salon dahil sa rainbow color na buhok nito.
"Um, sure — " Hindi pa nakakatapos ng pag-oo si Ray ay biglang tumunog ang camera ng babae na nagselfie kasama siya.
"Um, Prince Rice, pwedeng — "
"No. Alis." Wika ko. Nakakairita kasi.
"Prince Rice kahit isang — "
"SINABING KONG AYOKO KO EH! BAKIT BA ANG KULIT-KULIT MONG PALAKA KA?!" Sinigawan ko siya na nagpaatras naman sa kanya. Tss. Hindi kasi nakakaintindi ng simpleng no eh, kaya ayan, pinahaba ko.
Mukhang nasaktan ata yung babae no'ng sinigawan ko siya kaya napaiyak siya kaagad. Ang OA niya naman.
"Hanggang ngayon ba talaga, Rice? Hay, customer namin 'yan e." Agad namang tumingin si Ray sa babae at nagpaumanhin.
~No. I do like her cooking. I just don't like eggplants~
(You must say sorry, you know.)
~Why should I? Is skipping breakfast now a sin?~
(No. Not that, say sorry because you hurt her.)
Nang walang anu-ano'y nagflasback agad sa'kin yung mga text messages ni Celestine. Naalala ko tuloy yung away namin ni mama dahil Christmas na Christmas, eggplant yung hinanda niya. Aish! Ayaw ko no'n e.
Pero no'ng nag-usap kami ni Celestine, her words caught me.
Tinignan ko yung babaeng umiiyak. "Look, I'm sorry, kaay?" Kusang lumabas nalang sa bibig ko ang mga salitang yaon. Pero kahit nagsorry na ako, patuloy parin sa pag-iiyak yung babae. "Edi fine, bahala ka na diyan." Tss, kairita.
Mabuti nalang at may lumapit sa babae. Kaibigan niya siguro at pinakalma siya nito tapos inarapan pa ako bago lumabas. Hay, hindi ko naiintindihan, ako na nga nagsorry. Edi, binabawi ko na. Wala naman palang kwenta yung payo ni Celestine.
Speaking of Celestine, o matatawag din nating Lola. Sino ba kaya yung babaeng yun? Siya ang pinaka-unang babaeng loka-loka ang nanloko sa'kin. Sa tanang buhay ko, siya lang ang hinintay ko hanggang 9 ng gabi sa KingCrown park. Pero alam kong iba si Celestine sa mga babaeng kilala ko kaya gustong-gusto ko talagang malaman kung sino siya. Magkakatuusan din tayo, Celestine. Makikilala din kita.
"Dude, bakit ba ang layo-layo ng tingin mo, e school lang naman natin yung tinitignan mo mula kanina ah." Pagsasalita ni Ray. Glass kasi yung walls ng restaurant kaya kitang-kita rito ang magandang view ng school. Hindi ko sinagot si Ray kaya muli siyang nagsimula. "Ano ba'ng problema mo? May nakaaway ka ba? Hali ka, puntahan natin! Tatawagan ko sina Fred at Carlos."
"Wala family problems." Wika ko habang hindi inaalis yung tingin ko sa fuchsiang building na kaharap ko ngayon.
"Tss.. wala akong maitutulung diyan, yun lang ba yung problema mo? Baka kasi may gumugulo sa'yo tsaka teka, ano ba yan? Pasa ba yan?" Pagturo niya sa faint na pasa na nasa pisngi ko. Faint lang naman siya. Nakuha ko yata to kagabi no'ng nahulog ako sa window ng Stockroom. E lokong Bunganga kasi e, inalis yung Portable Stairs, sinira pa niya.
"Hindi pre, wala 'to. Naguguluhan lang kasi ako."
"O, ano bang problema?"
Tiningnan ko siya. Hindi ako sure kung sasabihin ko ba sa kanya kasi baka tawanan niya lang ako. "Babae."
"Pfftt!" O kitam, tinawanan nga ako.
"O, ano'ng nakakatawa diyan?!"
"W-wala pare, nakakahahaha, grabe, ang almighty "Prince" Rice nagkakaproblema sa babae? Pfft!"
Tiningnan ko lang siya ng masama, inemphasize niya pa kasi yung salitang Prince. "G*go, magtino ka naman. Tss, palibhasa ikaw, klarong-klaro at sigurado ka sa feelings mo para kay Alisun. Sa'kin iba e."
"Ayan, ang engot mo kasi, sa wakas, natablan ka rin ng pana ni kupido."
"Hindi pre. Hindi 'yun. Hindi ko siya mahal, sigurado ako, hindi ko talaga siya mahal, matagal na akong walang puso." Napakamot sa ulo si Ray sa mga sinabi ko.
"Naku pre, kung sino man yan, malakas tama no'n sa'yo. Teka, kung sigurado ka naman pala na hindi mo siya mahal, e ano'ng nararamdaman mo sa kanyangayon?"
Natahimik ako bigla, bakit ganoon? Bakit hindi ko alam? "Yun nga e, hindi ko alam."
"Hay! Ang gulo mo pre! Sigurado ka bang hindi mo siya mahal? Baka hindi mo lang alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal dahil hindi ka naman nakaexperience ng ganoon."
Natahimik na naman ako. This time sumikip yung dibdib ko. May naalala tuloy ako.
"Naku pre, sorry, hindi ko sinasad — "
"Okay lang, matagal na yun. Mga taon na'ng lumipas."
"Hay, ikaw kasi dude, ang gulo mo, hindi naman gano'n kahirap na malaman kung inlove ka sa isang tao e."
"E ikaw? Paano mo ba nalaman na inlove ka na talaga kay Alisun?"
"Magtatanong ka na nga lang, ang pinamahiap pang iexplain. Hay ang g*go mo rin minsan no?"
"Tss, ang hirap mong kausap. Minsan na nga lang akong hindi magsungit, hindi mo pa ako kinakausap ng maayos."
"Oo na, oo na. Basta, nalaman ko lang no'ng nararamdaman ko na parang gusto ko siyang palaging masaya, gusto ko siyang nakikita. Palagi ko siyang hinahanap tsaka hindi siya mawala sa isip ko. Palagi ko siyang naaalala at gusto ko siyang kausapin. Ang sarap niya ring asarin minsan kasi nakukuha ko roon ang atensyon niya tapos naiinis ako kapag may kasama siyang ibang lalaki. Gusto ko ako lang kasama niya tsaka naiingit ako kung kinakausap niya ang ibang lalaki tsaka nagseselos ako. Gusto palaging naririnig ang boses niya. Palagi siyang nagflaflashback sa isip ko tsaka — "
"Oo na, tinanong lang kita, huwag kang magspeech sa harapan ko." Putol ko sa kanya, e ang haba e.
"Tsaka yung tipong nagiging comfortable ka sa kanya at napapahaya mo na ang mga saloobin mo sa kanya. Yung tipong ayaw mo siyang masaktan kaya gumagawa ka ng mga bagay para hindi siya maging kawawa. Katulad nalang ng pagpayong sa kanya kung tirik na tirik ang araw o kaya naman umuulan Yung hindi mo siya matiis at palihim kang tumatawa sa mga kalokohan niya paminsan minsan tsaka sa gabi, siya palagi yung laman ng isip mo..."
Hinayaan ko nalang sa speech niya si Ray. Grabe naman kasi, sinabing tama na kasi gets ko na pero ayan, tuloy parin ng tuloy. Siya na yung inlove.
Tumingin nalang ako sa bintana. Tapos ko na rin namang kainin yung burger kong binili e.
Sa di kalayuan, may isang naka-unipormeng babaeng lumabas sa Porcupine University. Tahimik lang siyang naglalakad palabas. Alam ko na kung sino'ng babaeng 'yan. Ang engot niya, saan kaya siya pupunta?
"...Tapos, palagi mo siyang tinitigan at masaya ka kapag napapangiti mo — "
"Pre, I need to go."
"Uy teka — " Hindi ko na siya ulit piatapos, lumabas nalang ako kaagad sa restaurant para sundan si Bunganga. -_- Ang gulo ko naman, hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan, pero may masama akong kutob na mapapahamak lang 'tong babaeng 'to.
Tss, bakit nagkecare na ako sa kanya suddenly? Hay, nasaan na kasi ang boyfriend niya na pinsan ko?
Matapang naman na naglalakad si Bunganga pero sunod lang ako nang sunod sa kanya. Ang engot niya rin kasi, hindi naman siya lumilingon.
Mabuti na nga lang at may dala akong jacket na may hoodie. Para narin hindi ako malapitan ng chicks kasi nga diba, exposed ang kapogihan ko. Tsaka para hindi ako masyadong mainitan at makilala since sikat ako diba?
BEEP. BEEP.
Sigaw ng jeep sa kanya, ang t*ngina niya kasi e, yung nilalakaran niya, imbes na sidewalk e mukhang konting tulak mo nalang sa kanya nasa gitna na siya ng daan.
Tsaka idagdag mo pa na mainit ang araw pero natitirikan siya kasi nga medyo sa gitna na siya ng road dumadaan. Tss, hindi niya ba talaga napapansin na may building sa kanan niya na sinisilungan ko habang sinusundan siya? Hay, ang bobo niya.
"Uy, hi miss." Wika ng isang lalaking mukhang kambing na nilahian ng aswang. Aba, mukhang minamanyakan niya si Bunganga ah! Lalapitan ko na sana at akmang susuntukin dahil narin siguro sa sobrang kapal ng mukha niya kaso nagsalita si Bunganga sa isang boses lalaki.
"Ano pare?" Pfft.
"Ay, bakla pala." Mukhang hindi naman pala 'to kailangan ng proteksyon.
Nang makaalis na si Bunganga, linapitan ko yung lalaking mukhang kambing. Agad ko siyang binigyan ng sampung libong piso. "Huwag mo na siyang kakausapin ulit." Pagbabanta ko sa kanya at napanganga nalang siya habang tinatanggap yung sampung libong piso. Wow, ngayon lang siya nakakita no'n? Eh, barya lang yan sa'kin e.
Ipinagpatuloy ko ang pagsunod kay Bunganga. Saan ba talaga pupunta 'tong engot na 'to?
Agad na may lumapit sa kanya, mga tatlong batang kalye at pinalilibutan pa siya nito. "Ate, ate, pahingi pong pera." wika ng isa sabay kulbit-kulbit sa kanya. Obvious palang sa galaw niya na gusto niya na talagang tumakbo at magwala.
"Wala po akong pera." Sabi niya rito pero hindi parin siya tinatantanan. Nakita kong habang kinakausap niya at pilit na pinalalayo yung bata, ang isa naman sa kasamahan nila ay pinipilit buksan yung pulang sling bag niya. Engot talaga si Bunganga kahit minsan, hindi niya parin alam na ninanakawan na siya. Eto namang isang batang to, may kinukuhang isang mas maliit na bag sa sling bag ni Bunganga at hindi man lang niya ito napansin. Wow.
"Ate ang damot niyo, hindi namin kayo tatantanan kung hindi mo kami bibigyan ng pera."
"Opo, gutom na gutom na po kasi kami."
"Wala nga akong pera! Ano'ng gusto niyong ibigay ko? Yung buhok ko?" Wiak niya at binilisan yung paglalakad niya. Ni hindi niya nganapansin na may nakuha na sa kanya.
"Ate, you're so madamot talaga. Hmmp." Wika ng isang bata tapos sinenyasan yung mga kaibigan niya para umalis.
Agad ko namang pinuntahan ang tatlong batang magnanakaw. "Ay, akala ko naman wallet 'to." Naring ko habang papalapit ako.
Without a second thought, binigyan sila ng tiglilimang libong piso. "Akin na yung ninakaw niyong bag sa babae."
Una, nagdududa pa sila kung ibibigay ba nila sa'kin yung mas malilit na bag. Grabe, sila, binigyan na nga ng tiglilimang libo, nagdududa parin. Tss, ayokong sinasayang yung oras ko kaya binigyan ko sila ng another sampung libong piso at sa huli, ibinigay din nila yun at umalis.
P*tris! Pagbukas ko ng bag, ito pa talaga yung laman. Kahit hindi ako babae, alam ko kung ano 'to. Grabe 'tong babaeng 'to, dinadala niya talaga 'to kahit saan? Hay naman, kaya namna pala nagtataka pa yung mga bata kung ibibigay nila sa'kin yung bag kasi mga napkin pala laman nito.
Tumigil si Bunganga sa KingCrown park para magpahinga. Naalala ko tuloy yung gabing hinintay ko si Celestine pero siya yung nadatnan ko roon.
Mga ilang oras lang ang lumipas at naglakad na naman siya papunta sa kung saan man siya pupunta. Grabe, nakakawala ng sense of drection ang babaeng 'to. Gabi na oh! Tss, tawagan ko nalang yung nobyo niya.
{"Hello, Rice? O, you called?}
"Nasaan ka?!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.
{"Chill, kakatapos lang ng shooting, papauwi na ako sa shortcut."}
"Huwag! huwag kang dumaan sa shortcut, sa long cut ka dadaan, importante to, sige, bye!"
{"What? I dont get — "} Inend call ko na siya. Mabuti nalang at sinagot niya yung tawag ko tsaka alam niya na na sigurado ako no'ng sinabi kong sa long cut siya dumaan.
Tinawagan ko lang naman siya kasi gusto kong siya na ang umuwi sa dugyot na babae na naglalakad to nowhere.
Mga ilang minuto pa at dumaan na si Dean. Argh! Nakakainggit! Nakakinggit ng sobra! Ang ganda-ganda ng sasakyan niya! Argh! Sige, okay lang, nakapagdesisyon narin kasi si dad na ibigay ulit sa'kin yung sasakyan kong magara. Ewan ko ba kung ano'ng nakain no'n pero pwede ko na raw kunin bukas ng gabi.
"Lorraine." Wika ng pinsan ko sa girlfriend niya habang lumalabas sa pinto ng sasakya niya. "Why are you out in this time?"
"Ah k-kasi..." Nauutal pang sabi ni Bunganga. "Kasi naligaw ako." Kung hindi ba obvious.
"Jump in, mabuti nalang I found you, this street is dangerous y'know." Tss. Kung hindi naman dahil sa'kin, hindi naman makikita ni Dean dito si Lorraine.
"Um.." At nagpapakipot pa talaga 'tong si Bunganga ha. Kahit kailan talaga.
"Tara, hatid kita pauwi."
At ayun nga, pumasok na si Bunganga sa sasakyan ng pinsan ko. Mabuti naman at ligtas na siya kasama ang pinsan ko.
-----END-OF-FLASHBACK-----
Paliko sa isang wing ng mall ng may nakita akong isang pamilyar na babae. May kasama siya, isang pamilyar na lalaki — isang pamilyar na unggoy pala.
Bakit ganoon? Sila na naman magkakasama? Is she cheating on my cousin? Katulad ko rin ba siya na manloloko? Bakit kasama na naman niya ang unggoy na yan? Akala ko ba sila na ng pinsan ko pero bakit naglalakwatsa 'to kasama ang isang unggoy na hindi ko matandaan ang pangalan? Ano ba kasi talaga ang nangyayari? Ang gulo!
Medyo malayo-layo ako sa kanila kaya hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nina Bunganga at Unggoy pero sa di kalayuan, hindi ako nagkakamali. Niyakap siya ni Bunganga. Oo, si Bunganga ang unang yumakap na tila'y sobrang saya nito.
Bakit ganoon? Bakit ako naiinis? Normal ba?
~♡~♡~♡~
Lorraine Lavilles POV
Nakakainis naman. Ang dami-daming chosmoso sa mundo pero bakit hindi isa roon si Ark? Bakit wala siyang alam sa chismis na kami na ni Dean?
At bakit ako sumama rito sa SM kasama siya? Waaah! Ang gulo-gulo ko naman.
"Grabe nabusog ako sa kinain natin no'ng lunch! Ang sarap kumain sa Jollibee." Eh mas love ko McDo eh! Kung sabagay, linibre niya naman ako sa Jollibee kaya oks lang din. "Um, nag-enjoy ka ba sa movie?"
"Oo naman!" Wika ko, nag-enjoy naman talaga ako e, ako kasi ang pumili ng movie. Pinili ko ang Hunger Games: Mockingjay part 1. E ayaw kasi ni Ark ang mga ganyang movie kasi ayaw niya raw ng mga series.
"Tss, bitin eh, sayang lang pera natin."
"Malamang bitin, part one nga e, saan ka ba nakakita ng series na hindi bitin yung ending! Pshh!" Wika ko.
"Tss, kahit na, ang mahal kaya."
"Saan ka ba nakakita ng movie na hindi mahal? Hay, maganda yung movie, tapos."
Tapos nagsalita siya ng mabilis. "Oo na, oo na, maganda na oo na, maganda na, basta mapasaya lang kita, maganda na."
"Kaay, uwi na tayo, salamat sa friendly date, may dalawa pa tayong exam bukas diba, tayo na." Wika ko sabah higit sa kanya.
"Uy, t-teka lang, last nalang! May bibilhin lang ako."
Hay, kanina pa niya sinasabi ang last nalang last nalang. Tss, ewan ko ba rito. Tumigil kami sa isang shop na may nakadisplay ng mga Ps3, PsP, ah , ewan, mga computer games. "O, ano'ng ginagawa natin dito?"
"Ah, kasi, diba noong nakaraan, akala ko hindi available sa SM yung bibilhin ko kaya pumunta nalang ako sa La Esperanza para roon bumili, kaso yung totoo, hindi ko naman talaga binili yun e kasi ang mahal mahal, imported galing sa Italy. Pero kahapon, sabi ni Rafael, mali raw yung store na pinasok ko at meron daw dito ng Playstation — "
"Gamer ka?" Napalunok ako. Ang mokong na ito na magaling magtaikwando, gamer pala?! Hala, ngayon ko lang nalaman?
"Um, oo, tungkol do'n, yun din pala ang dahilan ng pagtawag ni Rafael kahapon sa'kin noong lunch kaya umalis ako kaagad. Sabi niya kasi natalo na raw kami ni QueenBee sa mga highscores! Eh hindi naman yun pepwede kasi pinaghirapan ko yung abutin kaya pumunta ako kaagad sa bahay niya at doon nalang naglaro. Nasira kasi yung ginagamit kong panglaro kaya hindi ako nakakapaglaro kaya kailangan bumili na ako nito ngayon na. Ayokong mataloako ni QueenBee."
QueenBee? Kilala ko kung sino yun ah! "S-sino ba'ng ginagamit mong pangalan?"
"Ako si AlphaGamer. Well, anyway, yun nga yung problema, sana maintindihan mo kung bakit importante talaga sa'kin ang ganitong bagay."
-----FLASHBACK-----
(I'm fine, ikaw, kamusta ka? Bakit ka nga pala absent noong Wednesday at Thursday tapos late kanina? Is something wrong?)
~Ah, wala, may new revelation lang sa private life ko. Sorry ha, hindi ko pa muna masasabi sa'yo.~
(Okay lang 'yun, no problem. So ano ba'ng ginagawa mo diyan?)
~Eto, binibeat yung highscore ni AlphaGamer.~
(AlphaGamer? Sino siya?)
~Hindi ko rin alam e'. Basta ang alam ko lang, ako yung may ari ng lahat ng high score sa mga cool games at isang araw may isang player na nakabeat sa mga high scores ko, AlphaGamer yung username niya.~
(Galingan mo ha. Go QueenBee!)
-----END-OF-FLASHBACK-----
Guys... Are you thinking what I'm thinking? ARE YOU THINKING WHAT I'M THINKING?! Si Ark at si Jane?!
Kung pwede nga lang, hindi na maguhit yung ngiti ko sa sobrang lapad nito. "OMG! Ark! Thank you!! Yes!" Agad akong tumalon at niyakap siya.
Wala naman sigurong masama kung maging ala-kupido ako kahit ngayon lang diba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro